Kabanata XXIX

"Lagay mo nalang diyan gamit mo" tumango ako sa sinabi ni Jade at linagay ang mga gamit ko sa mini sofa niya sa kwarto.

Nakabalik na si Jade sa bahay nila. Medyo nagpapahinga pa siya kaya hindi pa siya pinapasok sa office. Nandito ako ngayon sa bahay nila. Nagpresinta akong matulog dito at tulungan si Jade. Gusto nga rin nila Jerem mag stay pero sabi ko ako nalang.

Jade was silent for the whole day, alam ko may iniisip siya. I want to ask her but I chose not to dahil alam ko na sasabihin niya rin ito.

Dylan? I don't know.. hindi ko pa siya nakikita or wala pa akong naririnig about him. I miss him of course, hindi naman ako magsisinungaling. Umasa ako na susubukan niyang kausapin ako pero wala eh, Im going nuts thinking about everything.

Tumingin ako kay Jade at pinagmasdan siya.

"Did Grandma Ryle came to see you already? What about Mamu Sab or Lomsie Tin? Sila Grandpa?" Sunod sunod kong tanong sakanya pero isa lang ang naging sagot niya.

"Yes" sabi niya kaya humiga ako ng maayos.

"Do you still love David?" Tanong ko sakanya. Nakahiga na kami at naka tingin ako sa kisame. Narinig ko siyang bumuntong hininga.

"Hmm.. do I? I don't know." Namayani ang katahimikan sa sagot niya. Hindi ko rin alam ang sasabihin ko.

Gusto kong maging open kami ulit sa isa't isa. Feel ko kaya naranasan niya ang mga naranasan niya ay dahil naging abala ako sa amin ni Dylan. If I have given her my time kahit sandali lang, maybe things will be different.

"Masyado na kasi akong napagod. I feel so numb Jas, pakiramdam ko may butas sa puso ko. There is a hole in my heart at wala akong alam na paraan paano ko ito tatakpan. Ubos na ubos na ako, nakakatawa nga na.. I am only 21 pero nararanasan ko na. We should be having fun you know" sabi nito sa akin. I smiled and touched her hands.

I held it like I am telling her to pass her burdens to me. Kung kaya ko lang ay gagawin ko. I will do everything for my family.

"I don't know when to make my heart work again. I need to bring back my missing pieces. Masyado silang nadurog at nawala. I need time Jas. Do I still love him? I really don't know but I do care for him. I still do and I freaking hate it." Sabi niya sakin kaya hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya.

"Baka kailangan mo munang mag bakasyon. Take your time.. start a new. Remember to love yourself first. Please Jade.. you need to do this. I miss my bubbly, happy and smiling cousin." Sabi ko sakanya. Pumikit ako, pakiramdam ko kailangan ko rin ng bakasyon. Should I? But that means I am running. My situation is not like Jade's.

She laughed at me and I smiled hearing her laugh.

"Should I? Actually kanina ko pa naiisip to, I am planning to go back to new york. I am planning to handle SSM Group of companies there." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"I told you to take a rest not to work! Mag bakasyon ka, don't think about work Jade" pagdadahilan ko pa pero umiling siya.

"Hindi rin naman ako mapapakali. I love my job and I love our company. So let me.. its the least that I can do." Sabi niya sakin at hindi nalang ako umimik.

"Si Ivor pala?" Tanong ko sakanya. I heard that he went to the hospital last time.

"May girlfriend yung tao." Nagulat ako sa sinabi niya. May girlfriend si Ivor? Wow.. I just can't believe it. His gaze towards Jade is something. Tanga lang ang maniniwalang wala siyang nararamdaman kay Jade tapos may girlfriend?

"What? Are you sure about that? I mean.. baka nag kakamali ka lang" sabi ko at natawa pa sa akin si Jade.

"Botong boto ka sakanya no? Halata! But.. yes its true. Nakita ko sa magazine" kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Baka naman ex girlfriend na niya yon." Umiling ito at tumingin sa akin.

"I asked him.. he said yes" nakakainis! I like him for Jade tapos bawal pala. Bawal dahil meron na itong iba. Pero paano yon? Bakit ganon nalang siya tumingin at mag care kay Jade? Ano yon awa?

Gusto ko pang magtanong pero pinigilan ko na ang sarili ko. I don't want to push things lalo na at kagagaling palang niya sa masakit na pangyayari.

"Have you heard about Dylan already? Narinig kong tanong niya.

"Wala, except for the fact na nakalabas na ang mom niya mula sa ICU" sabi ko at ngumiti.

"I'm telling you this because I really care for you. Araw araw siyang pumupunta sa kwarto ko sa hospital para lang makasalubong ka. Hindi daw niya kasi maiwan ang mommy niya kaya doon ka niya hinahanap but our cousins are shoving him. Tinatakot pa siya.." napaawang ang labi ko sa sinabi ni Jade. I don't know what to say.

Akala ko ay wala siyang pakielam but..

Kinuha ko ang cellphone ko at madaling lumabas. I heard Jade calling me pero hindi na ako lumingon. Tinext ko nalang si Jade na babalik din ako. Sumakay ako sa kotse ko at dumeretso sa hospital.

Pumasok ako sa hospital at nakita ko si David. I followed him hanggang marating namin ang kwarto ng mommy niya.

"Why are you following me?" Napaawang ang labi ko nung bigla siyang lumingon.

"Uh? Uhm.. Can I talk to your brother?" Tanong ko sakanya at ngumisi ito.

"Why?" Kumunot ang noo ko. Iba talaga ang trip nitong lalaking to. Paano nag kagusto si Jade dito. I can't possibly think of anything na likable sakanya, well except his looks.

"Fine! Fine.. stop giving me that look. Just answer me this one question. Who is that Montgomery to Jade?" Napaawang ang labi ko sa tanong niya.

"Huh?" Nagisip ako.. uhh! Bakit kailangan ko bang sagutin to? "Admirer? Savior? I don't know but he is climbing to the list of most memorable person in Jade's life" sabi ko at nakita kong sumama ang timpla niya. What is this? He likes her now? Sorry lang at ayaw ko sakanya para sa pinsan ko.

He hurted her like no man can ever do to a woman and now? Gusto na niya ito at concern pa? He is bluffing!

"Okay" nagulat ako sa sagot niya. Akala ko ay aawayin niya pa ako pero hindi, pumasok siya sa likod. Tumalikod ako at huminga ng malalim.

You can do this Jas.. this is just easy. 

"Jasmine?" I frozed nung marinig ko ang boses niya. Napatakip ako ng bibig nung makita ko siya. There are bruises in his face. I can't say anything. Naaawa ako sakanya.. I can't think of a word na pwede kong sabihin nung mga oras na yon.

"I am sorry" great! Just great Jasmine! Sorry? Yun talaga ang naisip mo?

"Kuya, just 10 minutes okay? Or mom will get in crazy mode again" sabi ni David sa kuya niya. Tumango lamang si Dylan at tumingin sakin.

"Thank you" sabi nito kahit nakatingin sa akin. Ngumiti naman si David.. wow he knows how to smile. Atleast sa mga kapatid niya mapagmahal naman pala siya.

"Anything for my brother" Nakatingin lamang ako kay Dylan.. sinusuri ko siya, I don't know how to approach him.

"What is that woman doing here?" Napalunok ako sa narinig kong boses. Lumingon ako and I saw an unfamiliar face. Pero isa lang ang sigurado ko.. she is a Chinese.

"Aunt Sereph" narinig kong bati ni David doon sa babae. Pero nanatili lamang ang tingin niya sa akin. Fudge! I look like a mess.. naka pajama lang ako. Baka mas lalo nilang matahin.

"Is this the reason why your mom didn't take it and suffer from Heart Attack?" Napaawang ang labi ko sa sinabi nung babae. Walang umimik.. then maybe its true.

"Break up with her, Dylan. If you don't want your mom to die from disappointment." Sabi nito at pumasok na sa loob ng kwarto.

Wala.. wala na talaga. Now I am the reason of his mom's suffering.

Tumingin ako muli sakanya, ngumiti siya sa akin at lumakad kami palayo doon. Lumalakad lang kami ng tahimik hanggang makarating kami sa graden ng hospital.

Hinarap ko siya at huminga ako ng malalim. 

"I am so sorry Dylan.. I know na mga pinsan ko ang may gawa niyan. I want to say sorry for them" sabi ko at hindi ko mapigilan na haplusin ang mukha niya. Umiling naman siya at nung tinanggal ko ang kamay ko ay kinuha niya ito muli at binalik sa mukha niya.

"I deserve this.. I know that everything messed up. Walang tamang nangyayari. I don't know how to fix this.. I know that I have to but I just don't know how. I want to prove to you that I can fight for this but everytime I try.. I just mess up." I can feel the sencerity in his voice. I want to hug him tight and tell him that everything will be okay but I know it won't.

"Should we just stop this?" Tanong ko at biglang nagtubig ang mata ko. Gusto kong matawa dahil ganon kabilis.. ganon kabilis nag react ang sarili ko. Ganon ako ka apektado..

"No.. I can't. Jasmine.. I can't give you up." Sabi nito sa akin at nakita kong nagtubig din ang mata niya. Napahikbi ako dahil hindi ko kayang makita siyang ganito.

"I love you so much" nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya.

"I love you too... so much" sabi ko at ngumiti sakanya kahit na tuloy parin ang mga luha ko sa pagtulo.

"Is it true? I mean about your mom?" Tanong ko sakanya.

I was trembling.. I am so nervous.

"Nagkasagutan kami ulit. I want her to accept you but she took it in a bad way" napapikit ako sa sagot niya. Naramdaman kong niyakap niya ako.

Gusto kong malusaw nalang sa bisig niya pero tinibayan ko ang loob ko. Inalis ko ang pagkakayakap niya. Kita ko ang pag tataka sa mata niya.

"We need to.." tumulo nanaman ang mga luhang pinipigilan ko. Napahikbi ako dahil hindi ko masabi ang gusto kong sabihin. Humigpit ang hawak niya sa akin.

His eyes were searching for mine.

"Stop this" sabi ko at napahikbi ulit. Binitawan niya ang kamay ko.

"What? Again? No!" Umiling iling ako sa sagot niya at sinubukan siyang hawakan. Pero umiiwas siya.. this is breaking me into pieces.

"Nagpunta ka lang dito para sabihin yan?!" Galit na galit niyang sabi. Umiling ako at nagpunas ng luha.

"Bakit Dylan?! Anong naiisip mong dapat gawin? Tingin mo maayos to? Your mom is in the hospital because of me! Kung kaya ng pamilya mo na makitang nasasaktan ang pamilya ko pwes ako? Kahit galit na galit ako sa pamilya mo ayaw ko parin silang makitang nandyan!" Sabi ko at napahawak sa puso ko. Sobrang sakit.. sobrang sakit ng nararamdaman ko. I can see the pain in his eyes. I am hurting him.

"Dylan.. wala na. If before umalis ako na may paninindigan na darating ang panahon na mapapaglaban kita ngayon iba na. I can do it but it also means hurting your family. And hurting your family can lead to.. them hurting my family." Nanghihina kong sabi sakanya. I want him to open his mind.

Nahihirapan din ako, I love him so much but things are different. Hindi pwedeng ipaglaban ang isang bagay na walang kalaban laban.

Humakbang siya palapit sa akin at hinawakan ako sa kamay.

"I may not have thought of a solution for this" matigas niyang sabi sa akin. He is mad.. totally mad.

"But it never cross my mind to give you up. I won't Jasmine." Napapikit nalang ako sa sinabi niya at napaupo. Sinapo ko ang mukha ko dahil ayaw tumigil ng luha sa kakatulo.

"Go home" sabi nito at naramdaman ko ang mga yapak niyang papalayo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top