Kabanata XXXIII
"Ayusin niyo tong statements. Ibigay niyo sa akin ang latest list of sales ng bawat branches" utos ko sa sekretarya ko at mabilis naman itong sumunod.
I stretched and focused myself again. I need to fix everything, Jade's presence is really needed here pero I know that she needs time.
May kapalit naman siya but I still trust Jade's capabilities in terms of marketing.
I heard that she is doing good there. She increased the sales for five percent in just three weeks there. Tuwing naiisip ko na umaayos na ang kalagayan niya ay gumagaan ang pakiramdam ko.
"Find him" nag angat ako ng tingin sa nagsalita. I looked at Kuya Jos, kasama niya ang iba ko pang mga pinsan. I raised an eyebrow at them.
"Imbis na nakatayo kayo diyan, why don't you go to your work?" sabi ko nalang at nagpatuloy sa pag tatrabaho.
Narinig kong sinara nila ang pinto at nagulat ako nung may humablot sa kamay ko at pinatayo ako. Hinarap ko si Kuya Jos.
"Late na.. let's go home" wika niya pero hinablot ko ang kamay ko. Marahas niya iyong hinablot ulit.
"Ang dami pang kailangan gawin dito. Mauna na kayo" sambit ko pero hindi parin niya ako binibitawan.
"Mas gusto kong hanapin mo na yung lalaking yon kesa sinusubsob mo ang sarili mo kakatrabaho at kakamukmok. You are woking 15 hours a day for pete's sake! Nalaman ko pa na minsan ay dito ka na natutulog. Tita Cams is worried about you atsaka daig mo pa si Jayden na head ng security team." napapikit ako at dahan dahang inalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa braso ko.
"Jas, do you want to have fun? Labas tayo?" pagya-ya sa akin ni Jerem pero umiling ako. Ngumiti ako at tinignan silang lahat. Huminga akong malalim at binigay ko ang pinakamatamis kong ngiti.
"I want to make Grandpa Luke proud, I heard na ganito din siya dati nag wowork lalo na at narinig kong may bago tayong makakalaban." pangangatwiran ko sakanila pero mukhang hindi talaga sila aalis sa opisina ko.
"We don't want you to be like this! Hindi namin sinabing i-inherit mo ang working habits ni Grandpa!" sigaw ni Jasper kaya lalo akong napasapo sa mukha ko. Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Hindi ko na alam kung paano ko pa matatama ang mga pagkakamali ko.
Napahawak ako sa lamesa ko. Totoo yon, I was overworking myself. Gusto kong makalimutan lahat, gusto kong maging proud sila sakin. I want to be the responsible good daughter again.
"Kuya.. paano ko pa matatama yung mga pagkakamali ko? Tulungan mo ako.. ang hirap mabuhay na nagigising ako tuwing umaga na pakiramdam ko lahat ng nangyayari dahil sa pagkakamali ko. Kung hindi ko siya minahal, hindi makikilala ng mga Wong si Jess. Kung ganon hindi siya kukunin.. kung hindi ko siya minahal baka hindi rin nagtagpo si David at Jade, baka nandito pa si Jade ngayon. Kung hindi din ako umalis nung oras na yon, baka hindi namatay si-" yinakap ako ni Kuya Jos kaya lalo akong napahikbi. Kitang kita ko na nahihirapan din sila sa pangyayari.
Hindi ko akalain na ganito ang magiging consequences ng mga ginagawa ko. I was too busy loving him that I didn't notice how much I've hurt them.
"It is not your fault.. parehas lang tayo. Biktima ng tadhana, kahit ano pang gawin natin lahat ng nangyayari sa mundo ay naka takda na. Jess is a Wong, we can never deny that. She belongs to them as she was to us. Grandma and Grandpa found their way to forever and that is in heaven." paliwanag niya sa akin. Para namang gumaan ng sampong libong beses ang puso ko. Lumapit si Ate Pin at inayos niya ako.
"Wag mong dibdibin lahat. Mag pipinsan tayo diba? We should be helping each other" saad ni Ate Pin at yinakap ako. Tumango nalang ako bilang tugon. How am I gonna remove the guilt I have in my heart?
"In six months time.. susundan ko si Jade. Dapat sa mga panahon na yon ay maayos ka na. Kung pwede lang ay kasal ka na" natatawa niyang sabi habang pinupunasan ang mukha ko.
"You should chase your forever too" sabi ni Jasper sa akin kaya natawa ako.
"Huh? Sa heaven? Pinapatay mo na si Jas?" tanong naman ni Jerem kaya binatukan siya ni Jasper. Napailing nalang ako at pinunasan pa ang mga natitirang luha sa mata ko.
"Aray! Joke lang naman yon! Akala ko dahil wala na si Jade dito ay wala ng mang babatok sakin, mali pala ako" sabi nito kaya kami lalong natawa. Tumango naman sa akin si Ate Pin. Kinuha ni Jayden ang bag ko at inabot sa akin iyon.
"Go" sabi ni Kuya Jos at tumango naman ako. Tumakbo ako patungo sa pintuan at tinungo ang labas ng office.
Sumakay ako sa kotse ko at pinaharurot iyon, I tried calling him but he is not answering. Tinungo ko ang lugar na palagay ko ay naroon siya. Pero wala rin siya sa bahay niya, I tried calling him several times pero wala parin. I called David kahit na alam kong sinabi nilang wala silang alam.
I asked him kung may iba pa bang tinitirhan si Dylan at sinabi niyang may condo unit ito sa pasay at alam ko na non kung saan iyon. Tinungo ko iyon at bumaba ako ng mabilis sa kotse ko. Tumakbo na ako kahit naka heels ako. Mabilis akong nag doorbell nung marating ko ang harap ng unit niya.
Bumukas ito at hinanda ko ang ngiti ko pero dahan dahan din itong napawi.
"S-Stephanie?" hindi makapaniwala kong tanong. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at napaawang ang labi ko. Ngayon ko lang naramdaman to, yung tipong pinatay ka pero parang pinatay ka ulit.
Pakiramdam ko lalong dinagdagan ang mga kutsilyong nakatarak sa puso ko. Naninikip ito at nagbabadyang sumabog sa mga panahong ito.
"Oh! Hi Jasmine! Urg! Sorry at ganito ako nakaharap sayo, well nagkaron ng something eh so I need to use Dylan's clothes. It's unappropriate diba?"
Napasapo ako sa puso ko. Ang sakit sakit naman nito, alam ko na ako ang nagkamali pero ganito ba dapat ang balik sakin? Do I deserve to be treated like this?
"Sino yan?" napabaling ang atensyon ko sakanya na lumitaw sa likod ni Stephanie.
Mukhang nagulat din siya sa akin, tatalikod na sana ako pero naalala ko ang turo sakin dati ni Jade. Jade told me to never let myself look pitiful.
Humarap ako sakanila at tinignan si Dylan sa mata.
"Jas" bulong niya sa pangalan ko pero mabilis ko siyang sinampal. I saw the pain in his eyes pero hindi mapapalitan non ang sakit sa puso ko.
"You! How dare you! Stop wrecking their family Jasmine! Kung hindi dahil sayo baka kasal na kami sa panahong to! You're a gold digger bitch! Because of you Tita was hospitalized, Dylan is a very good son, he always follow his parents but because of you he became like this! Are you happy?! Sinisira mo ang pamilya nila! Para kang leech na hindi matanggal tanggal! " sigaw ni Stephanie at sinubukan niya akong sampalin din, nakita kong hahablutin ni Dylan ang kamay niya pero inunahan ko siya, hinarang ko ang pagsasampal niya sa akin at ako ang sumampal sakanya.
"Slut! Malandi ka! Alam mong meron na ngang iba pumapatol ka pa! Kahit kailan hindi ako nanira ng pamilya!"
Kita ko ang takot sa mukha niya, akala siguro niya ay hindi ko siya papatulan. Nanggigigil ako! Sobra akong nanggigil! I want to make them feel the pain I was feeling kahit kalahati lang.
"Nagmahal lang ako.. I never tried to ruin a family. Masama ba yon? Eh ikaw? Naninira ka ng relasyon! Sino ngayon ang bitch at ang leech?!" sambit ko ng puno ng pait. Hindi ko akalain na ganito magsalita tong babaeng to, papaano pa si Jade nung siya lang magisa sa teritoryo nila?
I never thought in my whole life that I would be able to say this to a person. Sabi nila sa buong mag pipinsan ay ako daw ang pinaka hindi marunong mag salita ng ganito pero ngayon alam ko na kung bakit laging sinasabi ni Jade sa akin na kailangan ko daw matuto kahit paano.
If I will let them look down on me ako ang kawawa palagi.
"Jas let's talk and steph umuwi kana. Tell them I won't go back" sabi ni Dylan at hinila ang kamay ko palabas pero hinablot ko sakanya ang kamay ko.
"Wag mo akong hahawakan! Baka saan mo pa hinawak yan at mahawa ako sa kung anong galis ang meron diyan" I know I was below the belt pero gusto kong ilabas lahat ng frustrations ko sakanya. Gusto kong malaman niya kung gaano ako kasukdol na nasasaktan. I might have hurt him but I also doesn't deserve to feel like this.
"It's not like that" sabi nito pero lalo akong lumapit sakanya at tinignan siya sa mata.
"Gasgas na ang linyang yan. Why don't you try to learn from Popoy. Baka gumana" sabi ko at tinalikuran siya. Hinawakan niya ako muli pero hindi ko siya hinayaang hawakan ako.
Feel ko bumalik ako sa pagkabata dahil ganito ako umakto pero hindi ko mapigilan. This is my only way of releasing my anger.
"Please lang! Kung gusto mo pang mabuhay pa ako, let me be! Hindi ko na alam kung paano aayusin ang sarili ko. I went here kasi sabi nila sakin.. Jas, chase your forever pero shit lang wala palang forever! Fuck! I should have watched that metro manila festival entry!" mapakla kong sabi at tumawa pa ako ng mapakla. I looked like a crazy woman doing her rants outside a unit facing a man in his boxers and sando.
"Jasmine.. it's not like that. She went here kasi pinapunta siya ng mga auntie ko. Umalis ako sa bahay namin dahil ayaw nila akong pakinggan pero eventually pinapunta siya dito para kumbinsihin akong bumalik but I won't. I won't come back hanggang hindi ka nila hinahayaang maging parte ng pamilya namin." umiling ako at ngumiti sakanya.
Masakit isipin na sa likod nito ay naniniwala ako sakanya, that whatever he says.. I will always believe in him. I will always hold whatever he will tell me.
Pero minsan hindi sapat ang paniniwala, kailangan ko din ng lakas para dito. Nothing will change even if I believe in him.
"Let's say wala ngang nangyari sainyo pero may magbabago ba? Wow! Ngayon lang ako nagising sa katotohanan. Kahit anong gawin natin gagawa at gagawa ang pamilya mo ng paraan para dumikit yang babaeng yan sayo. Gagawa sila ng paraan para magkalayo tayo. That's how they disgust me. Diba?" sabi ko at wala siyang masabi doon. Nakakainis lang dahil paulit ulit na nag fa-flash sa utak ko yung nadatnan ko dito.
"Kahit anong marating ko, wala pa rin. Why? Because of my blood. Pesteng dugo diba? I respect your family's decision pero respituhin niyo naman din ako!" It was painful for me to tell him this.
Yinakap niya ako pero ibinigay ko ang buong lakas ko para kumalas sakanya. Bibigay ako sa konti niyang hawak kaya hindi ko siya pwedeng hayaang mahawakan ako.
I trust him.. alam kong walang nangyari sakanila pero fuck nag seselos ako! Dahil kahit baliktarin man ang mundo hindi mag babago na yung babaeng yon ang gusto para sakanya! they can be together at walang legacy at tradisyon na tututol!
"Ayusin mo na muna ang sarili mo. I will fix mine too.. parehas tayong hindi maayos ngayon." sabi ko at mabilis na tinungo ang elevator.
I asked God to forgive me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top