|°Faded Love °|

************

Nakaupo ako ngayon sa may bench sa park.day off ko kase sa trabaho at wala din naman akong gagawin sa bahay kaya naman naisipan kong lumabas,habang nagmamasid ako sa paligid ay kusang napatigil ang paningin ko sa isang lalaki na nakaupo sa kalapit na bench na inuupuan ko nakayuko ito kaya naman hindi ko makita ang mukha nito ngunit sa palagay ko'y umiiyak ito kaya agad kong kinapa yung panyo ko sa bulsa atsaka tumayo at naglakad papunta sakanya,nung nasa harap na nya ako ay agad kong inabot dito yung panyo na hawak hawak ko.

"Take this" abot ko dito ng panyo at nung maglalakad na sana ako paalis ay biglang nagsalita ito

"Salamat"

"Welcome, sayo nayan mas kailangan mo eh" I said bago magpatuloy sa paglalakad

"Babawi ako sayo,teka ano palang pangalan mo ?"

"I'm Zealaire "napatigil sa paglalakad na aniya ko dito habang nakatalikod

"I'm Luigi,I promise babawi ako sayo"

"You don't have to " aniya ko bago muling magpatuloy sa paglalakad.

Nang makauwi ako sa condo ay agad akong dumeretso sa kuwarto at agad na nahiga don masyado kase akong napagod ngayong araw nato kahit na wala naman akong ginawa.

Kinaumagahan maaga akong nagising para pumasok na sa trabaho ko bilang isang intern sa sikat na kumpanya. maaga pa lang pero medyo traffic na sabagay ano pa nga bang bago don ganito naman palagi eh hayst,
pagdating ko sa office ay binati agad ako ng mga katrabaho ko kaya naman binati ko rin sila pabalik ngunit natigilan ako dahil sa isang lalaki na dumating dito sa floor namin at mukhang pamilyar ito sakin kaya tinanong ko yung isa sa mga ka office mate ko.

"Sino yun?" tanong ko dito habang nakaturo dun sa bagong dating na lalaki

"Yan si sir Luigi,anak ng may ari nitong kumpanya" paliwanag nito

"Eh bakit ngayon ko lang siya nakita?"

"Ang alam ko kase madalang lang siya bumisita dito saka hindi naman kase sya pumupunta dito sa floor natin eh ngayon ko lang sya nakitang pumunta,himala nga eh pero ang gwapo pala ni sir noh" kinikilig na aniya pa nito na ikinailing ko nalang

Napatango naman ako sa sinabi nito bago maupo para umpisahan na yung naantala kong trabaho pero napatagil ako nang tawagin ako ng isang pamilyar na boses.

"Good morning Ms Zealaire" nakangiting aniya nito

napatayo naman ako at agad na humarap dito upang bumati.

"Good morning Sir Luigi" pormal at magalang na bati ko dito

Matapos non ay umalis na ito at pagkaalis nya ay agad akong nilapitan nung isa sa ka office mate ko at tinanong ako kung bakit alam ni luigi yung pangalan ko eh hindi naman ako nito naeencounter sa kumpanya atsaka bihira lang daw nito maalala yung mga pangalan ng mga empleyado,ngunit mas pinili ko nalang na hindi ito sagutin para makaiwas narin sa isyu.

Makalipas ang ilang oras at lunch na kaya lumabas muna ako para kumain nang biglang makasalubong ko si luigi kaya nagbow ako dito para magpakita ng respeto.

"Maglalunch ka na?"

"Yes sir"

"Masyado ka namang pormal, drop that sir luigi nalang" nakangiting aniya nanaman nito

"Ok luigi"

"San mo ba gusto maglunch?, itreatreat kita"

"Ikaw ang bahala"

At yun nga pumunta na kame sa restaurant kung saan gusto nya hindi narin ako naginsist para hindi na kami magtagal pa,nang makarating kami sa resto ay agad kaming pumasok dito.

"So what do you want to eat?"

"Ikaw nalang ang mamili"

"Ok sige , ako narin pala ang magbabayad kase ito na yung treat ko sayo"

"Ahh ganon ba,ok sige"

"Salamat ulit don sa panyo,can I ask?"

"Sure"

"Pwede ba akong magkuwento sayo ?"

"Sige lang makikinig ako"

"Nung araw kase na nakita mo ko sa park eh yung araw din na nakipagbreak sya sakin sinabi nya na kailangan nya daw gawin yun para sa pangarap nya sinabi ko na hihintayin ko sya pero mas pinili nya na hiwalayan ako,dahil mas makabubuti daw samin yun pero hindi ako pumayag at sa halip ay pinapili ko sya kung ako ba o yung pangarap nya pero mas pinili nya yung dream nya at sinabi nya na napakaselfish ko daw para papiliin sya.Tell me magiging selfish ba ako kung mas gusto ko na ako nalang ang piliin nya?" maemosyon nitong pagkukuwento at pagtanong

"Sa love normal lang naman na maging selfish ang isang tao pero ang mali kase don ay pinipilit mo sya na magstay sa tabi mo kahit na alam mo na masasaktan siya,Pero kung mahal mo talaga sya dapat lang na hayaan mo siya sa kung ano ang magpapasaya sakanya atsaka ang love ay hindi lang naman tungkol sa presence ng isa't isa kundi tungkol din sa kaya nyong isakripisyo para sa isa't isa " makahulugan kong payo dito

"Thank you sa pakikinig at pagaadvice mo sakin" nakangiti nang aniya nito na parang kanina lang ay malapit na itong umiyak

"Maliit na bagay"

"Joke ba yan ? he laughed "

"Stop laughing! " Irita kong tugon dito

"Ok sige pero alam mo mas bagay ka sa radio yung nagbibigay ng mga advice dun" kantyaw nito

"Joke ba yan ?, kase hindi nakakatawa " poker face Kong aniya dito

"Tss panira ka naman eh joke kaya yun" napakamot sa ulong aniya nito

"Ok sabi mo eh,ang mabuti pa kumain na tayo" pagiiba ko nalang ng usapan para hindi na humaba pa

At yun nga sabay na kaming kumain at sabay din kaming natapos hindi narin kami nagtagal pa dahil malelate na ako at kagaya kanina di na ako naginsist nung yayain ako nito na sumabay na sakanya pabalik sa office, nang makarating na kami sa company ay agad akong bumaba at nagbow saka nagpaalam dito.

At kagaya kanina ay pinagbubulungan nanaman ako nakarating na siguro sa kanila na kasabay ko si luigi na dumating dito pero ipinagsawalang bahala ko nalang iyon sigurado naman ako na madali ring mawawala yun katulad nalang nung mga lumang isyu na nawala nalang ,pero tila yata nagkamali ako dahil habang lumilipas ang mga araw ay unti unti ring kumakalat ang chismis pero hindi ko nalang yun pinapansin para magsawa na sila kakatanong sakin mabuti nalang at day off ko bukas kaya maiiwasan ko yung isyu.

Kinaumagahan ay maaga ulit akong nagising para magjogging at para makalanghap nadin ng sariwang hangin pero laking gulat ko nang pagbukas ko ng pinto ay si luigi ang bumungad sakin .

"Anong ginagawa mo dito?" kunot noong aniya ko dito

"Gusto ko kase magjogging pero wala akong kasama kaya naisip ko na puntahan ka "

"Sa tingin ko dapat itigil mo na toh"

"What do you mean?"

"Boss kita at empleyado ako kaya hindi maganda kung maraming makakakita satin na magkasama kahit na magkaibigan pa tayo" aniya ko dito assuming na kung assuming pero totoo naman kase yung sinabi ko

"Wag mo nalang sila alalahanin hindi naman sila ang nasa kalagayan natin eh "

"Tss, bahala ka nga,ang tigas ng ulo mo "

"Ano?, let's go?"

Pagtapos nang paguusap namin na yon ni luigi sabay kaming umalis ng bahay, sa totoo lang sya ang inaalala ko tungkol sa mga chismis sa office nagaalala kase ako sa image nya na baka masira ng dahil sakin .

habang nagjojogging kami ay di ko maiwasan na mapatingin sakanya. Sya lang kase yung tao na unang kilala palang namin sa isa't isa pero feeling close na at magaan din sya kasama at talagang mabait at napakajolly talaga , nakakalungkot lang na ang isang tulad nya ay nagawa pang saktan.

Lumipas ang mga araw at mas lalo pa kaming nagkakalapit ni luigi at para bang unti unti na akong nahuhulog sakanya mabait kase sya sakin at lagi din nya akong inaalala hanggang sa isang araw ay nagulat ako nang magtapat ito sakin dahil hindi ko inaasahan na magugustuhan ako nito, dama ko kase na importanteng importante sakanya yung girlfriend nya at imposible namang madali nya lang yong makakalimutan kaya hanggang ngayon ay hindi ko parin sya sinasagot dahil baka ginagawa nya lang akong rebound.

"May problema ba Zealaire?" maya maya'y aniya nito

"Ahh,wala may iniisip lang ako"

"Sino?, Ako ba?" pangaasar nito na pilyong ngiti nito

"Oy hindi ah" pagtanggi ko

" Wag mo nang itanggi halata eh ( laughing) " pangaasar ulit nito

"Tss, e-ewan ko sayo" utal na aniya ko teka ba't na ako nautal tss

"Birthday ko na pala bukas, anong regalo mo ?" maya maya'y aniya muli nito

"Hmm... wala , sigurado naman ako na maramig magreregalo sayo kaya hindi na ako magreregalo"

"Oo nga marami ang magreregalo sakin pero mas especial yung regalo mo sakin noh"

"Bahala ka nga dyan,uuwi na ako" pagiiba ko nang usapan

" Hatid na kita"

" O sige ikaw bahala"

At yun nga since si luigi na mismo ang nagpresinta para ihatid ako di nalang ako umangal pa . Pagdating namin sa bahay ay nagpaalam muna ako bago ako agad na pumasok , nang makapasok ako sa bahay ay agad akong nahiga sa couch

hayst ano kayang regalo ko sakanya sigurado kase ako na marami syang matatanggap na regalo at mamahalin pa ang mga yun kaya ang hirap tuloy magisip ng pangregalo

Dahil nga sa ang hirap magisip ng pangregalo nagdesisyon nalang ako na sasaguin ko nalang sya sa araw mismo ng birthday nya para panigurado na magiging memorable yun saming dalawa . Kinabukasan maaga akong nagising para makapasok na sa trabaho at syempre para mamili narin ng dress na isusuot ko mamaya parang ako pa ang magbibirthaday dahil sa pagkaexcite ko .

Makalipas ang ilang oras sa wakas ay naguwian narin kaya agad kong nilabas yung phone ko at tinext si Luigi para ipaalam dito na sa condo nalang nya ako sunduin magpapalit pa kase ako ng damit. Di nagtagal ay natapos narin ako sa pagaayos at dumating narin si Luigi para sunduin ako.

Ang akala ko hindi na matatapos pa ang masasayang araw na kasama ko si Luigi , akala ko magiging maayos ang lahat na walang magiging problema at patuloy kaming magiging masaya pero akala ko lang pala .

Halos magtatatalon kanina sa tuwa si Luigi dahil sa sagot ko . Di nya kase inaasahan na dun ko sya mismo sasagutin . napangiting ani ko . sana lang maging maayos ang relasyon namin at hindi na magkaron ng problema .

Habang lumilipas ang mga araw lalo kaming nagiging matibay sa relasyon naming dalawa , masaya naman kami at kahit na may mga problemang dumadating para subukin kami lagi namin itong nalalagpasan dahil sa pagtutulungan naming dalawa pero tila ba pinaglalaruan kami ng tadhana dahil sa isang aksidente na maaring maging dahilan kung bakit sya mawawala sakin.

Nasa unit ako ngayon ni Luigi para ipagluto sya ng paborito nyang pagkain pero wala pa sya ngayon dahil pinabili ko sya nung mga ingredients na kakailanganin.

"Asan na kaya yon ? " tanong ko saaking sarili"

Maya Maya ay nagring ang phone ko kaya agad ko itong sinagot

" Hello"

" Kayo po ba yung Isa sa kamag anak nung pasyente na si sir Luigi Fernandez ? "

" Girlfriend nya ako "

" Ma'am kung pwede po ay puntahan nyo sya ngayon dito sa **** hospital "

" O-ok , t-thanks for the info "

Nanginginig ang kamay ko ng ibabaa ko na ang phone ko at bigla nalang nanghina ang mga tuhod ko kaya napaupo tuloy ako pero agad din akong tumayo upang makapagbihis na at makapunta sa hospital.

Makalipas ang ilang oras ay nakarating nadin ako sa hospital at agad agad na hinanap yung kuwarto ni luigi , nang mahanap ko ito agad ko itong pinuntahan.

" Do-Doc ano pong na-nangyare?" utal na aniya ko dito dahil hindi ko alam kung ano nga bang dapat Kong maramdaman

" Don't worry maayos na ang kalagayan nya pero may problema"

"Ano po yun?" kabadong aniya ko dito imbis na na maging kalmado

"Nagkaron sya ng amnesia kung saan may ilang memory na nakalimutan nya kaya wag ka nang magulat kung sa paggising nya ay may mga alaala na pansamantala nyang hindi maalala o kaya pwede namang permanente na "

"Ga-ganon po ba, thank you doc" nakahingang maluwag na aniya ko

Kahit papaano'y nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni doc dahil alam ko na maalala nya ako at hindi nya ako makakalimutan tama diba at alam kong impossible nya akong makalimutan.

Hindi na ako umalis pa sa hospital at bagkus ay magdamag ko syang binantayan para  pag nagising sya ay ako agad ang  makikita nya,Halos alasyiete na nung nagising ako kaya nakaramdam na ako ng pagkagutom hindi rin kase ako nakakain kagabe dahil sa pagmamadali ko na pumunta dito.

"Ryle bibili muna ako ng pagkain ah , babalik din ako kaagad " pagpapaalam ko dito sabay halik sa noon nito

Ilang oras ang inabot bago ako ulit makabalik pero ng makabalik ako ay di ko inaasahan ang nadatnan ko, nakita ko na magkausap sina Trish at Ryle kaya di ko sinasadya na mabitawan ang pagkain na binili ko sana para kay Ryle.

Nung mga oras na yon ay tila ba nanlamig ako at wala akong lakas ng loob na tawagin man lang ito ,masyado yata akong nagulat sa nakita ko

"Are you Zelaire? " aniya nito na nagpabalik sakin sa realidad

"Pa-pasensya na nadistorbo kita, aalis na ako"

"No , hindi na paalis nadin naman ako eh " tipid ang ngiting aniya nito

"Trish.....don't leave please " mahinang aniya ni Ryle na syang ikinagulat ko

"Nandito na si Zelaire sya na ang magaalaga sayo " tugon nito

"But you're my girlfriend, galit ka parin ba kase di kita pinayagan na ituloy yang dream mo sa ibang bansa ?" mahina pading aniya nito kagaya kanina ngunit ngayon ay nakaupo na ito

"Ryle hindi na ako ang girlfriend mo, Si Zelaire sya na ang girlfriend mo" paglilinaw nito kay Ryle atsaka ako nito itinuro

"But.... I don't know her "

Mga salitang tila nag echo sa  tenga ko at  animo' y pana na Isa Isang tumutusok sa puso ko dahil hindi ko inaasahan na  sakanya pa manggagaling ang mga salitang yun .

Kabastusan man kung gagawin ko pero sa ngayon wala na akong pakialam don dahil ang gusto ko lang ngayon ay tumakbo palayo sakanila ...palayo sakanya.....
mabilis ang pagtakbo ko hanggang sa napagod ako at napahinto sa may bench na nadaanan ko pagkaupo ko palang ay ramdam ko na agad ang pagod pero hindi iyon ang iniinda ko ngayon.

Tila naging waterfall ang luha ko dahil sa tuloy tuloy na pagagos nito
at para bang dinaganan ng semento ngayon ang puso ko dahil sa sobrang bigat nito idagdag pa ang kirot na animo'y unti unting tinutusok ng karayom .

Bakit?, Ang akala ko ako na ang Mahal mo....

Ang akala ko...maalala mo yung mga pinagsamahan nating dalawa....

Pero bakit ganito?

Bakit kinalimutan mo ako?

Bakit ako pa?

Bakit kailangan mo pang

magpakahirap para lang ligawan ako

kung sa bandang huli ay....

makakalimutan mo lang pala ako....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top