Kabanata XXVI
"Uuwi na kami bukas" panimula ko sa pag uusap namin habang kumakain kami.
Napatingin siya sa akin at tumango. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya.
"Yeah, I heard that we will drop you off back to Manila" sabi niya sa akin at napatango naman ako. Of course he is my cousin's bestfriend and co-owner of this. Malamang alam niya.
"Paano nga pala kayo naging close ni Josh? I mean nasa China kayo diba?" Matagal ko na tong gustong itanong sakanya. Ngayon lang ako nag ka chance.
"Well, nagkaroon ako ng business meeting sa New York. I need to be there para matutunan ang business so I went and I saw Josh. Wala naman akong pakielam kung nandoon siya but when I heard your name na kausap niya sa phone. I talked to him" napaawang ang labi ko.
"I asked him what happened and immediately, I wanted to see you. I asked him to bring me to you and I saw you in the coffee shop. I heard na naghahanap siya ng partners for his Cruise Line and I talked to him about that. Sinama ko pa si David. We became best of friends" napangiti ako sa huli niyang sinabi.
"Ikaw ah, stalker!" Natatawa kong sabi sakanya. Natawa din ito and I felt so alive just by hearing his laugh.
"Handsome stalker" pag cocorrect niyang sabi sa akin at napailing ako.
"What do you think will happen afterwards? Pag iniisip kong babalik na ako sa Manila pakiramdam ko mawawala ka na din sa akin. Pakiramdam ko panaginip lang lahat to." seryosong sabi ko sakanya. Kanina pa ito bumabagabag sa akin. Kung tutuusin, napakarami palang bagay ang bumabagabag sa akin.
Nakaka inis na walang kasiguraduhan lahat. Na lahat to, pwedeng maglaho.
Tumayo siya at inabot ang kamay niya sa akin. Ngumiti ako at kinuha iyon, hinila niya ako paharap sa katubigan, yinakap niya ako mula sa likod.
"This is not a dream. Hindi ako mawawala, I will never let anything or anyone separate us. Just hold on and never release my hands. Don't ever turn your back on me please.. I am begging you with my heart" lumingon ako sakanya at ngumiti.
Hinawakan ko siya sa mukha at hinaplos iyon. I love this man so much, too much that it hurts to think that our happy ever after is not sure.
Bumaba ang mukha niya sa akin at dahan dahan niyang dinampi ang labi niya sa akin.
Sa ilalim ng buwan ay naramdaman ko ang pinaka masayang gabi ng buhay ko.
NAGLALAKAD ako patungo sa conference room naming pamilya. Bow ng bow ang mga tao habang dumadaan ako. Nag vibrate ang phone ko at nakita kong text iyon ni Dylan na dadaan muli ang barko nila dito bukas. 1 week had passed simula nung makita ko siya at miss na miss ko siya. Call at text nalang ang komunikasyon namin. Minsan wala pang signal.
Binuksan ko ang pintuan ng kwarto at napailing ako nung makita ko ang nangyayari.
Nag kekwentuhan ang mga pinsan ko at kumakain pa ng snacks.
"Guys, you are not here to eat" mataray kong sabi at dere-deretsong pumasok na, umupo ako sa tabi ni Jade na tumatawa. I am happy to see her laughing.
Kumuha din ako ng brownies at nag cross legs.
"Sus! Kakain ka din pala ate" natatawang sabi ni Jayden. Nag roll eyes lang ako at napangiti sa lasa ng brownies. Napaka sarap nito! Wow.. kung sino man ang nag bake nito ay hindi na papakawalan ng kompanya namin.
"Masarap diba?" nagniningning pa ang mata ni Jade habang kumakain. Tumango naman ako at kumuha ulit.
"Pinadala yan ng certain Joachim Ivor Montgomery for Jade Scott" tumaas naman ang kilay ni Jade kay Jasper. Binaba niya ang brownies at tinignan ng masama si Jasper.
"Paano mo naman nasabi yan? Gumagawa ka nanaman no, Jap" naiinis na sabi ni Jade pero nung inabot sakanya ni Jasper ang note ay mabilis niya itong kinuha at nakitingin din ako doon. Kitang kita ang pagkagulat sa mga mata niya.
"I am sorry for last time Jade Scott, but please think about what I said. From Joachim Ivor Montgometry" basa ko ng malakas sa nabasa ko. Nagsihiyawan ang mga pinsan ko at tumayo naman si Jade. Tumakbo siya palabas kaya napatayo din kami.
Nag madali kami at sinundan namin siya. Lunch time naman ngayon kaya nasa cafeteria ang mga tao, nakita namin siyang palabas ng building.
"Fuck we should look like adults pero sa ginagawa nating paghabol sakanya ay malabong mangyari yon" narinig kong reklamo ni Ate Pin. Pagkalabas namin ay sabay din naming pagkakita sa mga pinsan pa naming bata na kagagaling lang siguro sa school.
"Kuya! Early dismissal kami ngayon" Masayang balita ni Jackie kay Jasper na kapatid niya. Nakita namin dere-deretso si Jade kaya sinundan din siya ng kapatid niya na si Jace.
"Jace! Pumasok ka sa loob" sigaw ko pero sinundan niya ang ate niya. Nakita kong tumutungo si Jade sa isang lalaking naka sandal sa kotse niya. Natigilan ako dahil hinding hindi ko makakalimutan ang lalaking ito, siya yung nasa cruise din na nagpabalik ng kwintas kay Jade.
Napatakip ako ng tenga nung makarinig akong putok ng baril. Napaawang ang labi ko at sinubukang tumakbo para takpan si Jace pero may humila sa akin.
"Jace!" narinig kong may sumigaw at nakita kong tumatakbo si Jade patungo kay Jace. Yinakap niya ito at napaawang ang labi ko.
"Kuya Jos! Kuya! Si J-jade!" sigaw ko at naramdaman kong tumulo ang luha ko. Sinubukan kong kumawala ng pagkakayakap ni Kuya Jos sa akin pero mahigpit ang hawak niya. Napatingin ako doon sa kotse kung saan nanggaling yung bala.
Nakarinig pa ako ng mga putok at ang security team namin ay nag papaputok na din.
"Wong" mahina kong sabi dahil sobrang nanghihina na ako. Kitang kita ng mata ko na mga bodyguards sa bahay ng mga Wong. Hindi ako pwede magkamali.. they are aiming for me, I am sure of that.
"Jade!" lahat sila ay tumakbo papunta kay Jade habang ako ay napako sa kinakatayuan ko. Even Kuya Jos run for her. Nakita kong dinaluhan siya nung lalaki sa cruise. Mabilis niya itong binuhat pero pinigilan siya ni Kuya Jos.
"ANO BA?! I'm gonna bring her to the hospital! I am not just gonna stand here watching all of you crying kay'sa sa dalhin siya sa hospital" naiinis na tugon nito at mabilis na pinasok ito sa kotse niya. Si Kuya Jos, Jasper, Jayden at Jerem ay pumasok din sa kotse ni Jerem na naka park sa harap ng kompanya.
Lumingon ako at nakita ko ang mga pinsan kong bata na takot na takot. Tumakbo ako sakanila at yumakap sila sa akin. Kahit mga college na sila ay kitang kita parin na hindi nila kinaya ang nakita nila.
"Is Jace okay Ate?" tanong ni Jamelia sa akin habang umiiyak. Tumango ako at yinakap sila.
"Is Ate Jade okay? Will she be okay?" umiiyak na din si Jennifer at wala akong masagot. Tumango nalang ako at pinasok sila sa loob ng Kompanya. Pumasok na din si Ate Pin kasama si Jace na ika-ika.
Mabilis na lumapit ang mga guard at tinulungan si Ate Pin.
Kinuha ko si Jace at ini-upo ko siya. Lumayo si Ate Pin para gumawa ng mga phone calls.
"Are you okay" tanong ko sakanya habang sinusuri ang katawan niya kung may sugat ba siya.
"Ate Jas.. si Ate Jade" mahina niyang bulong kaya ngumiti ako.
"She will be okay, she is a strong woman so she will be okay.." panigurado ko sakanya at yinakap siya.
They are too young to see this..
"Jonathan, dalhin mo muna sila sa Exclusive Room." utos ko sakanya at mabilis naman silang sumunod. Sa top floor ng opisina ay may lugar para sa pamilya.
Lumapit ako kay Ate Pin at yinakap niya ako. Alam kong kahit panganay siya ay kailangan pa rin niya ng may masasandalan sa mga panahong ito.
"Ate.. they we're aiming for me" mahina kong sabi at mukhang nagulat siya.
"But.. maybe they we're aiming for Jade too. Remember David's issue?" napapikit ako. Hindi ko na alam ang iisipin ko, basta isa lang ang sigurado ko. Sila ang may kagagawan nito. They are scaring me, I am sure of that. They are threatening me or our family but I will do everything to protect everyone.
"Jasmine" may narinig akong tumawag sa akin at nakita ko si Dylan. Lalong gusto kong umiyak, tumakbo ako sakanya at yinakap siya.
Umiyak ako sa bisig niya na para bang i-sinusumbong ko ang taong may kagagawan kung bakit ako umiiyak ngayon. Kahit alam ko na ang pagibig namin ang dahilan.
"Sh.. I am here now. Sorry I am late, sorry" mahina niyang bulong sa akin pero lalo kong hinigpit ang pagkayap ko sakanya.
"Pamilya mo.. pamilya mo ang may kagagawan" humikbi ako pagkatapos kong sabihin yon. Ang sakit sabihin sakanya iyon.
Naramdamanan kong natigilan siya. Humiwalay siya sa akin at kitang kita ko ang pagkagulat sa mga mata niya at pati galit.
"What did they do?" tanong niya at napakagat ako sa ilalim ng labi ko. Hinawakan niya ako sa braso.
"What?!" giit niya kaya napapikit ako.
"Si Jade nasa hospital ngayon, nabaril siya" hikbi ko kaya napatakip ako sa bibig ko. Mabilis siyang tumalikod at pumasok sa kotse niya.
"Dylan!" sigaw ko at sinubukan kong habulin ang kotse niya pero walang nangyari. Naramdaman ko ang kamay ni Ate Pin sa braso ko kaya tumigil na ako.
Dylan.. Dylan, anong tumatakbo sa isip mo?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top