Kabanata XXIII
"Good morning sisters!" Masiglang bati ni Ate Pin.
Ngumiti naman kami sakanya at pinagpatuloy ang pagaayos ng mga damit at gamit.
"What are those?" Tanong niya sa amin.
"May ball later. Ipapakilala officially ang mga Wong." Matabang na sabi ni Jade. Ngumiti naman ako ng mapakla at nag ayos ulit.
"OMG WALA AKONG DAMIT! BAKIT HINDI NIYO AKO GINISING?" gulat na gulat na tanong niya. Napailing nalang kami sa sinabi niya.
"Shh, keep your voice down ate. We tried promise but tulog oil ka eh" natatawang sabi ni Jade.
"Oww. I'm sorry, by the way saan kayo galing kagabi? I woke up at parehas kayong wala" natigilan ako sa sinabi niya.
"Well.. we sort of.. I mean we can't sleep that's why lumabas muna kami" nakangiting sabi ko.
Nagkibit balikat ito.
"Uh huh.. meron na ba akong gown?" Tanong niya nung makita na tatlong gown ang nandoon.
"Ilan nakikita mong gown?" Napataas ang kilay ni Ate sa tanong ni Jade. Gusto ko na ngang tumawa pero pinipigilan ko lang.
"Tatlo duh!" Sarcastic na sabi ni Ate Pin.
"Ilan tayo dito ngayon?" Mahinahong tanong ulit ni Jade. Umupo muna ako at tinignan ang phone ko.
May text doon galing kay Dylan. Agad akong napangiti. I'm turning into a high school girl because of this man!
"Tatlo din, ano ba Jade?" Nagtatakang tanong ni Ate Pin.
'Goodmorning my lady. Did you receive the gowns already?' Nakalagay sa message niya.
Mag rereply na sana ako pero naisip ko na mali iyon. Dapat mag paka Maria Clara muna ako.
Wow Jasmine! Really? Maria Clara?
"Yun naman pala eh. Tatlo tayo at tatlong gowns malamang meron ka din" natatawang sabi ni Jade. Nakita ko namang inis na inis si Ate Pin.
"JADE!" tawag niya dito nung pumasok ito sa banyo.
Pagkatapos ng tatlong minuto ay nag reply na din ako.
'Goodmorning Dylan. Really, lady? Yes we did receive it. Thank you so much. :)'
One emoticon won't hurt, right?
"Jos told me..." napalingon ako kay Ate Pin. Mukhang nag dalawang isip pa siya.
"Mag sa-stop by tayo sa china today. Susunduin ang pamilyang Wong."
Nabitawan ko ang cellphone ko. Napangaga siya at mabilis na pinulot ang cellphone ko.
"Are you nuts?!" Sabi niya at pinunasan ang cellphone ko.
Susunduin ang pamilya niya? Natatakot ako. Bakit hindi ko 'to naisip? Masyado akong nawala sa kasiyahan na magkasama kami.
Paano niyan? Wag na kaya ako mag-attend sa ball na yon. Bakit ngayon ko lang naisip yun? Syempre ipapakilala ang mga Wong. Malamang ay kasama ang pamilya nila doon.
"Hey.. Dylan is calling" napabaling ako kay Ate Pin.
Should I answer? I can't talk to him right now.
"Can you please answer it. Tell him that lumabas ako saglit. Tell him naiwan ang phone ko. Tell him.. tell him I can't talk" natataranta kong sabi sakanya. Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko.
Sinagot niya iyon.
"Hello. This is Josephine. Well my cousin here found out about the pagsundo thing to your family and doesn't want to talk to you sorry. What? Nasa room kami. Ikaw bahala." Sunod sunod niyang sabi at napanganga nalang ako sa mga sinabi niya. Napatayo ako at hinablot ang phone ko.
Pinutol ko ang call at nakita kong nakangisi si Ate Pin sa akin.
"Ate! What did you do?!" Frustrated kong sinabi sakanya pero bumuntong hininga lang siya.
"Stop getting scared and trust him. I'm gonna trust him for you so you also.. trust him okay?" Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya dahil biglang bumukas ang kwarto ko.
Iniluwal non ang isang inis na inis na Dylan.
"Oops! Labas lang ako" sabi ni Ate Pin at nag madaling lumabas.
Lumapit siya sa akin at hinapit ako sa bewang.
"Oh my fucking cousin" napatingin ako sa pintuan ng banyo at lumabas doon ang kakaligo lamang na si Jade. Nakabihis na ito pero nagpapatuyo pa ng buhok.
Napatingin ako kay Dylan pero hindi niya pansin si Jade. Nakatingin lamang siya sa akin.
"Bye!" Sigaw ni Jade at nagmadaling lumabas ng kwarto habang hawak ang twalya at nagpapatuyo ng buhok.
"What are you doing here?" Tanong ko sakanya. Nagtagis ang bagang niya sa sinabi ko.
Humigpit din ang pagkaka hapit niya sa bewang ko. Napahawak ako sa dibdib niya para magkaroon ng kahit konting distansya samin.
"Galit ako. Galit na galit ako" napaawang ang labi ko sa sinabi niya.
Ako.. takot na takot ako. Gusto kong sabihin sakanya iyon pero walang gustong lumabas sa bibig ko.
Bumalik lahat ng masasakit na salitang sinabi ng nanay niya sa akin. I know it isn't about my career background. It's about the blood.
"Ano 'yon? Just because my mom will be here later ay hindi mo na ako papansinin?! Are you telling me that we will stop everything again?! Again?!" Galit na galit na sabi niya.
"Hindi ikaw ang nakarinig ng masasakit na salita mula sa mommy mo! Hindi mo alam ang pakiramdam Dylan! Intindihin mo naman ako!" Humina ang boses ko sa huli kong sinabi.
"Nagsisimula palang tayo! You just made me the happiest man alive again after two fucking years. Nabubuhay palang ako ulit tapos papatayin mo nanaman ako?" medyo huminahon na siya at lumambot na ang ekspresyon niya.
Nakatingin lamang ako sa sakanya.
"Ayoko din naman ng ganito Dylan pero.. pero hindi ko na din alam ang gagawin." Pagpapaliwanag ko sakanya.
"Ang gusto mo ba ay itigil na naman to?" Natigilan ako sa sinabi niya.
Malinaw pa sa malinis na tubig na gusto ko ituloy to. Gustong gusto.
"Gusto ko to pero--" natigilan ako nung dampian niya ako ng halik sa noo ko.
"Yun lang ang gusto kong marinig. We're adults now so we have the right to decide. I have the right to decide for myself." Sabi nito sa akin na para bang kayang alisin non lahat ng problema.
"Hey.. I'm sorry. Dapat ay hindi kita pinagtaasan ng boses." Banayad niyang sinabi. Tumango naman ako sa sinabi niya.
I understand him.
"Hey speak up.. you're scaring me" mapakla akong ngumiti sakanya.
Hinaplos ko ang mukha niya at nakita kong lumambot ang ekspresyon niya.
"Takot ako. Natatakot ako Dylan. I can't be happy na alam kong ayaw sa akin ng pamilya mo" I honestly told him.
Napabuntong hininga ito.
"Don't be. They don't have any choice. Kailangan nila itong tanggapin." Umiling ako sa sinabi niya.
"Dylan.. kaya mo ba? Kaya mo ba na habang buhay na hindi matatanggap tong relasyon natin? Hindi ko ata kaya.." naginginig kong sabi sakanya.
"I can. Basta kasama kita kaya ko." napapikit ako sa sinabi niya. Kumikirot ang puso ko. Hindi ko akalain na ganito.. ganito kasaya at kasakit na marinig mula sakanya ito.
"Dylan" yun lamang ang nasambit ko dahil sa sobrang umaapaw na kasiyahan.
"Jasmine.. do you trust me?" Napakagat ako sa labi ko dahil sa sinabi niya.
Walang lumalabas sa bibig ko kaya tumango nalang ako.
"Good" sabi niya yinakap ako.
"Just hold on" parang malulusaw ako.
"Dissimilar Worlds" mahina kong bulong.
"I don't give a damn care" napapikit ako sa sinabi niya. Yinakap ko din siya.
KABADONG kabado akong pumasok sa hall kasabay ang mga pinsan ko.
Inabot ni Jayden ang braso niya kaya tinanggap ko ito. I badly need this.
"You nervous?" Tanong niya sa akin pagkapasok namin. Napalunok ako at inilibot ang mata ko. Ngayon ko palang nakita ang mga bisita. Lahat ay naka gown at tux.
"JD.. I am" honest kong sabi sakanya.
"Don't be. We are all here for you" sabi niya na nagpangiti saakin.
"Thank you" sabi ko at pumunta kami sa isang table doon.
"Shit" narinig naming mura ni Jade. Napalingon kami doon sa tinitignan ni Jade at nakita ko ang pamilyang Wong.
"The fiance is here huh?" Nakangising sabi ni Kuya Jos. Umiwas ako ng tingin.
Sila pa rin ba? Naalala ko ang sinabi ni Dylan dati na kapalit ng hindi niya pagpapakasal agad ay ang pagsama niya sa China. Pero hindi ibigsabihin non ay hindi na tuloy hindi ba?
"The heck they are doing here" iritadong sabi ni Jerem.
"This will be hard for Dylan. Baka mag ka instant show dito" dugtong ni Jerem.
"Should I go back to my room?" Tanong ko pero kumunot ang noo nila.
"No" sabay sabay nilang sabi.
"This is originally planned by Josh so we deserve to be here" sabi ni Jasper. Tumango nalang ako sa sinabi niya.
"Hey" natigilan ako nung marinig ko ang boses niya sa likod ko. Napatayo ako at tinignan siya. Kasama niya si Josh at David.
"Hey brother-in-law" nakangising sabi ni Jasper. Mukhang okay na siya sakanila.
"Your family. Nandito na sila" sabi ko at lumingon ulit doon. Napaawang ang labi ko dahil nakatingin sila sa amin.
Si Josh ay tinawag ni Kuya Jos.
"Hey" tawag niya sa akin pero hindi maalis ang tingin ko sa pamilya niya na masama ang tingin sa akin.
Nakita kong papunta sila sa amin.
He held my chin and made me look at him.
"Trust me?" Pumikit ako at tumango.
"Son" nanigas ako nung marinig ko ang boses ng ina niya. Parang sinasaksak ako dahil naalala ko ang sinabi niya dati.
"Mom" binati ni David at Dylan ang parents niya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kung uupo ba ako ulit o hindi.
"Ate" nakangiting tawag sa akin ni Jess at yinakap ako.
"I miss you" bulong niya sa akin at ngumiti ako dahil doon.
"I miss you too" sagot ko sakanya.
"What are you doing here?" Malamig na tanong ng ina nila sa akin.
"Mom!" Pag babawal ni Dylan sakanya. Lumapit siya sa akin na lalong kinainis ng pamilya niya.
"She is my cousin, ma'am. I think she deserves to be here." pag tatanggol sa akin ni Josh. Mukhang natigilan naman ang mommy nila dahil doon.
"Ma, you don't need to ask that. Kahit na hindi siya pinsan ni Josh may karapatan siyang pumunta dito." Sabi ni Dylan kaya napahawak ako sa braso ni Dylan.
Napatingin ang mommy niya doon kaya napabitaw ako pero kinuha ni Dylan ang kamay ko at pinagsiklop iyon. Lalo akong kinabahan sa ginawa niya.
"Why is that?" Inis na inis na tanong ng mommy niya.
"Mommy stop it with my sister. Sila po ang nag aruga sa akin noon kahit doon lang po ay sana respituhin niyo po siya. She is a good person and a good sister to me." pag tatanggol din sa akin ni Jess. Hinawakan niya ako sa kabilang kamay ko.
I'm so touched pero mukhang hindi nagugustuhan ni Mrs. Wong ang nangyayari.
Lalo pa atang lumalala ang sitwasyon. Lalo na ay mukhang kinakampihan ako ng dalawang anak niya.
Tumayo ang mga pinsan ko at pumunta sa likod namin.
"That old woman is lucky. Wala sila Tita Cams dito or else hindi nila masasabi yan" rinig kong sabi ni Jasper sa likod.
"Of course. Isama mo pa ang mga parents natin. This old lady is indirectly insulting the whole family." Dagdag pa ni Jerem.
"Dylan.. you promised me. Ikakasal ka kay Stephanie" ma-awtoridad na sabi ng mommy niya. Lalong humigpit ang hawak sa akin ni Dylan.
I trust him.
"No I didn't. Ikaw lang ang nag assume na nangako ako pero hindi" pinipigilan ko ang umiyak dahil nakikita kong nagaaway si Dylan pati ang pamilya niya.
Ito ang ayaw kong mangyari.
"Dylan! Natututo ka ng sumagot just because of that girl!" Galit na galit na sabi ng mommy niya.
"Mali na ka ma, hindi na tama ang ginagawa mo. Kung hindi naman kayo ganito ay hindi naman ako sasagot. I can't just stand here and watch you belittle the woman I love." Mahinahon na sabi ni Dylan. Para na rin siguro hindi makakuha ng atensyon.
Parang gusto kong sumabog sa halo halong emosyon na mayroon ako. Here I am listening to the man I love telling that he loves me but I can't be fully happy seeing that his family doesn't like me.
"Dapat ay hindi ka na pumunta dito. Tignan mo ang nangyayari sa pamilya namin. Masaya ka siguro na nasisira mo ang pamilya namin." sabi ng nanay niya sa akin.
Napaawang ang labi ko. Gusto kong ipaglaban ang sarili ko pero walang lumalabas na salita.
Ganito ba ako kaayaw ng pamilya niya?
"Mam, kahit kailan po ay hindi ko hiniling na mag kaaway away kayo." Nanghihina kong sabi. I can't explain myself.
Dahil una sa lahat ay hindi ko alam ang i-eexplain ko. Hindi ko alam kung ano ang ginawa kong mali.
"You insolent child. Sumasagot ka pa?" Iritadong sabi ng nanay nila.
"Mom" narinig kong tawag ni Jess.
"Baliw ata tong matandang to" narinig kong bulong ni Jerem sa likod. Binawalan naman siya nila Jade.
"Mom, itigil na natin to. Wala kayong choice kung hindi tanggapin ito dahil kung papipiliin niyo ako alam niyo na kung sino ang pipiliin ko." Napaawang ang labi ko. Lumuwag ang pagkakahawak ko sa kamay ni Dylan pero lalo lamang humigpit ang hawak niya sa akin.
"She deserves more than anyone to be here. Why? Because she is Josh's cousin, David's soon to be sister-in-law and the woman I will marry." napabaling ako sakanya at nakita kong seryosong seryoso siya sa kanyang sinabi.
Tumingin siya sa akin at nag tama ang mata namin.
"You want me to get married? In one condition. Jasmine would be the bride. It's her or no one" nagtubig ang mga mata ko sa sinabi niya.
I love him so much.
Kitang kita ko doon kung gaano siya kaseryoso and I'm ready.
Hinigpitan ko na ang pag kakahawak ko sakanya at ngumiti sakanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top