Phase 3 : The Battle between a God and a Powerkeeper

Hinanap ko si amythist sa buong school, nagpatulong ako kay obsidian. si obsidian nga pala ay may kakayahang makakakita ng tao kung nasaan man sya, Binansagan din syang, "Eye of Zues".
FYI: sya ang first crush ko simula panung una, pero nung nalaman ko na lagi nya kong tinitingnan gamit ang powers nya kapag naliligo ako, na turn - off ako kase malibog pala sya haysst. 

Nahanap ko si amythist  sa ikalimang sulok ng bilog na room nila. Room 10,000 Pangkat kinalabugan tree, sobrang dami nila sa isang section! kakaiba! dahil hindi ko kayang gumawa ng eksena, at isubsob ang mukha nya sa sahig na bagong floorwax nilang room, minabuti kong anyayahan sya sa labas ng room, 

Nag padala ako ng sulat sa kanya gamit ang isang asset, at dalidali akong tumakbo paalis habang nagliliwanag ang mga mata.

sa sulat,

Dearest Amythist,

Pwede ba kitang anyayahang magkape sa ilalim ng puno malapit sa sementeryo?, may mahalaga tayong paguusapan. Inaasahan ko ang iyong tugon. Mamaya, pagkatapos ng ating klase. Magandang Araw sayo!.

Nagmamahal, Gem

Sa isip - isip ko, may posibilidad na kumagat sya sa pain kong sulat, mukha ba namang excuse letter ng isang student government yun eh! wahaha, ang tanga na nya kapag ginawa nya yun.

kinausap ko si Jade na umuwi na agad, para hindi sya madamay sa away, wag lang talaga masasaktan ang mga kaibigan ko, paktay kayo sakin lahat!.

lumipas ang mga oras, habang nakaupo sa Automatic arm chair ko, na may kakayahang magsulat ng sa kanya, kakargahan mo lamang sya ng papel o isang kuwaderno at isang ballpen, at kung ano ang idikta mo ay sya nyang susulatin. ang galing diba?
Nakatingin ako sa Orasan, malapit ng maguwian,

"Gem? itutuloy mo ba talaga?" tanong sakin ni Jade habang naka nguso.

"Syempre! Jade! ano ba? hindi ko papalampasin ang ginawa nya sayo, at isa pa, sa ganda mong yan, ipapahiya ka ng isang panget?" tugon ko

"Nagaalala lang naman ako sayo, baka mamaya, kung ano ang mangyari sayo Gem!, mawawalan ako ng bestfriend, huhu" sabay yakap sakin ng napaka higpit at nagyelo ang buong room namin.

(FYI: Nakabase ang temperatura sa mood ng babaeng ito, si Jade, ang babaeng maganda na bumubuhay ng patay, ang babaeng nagpapagalaw sa klima at panahon sa FAIGH)

"Walang mangyayaring masama sakin Jade, ako pa ba?, Strong to!" sabay ngisi ko kay Jade habang nilabas ang muscle ko sa braso.

Lumipas ang tawanan sa room, at unti unti ng nawawala ang mga estudyante, minabuti ko ng magtungo sa Sementeryo upang ihanda ang mga Props ko. Dalidali kong kinuha ang aking bag at pumanaog papunta sa Sementeryo.

Pumuwesto ako sa isang Puno ng Narra malapit sa Sementeryong iyon, inihanda ko ang table, dalawang unan, at bangko, at dalawang piraso ng tasa at isang termos ng kape. katulad ng pinangako ko sa sulat nayun.

Habang nagaayos ng mga Props, hawak ko ang isang tasa ng kape habang tinitimpla ito, at nagbuhos ng mainit na tubig upang tapusin ang tipla, ng biglang may boses na umalingawngaw sa tenga ko.

"Ano ang paguusapan natin Gem?" sambit ng isang tao sa likod ko, na hindi ko makita. Sa sobrang kaba ko dahil sa lamig at tono ng boses nyang napaka taray, nabitawan ko ang kape na hawak ko at tumapon ito sa damit ko.

"SYET!!!!!!!!!! ANG INIITTTTT!! huhu" sigaw ko ng napakalakas, sabay lipad ng mga uwak sa puno.

Tumalikod ako upang tinganan ang babae na nagsalita sa likod ko, pag lingon ko,

"Ay! ambrukutog! este Amythist ikaw pala yan?" nagulat kong sambit.

"Sino pabang ine-expect mong dumating?" tugon nyang napaka taray.

"Inanyayahan kita kase, may ginawa kang mali sa kaibigan ko." tugon ko sa kanya

"Sinong kaibigan?, at saan ko sya pinahiya?" sagot nyang matinis sa akin

"Wag kanang mag maangmaangan pa Amythist! sino paba bang pinahiya mo nitong mga nagdaang araw?" sagot kong nanggigigil at pilit nililibot ng mga mata ko ang mukha nya.

"Ummmm.... marami Gem eh? Sino nga? sirit nako" sagot nyang Pa cool

"E kung Pasiritin ko yung dugo mo at durugin kita ng buhay?!, Pinahiya mo si Jade sa isang Meeting, at hindi nya inaasahang gagawin mo yon sa kanya dahil pinagkakatiwalaan ka nyang kaibigan!" sagot kong namumula na sa galit.

"Ah? Napahiya pala sya nun? ang alam ko, binibiro ko lang sya nun, hindi ko alam na nasaktan pala sya sa sinabi ko" Sagot nya sakin na parang pilipit na pumipiyok ang boses.

"BIRO?!" sigaw ko

"Bueno, simulan na natin" sagot nya sakin habang nakatingin ng masama sabay labas ng moon shard.

(FYI: Ang moonshard of execution ay isang gamit na makapangyarihan na kayang humigop ng kapangyarihan ng isang Powerkeeper)

"Ano?!" nabigla kong sagot



"BATTLE FIELD SET!"

"Isa ba itong trap? kung ganon, nahulog kadin sa patibong ko!" sigaw ni Amythist

" 7 wings of the sky wrath warrior!!!" cast nyang spell na naglalabas ng thorns galing sa isang pakpak ng isang fallen angel, na may damage na 50% sa kalaban

"ah!! masakit yon! pero hindi ako papayag!! SUDDEN DEATH!"  hindi makakagalaw ang kalaban ng hindi bababa sa dalawang minuto at mababawasan ka ng 49% sa buhay mo.

"wise? may utak ka pala Gem? may counter ako sa move mong yan! ELECTRO BEAM! FROM GOD ZUES! THUNDER GOD'S WRATH!" 20% ang mababawas sa buhay mo at mabo-block lahat ng incoming spell na unang tatama sayo.

"Amythist! hindi kita mapapatawad!, 30%nalang ang natitira kong buhay, kapag hindi ako naka gawa ng move, matatalo ako, kailangan ko na talagang gamitin!!"

"FADE!"

Total darkness, isang dark magic na pinagbabawal, pro napilitan kong gamitin dahil matatalo ako sa kanya, kahit isa syang anak ng dyos na si Athena! hindi kita aatrasan, 100% health loss, total freeze for one hour.

"BATTLE IS OVER, GEM WINS"

"Gem?......."

isang boses na narinig ko matapos ang laban at ngbumagsak ako. isang napaka lamig na boses, hindi ko maintindihan, sino kaya sya?, nang hihina ako hindi ko kayang tumayo.

"Gem? are you going to die?" 

Isang umaalulong na nakakainis na sigaw ng isang hindi ko maaninag na lalake dahil dilim at haba ng buhok ko.

"HA!! HINDI! wait sino ka ba?" sabay amoy sa kamay ng lalakeng nakahawak sa kamay ko habang salo ang likod ko at nakaupo

"Si Emerald to Gem, buwiset? hindi mo ko nakilala?, kanina pa ako nanonood sa laban nyo" sabi nitong nakangiti habang hawak ang kamay ko

"So kanina kapa? (nanghihina tone) ehhmmm... sinusundan mo ba ako?" sagot kong medy mataray sabay bitaw sa kamay nya,

"At bakit naman kita susundan?, sino ka para sundan ko?" sagt nyang pasigaw

"Eh? Stalker kita? how great! yes ang sagot ko!" sigaw kong nakangiti

"F*ck Gem tumigil ka nga! ang dami mong sugat, why did you do that move? alam mng ipinagbabawal yun dito sa Safe Zone ng FAIGH, ikaw din baka malaki ang epekto nito sa buhay mo at sayong power" sabi nyang malumanay

"So, Concern ka?" sabad ko sa kanya

"Nope, nabahala lang ako na may masaktan pa sa Loob ng Safe Zone, obligasyon ko yun bilang isang senior sa FAIGH, pati ikaw, Senior kadin, at wag kang maginas na sayo ako concern, puee, sa FAIGH ako concern hindi sayo!" sabi nyang pangasar sabay bitaw sa kamay ko, 

"NO! please don't leave me! Emerald, buntis ako!" sigaw ko sa kanya

"Ha?! Gem naman! andami mong alam, mabuti ngang mamatay ka nalang dyan, bahala ka!" sabay alis.

Naiwan ako sa battle field, naka freeze padin ang babaeng puro katangahan sa katawan na nakalaban ko kanina, at sa huling pagpikit ng mata ko, nakita ko ang lalake kanina habang papalapit muli saakin at nawalan nako ng malay.





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top