Chapter 4
Chapter 4: Puting Rosas"
"Hi Kuya Joshiiie!" sa sobrang pagtataka ko at labis na paghinala kay Joshua, hindi ko namalayan na nakalapit na pala si Mandy kay Joshua. Tiningnan siya ni Joshua mula ulo hanggang paa tapos ngumiti sa bata.
"Hi Mandy?" nagtatanong niyang sabi. Tumayo si Joshua sa kinauupuan niya at lumuhod para magkalevel sila ni Mandy. Niyakap siya ng bata, kita kong nagulat si Joshua nun pero niyakap niya pabalik si Mandy.
"Kuya, I missed you! Maglalaro pa rin tayo di ba?"
"Syempre naman, bakit hindi?" nakangiting sabi ni Joshua
"Akala ko po kasi hindi na eh. Sabi po ni Ate Meredith, magboyfriend-girlfriend na daw po kayo ni Ate Hera. Totoo po ba?" Kuminang kinang ang mata ni Mandy, ginulo lang naman ni Joshua ang buhok niya at ngumiti. "Yeah, finally. Sinagot na ako ng Ate Hera mo."
Yumakap lang naman sa akin si Mandy tapos pinakain namin siya, nawawala ata yung yaya niya eh. Kahit kelan talaga ang likot-likot ng batang to. Hanggang sa nakita na rin siya ng yaya niya at nagpaalam na..
"Kuya Joshua! Wag na wag na wag mo ibebreak si Ate Hera ha? Gusto ko kayong dalawa lang." kumaway ulit si Mandy bago siya tuluyang umalis.
"Ang cute ng batang yun. Sana ganan din ang anak natin."
"Anak ka diyan.."
"Anak agad?! Pbb teens?!" sabi ni Mers. Binatukan lang naman siya ni Joshua. "Wag ka ngang makisali. Dun ka na sa Nelson mo.."
"Hera oh. Inaaway ako ng boyfriend mo. Pagtanggol mo naman ako, anong klase kang bestfriend? HA?" umarte pa siyang umiiyak. Hay nako kung hindi ko to bestfriend, iisipin kong nakatakas siya sa mental.
**
"San ba tayo pupunta, Joshua? Maggagabi na oh."
"Wag ka na ngang kabahan diyan. Pinagpaalam na kita kay Tita Eritte. Sabi ko may pupuntahan lang tayo tapos ihahatid na lang kita sa inyo pagkatapos."
"E san ba kasi tayo pupunta?"
Eto na naman kasi si Joshua eh. Kung saan saan na naman ako dinadala. Hay kung hindi ko lang talaga mahal ang isang to. Nakuu- *toottoot* Natigil ako sa pag-iisip ng tumunog ang celphone ko. Tiningnan ko naman ito tapos binasa.
"Sino yan?" tanong sakin ni Joshua. Nilagay ko naman ulit yung celphone ko sa bulsa ng uniform ko. Si Mr. Unknown lang pala. Miss ko na agad yung lokong yon. Hahaha. Parang isang buwan hindi nagkita eh, noh?
"Ah wala. Kaibigan ko."
"Ahh."
"Ohh nandito na tayo.."
Napatingin ako kung nasaan kami. Waa. Ang dilim naman pero may light naman eh, kaso hindi ganoong kalinaw. May damuhan doon tapos nakita kong parang may picnic basket doon at may nakalatag na blanket.
"T-teka, plinano mo to noh? Kelan pa?"
"Kanina lang. He-he-he. Wala lang gusto lang kitang mapasaya."
"E-eee. Joshua naman eh! Wag mo nga akong sinasanay sa ganito baka mamaya hanap-hanapin ko na to. Sige ka."
"E di masanay ka. Wala naman akong balak itigil to eh."
Waaah. Teka parang alam ko tong line na to ah. Sarah and John Lloyd? Hahahaha. Humiga na kami doon sa blanket at tumingin sa mga stars. Hay. Panibago na naman. Panibagong 'x' mark sa mga natutupad niyang mga wish ko. Dapat ba talaga akong maging masaya? Bakit pakiramdam ko parang may maling nangyayari? S-sana mali ako ng hinala. Sana mali.
"Nagustuhan mo ba?" sabi niya tapos inabutan niya ako ng sandwich. "Sobra."
"Pwede ba akong magtanong, Joshua?"
"Ano yun?" sabi niya sabay kagat sa sandwich na hawak niya.
"Bakit mo ginagawa to?"
"Ang alin?"
"Bakit mo tinutupad ang mga wish ko?"
Tumingin siya sakin at hinawakan ang kaliwang pisngi ko, "Dahil mahal kita, Hera. At gusto ko lagi kang masaya. At ang pinakaimportante, masaya ka dahil ako ang dahilan."
Niyakap ko siya ng mahigpit at ilang segundo lang din, naramdaman kong niyakap niya ako pabalik. "Can you promise me something?"
Tumingin ulit siya sakin at nagtanong, "Anything."
"Promise me you’ll stay. Promise me that no matter how hard it will get, you won’t give up on me, on us. Most of all, promise me that you won’t leave, even when you have all the reason to. Kahit yun lang, Joshua. Promise?"
"I-I promise. O a-ayan malapit na magf-fireworks."
"Talaga may fireworks?"
Tapos sabay naming pinanood ang fireworks. Ang saya-saya! Kahit simple lang yung ginawa niya, hinding-hindi ko to malilimutan! Abot tenga ang ngiti ko oh..
*
"Nag-enjoy ka ba ngayon?"
"Syempre naman. Tinatanong pa ba yan." ngumiti siya muli sa akin tapos hinalikan ako sa noo. "Nag-enjoy din ako, Hera. Sobra. Sige na pasok ka na. Gabi na rin eh. Good night. I love you."
"I love you too. Bye." nagwave ako sa kanya hanggang sa pumasok na ko sa loob ng bahay. Pagkapasok ko nakita kong natutulog na sa sofa si Mama habang nakabukas pa yung TV kaya pinatay ko muna yun bago ko pa siya ginising. Tinanong lang naman niya ko kung anong ginawa namin doon, sabi ko naman bukas na lang ako magkukwento kasi inaantok na rin naman ako. Pag-akyat ko sa hagdan nakita ko si Kuya Erian sa may tapat ng pintuan ko. Hay eto na naman po tayo. Alam kong papagalitan na naman ako nito. Buti pa si Mama, hindi ako sinesermonan. Pero pagdating kay Kuya?
"Akala ko ba hanggang 8 lang kayo? Magaalas-10 na ah?" bubuksan ko na sana yung pintuan ng harangan niya ito.
"Kuya, pwede ba? Bukas mo na lang ako pagalitan. Inaantok na ko eh."
"Ikaw, Hera ha. Napapadalas na yan. Hindi dahil boyfriend mo yun, kung saan-saan ka na sasama dun sa lalaking yun."
"Yeah, Dad." sabi mo bago ako pumasok ng kwarto.
Naglinis muna ako ng katawan, tapos nag-tootbrush. Nagbihis na ako ng PJ's ko tapos nahiga sa kama. Napatingin ako sa katabing table ng kama ko. Nakita ko ang mga tuyong rosas na binigay sakin ni Joshua noon. Marami na ito dahil nung simula siyang manligaw sakin, hindi siya nakakalimot na bigyan ako ng isang rosas kada-isang araw. At sa bawat isang rose na binibigay niya sakin, may personal message na nakalagay. Ang sweet niya noh? Hehehe. Pero bakit kaya siya tumigil ng pagbibigay sakin? *sighs*
Humiga ulit ako at napatingin dun sa nakahanger kong hoodie sa may tabi ng TV. "Nakakagulat naman, parang tao lang eh."
T-teka, hoodie?
"GOSH!"
Dali-dali akong napatingin sa orasan '11:02'. Nakalimutan ko, makikipagkita nga pala ako ngayon kay Mr. Unknown. Err. Bakit ba nawala sa isipan ko yun? Tss. Sinuot ko yung hoodie na nakahanger tapos dali-daling lumabas ng bahay. Hindi din naman ako nakita ni Mama at ni Kuya na lumabas kaya ayun, mabilis lang din akong nakapunta doon. Hinahabol ko pa ang hininga ko, ng makita ko siyang nakaupo sa may swing.
"Ilang minuto na kong late?" tanong ko sa kanya tapos umupo sa katabing swing.
"4 minutes and 27 seconds."
"Ganun? Sorry ah. Nalimutan ko kasi eh."
"Ok lang. Sanay na naman ako eh."
"Hay, wag ka na ngang magtampururot diyan. Alam mo namang labs kita eh." sabay kurot ko ng pisngi niya. Ang cute-cute talaga niyang magtampo.
"Wag ka ngang ganyan, Hera. Baka may- assahdjkfsgjal"
"Ha? Ano yun? Wag ka ngang bumulong."
"Wala, maganda ka kako."
"Maganda? Alam ko na yun. Ano ka ba, hindi mo na kelangan sabihin. Hihihihi." sabay flip ko pa ng hair ko. Hahaha. Wala lang trip ko lang. Hay ano bang nakain ko at ganito ako ngayon sa kanya. Sana lang hindi siya maweirduhan sakin.
Nakita ko na lang siyang napabuntong hininga. "Oh, wala ka bang ikukwento sakin?"
Nung sinabi niya yun, automatic na nagkwento na nga ako sakanya. Sinabi ko yung mga nangyari kaninang umaga na binigyan ako ni Joshua ng isang libong white flowers. De joke lang, oa much. Madami-dami lang naman pero hindi isang libo. Basta yun, nung nasorpresa ako sa kanya. Tapos kinuwento ko din yung nangyari kanina nung nanood kami ng fireworks at nagpicnic sa gabi. Hahaha. Ang saya-saya kaya nun.
"Buti naman masaya ka.."
"Syempre naman noh. Wala namang dahilan para maging malungkot ka eh at kung meron man.. E di humanap ka ng paraan para maging masaya ka pa rin. Ganun kasimple. Hindi naman hahayaan ng Diyos na palagi na lang malungkot ang isang tao."
"Siguro nga. Pero hindi din naman yun maiiwasan eh. Minsan, mas pipiliin mong maging masaya na lang para sa isang tao kahit na ang kapalit nun ay ang sarili mong kaligayahan."
Eto na naman siya sa mga lines niya. "Ikaw? Hindi ka pa nagkukwento. Magkwento ka naman. Yung mga nangyari sa'yo buong araw." pag-iiba ko
"Wala namang bagong nangyari. Ganun parin. Umaasa pa rin ako."
"Umaasa? Saan?"
"Umaasa ako na makita na ako ng taong mahal ko."
"Bakit naman hindi ka niya makikita? Hay nako. Siguro nagpapakipot lang yung girl. Mahal ka nun. Sa bait mo bang yan at sigurado ako na gwapo ka! Sinong hindi magkakagusto sa'yo?"
Ginulo niya ang buhok ko sabay sabing "Ikaw talaga. Alam ko namang pinapagaan mo lang ang loob ko."
"Hoy! Hindi noh! Nagsasabi ako ng totoo."
"Ok sige, nagsasabi ka na ng totoo." tumingin siya sa relo niya tapos tumayo, "Pano ba yan, magaalas-dose na. May pasok ka pa bukas. Tara na?"
Oo nga noh. Ang tagal din pala naming magkausap. Hindi ko man lang namalayan ang oras. Ang sarap kasi niyang kausap eh. Nakakagaan ng loob.
"Sige ok lang. Mauna ka na."
"Sure ka?" tumango ako sa kanya tapos nagwave.
Ilang minuto din akong nakaupo dun sa swing, bago pa ako tumayo. Pero napatigil ako ng makakita ako ng isang bagay.
I-isang bulaklak. Isang puting rosas.
Kinuha ko ito at ang mas lalong nagpagulat sa akin ay nang makita kong may message na nakasabit sa may stem nito.
"Umaasa pa rin ako, Hera. Babalikan mo ako di ba?"
Yan ang mga katagang nakasulat sa papel ng stem nito. At naalala ko din ang mga katagang sinabi niya sa akin kanina, "Umaasa ako na makita na ako ng taong mahal ko." Magkaiba man, pero alam kong nagtutugma.
Hindi ko inaasahan na may papatak na luha sa mga mata ko. Pero bakit? S-si Mr. Unknown lang naman ang kasama ko dito kanina di ba? Posibleng nahulog to sa kanya nung pagtayo niya kanina. P-pero bakit may ganito siya? Nalilito na ko.
Sino ba talaga siya?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top