Kabanata XXX
I did go home. Kahit sobrang nanghihina ako ay nag drive parin ako. I focused myself dahil wala sa plano ko ang mamatay. Pagkababa ko sa kotse ko ay nakita kong naka-parada ang kotse ng kapatid ko doon.
I saw Jayden and Jerem getting off the car. Naka pajama pa si Jerem. Literally superman print pa ito at may dala pang unan. Mabilis akong lumapit sakanila at nag pamaywang, mukhang nagulat sila dahil bigla akong sumulpot.
"Ate! Saan ka galing?" Tanong ni Jayden habang naglalabas ng bag nila sa sasakyan niya. Inihagis niya ang isang bag kay Jerem.
"Well diyan lang.. oh kayo? Anong ginagawa niyo dito? Akala ko ba malinaw na ako lang ang maiiwan?" Tanong ko sakanya at tinuro niya si Jerem.
"Well we wanted to help Jade. She can only use her right hand so of course siguradong may man duties na kailangan. Like things na hindi mo magagawa Jas" sabi ni Jerem at inabot sa akin ang unan niya. Tinignan ko ito at gusto kong matawa.
"What the heck is this Jer? And really? Superman?" Sabi ko at natawa. I am so grateful na kahit ganito ako nalulungkot ay nandito parin sila. I can still laugh. Pakiramdam ko malalagpasan ko lahat with the help of them.
"Well.. Ate Jas! Stop teasing me!" Wika niya.
Nag madali siyang pumasok sa bahay nila Jade. Napatingin ako kay Jayden at nagtawanan kaming parehas. Naglakad na kaming parehas papasok din ng bahay.
"What is with the puffy eyes?" Tanong sakin ni Jayden.
Doon ko lang naisip na sobrang umiyak pala ako kanina at kilalang kilala na ako ng kapatid ko. Ngumiti ako at umiling, I don't want him to worry.
"Nothing.. nanuod kami ni Jade kanina ng tear jerking drama" I know he didn't buy my excuse pero wala na siyang magawa.
Pumasok kami sa bedroom ni Jade at nakitang nagaayos si Jade and Jerem ng bedsheet. Naglagay ng comforter sa baba at doon sila matutulog.
"Jade.. ako nalang. I can do this alone" wika ni Jerem kaya umupo nalang si Jade at tinulungan naman ni Jayden si Jerem. Jade looked at me and I smiled.
"Ilang luha ba ang iniyak mo at parang magang maga yan" natatawang sabi ni Jade kaya kinurot ko siya sa tagiliran.
Napatingin si Jerem at Jayden sa amin kaya ngumiti ako. Humilig naman sa balikat ko si Jade at pinagmasdan namin si Jerem at Jayden.
"Guys! Wag niyo na nga yan. Dito nalang tayo sa bed ni Jade. Malaki naman to, pa landscape nalang." Sabi ko at mukhang tuwang tuwa ang dalawa. Nagmadali silang umakyat at naglagay ng unan, humiga na din si Jerem.
"Dinala mo pa talaga yang unan mo" natatawang sabi ni Jade at humiga sa tabi ni Jerem.
Inayos pa ni Jerem ang paghihigaan ni Jade. Natawa kami nung biglang tumawa si Jade ng malakas. Umaray pa siya dahil sa sobrang tawa niya ay sumakit pa ang braso niya.
"Hey! Why are you laughing?" Tanong ko at nagpunas pa ito ng luha dahil sa sobrang tawa niya.
"Wala, it's just really funny to think na ang head ng marketing, accounting, security at management departments ay nandito at tabi tabi natutulog. Ang kinakatakutang pamilya natin ay ganito pala." Napatulala lang kami sakanya. Ano ano banaman ang iniisip nitong babaeng to.
"Take note.. yung isa, naka superman pajama pa" natatawang sabi ni Jade kaya doon lang kami natawa. Pati si Jerem ay natawa din, nakakatawa naman talaga makita si Jerem ng nakaganito.
"I will really miss you guys, sa pagpunta ko sa New York" sabi ni Jade at biglang napaupo si Jerem at Jayden non.
"What? How? Kailan?" Sunod sunod na tanong ni Jayden kay Jade. Hinayaan ko nalang siya na magexplain.
"Well Jas and me talked about that I need to take a break so I plan to go to New York again" sabi nito.
Napahiga nalang ulit si Jayden at Jerem. Mukhang wala silang masabi. Well they didn't went here to hear that.
"Well.. do you want us to come with you?" Tanong ni Jerem.
"No! Of course not! Ayoko naman na itigil niyo ang buhay niyo just because of me. I need this, sabi nga ng isang tao sakin. No one can help me but myself. I need to go alone for myself. I want to find my missing pieces. Tsaka para namang magisa ako doon, I have Rickos, Tito Ram and Tita Ella there. I will not totally exile myself naman. We will still contact each other. Yun nga lang nasa ibang bansa ako." Paliwanag nito.
"How long?" Tanong ni Jayden.
"One year? Two years? I don't know.. hanggang maghilom lahat sa akin. But I promise to skype, viber and do facebook para sainyo." Ani Jade.
"Kailan ka aalis?" Tanong ni Jerem. Pinalo naman siya sa braso ni Jade.
"Grabe ka! Wala pa man pinapaalis mo na ako" sabi ni Jade pero hindi nag react si Jerem so mukhang seryoso si Jerem. "Well next week ang naiisip ko" sabi ni Jade.
"Basta remember that we're always here. Just tell us when you need us there. Laging ready ang Harris Airlines" sabi ni Jayden at yinakap ko si Jade.
I want the best for her.
ONE week na ang nakalipas simula nung last kong nakausap si Dylan. I busied myself from work. Gusto kong mawala sa sistema ko ang lahat ng ito. I want to end this once and for all.
Tahimik lang din naman ang buhay namin. Wala ng nang gugulo. Naisip ko tuloy na baka pumayag na si Dylan sa gusto ng parents niya kaya hindi kami ginugulo ngayon and thinking about that makes my heart break into million pieces.
Gustong gusto ko siya makita pero alam kong hindi pa to ang tamang oras. Pag nakita ko siya ngayon baka walang tamang mangyari. We will just hurt ourselves and the people around us.
Jade told the elders about her plans. Pumayag naman sila at pinaalam na kila Rickos na pupunta si Jade doon. We asked for assistance and they gladly agreed.
"We're here" naputol ang pagiisip ko nung marinig ko si Kuya Jos. Nasa tapat na kami ng airport at i-hahatid na namin si Jade.
Lumabas kami sa sasakyan at tinulungan si Jade sa mga gamit niya. Pumasok kami sa airport at tumuloy sa private planes namin. Nandon na ang official pilot namin at hinihintay nalang si Jade.
"Mag ingat ka don" sabi ko at yinakap si Jade.
"I will.. kayo din." Sabi niya sa amin at isa-isa kaming yinakap. Ate Pin was crying and I hugged her. Sinabi niya sa amin dati na sobra siyang sorry dahil feel niya napabayaan niya kami but I told her that its not her fault.
"Jade!" May sumigaw at napatingin kami dahil si Jess pala iyon. Nagulat ako na kasama niya si Josh pero hindi ko nalang pinansin. I know Josh is a very responsible man right now, alam niya ang ginagawa niya.
"Jess" yun lang ang nasambit ni Jade dahil mabilis siyang yinakap ni Jess. Lumapit si Josh kay Jerem at inakbayan naman siya ni Jerem.
"Nabuo din tayo" sabi ni Jasper kaya napangiti ako. Yes, nabuo din kami.
Lumapit samin si Jess at humarap kaming lahat kay Jade. Pinagmasdan niya kami isa-isa.
"Kayo ng bahala sa kapatid ko" sabi niya at nakita kong nagpunas siya ng luha.
"When I come back here.. I promise na buo na ito" sabi niya sabay turo sa puso niya. We nodded. "Pag bumalik na ako, I promise to be stronger, I will be a better version of myself. We will bond again and mag paparty tayo non stop! Sisiguraduhin kong nasa headline ng news Heirs of SSM Group of Companies are party and booze people!" Natawa kami sa sinabi niya. A tear escaped my eye at pinunasan ko ito. I am so happy for her.
"Pero promise ko yon sainyo. Wait for me okay?" Sabi niya at yinakap namin siya sabay sabay. I missed this, kompleto kami. Kasama pa namin si Jess and I thank Josh for that.
"We will miss you" seryosong sabi ni Jerem. They are one of the closest kaya alam kong nalulungkot si Jerem.
"I will miss all of you too" sabi ni Jade sa amin kaya pati ako ay napaiyak na din. She will be alone there, wala kami doon para samahan siya but I know that she can do it.
"We will wait for you! Bumalik ka dito ng tinitingala na okay? Invade the whole world, fix your heart and make them think that you're no longer just the plain Jade Scott." Sabi ni Ate Pin habang umiiyak. Siya ang pinaka emotional sa lahat dahil siya ang panganay.
"Go!" Sabi namin at pinanuod namin siyang pumasok sa private plane.
We watched as it take off.
Sabay sabay kaming bumalik at tahimik lamang kami. Nagpapakiramdaman, I never imagined ourselves being like this. Noon puro laro at luho lang ang mga iniisip namin pero ngayon, we're being responsible.
Pagka-punta namin sa parking lot ay nagulat kami nung may pumarada na kotse sa harap namin. Hinintay naming lumabas ang may ari ng kotse at nagulat ako nung lumabas doon si Dylan. Hinila ako ni Jayden at dinala sa likod niya.
"What are you doing here?" Matigas na tanong ni Kuya Jos. Nakita ko namang lumapit si Jess kay Dylan na para bang sinusuportahan niya ito.
"I love your cousin. Please let me be with her, I want to borrow her for a day, ibabalik ko din siya bukas, I promise. I may not show some good impression, but I know that you know that I love your cousin. I love her so much that I am willing to give up all of my wealth for her. Yung ginawa ng pamilya ko sainyo, I am very sorry for that. I know na sila ang may kasalanan so I am sorry. I will try my best to protect your family from my family. Yung nakita niyo sa hospital, wala akong paliwanag para doon pero isa lang ang sinisigurado ko mahal ko ang pinsan niyo. Loving her is the most sure thing I know that I made. Please.." sabi niya kaya napahawak ako ng mahigpit sa damit ni Jayden. I want to cry from happiness.
"Noong una ko siyang nakilala, yun yung second time na ininvite niyo kami maglaro but that is the first time na nagkagulo ang mga team mates mo dahil manunuod daw ang mga babae mong pinsan. I only know her being Joseph's cousin pero as I always see her, ewan ko ba. Gustong gusto ko siyang nakikita. You know me, chill lang akong maglaro but when she is watching ginagalingan ko ng sobra because I want to look good. Gusto kong mapansin niya ako but she only always see her cousins. Laging kayo lang ang chine-cheer niya but instead of getting bored, mas nagustuhan ko siya. Hindi matatapos tong araw na to at mauubos lang ang oras kung ieexplain ko kung gaano ko siya ka-mahal dahil actually I really also don't know. Ang alam ko lang ay isang araw nagising ako at nung nakita ko siya, my heart was taken away from me, figuratively. So please let me be with her." I smiled, I know he loves me. Wala na akong pangamba ngayon. I know he will protect me.
"Ibabalik mo?" Nakangising tanong ni Kuya Jos sakanya at tumango naman siya.
"Pagbalik niyo, mag one on one tayo sa basketball. Don't run away from me Wong" sabi ni Kuya Jos at tumabi siya, my cousins made a way for me. Pati si Jayden na nasa harap ko ay umalis.
Mabilis niya akong nilapitan at niyakap. He nuzzled my neck.
"I miss you" bulong nito sa akin. Nahiya naman ako sa mga pinsan ko.
"I never thought to see Wong like this" nakangising sabi ni Jasper at nag apir pa sila ni Jerem.
"Go now! Baka mag bago pa ang isip namin" mabilis akong hinila ni Dylan papasok ng kotse nung sinabi ni Jayden yon. Kumatok si Jayden sa bintana ng kotse, binuksan ko iyon at hinalikan niya ako sa noo.
"Be happy" sabi niya at tumango naman ako. I mouthed them thank you. Itinaas ko na ulit ang bintana. Napatingin ako kay Dylan na kausap si Josh na katabi naman si Jess.
"We will talk about you and my sister pagbalik ko but for now, take care of her" sabi niya kay Josh at ngumisi naman si Josh. Itinaas niya ang bintana ng kotse at pinaandar na ito. I looked at the side mirror at nakita kong nakatanaw sila sa amin.
Hinawakan niya ang kamay ko at tumingin sa akin. He held it like his life depended on it.
"Eyes on the road mister" sabi ko sakanya at tinuro ko ang harap. Parang nanlalambot ako sa pagkakahawak niya sa akin.
"I love you" sabi niya sa akin kaya ngumiti ako. This is true.. kasama ko siya. Ayoko munang magtanong about sa ibang bagay. Kami lang ang importante sa ngayon.
"I love you too" sabi ko at hinalikan niya ang kamay ko.
"Where are we going?" Tanong ko sakanya at ngumisi naman siya. Doon lamang siya humarap sa daan pero nanatili parin nakahawak ang kamay niya sa akin.
"Kay David, to get my car" sabi niya kaya napaawang ang bibig ko. Doon ko lamang napansin na hindi ngapala niya ito kotse. Tumakas ba siya?
"Tumakas ka ba?!" Hindi ako makapaniwala. Baka magkagulo ulit dahil dito.
"Yes I did but don't think about it. Sa loob ng 24 hours, ikaw at ako lang muna ang iisipin natin." Sabi niya, tumango nalang ako at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya. I will never let go of this hand.
"Just you and me" sabi ko at nakita kong nagustuhan niya ang sinabi ko dahil ngumiti siya at mukhang sayang saya pa.
"That is what I want to hear wife" sabi niya sa akin at tumingin na ako sa labas.
I watched how we pass the urban city. Papasok kami ngayon sa isang rural place but I never thought of questioning him. Kahit saan pa niya ako dalhin, okay lang. I trust him and I want to be with him. Basta kasama ko siya, it will always be the perfect place.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top