Phase 8: Ruby Stanefeild

... Ruby, Ruby Stanefeild " sagot nito habang hawak ang papel na ginamit nya sa pagpatay ng halimaw na si Argon,

Ngumiti sya at tumingin sa akin, nakakatakot ang mga mapula nyang labi na parabang kumain sya ng atsuwete, baka ginawa nya yung kendi,

Lumapit sya sa aking kinalalagayan at ngumiti ng marahan, kita sa kanyang nukha ang kalungkutan at kaligayahan, sabay sabi,

"Sino ka nga pala? Adbiyentor?" Habang hawak ang papel na kanyang ginagamit upang mag cast ng spell ay tinutok nya ito sa aking noo.

"Ahh-e Ako po?" Sagot kong may pagtataka, at itinaas ng kaunti ang katawan upang makaupo,

"Sino pa bang nandito? Ikaw at ako lamang diba? Maari ko bang malaman ang pangalan ng binibini na naglalakbay?" Nakamgiti ulit sya na waring nagpapahiwatig ng pagkakaibigan,

(Napaka friendly naman nya, ilan na kayang Powerkeeper ang napatay nito?) Sa isip ko, sabay tingin muli sa kanya,

Tinihaya nya ang mukha ko at tinitigan ang aking mata,

"Gem? Tama ba?" Bulalas nya habang pausod ng pausod sa lokasyon ko palayo

"Pano nyo po nalaman ang pangalan ko?" Nagtataka kong sabi

"Ang yong mga mata!, napaka makapangyarihan!, ang mga sinag nito ay matalas! Isang magilalas na apoy! Isa kang RARE, san ka nanggaling?" Gulat nitong pagkakasabi

Pinilit kong tumayo ngunit hindi ko kaya, kayat nag pasya akong umupo na lamang sa aking kinaroroonan.

"Papaanong?! —sa ikalawang mundo ng olympus, sa FAIGHIGH po, bakit po?" Namamahanga kong sabi, sabay lagpak ng mukha ko sa lupa,

Nahihilo nako, napatingin ako sa aking kanang braso at tumingin sa kanya,

"Nalasaon ako?, nino?" Sabay nawalan ako ng malay.

—————————————————

Nakakaamoy ako ng isang masarap na sabaw, halatang nasa bahay na ako,

Ngunit pagmulat ng aking mata ay nakita ko ang isang imahe ng ibang lugar, malayo sa kabihasnan sa Ikalawang mundo, —hindi kaya?,  

"NASA IKATLONG MUNDO AKO!!" Sigaw ko,

"Iha! Huminahon ka, nasa pangalawang mundo kaparin, nasa bahay kita," sabi ng isang pamilyar na babae, may kabataan ang mukha, ngunit ang tono ng pananalita ay malalim ang kahulugan

"Sino po kayo?" Pagtatanong ko, sabay kamot sa ulo ko habang nakatingin sa kanya,

"Siguro ngay epektibo ang aking engkantasyon, ngunit may kulang" sagot nitong parang may sariling mundo

Napatingin sya sa aking suot, at napataas ng kaliwang daliri sa kaliwang kamay,

"Aha!! Ang yong damit iha! Ang dugyot mo sa iyong baluti, maari mo bang isuot ang baluting ito ng prinsesa?" Sabay sulat sa papel at inihagis sa akin

"Baluti ng prinsesa? Ngunit anong silbi ng papel na ito?" Nagtatakong sabi at nagkamot muli sa ulo,

Nagulo narin ang buhok dahil aa aking ginawa

"Iha, masyado kang nagmamadali! Hilahin mo ang dulo ng papel, at iyong idikit sa iyong noo" nakangiti nitong sabi

Napatingin ako sa kanya, siguro namay totoo ang sinasabi nya, kayat napag pasyahan kong gawin ito

"Talaga po?, sige po at aking gagawin"

Pinunit ko ang dulo ng papel, at inilagay sa aking noo, at hindi ako gumalaw ng 30 Segundo para maramdaman ang kapangyarihan na iyon,

"Iha?, tanggapin mo nang buong puso ang baluti at hindi tanggaping pawang kaligayahan lamang sa utak ang kasuotan" —pagpapaalala ng babae

"Sige po"

Pinikit ko amg aking mata at nakita ko bigla ang liwanag, lumulutang ang katawan ko sa ere, at nagliwanag ang buong katawan ko dahil sa spell,

Lumabas mula sa puting ilaw ang baluti na kulay pula at ginto, Naging kulay ginto ang aking buhok at naging pula at asul ang aking mata,

"Shocks! Mukha nakong pusa!" Sigaw ko

Natapos ang spell sa pag work, nalaglag ako sa kama, una ang ulo, masakit parin ang pagbagsak kaysa sa paglipad

Iniangat ko ang aming katawan at tumayo sa kama,

"Nababagay nga sayo ang baluti ng aking kapatid, Gem" sabi ng babae

Naglinaw ang aking mga mata, sino ka nga ba? Sino ka ngaba?

"Ang pangalan ko nga pala ayy.... —Ruby Stanefeild" umalingaw ngaw na boses sa utak ko, paulit ulit

Napilitan kong hawakan ang tenga ko para hindi ko yon marinig

"Siguro ngay nawala  narin ang epekto ng halamang gamot, magandang pagbabalik, Gem," masaya nitong pagbati sa akin,

Ngumiti rin ako sa kanya pabalik, at aking naibulalas ay

"Salamat, Ruby"
Napatingin ako sa kamay ko at nagtataka sa pangyayari,

Paano nya nagagawang alamin ang nasa isip ko? At meron syang ibang estilo sa pag cacast ng spells, lalo na gamit ang itim na tinta at kapirasong papel

"Iha? Maari ka bang tumingin sa paligid?" Sabi  nitong nagpapasubali,

Tumingin ako  ng walang pagaalinlangan, at nakita ko ang isang espada na kulay diamond, transparent ang katangian nito,

"Iyan iha? Ang espada ng prinsesa, ng Golden Route, sya ang namamahala sa mga ito, kayat nung nalaman nyang nawawala ang mga kalakal at ang mga tao, dahil sa pagatake ni argon, noong matagal na panahon, kinalaban nya ito gamit ang baluti na iyan at ang espada" lumuluha nyang pagkuwento

Napatingin na lamang ako sa espada at baluti, mahabang panahon na pala ang nagdaan sa nagsuot nito

"Tama ka riyan, nasa isip mo ang lahat ng ito, at itong  nangyayari sa iyo ay totoo, ang espadang iyan at baluti nalamang ang  natira sa labi ng prinsesa" napatingin sya sa espada at ngumiti

Tinaas ko ang espada at nagwika

"Kung matagal ng nangyari ito, bakit walang sumubok sa inyong kalabanin ang Dragon?" Nagtataka komg sabi

"Gem, ang nangyari ay isang malaking pagbagsak ng kaharian ng Golden Route, at natakot ang lahat sa kapangyarihan ng dragon, dahil natalo ang pinakamakapangyarihan sa lugar namin," banggit nito

Nangangamoy padin ang masarap na sabaw na niluluto nya sa buong bahay,

Sabay ng katahimikan ay ang mahinang hikbi ng babae, si Ruby

"Nagugutom kana ba? Luto  a iyon marahil," sabi nito,

"Salamat po, medyo gutom narin po ako" sabay hawak sa tyan kong  nagaalboroto na ang mga sawa

"Sige hahainan na kita" sagot nito habang tumayong nagpupu as ng mga luha sa mata,

Napahiga amo muli, hindi ko inaasah na suot ko ang baluti  g isang prinsesa,

Nagpalabas ako ng apoy, kulay berde na ito, isa muling kapangyarihang apoy, nakakatuwa na nasa akin ito,

Napatingin ako sa isang litrato, maalikabok na ito at walang kulay,

"Eto kaya ang prinsesa? Napamaganda nya, at ito? Si Ruby?" sabay turo sa larawan at nagtatakang muli,

"Gem! Nakahain na ang sabaw! Kumain mana rito" tawag ni Ruby sakin

"Sige po"

Dahan dahan akong tumayo at pumaroon sa kusina upang kumain,

Nakahanda na ang lahat, ang pagkain, prutas, at ibat ibang mga energy spells,

Habang kumakain ay naitanong ko bigla,

"Ate Ruby? Ka ano-ano  nyo po ang prinsesa?"

— "kapatid ko ang primsesa, ako ang pangalawang prinsesa na hindi tinuring bilang isang maharlika, at sya ang panganay" sagot ni Ruby

Napatingin sya sa itaas at umiwas ng tingin sa akin

"Bakit mopako  niligtas? Laban sa Dragon" tanong ko muli ka kanya

"Ayoko  na ulit may masaktan na ibang tao ang dragon na iyon" sabi nito

"500 years nakong patay, nauna lang saakin  ng ilang segundo ang paglabas nya sa sinapupunan ng magulang  nya "

Hinawakan ni Ruby ang kamay ko, at ngumiti,

"Gem. Ang espadang iyan ay ginawa upang makatulong, laging masiyahan, at ang  baluti na gamit mo, ang  nakakatulong sa pagiwas sa tiyak  na kapahamakan" paalala ni Ruby

Pagkatapos  ito ay nawala siya bigla, habang hawak ang lalayan ng kanyang damit, isang pag Galang na pamamaalam

"Alagaan mo ang espada, at baluti ang baluti, hanggang sa muli."

Gem Hirigana...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top