Chapter 1
Chapter 1 - The 12-year-old Hera
"Are you okay, Miss Mendoza?"
Nagulat ako ng i-wave ni Mrs. Consello ang kamay niya sa harapan ng mukha ko. Nakatulala na pala ako, "N-nothing, Ms. U-umm ano nga po pala yung tinatanong niyo kanina?"
"Napili mo yung blue ball so that means.. you have to tell us something about your family"
Napatingin ako sa mga kaklase ko. Nakatingin sila saking lahat at wari'y nag-iintay sa kung ano man ang sabihin ko. Sa moment na to, isang pangyayari ang biglang bumalik sakin. Ang masakit na nakaraan ng pamilya ko..
(Flashback)
"Calling the attention of the parents of Ms. Hera Mendoza. Please proceed to the stage and receive the awards of your child."
Nasan na ba sila? Bakit ngayong araw na to pa? Graduation ko ngayon oh. Nakakainis naman.
"Hera dadating pa ba ang parents mo?"
Tumungo ako sabay sabing, "Hindi ko po alam, Ms."
"Pwede po bang kayo na lang muna ang magsabit ng award sakin?"
"O sige na nga.."
Madami akong award na natanggap. Best in English, Best in Math, First Honors pero nabale-wala lang ang lahat. Hindi kasi dumating ang parents ko. Nangako pa naman sila sakin tapos hindi nila tutupadin?
Pagkatapos ng graduation, hinatid na ko ng driver namin sa bahay. Hinanap ko sila pero wala na naman, sana man lang di nila ako pinaasa na pupunta sila sa Graduation ko. Importanteng araw yun para sakin eh, para makita nila kung gaano ako nagsisikap para makuha lang yung award na yun tapos hindi man lang sila nag-abala na tumapak ng stage kasama ako. Yun lang sana, napakagandang birthday gift na yun sakin.
Ako nga pala si Hera. Hera Mendoza. Graduation (Elementary) ko ngayon at birthday ko bukas pero di ko feel ang mga events na to dahil sa magulang ko. Wala na naman sila eh. Siguro nag-aaway na naman sila.
"Erian, si mommy at daddy?" sabi ko sa nakatatanda kong lalaking kapatid
"Oh, akala ko kasama mo?"
"Hindi nga sila sumipot sa Graduation ko eh"
"Ano?! Bakit? E sinong nagsabit sa'yo?"
"Si teacher."
Narinig kong napa-curse si Kuya. Nilalagnat kasi siya ngayon eh kaya hindi siya nakasama sakin.
"Ok lang yan, Hera. May next time pa naman di ba?"
"Sana nga.."
Gumaan ang loob ko ng yakapin ako ni Kuya. Hay ang swerte ko talaga sa kuya ko. Nanood na lang kami ng movie sa kwarto ko tapos nagpadeliver siya ng pizza para saming dalawa. Nag-aantay parin ako ng tawag at text sa magulang ko ng marinig kong may kotseng pumarada sa may gate namin. Isa lang ang ibig sabihin nun, nandito na sina mama!
Napatingin ako kay kuya at nakita ko siyang tulog sa kama ko. Bababa na sana ako ng marinig ko silang magsigawan..
"Ano? Ha? Sasama ka na naman sa babae mo? Hindi ka na nahiya! May dalawa na tayong anak, Henry!"
"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na wala akong babae? Utang na loob naman, Eritte. Sawang-sawa na ko ng paulit ulit eh"
"Ako pa ang sinungaling? Ha?!"
Kita kong pinagbabato ni mama si papa ng mga gamit sa salas. Nakatingin lang ako sa kanila ng may pumatak na luha sa mata ko. Ang sakit kasing makitang nag-aaway ang dalawang importanteng tao sa buhay mo. Kelan kaya sila babalik sa dati? Kelan ko kaya mararamdaman ulit ang isang tunay na pamilya?
"Tama na! Ayoko na, Eritte. Sawang-sawa na ko sa'yo. Pagod na pagod na ko sa'yo. Ang hirap kasi sa'yo eh, naniniwala ka sa sinasabi ng mga tao kesa sa sarili mong asawa. Konting-konti na lang lulubog na tayo. Hindi ko na kaya ang buhay na ganito."
Nagsimulang umiyak si mama kaya lalo lang akong nalungkot sa nakita ko. Hindi ko pala mapapakita sa kanila ngayon ang mga awards ko. Mukhang walang gustong makakita sa kanila ng mga pinaghirapan ko sa school.
"Ayoko na, Eritte."
"Paano na ang mga anak natin? Ha? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Paano mo nagagawang sabihin ang mga bagay na yan?"
"Dahil yun ang gustong-gusto ko ng gawin noon pa. Gusto ko na kayong iwan"
Dahil sa sinabi ni Papa, sinaktan na naman siya ni Mama. Kitang-kita mong nagpipigil si Papa para hindi niya masaktan si Mama kasi alam niyang kahit na anong mangyari babae parin ito.
"Malaki na ang anak mo! Nakakainitindi na siya ng mga bagay-bagay, ngayon mo pa ba kami iiwan? Anong klase kang ama?!"
"Yun na nga ang problema, lumalaki na siya kaya hindi ko na kayo kayang buhaying mag-iina"
"Wala kang kwenta! Lumayas ka na! Wag na wag ka ng magpapakita samin kahit kelan!!!!!!"
Mula sa kwarto ko, narinig ko ang alarm ng phone ko. Isa lang ang ibig sabihin nun, 12 midnight na. It's my 12th birthday, pero bakit ganun hindi ko kayang maging masaya ngayon? Nakasanayan ko ng mag-alarm tuwing 12 midnight kapag araw ng birthday ko, tatakbo ako kina mama tapos babatiin nila ako. Gusto ko kasi na mga importanteng tao ang unang babati sakin, pero ngayon magagawa ko pa ba yun?
(Flashback ends)
"My parents died a long time ago.." nilagay ko ang kanang kamay ko sa may parteng puso "here in my heart.. That's all I can say. Thank you."
Ang hindi ko alam, iyon na pala ang pinakahuling araw na makikita ko si Papa. Simula nung birthday ko, nung nag-aaway sila.. Umalis na siya sa bahay. Kapag tinatanong ko si Mama, isa lang ang sagot niya sakin, "Kaya nating mabuhay ng wala siya.."
At itatanong niyo kung sakali mang makita ko ulit siya? Siguro, hindi ko muna siya mapapatawad. Ayoko ng alalahanin ang mga bagay na ganito pero wala eh, bumabalik lang sakin.
"Babe?" napatingin ako kay Joshua ng kalabitin niya ko. "Mmmmh?"
"May sakit ka ba? Bakit parang wala ka sa sarili. Kanina pa kita kinakausap, nakatulala ka lang.." nakita ko siyang nagpout kaya pinisil ko siya sa pisngi. Ang cute kasi!
"Wala, may iniisip lang ako.."
"Sino? Lalaki ba? Hay hindi pa ba ko sapat?"
"Ano ka ba hindi noh!! Halika na nga gutom na ko.."
Hinila ko siya papuntang canteen tapos narinig kong tumunog yung phone niya. Tiningnan niya to tapos binalik ulit sa bulsa niya. "Sino yun? Bakit ayaw mong sagutin?"
"Hindi naman importante eh"
Sino kaya yun? Bakit naman hindi siya importante kay Joshua?
"Uy Joshua, caldereta ang ulam oh! Paborito mo!" sabi ko sanay higit sakanya, "Ayoko! Hindi ako nakain niyan!"
Napatingin ako sa kanya. Hindi paborito? E samantalang lagi ko siyang pinagluluto nito sa bahay nila eh.
"A-ang ibig kong sabihin, a-ano.. sawa na ko sa caldereta. Pwedeng iba na lang ang kainin natin?"
Ako lang ba o ang weird niyang kumilos ngayon? Isa pang weird e hindi siya nakagel ngayon, samantalang hindi siya umaalis ng bahay ng hindi pa nakakagel. Hmm, baka nakalimutan niya lang.
Oo nga pala, siya si Joshua Vergara. Boyfriend ko. 4months na kami, February 14 nun nung araw na sinagot ko siya. 4th year na kami ngayon, and classmate ko siya.
Kumakain na kami nung biglang nagvibrate ang phone ko. Tiningnan ko ito at binasa:
Mr. Unknown
Can I meet you again today?
Ah si kuya-ewan-ko-ang-pangalan lang pala. Nakilala ko siya sa may park samin. Pumunta kasi ako dun nung pagkatapos ng awayan nina mama. Hindi nila ako napansing lumabas na dalawa, kaya ayun nakilala ko siya. Yun nga lang, kilala ko ang hoodie at mask niya, hindi kasi siya nagpapakita sakin eh. Laging may taklob yung mukha niya, sabi niya saka na lang siya magpapakilala kapag maayos na ang lahat kaya pinabayaan ko na lang siya. Simula nun, madalas na kaming magkita doon.
Pinapapunta na naman niya ko ano kayang sasabihin niya?
*
Papunta na ko ngayon sa park malapit samin. Gabi na ngayon, mga 11. Yeah, sanay naman akong pumunta ng ganitong oras doon eh tska alam naman ni Mama.
Malayo pa lang, nakikita ko na yung likod niya. Nakasuot na naman siya ng hoodie at mask na lagi niyang suot pag nagkikita kami, nakaupo siya sa swing at nakatingin sa kawalan.
"Pssst!" napatingin siya sa direksyon ko, "Kanina ka pa ba nag-iintay?"
"Hindi naman"
"Ah ano nga palang sasabihin mo?"
"Wala lang kakamustahin lang sana kita.."
"Ok lang naman ako, masaya parin.."
"Dahil sa boyfriend mo?"
"Paano mo nalaman? Ha? Hahaha.." tumawa ako ng mahina tapos tumingin sakanya
Iniwas lang niya ang tingin niya tapos nagsalita ulit, "Madami akong alam na hindi mo nalalaman, Hera"
"Ha? Gaya ng ano naman?"
"Gusto kong ikaw ang makadiskubre nun." tinitigan niya ko muli sa mata at ako lang ba o talagang may nakita na kong ganitong mata dati?
Tumingin kami pareho sa langit at dinama ang hangin na umiihip. Ano kayang ibig niyang sabihin dun? Madami nga kaya talaga siyang nalalaman tungkol sakin?
Binasag niya ang katahimikan ng magsalita siya muli, "Bibigyan kita ng sitwasyon tapos ikaw na ang bahala kung sasagutin mo ang tanong ko sa'yo.."
"Ha? Anong klaseng sitwasyon ba yan?"
"Paano kung ang taong kasama mo at akala mong mahal mo ay isang taong nagpapanggap lang? Paano kung hindi talaga siya ang mahal mo? Anong gagawin mo?"
"Wala. Lalayo na lang ako. Mararamdaman naman ng tao yun e, kung siya nga ba talaga ang mahal mo o hindi."
Ngumiti siya tapos nagsabi ng nagpagulo sa isip ko..
"Mali ka, Hera. Hindi lahat ng tao mararamdaman yun. Yung iba nabubulag sa kung anong nakikita nila kaya hindi na napapansin ang nararamdaman nila.. Ganun ka, hindi ba?"
Teka ako? Ganun daw ako? Anong ibig niyang sabihin?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top