Chapter 2

Chapter 2- Granting your wish~

"Ako? Paano mo naman nasabing ganun ako?"

Hindi siya tumingin sakin. Nakatingin lang siya sa langit na parang may malalim na iniisip.

"Hindi mo maiintindihan, Hera."

"Edi ipaintindi mo sakin.."

Hindi siya sumagot sa tanong ko. Tumayo siya at pumunta sa likod ko at sinimulang itulak ang inuupuan kong swing. Ano kayang problema niya?

"Alam mo namiss kita.."

"Hmm?"

"Hindi ka na kasi pumupunta dito eh.."

Matagal na nga pala akong hindi nakakapunta dito. Tumigil na ko ng pagpunta dito nung simulang manligaw sakin si Joshua. 3rd year ako nun. Siguro ang huling beses naming pagkikita nun ay nung araw na sinagot ko si Joshua. Nagkwento lang ako ng nagkwento sa kanya tungkol saming dalawa ni Joshua. Kung paano ko siya sinagot, kung gaano ako kasaya. Tapos yun, simula nun hindi ko na ulit siya nakikitang pumupunta dito.

"Ikaw nga ang hindi pumupunta eh. Inaantay kaya kitang dumating lagi"

"Ganun ba? Sorry."

"Ok lang."

Tumahimik lang kami sandali tapos nagsalita ako, "Matagal na tayong magkakilala pero hindi ko parin alam ang pangalan mo.."

"Kilala mo na naman ako eh, kaya siguro di mo na kailangan malaman ang pangalan ko."

"Hindi pwede noh! Anong itatawag ko sa'yo pag nakita kita sa daan?"

"Hindi mangyayari yun."

"Ha? Bakit naman?"

"Hindi ako pwedeng lumabas samin." Hininto niya ang pag-swing sakin tapos umupo ulit sa swing niya.

"Bakit?"

"Hindi mo na kelangang malaman, Hera"

Napakamisteryoso niya talaga. Ni wala akong alam sakanya e. Ni pangalan, kung san siyanakatira, kung may kapatid ba siya o ano.

"Sige na nga hindi na kita kukulitin. Alam ko namang hindi mo talaga sasabihin sakin."

Tumungo ako at nakita ko ang bag ko sa may damuhan, "Ay oo nga pala, may dala ako sa'yo"

Kinuha ko yung bag ko at nilabas ang isang baunan tapos inabot ko sakanya. Tiningnan niya muna ako tapos tumingin ulit sa baunang binigay ko sakanya. Narinig kong bumulong siya ng, "Hindi mo pa talaga nalilimutan ang paborito ko.."

Nagtataka akong tumingin sakanya pero hindi ko na lang pinansin yung sinabi niya sakin, "Ah ano- nagluto kasi ako ng caldereta. Ibibigay ko bukas kay Joshua. Paborito niya yan eh, sabihin mo kung masarap ah!"

"Ah para sa kanya pala.." tumungo siya at kinuha yung spoon and fork

Nakatingin lang ako sa kanya habang tinitikman niya yung luto ko. Sana naman masarap na to this time.

"Kahit hindi masarap, kakainin ko parin para sa'yo"

Nagulat ako sa sagot niya. Nagulat ako dahil ganyang-ganyan ang sinasabi sakin ni Joshua everytime na ipinagluluto ko siya ng kaldereta.

"Bakit?" tanong niya nung makita niya kong magulat

"A-ah. Wala. May naalala lang ako.."

Nakita ko siyang ngumisi at hindi ko alam kung para saan yun. Bakit ba ang misteryoso mong lalaki ka? Hmmm..

*

Kinabukasan

K. Late na naman ako sa klase. As always. Ang bagal ko kasing kumilos eh.

"Bye Ma" nagkiss ako kay Mama pero si kuya dire-diretso na naman siya papunta sa may gate. Di man lang nagpaalam kay Mama

"I-kiss mo na lang ako kay kuya, Hera ah?" sabi ni Mama ng nakangiti tapos inistart niya ulit yung sasakyan.

"Yuck, Mommy naman eh!"

"Biro lang, alis na ko ha? Be good ah?"

"Yeah, mom. Alright." Nagwave muna ako ulit sa kanya tapos pumasok na sa campus. Di ko na naabutan si Kuya kasi ang bilis lumakad nun eh. Nga pala, 2nd year college na si Kuya. Marketing yung kinukuha niya.

"Aray!" sa pagmamadali ko, nakabangga ako ng isang babae-i mean slut slash whore in the campus.

"Did you just bumped at me? Oh my gosh. Can you make tingin naman sa way mo?" nakapamewang niyang sabi

"Pwedeng tumabi ka muna? Late na ko sa klase ko oh?"

"Bitch" narinig kong sabi bulong niya nung nilagpasan niya ko. Well same to her!

Tumakbo lang ako ng tumakbo kasi naalala ko may quiz nga pala kami sa Math. Saktong first subject pa naman yun. Nasa tapat na ko ng room ng tumigil ako at naghabol ng hininga. Whoo. Nakakapagod pala tumakbo! Nag-ayos muna ako bago pumasok. At napanganga na lang ako ng makita kong..

Nagbabatuhan at nagtatakbuhan ang mga kaklase ko sa room. Teka? Kaklase ko ba talaga ang mga ito o sa Grade 1 ako napapunta? Para silang mga bata -.-" Yung iba, nasa taas ng teacher's table habang umiikot ng nakapiring, yung iba nagpapalipad sa may bintana ng eroplano, yung iba naman nagchachinese garter, may kumpulan din ng boys sa likod na parang ginagaya yung sa face to face na may magkakaharap na tao tapos may 2 bouncer sa likod. Narinig ko pang sabi ni Marco, "Magboto-Hans na tayo mga sawsawero at sawsawera!"

"Uy Hera, anong tinatayo mo jan?" tanong sakin ni Meredith, saka ko lang itinikop ang bibig ko. Wehehe OA.

"Anong ginagawa nila?"

"Ah wala daw si Mam, ewan ko sa mga yan. Parang ngayon lang nakadanas ng free time sa buong buhay nila.."

"Nasan nga pala si Joshua?"

Itinaas ko yung silyang nakataob sa tabi niya. Ano ba naman tong mga kaklase ko parang mga wild animals.

"Lumabas lang siya kanina eh, may tumawag ata sa phone niya.."

"Ah.." Bigla ko tuloy naalala yung calderetang niluto ko kagabi. Magustuhan niya kaya to? Sana. Pinaghirapan ko to eh. Hehehe

"Ano yan?" Napansin ata ni Meredith yung hawak kong lunch box kaya sabi ko, "Wag kang mag-alala meron ka dito. Makalimutan ba naman kita?"

"Yan ang gusto ko sa'yo.. Hahaha." Lumabas muna kami ni Meredith kasi parang walang balak ang mga kaklase ko na tumigil sa kalukohan nila. Natamaan na nga ako nung basang basahan na pinaglalaruan nila. Kadiri kaya! Buti na lang may extra akong damit sa locker.

Iniintay kong matapos si Meredith sa kanyang ritual sa banyo kaya naupo muna ako at mula dito naririnig ko ang isang boses lalaki. Sino yun? Hindi masyadong maintindihan kay lumapit ako ng konti kaya nalaman kong sa boys cr nanggagaling yung boses.

"Ma! Buong buhay ko, kinulong niyo ko. Ngayon niyo pa ba ako pagdadamutan kung kelan masaya na ko?"

"Mahal niya ko, Ma!"

"Hindi niyo ko naiintindihan! Walang nakakaintindi sakin! Ang mahalaga lang naman sa inyo ay si Kuya eh. Mahirap din naman para sakin ngayon yung ginagawa ko eh, kasi oo nakalabas nga ako sa pagkakakulong niyo sakin pero hindi nila ako kilala bilang Josiah kundi bilang-"

"Oy luka anong ginagawa mo diyan?" nagulat ako ng bigla akong kalabitin ni Meredith. Ay hindi ko tuloy nalaman kung sino yung lalaki kanina. Hindi ko na kasi siya marinig sa loob eh.

"Ay OA lang teh? Ano naman yang reaction na yan?"

"Tara na nga.."

Bumalik na kami sa room at nung buksan namin ang pinto. Malakas na ingay ang narinig ko-este malakas na sigaw ng teacher naminl -.-"

"SINO ANG PRESIDENT NIYO?!" Lahat ng kaklase ko napatingin sa likod particularly, sa closet ng mga gamit panglinis.

Lumapit ang si Mr. Racelis at dahan-dahang binuksan ang pinto ng closet. Naririnig ko ang pagtawa ng mga kaklase ko sa paligid kaya alam kong may kalokohan na naman silang ginawa. Narinig ko na lang ang malakas ng pagsigaw ni Mr. Racelis ng, "ALL OF YOU! IN THE GUIDANCE OFFICE NOW!"

*

"What happened to you, Mr. Racelis?" pagdating sa G.O. yan agad ang bungad na tanong ni Ms. Santiago

Paano ba naman, nabuhusan si Mr. Racelis ng maduming tubig kanina. As in, madumi talaga parang may mga 'shit' ng kasama eh. Wehehe. Yan tuloy barkadahan ang klase naming napaguidance.

Papasok na sana ako sa loob ng may humawak sa braso ko, "Babe anong nangyari?"

"Joshua! Kanina pa kita hinahanap ah? San ka nanggaling?"

"Ah wala yun. May kinausap lang ako. Bakit nandito na ata kayo lahat?"

"Yun ba? Alam mo naman ang mga kaklase natin, mga adik. Pinagtripan si Mr. Racelis, binuhusan ng maduming tubig."

Tumingin siya sa loob kung saan nakita niyang inaabutan ni Ms. Santiago si Mr. Racelis ng damit. Basang-basa ang damit na ito, di na nagabalang magpatuyo muna bago pumasok eh.

"Kasama ka ba diyan?"

"Oo, tayo. Halika na, baka mapagalitan pa tayo."

Pumasok kami sa loob at naupo sa may gilid. Kita kong seryosong-seryoso ang usapan sa pagitan nina Marco, Ms. Santiago at Mr. Racelis. Hindi na ko masyadong nakigulo sa kanilang pag-uusap, hindi naman talaga kami kasama dun eh. Narinig ko pa nga na suspended ng 1 araw si Marco at sa halip na magsisi, ngumiti siya saming lahat sabay sabing, "Yes, baby!" Tingnan mo nga yun, yung totoo? Normal pa bang tao yun? Hay, ang malas ko ngayon oh. Magcocommunity work daw kami, never pa ko nagganan ah! Ngayon lang -.-"

Pabalik na kami sa classroom nung mapansin kong palinga-linga si Joshua na parang may hinahanap. Kami pa lang dalawa ang nasa room nung pagpasok namin sa loob. Nagtaka ako ng sinakbit niya sa likod niya ang dala niyang bag at kinuha din yung dala kong bag at yung lunchbox, "T-teka joshua, anong ginagawa mo? San tayo pupunta?"

"Sabi mo sakin dati di ba?"

"Sinabi ko ang alin?"

"Sabi mo gusto mong gumawa ng pinagbabawal. Halika na, pagkakataon na to.."

Saka palang nag-sink in sa utak ko yung sinabi niya nung higitan niya ko palabas ng room. Di ko alam kung saan nagsipuntahan ang kaklase ko dahil walang kahit isang tao sa may corridor eh. Higit-higit niya lang ako hanggang sa makarating kami malapit sa may main gate.

Nagtago muna kami sa may halaman nung maglakad papunta sa direksyon namin yung guard na nagbabantay. Kinabahan pa nga ako nun kasi akala ko mahuhuli niya kami pero success! Nakalabas kami ng walang nakakakita! Hahahahaha. Ang saya pala bumali ng rules. Hahaha. Takbo lang ng takbo XD

"Joshua, san ba tayo pupunta?"

Hawak parin niya ang kamay ko habang tumatakbo kami. Ako lang ba o parang nagsoslow mo ang pagtakbo namin? Hahaha. As in nasa may gitna kami ng kalsada, mabuti na lang hindi masyadong daanan ito ng mga sasakyan. Mukha kaming mga baliw XD

"We'll have fun.."

"Oh my Josh! Umuulan na!"

Pupunta na sana ako sa may waiting shed para sumilong pero lalo lang akong hinigit ni Joshua. Ano bang plano niya? Magpapakabasa kami ngayon?

"I'm just granting your wish.."

"What?!"

Huminto siya sa pagtakbo at tumingin sa mga mata ko. Kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa leeg niya,habang ang mga kamay naman niya ay nasa bewang ko.

"W-what are you doing? Baka may makakita satin.."

"Ganun, kinakahiya mo na ko?"

Nakita ko siyang nagpout. Hehe. Cute!

"No! It's just that-"

"I told you, I'm just granting your wish"

"W-what wishes?"

Tinuro niya ang bag ko sabay sabing, "I saw it."

"What? Ibig sabihin nakita mo din yung- Arg! Nakakahiya!" naitaklob ko na lang ang mga kamay ko sa mukha ko. Kelan pa kaya niya nabasa? Nakakahiya tuloy, kung ano-anong sinulat ko dung kalukahan eh -.-"

"U-uy, wag ka na mahiya. It's just me.."

"E-eeee kasiiiiiii..."

"Mahal na mahal mo talaga ako eh noh? Halos mapuno na yung notebook ko ng pangalan ko-"

"Eeeeeee. Tama na kasi, nahihiya na tuloy ako" >////<

Nilagay na niya ulit yung kamay niya sa bewang ko at isinayaw ako sa ilalim ng ulan. It is only a slow dance, kaya kahit na malamig tiniis ko kasi ito ang wish ko eh. Swerte ko naman kasi may isang tao na tumupad ng mga wish ko >///<

"What are you thinking right now?"

"I'm thinking na napakaswerte ko na may isang Joshua Vergara na nagmamahal sakin. You don't know how happy I am right now"

Nakita kong nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya, nalungkot?

"What's wrong? May nasabi ba kong mali?"

"Ah wala. May naisip lang ako.."

Nakayakap na ako sa kanya ngayon, naglalaglagan na ang mga gamit namin at patuloy parin kami kahit na umuulan. Hindi ko maexplain pero, napakasaya ko sa maliit na bagay na ginawa niya. I will never forget this day. Ever.

"Pwede naman akong umasa di ba? Pwede akong umasa na ako ang pipiliin mo kung sakaling malaman mo ang totoo.." narinig kong sabi niya

Anong sabi niya? Hindi ko nagets >.<

"Umasa? Saan?"

"Mahal mo naman ako di ba?"

"Of course, I do. Ano ka ba Joshua?"

"Wala ka ba talagang ibang maramdaman?"

"Bukod sa masaya ako? Wala na, bakit?"

Napabuntong-hininga siya at umalis sa pagkakayakap ko sa kanya, "Sana hindi na magbago ang nararamdaman mo para sakin, Hera. Sana ako na nga lang talaga."

"Basta, tandaan mo na kahit anong mangyari. Mahal na mahal kita, at tatanggapin ko ang kahit na anong maging desisyon mo, kahit na masaktan ako."

 

 

 

*

 

 

"Sir, ito na po yung damit na pinapahanda niyo.."

"Salamat." 

May binigay si Yaya kay Joshua na damit tapos binigay sa akin, "Babe, magpalit ka na sa taas. Baka magkasakit ka pa patay ako kay Mommy Eritte niyan.."

"Wow maka-mommy ah?"

"Syempre, malakas ako kay MOMMY Eritte eh" Kinuha ko yung damit tapos hinatid niya ko sa kwarto niya. Bango naman dito, tapos ang linis pa. Parang babae ang may alaga eh. Daig pa ko XD

"Babe? Baba ka na lang pag tapos ka na ah? May pagkain dito.." sabi niya sa labas

"Opo"

Bago ako lumabas, naglibot muna ako sa kwarto niya. Ang dami niyang pictures yun nga lang, puro bata pa siya. Hehehe, ang cute nga eh XD

Pagkatapos kong maglibot (ang laki kasi ng kwarto niya e), may napansin akong pintuan sa pinakadulo, lumapit ako doon at pinihit yung doorknob, pero nakalock eh kaya hindi na rin ako nakapasok. Ano kayang meron dito? Bakit nakalock? May lock din sa labas e, bubuksan ko sana yung lock sa labas ng..

"Hera! Anong ginagawa mo diyan?!"

Nagulat ako ng magsalita si Joshua sa likod ko. Nakita ko ang pag-aalala at konting galit sa mukha niya. Pero bakit?

"Bakit? Ano bang meron dito, Joshua? Bakit nakalo-"

"Halika ka na, bawal buksan yan.."

"Pero gusto ko lang na-"

"Sinabi ko na di ba? Hindi mo siya pwedeng makita!"

Nanlaki ang mata ko ng sinabi niya yun. T-teka, SIYA daw? Ibig sabihin, may tao sa loob? Pero sino? Bakit hindi ko siya pwedeng makita?

Bakit ganun na lang ang reaksyon ni Joshua ng makita niyang bubuksan ko na sana yung pinto? May dapat ba akong malaman?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top