Kabanata XVI
"Ano ba yan?! Saan na nga yan!"
Narinig kong sigaw ni Jerem kay Jayden mula sa kusina. Tinignan ko si Jade at nagkibit balikat lamang ito.
Lumabas mula sa kusina si Jasper.
"Napano yung dalawa?" tanong ko.
"Nagluluto sila pero you know Jayden, he doesn't cook and he is with Jerem who is very good in cooking so ganyan ang nangyayari." natawa naman ako at tumango tango. Maliban sa kayabangan ni Jerem, he really knows how to cook. As in sobrang talented niya sa bagay na yon.
"Shit" napatingin ako kay Jade dahil napabalikwas siya. Nakatingin siya sa cellphone niya.
"What is it?" tanong ko dahil mukhang seryoso siya.
"Naka alis na ng bansa si Jess" mahina niyang bulong at nakita kong kumunot ang noo ni Jasper.
"What the heck?! Hindi man lang siya nag paalam?!" kitang kita ko kung paano madissapoint si Jap sa nangyari. Hindi ko naman siya masisi dahil pati ako ay naghihintay kahit isang text lang mula kay Jess.
I suddenly thought of Dylan.. nakaalis na rin siya.
"Let her be.. if she is happy. Bayaan na natin" napalingon ako kay Jayden at ngumiti ako.
"I'll go out a sec, bibili lang ng kulang na ingredients. Ang master chef kasi natin hindi pwede umalis sa kusina." sabi niya kaya tumango kami.
"Buy me an ice cream please!" sigaw ni Jade at humiga na sa sofa. Dumiretso naman si Jayden sa pintuan at binuksan ito. Nakita ko siyang natigilan kaya napakunot ang noo ko.
"JD?" tawag ko sakanya kaya pati sila Jade ay napatingin doon. Umalis siya sa pagkakatakip sa pintuan at napaawang ang labi ko.
"Mrs. Wong" mahina kong bulong sa pangalan niya. Pinapasok siya ni Jayden at nakita kong pinalibot niya ang mata niya sa buong suite.
Hindi pa kami umuuwi sa bahay dahil wala pang signal sa mga elders.
Sobra akong kinakabahan. Wala na si Dylan, umalis na siya. Ano pang kailangan niya?
"Hello Ms. Jasmine White Salazar" napalunok ako nung mag tama ang mata namin. Wala akong makitang pagkagalak sa mga mata niya.
"Can we please talk?" dahan dahan akong tumango sa tanong niya. Napatingin siya kay Jade, Jap at Jayden.
"I mean privately" sabi niya kaya sinenyasan ko sila.
Napalunok ako at napakagat sa ilalim ng labi ko. No! I should make myself look like, I am not even a little bit intimidated.
Inayos ko ang sarili ko at bahagyang ngumiti.
"Tulungan natin si Master Chef sa kusina" pag yaya ni Jade at hinila sila. Ayaw pa magpahila ni Jayden pero wala na siyang nagawa.
Binalingan ko ang mommy ni Dylan.
"Upo po kayo" alok ko at umupo din. Tumabi siya sa akin pero nag lagay siya ng malaking distansya mula sa akin.
"Hindi na ako mag papaligoy ligoy pa. I heard about you and my son." napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya.
"Mrs. Wong, umalis na po si Dylan." yun nalang ang tanging masasagot ko dahil iyon naman ang totoo.
"I want to ask you if I should be worried about your relationship with my son?" muli akong napatingin sakanya. Bakit sinasabi niya pa to sa akin? Ano pa bang magbabago? Bakit ngayon pa?
"If you are asking if kami pa po ni Dylan then you should know na hindi na po. I mean kahit kailan ay hindi naging kami. Maybe nag ka- aminan pero pinutol din namin agad. So you don't have to worry." parang dinudurog ang puso ko sa mga sinasabi ko.
Parang pinapalaya ko ang hindi akin.
"Good because I will never agree. Don't get me wrong Ms. Salazar. You came from a very good family but my son is a Chinese, a heir and he deserves the best. I don't see that best in you" napaawang ang labi ko sa sinabi niya.
My mom and dad always tell me that I am special pero ngayon, sa harap ko mismo sinasabi sa akin na kulang na kulang ako.
"He deserves someone who is in his level. Yung alam kong may mararating. I mean I don't know your capacity so kailangan kong makasigurado. I hope you understand." wala akong masabi. This is my very first time that someone let me feel that I am nobody.
"Dylan is a very good man. He makes my heart flatter and he makes me happy but don't worry I respect you Mrs. Wong because you are his mother pero sana po wag niyo pong sabihin na hindi ako best para sa anak niyo. Dahil kung tatanungin niyo ang mga magulang ko, no man will also be the best for me." nakita ko ang pag ka gulat sa mga mata niya. Lumunok ako at kumuha ng lakas. I need to protect myself.
"Hindi ko naman po alam na ang gusto niyo po para sa anak niyo ay hindi ang babaeng kayang ibigay lahat sakanya kundi ang babaeng may pangalan at mataas ang magiging annual income. I don't need to prove my capacity to you and malay niyo po pag balik ng anak niyo ay hindi na namin gusto ang isa't isa kaya wag po kayong mag alala. Kausapin niyo na rin po siya at kung gusto niyo ay ilayo niyo na siya." sabi ko at tumayo. This is me, I am a Salazar and a Salazar don't just bow down to anyone.
"Kung hindi niyo po mamasamain ay marami pa po akong gagawin" tumayo rin ito at inayos pa ang damit niya na para bang diring diri na umupo siya sa sofa namin.
"Insolent child" sabi niya at tumalikod na. Pinagbuksan siya ng pintuan nung bodyguard niya at lumabas na.
Parang nanlambot ako at napaupo ako. Naapasapo ako sa puso ko at pinigilan ko ang sarili kong umiyak. I should be strong and stop crying for undeserved people.
"Jas!" narinig kong sigaw ni Jade at mabilis akong dinaluhan. Yinakap niya ako pero nanatili akong walang emosyon. Nanlaki ang mata ni Jayden at Jap ng makita ako.
"Ate" mahina niyang tawag sa akin pero hindi ako kumibo.
I never felt so undeserved and unwanted.
"I'm okay" mahina kong sabi at ngumiti lamang.
"Cry! Ano ba?! Cry your heart out Jasmine" frustrated na sabi ni Jade at tinignan ako sa mata. Hinawakan ko siya sa kamay at nginitian.
"I'm okay you don't need to worry. I'm just so tired of crying" sabi ko at nginitian siya. Yinakap niya ako at napapikit ako.
"The food is done!" masayang bati ni Jerem kaya napatingin ako sakanya. Nagulat siya sa seryosong paligid kaya natigilan siya.
"I-peprepare ko lang" sabi niya at bumalik sa kusina.
"Let's eat" sabi ko at tumayo na kami ni Jade.
Nag ring ang phone ko at tinignan ko ang message ni Tita Bea sa akin. Nabitawan ko ang cellphone ko pag katapos ko itong mabasa.
"Ate, what's wrong?" Tanong sakin ni Jayden. Pero hindi ako makapagsalita.
Pinulot ni Jayden ang phone ko at nakisilip din ang iba.
"Si Tita Camille" banggit ni Jap. Napatakip ako ng bibig at napahikbi.
Mabilis ako dinaluhan ni Jayden at yinakap. I am so broken right now. Too broken that I can't even breath!
"JD.. Si mommy" paghikbi ko. This is too much.
The pain is so unbearable. My heart is breaking into pieces.
"Ate.. everything will be okay. Mom will be okay. Kakayanin niya yan." Umiyak lamang ako sa mga bisig ng kapatid ko.
Ang daming tumatakbo sa isip ko..
Kung hindi sana ako nagkagusto at naging busy sa nararamdaman ko kay Dylan baka sana natutukan ko si Jess at hindi siya umalis.
Kung sanang kinumbinsi ko si Jess na manatili nalang. Kung sanang kinumbinsi ko siyang wag magpalit ng apilyido.
Mom wouldn't suffer depression if I did something.
"Let's go, kailangan na nila tayo" sabi ni Jade.
Pinilit kong tumayo at tahimik lamang kami papunta sa kotse ni Jerem. Kahit si Jerem na sobrang ingay ay napatahimik.
Nung makarating kami sa hospital ay agad kaming dumiretso ng private room ni mommy.
"Hey" mahinang bati ni Tita Caly samin. Yinakap niya ako at yinakap ko din siya.
I lost count on how many times I cried this past days. Seeing mom like this is like the first time I cried. I am so much in pain.
Linibot ko ang tingin ko sa paligid. Si Tita Caly at si Tita Bea lamang ang nandoon.
"Nag trabaho lang ang mga tita at tito niyo. Kami muna ang nagbantay." Sabi ni Tita Bea. Tumango ako at lumapit kay mommy.
Umupo ako sa tabi niya ay hinawakan siya sa kamay. Mahimbing ang tulog niya kaya napangiti ako.
"She didn't take it. Ang pag palit ni Jess ng apilyido at ang pag alis ni Jess. It's too much for her. Akala namin ay maaayos namin to pero hindi pala." Sabi ni Tita Caly. Pakikinig ang tanging nagawa ko lang.
Wala akong masabi dahil hindi ko rin alam ang gagawin ko.
"Mom I'm sorry" bulong ko at naramdaman kong hinawakan ako sa likod ni Jayden.
"Balak namin ipadala ang mommy niyo sa states. Nasabihan ko na si Third at ready na sila doon. We need to help your mom move on pero ang tanging paraan lang ay makalayo muna siya sa lugar na pwede niyang maalala si Jess" pagpapaliwanag ni Tita Bea.
"Alam naming hindi ka papayag pero think about it first." Pag dadagdag niya sa sinabi niya. Umiling ako at ngumiti.
"Payag po ako. I understand." Sabi ko at hinawakan ulit sa kamay si mommy.
"Ang daddy niyo daw ay sasama din. Kami muna ang bahala sa kompanya niyo. May branch naman tayo sa states kaya doon muna ang ihahandle ng dad niyo. Sasama ba kayo?" Tanong ni Tita Caly. Napatingin ako kay Jayden pero mukhang hinihintay din niya ang sagot ko.
"Yes po, sasama kami. For mom" sabi ko at tumango naman si Jayden.
"We want to come too" sabi ni Jerem na ikinagulat ko. Nagtaas naman ng kilay si Tita Caly.
"Me too. One for all and all for one." sabi ni Jade at mukhang magsasalita sana si Jasper pero naunahan siya ni Tita Caly.
"Okay, ipapadala din doon si Jerem at Jade. Maiwan dito si Jasper, Joseph at Josephine." Sabi ni Tita Caly.
"Tita! I want to come" sabi ni Jasper na parang bata. Umiling si Tita Caly.
"No, kailangan na kayo dito. For the company too. I-reready na kayo for managing. After two years ay babalik din sila dito at sila naman ang tuturuan." Tumango tango nalang si Jasper at tinapik siya sa balikat ni Jerem.
"Man! There is skype. Hindi mo naman ako ganoon mamimiss" napailing nalang ako. Jerem will always be Jerem.
"Let's do this." Determinadong sabi ni Jerem at binatukan naman siya ni Jade.
"Let's do this? Ang sabihin mo, excited ka lang sa mga blondie doon!" At natawa naman ako. Nag asaran pa ang dalawa at nakisama na rin si Jayden at Jasper.
I would't mind going to states with them. It will help my sinking heart.
This people are the most important people in my life today.
Goodbye Dylan..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top