Chapter 10

A/N: I dedicate this chapter to Thenilmyka5. Hi ate! Just want to thank you for reading and loving this story. Natuwa lang kasi ako sa message niya sa MB ko. Hahaha. Enjoy reading!

--x

Chapter 10- I love who?

"Tao po! Tao po!"

Nasa labas ako ng bahay nina Joshua ngayon. Dinalhan ko lang siya ng caldereta. Hindi man perfect pero gusto ko pa ring matikman niya ang niluluto ko.

"Hera? What brought you here? Hindi mo ba alam na ang aga aga nambubulabog ka ng kapitbahay?"

"Ah Tita. S-sorry po. Gusto ko lang po sanang makita si Joshua."

"At sa tingin mo dahil gusto mo e makukuha mo? Pwes nagkakamali ka. If you think na papayagan kitang makalapit sa anak ko, hindi. Kaya umalis ka na."

Sasaraduhan na niya sana ang gate ng harangin ko ng kamay ko yun.

"Please, Tita. Gusto ko lang po siyang makasama."

"Umuwi ka na.."

Nagsimula ng tumulo ang luha ko. "Ano ho bang nagawa ko sa inyo, Tita at ganun na lang ang galit niyo sakin? Na kahit sarili niyong anak nilalayo niyo sakin?"

Binuksan niya ulit ang gate. "Tita sorry po kung ano man yun pero hindi naman po pwedeng ilayo niyo na lang ako sa anak niyo. Nagmamahalan po kami, Tita."

"Yang pagmamahal na yan ang dahilan, Hera! Dahil sa pagmamahal na yan kaya hindi gumaling ang anak ko! Dahil sa pagmamahal na yan hindi siya nagpagamot! At dahil sa pagmamahal na yan mamamatay ang anak ko."

Umiiyak si Tita habang sinasabi niya yun. Ako ba talaga ang dahilan kung bakit hindi siya nagpagamot?

"Matagal na siyang may sakit na hindi namin nalalaman tapos malalaman na lang namin pag malala na? Hindi siya nagpagamot dahil sa'yo! Dahil natatakot siyang iwanan ka niya agad!"

"Tita. Tita im sorry."

"Wala ng magagawa ang sorry mo. Wala na dahil may taning na ang anak ko."

Naiyak na ko lalo sa sinabi niya. Lahat na lang ba ng minamahal ko dapat kunin sakin sabay-sabay? Una si Papa tapos ngayon naman si Joshua. Bakit hindi na lang ako?

Dapat ako na lang para hindi ko makita kung paano sila mawala sakin. Mas gugustuhin ko pang ako na lang. Wag lang sila.

In the end, pinalayas parin ako ni Tita. Sino nga ba namang ina ang hindi magagalit kung malalaman mo na ang dahilan pala ng hindi niya pagpapagamot ay dahil natatakot siyang iwanan ang girlfriend niya.

"Hera."

Napatigil ako ng may tumawag sakin. Paglingon ko, nakita ko si Josiah. Alam ko na ang kaibahan nila kaya hindi na ako nalilito. Malalim ang tingin sakin.

"Galing ka raw sa bahay."

Tiningnan niya ang hawak kong baunan. Na dapat ay ibibigay ko kay Joshua.

"Ibibigay ko sana to kay Joshua."

Lumakad siya palapit sa akin tapos kinuha ang baunan sa kamay ko. Nakita ko na lang na tinapon niya yun sa basurahan. Hindi ako nakagalaw nun kasi nagulat talaga ako sa ginawa niya pero nung bumalik siya saka lang nagsink-in sakin ang lahat.

"Bakit mo ba tinapon?! Pinaghirapan ko yun!"

Lalapit na sana ako dun sa trash can ng bigla niyang hinawakan ang braso ko.

"Let go." sabi ko sa kanya pero tiningnan niya lang ako.

"Let go. Ano ba?! Nasasaktan ako!"

Tumawa siya nun tapos tumingin ulit sakin. Hindi pa rin niya binibitawan ang braso ko.

"Hindi ba dapat ako ang magsabi sayo niyan, Hera? Let go! Kalimutan mo na siya! Mas nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita kitang ganyan."

Sumeryoso ang mukha niya tapos binitawan na ko. Nakita kong may namumuo ng luha sa mga mata niya kaya tumalikod siya.

"Let go. Please. Kahit yun lang."

"Yun lang? Lang? Naririnig mo ba ang sarili mo, Josiah? Sa tingin mo ba ganun lang kadali na bitawan ko siya? It's easy for you to say kasi hindi ikaw ang nasa katayuan ko."

"Hindi mo ba alam na yang tinapon mo ngayon na lang ang paraan para pagsilbihan ko siya? Gusto kong gawin yun. Gusto kong gawin lahat ng ginagawa ko sa kanya noon. Na parang dati lang. Pero gaya ng mommy mo, pipigilan mo rin akong gawin yun!"

 

"Alam mo bang palagi ko na lang naiisip na sana.. Sana ako na lang yung may sakit. Sana ako na lang yung mawawala para hindi ko maranasang maiwan."

Parang waterfalls ang luha ko nun. Wala akong pakealam basta ang gusto ko lang ay sabihin sa kanya ang nasa loob ko.

Tumingin na siya sakin nun. Umiiyak siya. Nakita ko na naman siyang umiiyak.

"Bakit ba hindi mo na lang tanggapin, Hera? Hindi kayo ang para sa isa't-isa!"

"Hindi mo kasi ako naiintindihan eh! Hindi mo alam ang pakiramdam ng iwanan ng taong mahal mo." mapiyok ko ng sabi sa kanya.

"Matagal ko na siyang mahal, Josiah. Hindi ko kayang basta bitawan na lang yun dahil sa sinabi mo. Mahal na mahal ko siya."

"Kaya kung ginagawa mo to para mapalapit ako sa'yo at para mahalin kita pero sorry! Hindi ko magagawa yun! Hindi kita kayang mahalin!"

Alam kong masakit ang sinabi ko sa kanya. Kita kong nasaktan siya sa sinabi ko base sa mata niya. Nagulat din naman ako sa sarili ko eh.

Tumawa na naman siya nun pero tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha sa mata niya.

"Tangina naman, Hera! Oo na! Sige na. Hindi nga ako iniwan ng taong mahal ko. Alam mo kung bakit?"

Hindi ako sumagot nun. Nakatingin lang ako sa kanya na parang hinihintay lahat bg sasabihin niya. Alam kong galit siya. Hindi ko naman sinadya eh. Hindi ko alam kung bakit ko yun sinabi.

"Hindi niya ako iniwan dahil kahit kelan, kahit kelan hindi niya ko nakita."

"Dahil may mahal siyang iba. At ang mas masakit? Kapatid ko pa! Mas masakit para sakin yun. Dahil simula pa lang, bata pa lang tayo mahal na kita. At matagal na rin akong natalo kay Kuya."

 

"Hindi mo na kelangang ipamukha sakin na hindi mo ko kayang mahalin. Ang sakit eh. Tagos dito oh." Dinuro pa niya yung parteng puso niya.

"Matagal na din naman kitang mahal ah. Tiniis ko lahat ng sakit kasi alam kong one-sided lang to. Nagpakatanga ako sa'yo dahil mahal na mahal kita. At wala ng mas sasakit pa sa katotohanan na kahit kelan hindi ako makakatanggap ng sagot mula sa'yo."

Napaiyak na lang ako ng makita ko ang nasasaktang mukha niya. Bakit ko kasi sinabi yun eh. Mahal lang naman niya ko eh. At ang sama sama ko para saktan ang isang taong nagmamahal sakin. Pero kahit na anong gawin ko alam kong matagal ko na siyang nasaktan. Kung mababawi lang yun ng simpleng 'sorry' lang pero hindi eh.

"Tinapon ko yun dahil gusto lang naman kitang tulungan eh. Hindi ka makakausad kung patuloy mo paring babalikan at babalikan lahat ng ginawa niyo dati. Alam ko namang hindi madali e pero nag-uumpisa ka pa lang naman di ba?"

"Ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo, Hera. Kung mas gusto mong saktan ang sarili mo e di sige! Pumunta ka sa bahay. Alagaan mo siya, ipagluto mo siya at lahat na. Kung sa tingin mo diyan ka masaya."

"Gusto mong ikaw na lang ang mawala para hindi mo makitang iniiwan ka niya? Ako naman, gusto kong maging si Joshua para sa huling hininga ko alam ko na minahal, mahal at mamahalin mo pa rin ako."

Bigla na lang akong nakaramdam ng kirot sa dibdib. Ganito ba lagi ang nararanasan niya dahil sa pagmamahal sakin? Ang sakit pala.

Tumalikod na siya sa akin at naglakad. Mas lalo kong naramdam ang kirot sa dibdib ko. Mawawala na rin ba siya sakin?

"Papa!"

"Shhhh. Anak. Anong problema? Bakit ka umiiyak?"

Nung makarating ako sa bahay. Niyapos ko agad si Papa. Nakita ko kasi siya sa garden. Siguro nagpapahangin. Kahapon kasi hindi na kami nakapag-usap kasi nagkulong agad ako sa kwarto pagkatapos naming mag-usap ni Joshua.

"Dad, masama ba kong tao?"

"Of course not. Bakit? Ano bang problema?"

"Papa iiwan niyo na kong lahat. Bakit lahat ng mahal ko sa buhay kelangan iwan ako?"

Kinuwento ko kay Papa lahat ng nangyari simula nung pagpapalit nila ni Josiah ng katauhan.

"Nakapaghiwalay na po sakin si Joshua. Natatakot din ako na umalis na rin sa buhay ko si Josiah. Masyado ko po siyang nasaktan. Sobrang sakit, Pa."

"Lahat ng bagay may kapalit. Kung makapaghiwalay man siya sa'yo alam kong may darating na bago diyan sa buhay mo. Malay mo mas higit pa doon ang makuha mo. Ang kelangan mo lang gawin ay ang tanggapin na hindi kayo ang para sa isa't isa at buksan muli yang mata at puso mo para makita ang tunay na nakalaan para sa'yo."

Siguro tama nga si Papa. Hindi dapat ako mabuhay sa mga akala dahil minsan ang akala kong para sakin ay hindi pala sakin.

"Alam kong pareho na silang mahalaga sa'yo anak pero alam kong mas may matimbang sa kanilang dalawa. Sino ba talaga ang dahilan kung bakit ka mas nasasaktan? Nasasaktan ka ba dahil iniwan ka ni Joshua o mas nasasaktan ka kasi baka iwan ka ni Josiah?"

"Nalilito pa rin po ako, Papa."

"Dalawang tao. Dalawang magkaibang tao sila, Hera. Iisa man ang mukha nila, pero magkaiba parin sila ng pagkatao. Pareho mo silang mahal alam ko, pero isa lang ang puso mo anak. Kaya alam ko na may mas matimbang diyan at yun ang dapat mong alamin." sabay turo niya sa parteng puso ko.

Niyakap ko siya at niyakap din naman ako ni Papa. Pinahid ko na ang mga luha sa pisngi ko. Buti na lang nandito si papa. Sana lagi na lang ganito. Hanggat maaari, ayokong maiwan.

Bigla kong naalala ang batang nagpatahan sakin at nagpatawa sakin nung araw na umiiyak ako. Yung unang batang naging kaibigan ko.

 

 

Naalala ko ang isang taong dumamay sakin sa lahat ng naging problema ko sa buhay. Ang lalaking parang naging diary ko na napagsasabihan ko ng mga nangyari sakin bago matapos ang araw.

 

 

Ang lalaking hindi ko man formally na nakilala pero pinakaspecial na tao para sakin. Ang lalaking puro sakit na lang ang binigay ko.

 

 

Nakita ko ang mga magaganda niyang ngiti. Mga ngiting para sakin lang.

Ngumiti ako nun tapos kumiss kay Daddy, "Thank you, Dad!"

Ngumiti lang naman siya sakin na parang alam na niya ang ibig sabihin ng pagngiti ko.

Ang lalaking nagpasaya sakin. Ang lalaking walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako at magpakamartyr.

Tumakbo ako palabas ng gate namin. Kelangan ko siyang makita. Kelangan kong magsorry sa lahat. Sorry dahil ngayon ko lang nakita na mahal ko pala siya. Sana hindi pa huli ang lahat. Sana masabi ko na sa'yo ang mga katagang matagal na niyang gustong marinig mula sakin.

Pero hindi ko alam kung nananadya nga ba ang tadhana o dahil ayaw lang niya na maging masaya ako. Dahil tatawid na sana ako ng biglang..

Beeeeeeeeep

 

 

Napatingin ako sa sasakyang malapit ng bumangga sa akin. Masyadong mabilis.

Josiah. Mahal kita.

"Tulong! Oh My God! I'm sorry, miss! Please tulungan niyo kami dito!"

Nakaramdam ako ng malamig na umaagos sa katawan ko. Dugo.

"Tulungan niyo kami!!"

Nakita kong nagsilapitan ang mga tao sakin bago pa ako mawalan ng malay.

Masabi ko pa kaya sa kanya? Na may sagot na ako sa sinabi niyang, 'Mahal Kita?'

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top