Simula

"Ate Jas!"

Napalingon ako sa tumawag sakin at nakita ko na mabilis na palapit samin si Jamelia. Si Jamelia ang pinaka bunso sa amin. Anak siya ni Tita Rean at Tito Third na pinsan ni mommy.

Nandito kami ngayon sa Canteen ni Jessica at Jade. Kumunot ang noo ko dahil kitang kita ko na nag papanic ang pinsan ko.

"Anong ginagawa mo dito Jam? May klase ka pa diba?"

Pagkalapit na pagkalapit niya saamin ay yan agad ang bungad ko sakanya. Pangalawang beses na niyang ginawa ito at imposibleng sa parehong dahilan dahil kung ganon nga ay lagot talaga sakin ang mga pinsan ko.

Elementary palang siya at alam kong whole day sila ngayon. Kaming mga college ay walang pasok dahil wala daw ang mga prof namin.

"Si Kuya Jonathan kasi eh! Nag cutting para manuod ng game nila Kuya Joseph" napanganga ako. Napatingin ako kay Jessica at Jade at agad kaming tumayo.

Malilintikan talaga sa akin ang nga 'yon!

Nagmadali kaming pumunta sa Gym at dinig na dinig ang hiyaw ng mga tao sa labas palang. Pagkapasok namin doon, ang mga tao na nakakita samin ay nagbigay ng daan samin. Napailing nalang ako at hinanap si Jonathan. Siya ang pangalawang anak ni Tita Rean at Tito Third, siguradong malilintikan kami pag nalaman nila ito.

"Bakit hindi natin alam na may game sila Kuya Joseph? Kasama niya ba si JD?" tanong ng kapatid ko na si Jessica.

Inilibot ko ang mga mata ko sa buong gym para hanapin si Jonathan. Patay kami nito kay Tito Third kung sakali.

"I will deal with Jayden later. Si Jonathan na muna ang hanapin natin" sabi ko at patuloy parin kami sa paghanap.

"Ayon si Joshua! Lahat pala sila kasama sa game! Hindi naman legal to, hindi naman for school to diba? Lagot sila sa principal nito." naririnig kong tuloy tuloy na sabi ni Jade.

Tinignan ko ang tinuro niyang lugar at biglang nagtama ang mata namin ng isa sa mga kalaban nila Jayden. Napaawang ang labi ko. Ramdam ko ang pag hila ng mga tingin niya sa akin. I can't seem to take my eyes off of him. Its like his eyes is pulling me to look at him. Chinito eyes, he is either chinese or korean. I don't know, seryoso lang siyang nakatingin sakin.

Naalis lang ang tingin ko sakanya nung tinawag siya ng kasama niya.

"Ayun si Kuya Jonathan!" napatingin ako sa tinuro ni Jamelia. Mabilis namin tinungo ang bleachers at nagulat siya nung lumapit kami.

"A-ate Jas, let me explain.." sinamaan ko ng tingin si Jonathan. 

Narinig kong naghiyawan ang mga tao kaya napatingin ako sa court. Naka three point shot yung chinito. Kitang kita ko na nainis si Kuya Joseph.

Binalingan ko muli si Jonathan.

"Talagang mag eexplain ka" sabi ko at kitang kita ko na takot na takot siya. Ako ang pangatlong pinaka matanda samin kaya responsibilidad ko sila kapag wala si Ate Josephine, hindi namin maasahan si Kuya Joseph dahil kitang kita naman na siya ang may pakana nito.

"Si Kuya Joseph kasi eh.. wala daw magbabantay ng gamit ate. Siya daw bahala sakin"

Napa face palm nalang ako. Is he really our cousin? Dammit! Pinapataas niya ang dugo ko.

"We will talk later. Pumasok ka na, go with Jam" sabi ko at mabilis siyang tumayo at tumakbo kasama si Jamelia.

"Gosh! Kuya Joseph is something. Lagot siya kay Ate Josephine nito. We'll see two bickering twins later." narinig kong sambit ni Jessica. Umupo kami sa bleachers at tinabihan ang mga gamit ng mga pinsan at kaibigan namin.

Kumaway sa amin si Jayden, my brother. Sinamaan ko siya ng tingin at mukhang hinanap ng mga mata niya si Jonathan. Nanlaki ang mata niya kaya ngumisi ako.Tinaasan ko siya ng kilay, mabilis siyang tumakbo at lumapit kay Kuya Joseph. Bumulong siya dito at napatingin sakin. Nanlaki ang mata niya kaya napakagat siya sa labi niya.

Ngumiti ako at tinuro ang game. Tumango siya at nagpatuloy sila. Hindi ko mapigilang mapatingin don sa chinito. Head to head ang game nila dahil sakanya. Kung hindi dahil sakanya ay walang laban ang team nila sa team namin.

"GOSH KUYA! AYUSIN MO NGA! ANG CUTE NG MGA KALABAN NIYO!" sigaw ni Jess kay Jayden. Napakamot ito sa ulo kaya natawa ako. Puro hiyawan ang mga tao at sinisigaw ang pangalan ni Kuya Joseph, he is the MVP of our school.

Malapit ng matapos ang time at tie sila. Magkaharap at nagaagawan sa bola yung chinito at si Kuya Joseph.

"KUYA! ISUSUMBONG KITA KAY TITO PAG HINDI KAYO NANALO!" sigaw ko at mukhang na-alerto siya dahil don. Mabilis siyang gumalaw at shinoot ang bola. Three points ito kaya nanalo sila.

Mabilis silang lumapit samin at binigyan namin sila ng twalya. Tinignan ko sila isa isa. Kuya Joseph, Jeremiah, Jayden, Joshua, and Jasper are all included in the game.

"Thank you for that" sarkastikong sabi ni Kuya Joseph. Inismiran ko naman siya at lumapit kay Jayden. Binatukan ko siya kaya napadaing siya. Tumawa naman silang lahat.

"I told you to never betray me! Basta si Kuya Joseph ang nag sabi susundan mo no?" naiinis kong sabi sa kapatid ko at mabilis na yinakap ako. Narinig kong naghiyawan ang mga tao.

"Ate sorry na. It's a boys thing" mabilis namang lumambot ang puso ko dahil don. Hindi ko naman sila matitiis kahit anong mangyari. Pineke ko nalang ang pagka-inis ko.

"Fine, bilisan mo na" sabi ko at tumalikod na muna. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita kong may call don si Ate Josephine at isang message.

Rineplyan ko ito at mabilis na tinago. Babalik na sana ako sakanila nung may tumamang bola sa ulo ko. Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit, bakit parang sadya? Parang target talaga ang ulo ko.

Napapitlag ako nung may sumigaw. Lahat ng tao sa gym ay natahimik at nanonood sa kung anong nagyayari.

"SIRA ULO KA AH!" sigaw ni Jerem. Napatingin ako sa sinigawan niya at nakita kong palapit sa amin ang grupo ng kalaban nila.

Napasinghap ako nung makita ko na yung chinito ang nauuna sakanila. Siya ba ang nakatama sakin?

"My bad. Sorry, hindi kasi tumitingin eh" napanganga ako sakanya nung makalapit na siya. Cocky, how dare he. Hindi ba niya ako kilala? I mean, hindi ko pinagmamayabang ang pamilya namin pero no one would dare to hurt us.

His guts!

"Nakita ko yung ginawa mo. Sinadya mo yon. Ano yon? I shoo-shoot mo yung bola sa ulo ng pinsan ko?" kalmado pero matigas na sabi ni Jasper. Napalunok ako at umurong, mataman lang siyang nakatingin sa akin.

His stares are giving me the creeps. What the heck is wrong with this man?

"Ayos na Jasper, let's just go" sabi ko dahil natatakot na ako sa pwedeng mangyari. Lumapit sakin si Jayden, this is what I love with our family. Sobra nila kaming pinoprotekatahan. But this isn't the time to appreciate this things. Baka makagawa pa sila ng gulo at ma-out of control ba. Hindi pwede mangyari yon.

"Tama ka Morgan. Sinadya ko nga"

Napatingin ako don sa chinito at nakita kong nakatingin pa rin siya sakin.

Nagulat ako nung kwelyuhan siya ni Kuya Joseph. Walang pumigil dahil alam nilang mainit ang ulo ni Kuya Joseph. I don't even don't know what to do, pag si Kuya Joseph na ang galit ay wala ng makakapigil.

Madalas ay binabara ko siya but still.  He is the eldest. Pag galit siya. Galit siya.

"Gago ka pala eh! Baka hindi mo alam na pinsan ko yung pinag titripan mo!" sigaw niya pero wala man lang takot sa mukha niya. Nakatingin lang siya sa mata ni Kuya Joseph. Magkasing tangkad lang sila at medyo mas malaki lang ang katawan niya ng konti kay Kuya Joseph.

"I know.." sabi niya at dahan dahan niyang tinanggal ang pagkakahawak ni Kuya Joseph sakanya. He is calm as shit! There is really something about this guy.

Hinawakan ni Jess ang kamay ko at naramdaman kong nanginginig ang kapatid ko.

"Tandaan mo ang araw na 'to. Hindi mo kilala yung binabangga mo, Wong." sabi ni Kuya Joseph pero hindi siya pinansin nung chinito. Lumapit siya sa akin at ngumisi. Sinamaan ko siya ng tingin.

"I am Dylan Wong" tinaasan ko siyang kilay.

Do I look like I care?

"So? Do you think gusto ko malaman?" mataray kong tanong sakanya. Tumawa naman siya pero ngumisi pagkatapos.

Ramdam ko ang paghawak sa akin ni Jess pero hindi ko uurungan ang mayabang na 'to! Ang kapal ng mukha!

"See you soon, Salazar." sabi niya at tumalikod na. Lumapit siya sa mga ka team mates niya at umalis na sila. Lumapit sakin si Kuya Joseph at bumuntong hininga.

"Are you okay? Gago talaga yung chinese na yon, wag mo siyang papansinin." tumango nalang ako at ngumiti.

Napatingin ako sa pintuan ng gym. Paalis na sila at kitang kita ko ang Wong sa jersey niya. He is chinese, a very dangerous one.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top