Phase 9: Under control


Humihiwalay ang katawan ko sa bigat ng puwersa ng baluting ito na halos bumagsak na lamang ang aking katawan sa lupa.

Hindi ko rin maipaliwanag ang dinaranas ko ngayong kasiyahan at kaunting kalungkutan, ngunit kaylangang magpatuloy pabalik sa FAIGHIGH.

Dumaraan ako ngayon sa Golden Route, dala dala ko ang aking baluti at naka tago ang espada sa aking likuran.

Mainit at mataas ang sinag ng araw ngayon, walang masyadong dumaraan na mga malalaking sasakyan na ginagamit sa pag lilipat ng mga kalakal mula sa unong demensyon papuntang Ikalawang demensyon.

Bakit hindi ko kaya naisip na kumuha ng lalagyan ng tubig mula sa bahay ni Ruby?, nakakainis lang na bigla syang nawala, e mas kaylangan ko ng tubig sa paglalakbay pabalik,

"Baka buto nako pag-uwi!!!"
Sigaw ko mula sa aking kinatatayuan na animoy parang isang batang naagawan ng kendi.

Hindi na bago ang paglalakad kapag naglalakbay, Pero mas mabilis siguro kung gagamitin ko ang baluting ito,

Ano kayang magagawa nito sa laban?, sa paglalakbay? Sa paglipad?!

Kinakapa ko ang baluti, baka makahanap ako ng manual para rito,

Ngunit nabigo ako, tanging kapirasong papel lamang ang aking nakita at puro drawing pa ng isang bata,

Kung tutuusin Bakit ko pa iniwan ang damit ko roon, samantalang mas maginhawa ang pakiramdam ko sa pagsusuot.

Wala pako sa kalahati ng paglalakbay, masyado pang malayo, sa sobrang layo at hindi ko matanaw sa malawak na kapatagan at sa init ng araw ang dulo ng rutang tinahak ko.

Hakbang pakanan urong-sulong na paglakad para aliwin ang aking sarili sa paglalakad,

Napansin kong bumibigat ang baluti sa tuwing nagrereklamo ako sa paglalakad dahil sa bigat na hatid nito, mas lalo pa nitong binibigatan na halos hindi nako maka lakad,

"Tulong!"

Sigaw kong paulit ulit ngunit walang nakakakita sa akin, ni nakakaririnig sa aking tinig.

Nagpasya akong ipahinga ang aking sarili at umiglip ng Saglit sa isang punong kahoy hindi kalayuan sa mismong Golden Route.

Pinagmasdan kong mabuti ang papel, at napabulalas nalamang sa aking nakita.

Hindi naman sa pagyayabang ay mas maganda namang hamak ang Estilo ng pagguhit ko,

Parang guhit ito ng Limang taong gulang, o pababa, mas bata pa siguro sa anim na buwan.

Hahahaha!

Ngunit lalong bumigat ang baluti sa aking panlalait,

"Hindi kayaa..."

sambit kong nagiisip, at napatingin sa hawak kong baluti at agaran itong hinubad sa aking katawan.

"Buhay ako?"
Sambit ng isang tao mula sa malapit,

"Oo nga baka nga... buhay ka?!!!"

Napatulala muna ako sa aking baluti at nabitawan ito, nawala ang kulay ng aking buhok at mata, Bumalik ako sa dati kong anyo.

"Anong nakakagulat? Hindi ba sinabi sayo ni Ruby?"

Nagtataka nitong tanong sa akin.

Tila ba nagugulahan ako sa nangyayari at napatitig nalang ako sa kanya.

"Ano masama sa nagsasalitang baluti? Bakit ganyan ang iyong mga mata sa akin?"

Mataray nitong sambit habang nagpapatalon talon papunta sa aking harapan.

"Sabagay hindi na bago para sakin na makakita ng mga bagay na nagsasalita Bukod sa mga patay na binubuhay ng Jade, hanggang sa mga pakulong enkantasyon ni Amythist" matawa Tawa kong sabi habang nakatitig sa malayo,

Napatulala narin ako kaya't biglang tumalon ang baluti sa aking harapan na nagsanhi ng aking labis na pagkagulat

Naibato ko sya palayo sa akin, sa mga oras na yaon ay tirik na tirik ang araw, at malayo pa ang kanyang itatalon,

"Gem! Baka ako matunaw! Huhu!"

Pasigaw nitong sabi,

Dali Dali ko syang binuhat pabalik sa lilom ng punong kahoy,

"Bakit mo ginawa yon? Isa kang hanggal!" Galit nitong sabi sa akin.

"Kaya't sa susunod at wag na huwag mo akong gugulatin, kung Hindi maari kitang maihagis pabalik sa Ikalawang demensyon, gusto mo yon? Gusto ko yon!"

Hindi sya humarap sa akin at Hindi umimik, Nagalit na sya ng tuluyan.

"Awww, may feelings din pala ang mga gamit na katulad mo" nangaasar kong sabi sa kanya

Lumutang sa ere ang baluti at agad na tumagos sa aking katawan, hindi ako makagalaw, Wala rin akong maisip na gawin, Wala akong maramdaman.

"Ngayon naramdaman mo na?"

Umalis ito ng Dali Dali sa aking katawan at nagwika,

"Sa susunod na ganyan ulit ang sabihin mo sa akin ay tuluyan kitang lilisanin, hindi mo ba Alam na Kaya kitang Tulungan sa paglalakbay pabalik sa iyong demensyon?"

Hindi ako naka sagot, at natutulala parin sa mga nangyari.

"Ha? Sabi mo? Ano ulit?"

Utal-utal kong sabi, at muling hinanap ang aking sarili sa diskusyon.

"Kailangan mo ako sa iyong paglalakbay,"

Sambit nitong muli sa akin, ngunit sa pagkakataong ito'y marahan na syang magsalita.

Tumango ako, at ngayon at nadampot kona ang aking ulirat sa mga nangyayari.

"Nakikita mo ba ang papel na yaon?"

Sabay talon papunta sa akin. Dinampot ko nang dahan dahan ang papel at saka tiningnan muli ang mga guhit dito,

"Ohh!! Nasan na yung mga panget na guhit kanina?!"

Sigaw kong muli sa harapan nya,

"Hoy! Ang ingay mo, tanghaling tapat e! Ang init init na! Sasabay kapa! Ano ka baliw? Nakikipag usap sa baluti?! Nakakawa ka!"

Sigaw ng isang lalake habang nakasakay sa isang kabayo na may dalang mga tela, at ang kanyang ruta ay patungong unang demensyon kung saan naka puwesto ang FAIGHIGH.

"Huwag mong Pansinin ang mga taong mahihina ang utak, bagkus Tulungan mo silang makaintindi"

Sambit ng baluti sa akin,

"Change topic, ano ngaba ang halaga ng papel na ito?"

Nagtataka kong sambit sa kaniya,

"Ito ang manuwal sa paggamit ng baluting ito"

Seryoso nyang sabi sa akin.

Naatitig akong muli sa mga guhit, ito'y ani mo'y nga galaw ng kamay at paa sa pag cast ng bawat gugustuhin mong spell,

"Tama ang iyong Iniisip Gem" sambit ng baluti

"Kung nakakabasa ka ng mga pagiisip, huwag ka ng magingay, hindi ako matalino masyado para may over think" sambit ko

Isang alingaw ngaw ng katahimik ang nagpabagsak sa akin sa kinauupuan, at tanging hangin na lamang ang aking naririnig,

"Tinatamad akong gumalaw" sambit ko muli sa kanya,

Hindi sya nakikinig sa akin, ngunit ng malaman nyang Tinatamad ako ay bigla nya muling ipinasok ang katawan nya sa kaluluwa ko.

"Tinatamad ka?, wag lang magalala, ako hindi, mas kailangan mong makontrol ang baluti kesa magpahinga"

Dali dali nyang sambit sa akin, mababang Tono ng boses ang kanyang ginamit na ani mo'y kausap ko ang isang mas matanda sa akin.

"Ilabas mo ang iyong espada!"

Dali Dali kong inilabas ito kahit hindi ko ito gustong kunin, ngunit gamit nya ang aking katawan,

"Ang hawak mong espada ang magsisilbing stick sa pagcast ng isang spell"

Marahan nitong sabi sa akin,

Ang bawat indayog na alinsunod sa papel ay nagbibigay buhay sa mga spell na lumalabas sa mga dulo nito, ang pagsasaliw ng paggalaw ng kamay at mga paa at Binti ay nag bibigay ng malakas na puwersa para gawin ito.

Natapos ang sandamakmak na mga cycle ng mga movements na ito, at madali ko itong nakuha.

"Gem, nasasaiyong katawan na ang baluti ni Prinsesa Sierra, ang prinsesang nagmula sa Ikalawang demensyon, ang pinaka Magandang dilag sa Ikalawang mundo, ang baluting yaon ay makapangyarihan"

Sambit ng baluti habang unti unti nitong nililisan ang aking kaluluwa,

"Sabihin na natin ito'y isang Araw, Sana ay may natutunan ka, hilahin mo ang iyong espada at hawakan ang dulo nito, ay kusa akong lalabas para Tulungan kang makipaglaban"

Naging kulay itim muli ang aking buhok matapos mawala ang baluti,

"Bagong baluting nagsasalita?!, salamat!"

||FYI: Kahit gaano kalakas ang baluti at ang kapangyarihan nito, ay walang epekto kung hindi niya ito tatanggapin ng buo, sa puso at kaluluwa||

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top