Kabanata XX

"This is so refreshing!"

Bungad ni Jerem nung makapasok kami sa barkong idadaong nila Josh. Just by looking at everything.. I am so proud of him.

"Josh!" Sabay sabay naming sigaw nung makita namin siya. Agad siyang lumingon at ngumiti samin. Nagmadali siyang lumapit at pinag kuguluhan namin siya.

"We miss you Joshy!" Sabay sabay namin sabi at nagsitawanan.

"I miss you too guys. Tara ihahatid ko kayo sa mga rooms niyo" pag anya-ya niya samin. Sumunod naman kami sa kanya at talagang napapamangha kami sa mga nakikita namin.

"Tayo lang ba ang mga nandito?" tanong ni Ate Pin sakanya. Lahat ng staff na dumadaan ay nag bobow sakanya.

"Nope, may mga naka check in na. Nagpapahing lang sila niyan." mas lalo akong namamangha sa mga nakikita ko. Josh really put everything for this. I am proud of him and we are proud of him.

My little cousin did grow. I can see it through this.

Nakakita kami ng sunod sunod na kwarto.

"Hindi ba pwedeng sama sama nalang kami? Or kahit kami ni Jade nalang" tanong ko at mukhang nag sangayon sila sakin.

"Sama mo na ako sakanila" sabi pa ni Ate Pin.

"Dating gawi?" nakangising sabi ni Jasper kaya nagtaasan kami ng kilay. 

"No, ano ba guys? I reserved all of this para sa inyo." Nagtatampong sabi niya kaya napailing nalang ako.

"Basta mamaya mag sleep over ako sa room ni Jas" sabi ni Jade kaya natawa kami. Mukhang masasayang ang ilang kwarto dito.

"Fine" sabi ko at ngumiti naman siya.

"Well basta gamitin niyo parin yung kwarto niyo" ani Josh. 

"Yes boss" sabay sabay naming sabi ni Ate Pin at Jade.

"Where is Jos?" Tanong ni Ate Pin kaya lumingon lingon din ako.

"May ka call siya kanina" sabi ni Jade at nagkibitbalikat.

"Ako ng maghahanap sakanya mamaya" sabi ni Josh at hinatid na kami isa isa sa kwarto. Ako ang pinakadulo saming magpipinsan.

Literal akong napanganga sa nakita kong view.

Wala akong masabi. Napaka ganda talaga. I'm not a fan of water but this is breathtaking.

Sobrang nakakawala ng problema. I can say that this is really something. I can just stay here and look at the scenery.

Inayos ko na ang mga gamit ko at umidlip ng konti. Wala pa akong maayos na tulog simula nung bumalik kami dito sa Pilipinas kaya gusto kong sulitin 'to.

Next week ay tuturuan na kami at magsisimula na kaming magtrabaho sa empire. It was called an empire kasi pinagsama samang kompanya namin ito. Mula sa mga Salazar, Scott, Morgan at mga Torres. Pero si daddy at Tito Travis ang pinaka boss ngayon.

I slept smiling thinking that this is a good time for me. I won't see Dylan in here, I don't need to think anything from the outside. I just need to relax and enjoy everything.


Naalimpungatan ako nung tumunog ang phone ko.

"Hmm" sagot ko nalang sa tumatawag. Im so dead tired and I want to rest.

"Hoy babae. Di ka pa ba lalabas diyan?" Napakunot ang noo ko.

"Jade please not now" mahina kong reklamo at ba-baba na sana ang cellphone ko.

"Subukan mong ibaba to! Get your ass in here and dumiretso ko na sa hall" napasabunot ako sa sinabi niya.

"Fine my sweet cousin. Fine!" Sabi ko at sinara ang phone ko.

Bumalikwas ako at nag ayos. Tinignan ko ang orasan at lalo akong napa daing. It's just 3:45 in the afternoon.

What is her problem?

Pagkalabas ko ng kwarto ay napakatahimik ng paligid.

Mukhang nasa hall na sila.

Inayos ko ang dress ko at nag simula ng maglakad.

"Jasmine" para akong dinikit sa kinakatayuan ko.

My heart was in a race. Ramdam na ramdam ko ang presensya niya na hindi ko akalain na mangyayari pa.

Jasmine.. two years mo tong pinaghandaan. Atsaka wala kang dapat ikatakot.

"Dylan" bati ko sakanya at ngumiti. Act like you're okay.

I suddenly remember, sinabi ko sakanya na hihintayin ko siya. Somehow, half of me is telling me na hinintay ko siya but half of me accepted that things might not work out. Malay ko ba kung may nagbago na.

"Can we talk?" Natigilan ako.

Dahan dahan akong tumango at sumunod sakanya. Dinala niya ako sa may deck. 

He looks so different. Balita ko ay sila ni David ang humahawak sa buong business nila ngayon. Si Dexter ay ibang field ang pinag kaka-abalahan while Drew is still studying.

Siguro dahil sa responsibilities niya kaya siya nag mature at nag iba talaga. He looks so manly and a bachelor..

But wait? What is he doing here? 

"Ano nga palang ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ko sakanya. Is he invited?

"I don't want to talk about it. Malalaman mo din mamaya. Let's talk about important matters" napatingin ako sa ibang dereksyon nung sinabi niya yon.

Kakaiba ang nararamdaman ko, may saya dahil kahit papano ay nagkita kami ulit. Alam ko sa sarili ko na hindi nag bago ang nararamdaman ko sakanya. Pero hanggang dito nalang to.

Natawa ako sa sarili ko. Hanggang dito? Kaya ko ba? Kaya ko ba na hanggang dito nalang?

"What should we talk about?" tanong ko habang hindi nakatingin sakanya. 

Pakiramdam ko tuwing tumitingin ako sakanya ay nahuhulog ako paulit ulit.

Nagulat ako nung hawakan niya ang kamay ko at iharap sakanya.

Isang daang boltahe ang naramdaman ko. Napatingin ako sa mga mata niya at parang gusto kong maluha dahil hindi ko akalain na magkakalapit pa kami ng ganito. 

"Did my mom really talked to you? Insulted you and hurted you?" marahan akong ngumiti dahil sa sobrang pag aalala sa mata niya. 

Gustong gusto ko siyang yakapin. Gustong gusto ko rin yung paghawak niya sa akin.

"She talked to me, maybe nasaktan ako pero I understand her. She is your mom and I think that is where she's coming from" nakangiti kong sinabi sakanya. Pumikit siya sa harapan ko at nakita kong galit siya dahil kumunot ang noo niya at nagtagis ang kanyang bagang.

"I'm sorry. I don't know what to say. Nagagalit ako sa sarili ko Jasmine, dahil wala ako nung mga panahon na yon. I am so sorry" banayad niyang sabi pero halatang nainis siya sa nalalaman niya.

Hinawakan ko ito na para bang may karapatan pa ako. 

"Don't worry. I am okay.. that is two years ago." mahinahon kong sabi at nagulat ako nung yakapin niya ako.

Parang sasabog ako sa nangyayari. Akala ko ba ititigil ko na to? Bakit parang ginugusto ko pa ang nangyayari?

Kung anong lumalabas sa isip ko ay siyang pag tutol ng puso ko.

"Dylan" mahina kong banggit sa pangalan niya at sinubukan kong kumalas.

"Jasmine please.. I miss you. So much, too much that for two years I felt like I was dying" napapikit ako sa sinabi niya. I missed him too. I miss everything.

"Pero hindi tayo pwede. Hindi talaga.. ngayong nag mature na tayo. Mas malinaw naman siguro na hindi talaga pwede" tuloy tuloy kong sabi.

Humiwalay siya sa akin at tinignan ako. Nakita kong nagtutubig ang mata niya. Napasinghap ako dahil dito.. si Dylan naiiyak? Is this freaking true?

"No one can tell us that we are not allowed or we can't be together. No one." sabi niya sa akin pero umiling ako.

"Masyadong maraming masasaktan Dylan. Please makinig ka naman.." pag mamakaawa ko sakanya na makinig.

"How can you say that? So ganito nalang? Hahayaan mo nalang? I waited for two fucking years Jasmine! Don't you love me?! Kahit konti lang?" napasinghap ako sa sinabi niya.

Naninikip ang dibdib ko sa mga sinasabi niya.

"Mahal kita.." sabi ko at napatakip ako ng bibig sa sinabi ko. What did I just do?! This is not in the plan! 

Ngumisi siya sa akin at parang nanlambot ako sa ngisi niyang iyon.

"I love you too" naramdaman kong tumulo ang luha ko sa sinabi niya. 

This is making things complicated but I still love it. I still love him. Alam na alam ko sa sarili kong mas minahal ko pa siya kahit mag kalayo kami. I didn't know that was possible but it happened.

I just want to follow my heart. Kahit ngayon lang..

I'm deep shit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top