Kabanata XXXII
Nagising ako dahil sa walang tigil na pag tunog ng cellphone ko. Kinuha ko iyon at sinagot kahit na nakapikit pa ako. I felt Dylan moved at my side.
"Hello?" bungad ko sa tumawag pero mabilis din akong bumangon dahil sa naririnig ko sa background. My heart was pounding so fast. I felt my tears slowly flowing down my face.
"W-what did you say, JD?" I wish na mali ang narinig ko. I wish na mali ito dahil ang sakit sakit. I can't even move, I don't know what to do. Nanaginip pa ba ako?
"Ate! You need to go back! Grandma Ryle and Grandpa Luke.. Fuck! They got into an accident" napatakip ako sa bibig ko. I didn't heard it wrong. I felt someone hugged me from behind.
"O-kay.. Im going home" sabi ko at sinara ko ang cellphone ko. I hugged Dylan while my heart is shattering into pieces. Sa lahat ng mga lola ko ay ang pinaka close ko ay si Grandma Ryle, hindi ko na nakilala si Lola Ailee so siya na ang mostly naging close ko talaga. Jade and I are really close to her.
"We need to go home.. my granny.. my granny needs me" humikbi ako sa mga bisig niya. I can hear him telling me that everything will be okay. He is trying his best para tumigil ako sa pag iyak pero hindi ko kaya.
Umuwi kami, tahimik lamang ako sa byahe. He held my hand but I felt so numb. Wala ako nung mga panahon na kailangang kailangan ako ng lola ko. Oh gosh.. kumusta na kaya sila? I can't think properly.
Mabilis din kaming nakarating sa hospital. Pinauwi ko na muna si Dylan, hindi rin makakabuti na makita siya doon. Ayaw man niya akong iwan ay nakiusap ako sakanya. He left without a choice.
Dumiretso ako sa emergency room. Napatakip ako ng bibig ko sa nakita ko. Magkatabi ang bed ni Grandma Ryle and Grandpa Luke. Duguan sila at nakapalibot ang buong pamilya sakanila.
Lumapit ako at yinakap ako ni Jayden. I stared at them.. si Lola Ryle ay nakapikit, wala ng nakakabit na apparatus sakanya, I can hear Grandpa Luke barely talking. Lumapit ako doon at lumuhod sa harap niya. Hinawakan ko ang kamay ni Grandma Ryle at Grandpa Luke.
"I am sorry.. I am late" hikbi lang ako ng hikbi. Ang lamig na ng kamay ni Grandma Ryle, alam ko na kung bakit pero hindi ko magawang tanggapin. Grandpa Luke smiled at me, hinaplos niya ang mukha ko kaya mas lalo akong napahikbi.
"Remember to always follow your heart" sabi nito sa akin at tumango nalamang ako. Nakita kong itinaas niya ang kamay niya at tinuro niya si Tito Third at Tito Chand.
"I am letting the two of you handle everything now. Be the head of the family." sabi nito at tumango naman si Tito Third at Tito Chand.
Tumayo ako at lumapit sa mga pinsan ko. Yinakap ko sila dahil umiiyak na rin si Ate Pin. When I heard the beeping sound.. alam ko na non. Narinig kong inutusan ni Papu Nico ang mga nurse na ayusin na Grandma Ryle and Grandpa Luke.
Naisip ko din naman dati na darating din ang araw na to. Even Papu Nico, Lomsie Tin and my other Grandparents will eventually face their time but I didn't know that it would be this so painful.
Reality.. lahat ng tao namamatay. Make your life worth living. Tumingin ako sakanila, magkasama sila hanggang sa mamatay sila. Atleast I know.. in heaven, magkasama parin sila.
There will be forever in heaven.
Inayos na nila ang burol, kaming mag pipinsan ay nakaupo sa labas ng memorial park. I looked at Jackie and Jamelia who were crying in the corner. Lumapit ako sakanila at lumuhod sa harap nila.
"Don't cry.. hindi magugustuhan ni Grandma and Grandpa kung ganyan kayo kalungkot." sabi ko at yinakap silang dalawa. Kami kami nalang ang pwedeng magdamayan sa mga oras na to, I would do everything for them.
"They will be happy in heaven?" tanong ni Jamelia sa akin at tumango ako. Pinunasan ko ang luha niya. I felt so sorry towards them, they we're in school nung namatay si Grandma and Grandpa so it was a big shock for them.
"Puntahan niyo na muna sila Jace" sabi ko at mabilis naman silang sumunod.
Lumapit ako kila Jasper na masinsinang nag uusap. I sat beside Ate Pin and smiled at them.
"Alam na ba ni Jade to?" tanong ko sakanila. Tumango naman si Jerem sa akin. Pinaka mahirap para kay Jade to, lalo na at nasa malayo siya.
I know na kamumuhian nanaman ang sarili niya lalo na at wala siya ngayon dito, I hope she won't but I know her.
"I can't do anything for her. Umiiyak lamang siya habang kausap ko sa phone" wika ni Ate Pin kaya hinawakan ko ang kamay niya.
"We can do this. Let us take this as a challenge that will make our family be stronger" wika ko at mukhang sumangayon naman sila.
Yinakap ako ni Ate Pin, napatingin ako sa dumating at nakita ko si Jess na kasama ni Josh. She was crying, tumakbo siya saamin at yinakap kami ni Ate Pin.
"I am sorry" Jess' whispered. I know that everyone felt sorry about this, marami kaming ginawa na maaring makasakit sa pamilya. Maski ako ay gustong gusto kong mag sorry sa mga nagawa ko.
WE were looking at their grave. I was silently sobbing, buong pamilya ay nag luluksa dahil sa nangyari. Kahit ang mga empleyado kanina ay hindi maiwasan ang maiyak dahil napamahal na sila sakanila ang pamilya namin.
Dylan tried several times to talk to me pero hindi ko muna sinasagot. Masama? Masama nga ba ako dahil sa ginawa ko? Hindi ako makapag isip ng maayos, I am so wrecked. Hindi ko siya kayang mahalin ng buo kung ganito ang nagyayari akin. I need to be whole again before I can love him completely. It would be unfair to love him while I am not even sure if I can do all of this. Minsan natatanong ko sa sarili ko kung tama pa ba ang ginagawa ko.
Naalala ko tinanong ko si Ate Pin.
"Saan ba pupunta si Grandma Ryle at Grandpa Luke? Bakit wala silang dalang driver?" I asked Ate Pin. Yumuko ito at hinawakan ang kamay ko.
"They we're looking for you actually. Sinabi na namin actually to not look for you but we didn't know Grandma Ryle insisted." napatakip ako ng bibig. It was me? It was because of me? Umiling iling naman si Ate Pin, I know she's gonna make me feel better but I can't.
"It's not your fault, it was bound to happen. Wala namang sumisisi sayo, even the elders are not angry so don't worry" sabi nito sa akin pero hindi nalang ako kumibo. They are not? How sure is she?
Linapitan ko si mommy at yinakap siya. She hugged me tighter and she sobbed. I heard na after mawala ni Lola Ailee ay si Grandma Ryle din ang naging close niya so she is really taking this bad.
"Mom I am sorry" mahina kong wika, umiling naman ito at pinunasan ang luha ko. Napatingin ako sa paligid, I saw Jerem hugging Tita Alina because she is crying. Of course it's her mom who is in the casket. Kuya Jos and Ate Pin are with the kids.
"Everything is bound to happen, it is not your fault" umiling ako at hinawakan si mommy sa kamay. We all need to be honest and I don't want it this way.
"Is it really not or you are all just saying this because you don't want me to blame myself?" tanong ko sakanya, she wiped my tears.
"It is not, kahit ano pang gawin natin may katapusan ang lahat. Ikaw man o hindi ang rason, darating ang panahon na mawawala ang mga lolo at lola niyo. It will always come to an end then in heaven will be the start." saad ni mommy at yinakap ako. I felt someone hugged as from behind and it was daddy.
"Stop crying my two sunshine" I slightly laughed because of what he said. Nakisama sa amin si Jayden at nakiyakap din. I felt somehow lighter because of that. They are my family, kahit anong mangyari ay hinding hindi ko sila ipagpapalit sa kahit ano.
UMUWI na kami, ang mga elders ay magkakasama sa bahay namin habang kaming mga bata ay sa bahay nila Tita Mia.
"What should we do now?" tanong ni Jayden, napalingon kami lahat sakanya. Nakaupo kami sa living room. Wala kaming alam gawin ngayon, dati ay napakarami naming kalokohan pero ngayon wala kahit isa ang gustong gumalaw.
"Live our lives? Get going?" tanong ni Kuya Jos. Tumango tango naman si Jayden.
"Sir may tao po sa labas" sabi ng isang kasambahay kay Jasper. Lumabas naman si Jasper kasama si Kuya Jos. Napatayo kami lahat nung makarinig kami ng sigawan sa labas. Napatakip ako ng bibig ng makita si David at ang mommy nito na nasa labas ng bahay.
"How did they know na nandito tayo?" tanong ni Jayden, napalingon sila lahat kay Jess kaya napatingin rin ako. Looks like siya nga ang nagsabi.
"I am sorry" sabi nito pero walang umimik. Mabilis kaming lumapit doon at pinigilan si Kuya Jos na suntukin si David. My eyes searched for Dylan pero wala siya don, kung ganon bakit sila nandito?
"Pwede bang wag muna kayo manggulo? Kahit ngayon lang? Namatayan kami oh?" galit na galit na sabi ni Kuya Jos. Jayden and Jasper were holding his arms.
Nagulat ako nung lumuhod ang mommy ni David sa harap ko. Mukhang nagulat din ang lahat, never in my lifetime I imagined this to happen.
"Tumayo po kayo diyan" sabi ko at sinubukan itong itayo pero ayaw niya. Hinawakan niya pa ako sa kamay at nakita ko ang mga luhang dumadaloy sa mukha nito. Kagagaling lang nito sa hospital at hindi siya pwede ma-stress.
"Dylan didn't go home.. naglayas siya. Please help us find him. Ibalik mo sakin ang anak ko. Payag na ako sa inyo.. just bring me back my son" sambit nito at napaawang ang labi ko. No one is talking.. lahat ay nakikiramdam lang.
"Matanda na po ang anak niyo, kaya na niya ang sarili niya damn it!" naiinis na sabi ni Kuya Jos at padabog na pumasok sa loob ng bahay. Sumunod naman ang mga pinsan ko sakanya. Lumingon ako at nakita ko si Jess.
"Umuwi na po kayo, I will try to find him. Wag na po kayong papa stress, masama po sa kalusugan niyo." sabi ko at tumalikod na. Sumunod naman sa akin si Jess sa akin.
"Hahanapin mo siya?" hindi makapaniwalang tanong ni Kuya Jos sa akin. I can see anger in his eyes. Napasapo nalang ako sa ulo, this is making my head hurts.
"What do you expect me to do?! Gusto mong tumayo nalang ako dito?!" I can't take this anymore! Punong puno na ako sa nangyayari!
"Pag umalis ka.. I will never talk to you again." natigilan ako sa sinabi ni Kuya Jos. Napatayo din si Jerem at Ate Pin. Nasa likod ko si Jess at hinawakan niya ako sa kamay.
"K-kuya.." yun nalang ang nagawa kong sabihin. Kita kong seryoso siya sa mga sinasabi niya.
"Ikaw Jess, hindi mo man lang ba naisip na nag luluksa pa tayo? Kami? Do you really need to tell them where are we? Pinagkatiwalaan ka namin ulit tapos ganito nanaman?! Si Dylan may pera yon, alam na niya ang ginagawa niya. Uuwi yon kung gusto niya, hindi niya kailangan si Jas para iuwi siya. Ang problema kasi sainyo ginagamit na nga kayo nung Mrs. Wong na yon para iuwi yung anak niya sakanya nag papagamit naman kayo!" galit na galit na sabi ni Kuya Jos kay Jess. Jess is sobbing so hard, lumapit si Josh sakanya at yinakap siya.
"Alam niyo ba kung gaano ko kinamumuhian ang sarili ko! I know that this is all my fault!" wika ni Kuya Jos.. ngayon lang siya nag-burst ng ganito kaya nakakagulat talaga. I can see pain in his eyes.
"I asked myself, kung hindi ba ako pumayag na isama ka ni Dylan.. mangyayari ba to? If hindi ko ba yinaya yung team nilang makipag laban sa team namin mangyayari ba to? Makikilala ka ba niya? Magkakagusto ba siya sayo? Makikilala ba nila si Jess? Kukunin ba nila si Jess? I am always asking myself if pagkakamali ko ba lahat to and guess what? It's a yes!" lumapit ako kay Kuya Jos at yinakap siya. I didn't know that he has this kind of thinking all this time.
Lumapit sa amin sila Jerem at nakiyakap din, Kuya Jos is not crying.
"Kuya this is not your fault" bulong ko nalamang at naramdaman kong niyakap na din niya ako. We all need each other right now. Kami kami nalang ang pwedeng mag tulungan. Nakiyakap na rin si Jess at Josh sa amin.
"I am sorry" narinig kong sambit ni Jess sa amin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top