Kabanata XIV

"Okay na ba talaga siya?" Narinig kong tanong ni Dylan kay Jade.

Kanina pa ako gising pero hindi pa ako lumalabas ng tent. Sabi ni Jade ay nahimatay daw ako at si Dylan ang nakahanap sakin. Nakakahiya ang nangyari. Ang tigas talaga ng ulo ko. Sinabi na ngang madilim at delikado pero sige pa rin ako.

"Oo ganyan lang talaga siya, kinakalma niya niyan ang sarili niya. Pag inaatake siya ng phobia ay ganyan talaga" pag papaliwanag ni Jade.

Nagulat sila nung tumayo ako at lumabas ng tent. Huminga ako ng malalim.

"Where are you going?" Tanong ni Dylan sa akin pagkatapos niya akong pigilan.

Tinignan ko lang siya at dahan dahan inalis ang kamay niya sa braso ko. Gising na ako sa katotohanan. He shouldn't be here kahit na para kay Jess pa.

"Bakit ka nandito?" Deretso kong tanong sakanga. Mukhang hindi niya inaasahan ang tanong ko.

Hindi ko alam kung nakapagusap ba kami bago ako mahimatay kasi wala akong maalala. Ganon talaga ako pag katapos kong atakihin ng phobia ay kinakalimutan ko yung pangyayari.

The pain that I felt.. kinakalimutan ko talaga.

"Well.." Tinaasan ko siya ng kilay. Bakit hindi niya masabi?

"Ah! Oo nga pala! Nandito si Jess" ako nalang ang sumagot ng sarili kong tanong at tumalikod na.

Yeah, kaya lang naman siya nandito dahil kay Jess. He entered my world because of Jess. Because I am Jess' supposed to be sister.

"You told me a while ago that you love me" natigilan ako sa sinabi niya. Hinarap ko siya, hindi ko maalala.

I tried to open my mouth pero hindi ko masabi ang dapat sasabihin ko. Meron nga ba?

"I told you that I love you and you answered me back" wala akong masagot sa mga sinasabi niya. Sinabi ko na pala kanina paano ko pa babawiin?

"Talaga?" tanong ko at napayuko. Bakit sinabi ko pa? Uh! Tanga talaga.

Pinalala ko lang lahat!

"Jas tara" sabi ni Jade pagkalabas na pagkalabas niya ng tent pero nung nakita niyang nag uusap kami ni Dylan ay napangiti siya ng pilit.

"Joke lang, tuloy niyo lang yan" sabi niya at tumakbo paalis.

Tinignan ko siya ulit at nakita kong may gusto pa siyang sabihin. Ayoko ng marinig.. baka mamaya, bumigay nanaman ako.

"About Stephanie.." panimula niya. Gusto kong hintayin ang sasabihin niya pero natatakot ako na baka yung ayaw kong sagot ang marinig ko. 

"Yeah it's true, she is my fiance according to my mother" nanatili lamang akong nakatingin sakanya. Mas masakit pala pag sakanya na mismo narinig.

Kung paano niya sabihin na fiance nga niya si Stephanie. Ang sakit sakit.

Yung tipong mamanhid ka nalang. Ano na ngayon? Tatakbo ba ako? Ico-congratulate ko ba siya? Mag papakaplastic ba ako?

"But I don't love her" napapikit ako nung sabihin niya iyon. Pesteng mga luha to, umakyat muna kayo kahit ngayon lang.

He's stand on this doesn't matter. Wala naman laban 'yon.

"Hindi tayo pwede" deretsong sabi ko at minulat ulit ang mga mata ko. 

Nag tagis ang bagang niya, hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. I badly wanted to touch his face pero isa 'yon sa mga bawal kong gawin..

"Sino nag sabi niyan? Sinong may karapatan para sabihin yan?" tanong niya sa akin. Lumapit ako sakanya at tinignan siya deretso sa mata.

Tuwing tinitignan ko siya parang gustong gusto ko nalang bumigay at ipaglaban lahat to kahit alam kong kahit anong gawin ko ay hindi parin pwede.

"Walang kailangan mag sabi dahil ito ang katotohanan." sabi ko sakanya.

Natigilan ako nang i-angat niya ang kamay niya at hinaplos niya ang pisngi ko. Nakita kong nahihirapan din siya. How can he be so brave?

"I will fight for this" parang sasabog ang puso ko nung marinig kong sabihin niya iyon. How I want to hear that from him pero alam kong mali.

"Fighting for this means fighting your family and everything that you've worked for before" sabi ko sakanya at ngumiti ng mapakla. 

Hindi ko kaya 'yon.. I'm not that selfish.

"I don't need to fight them. Kailangan lang nilang tanggapin na kahit anong mangyari ay ito ang desisyon ko." umurong ako pero lumapit siya muli.

Damn. Paano ako tatakas sakanya kung hindi siya titigil.

"It's not that easy and it wouldn't be easy. Baka nga hindi na mangyari so we should just accept that this won't work. Ayokong mahirapan ka ng dahil sa akin." sabi ko. Unti unti ng nag sitakasan ang mga luhang pinipigilan ko kanina.

"I can't find the right words for you to trust me but I want you to. Can't you just trust my feelings for you?" hinawakan ko siya sa kamay.

"Hindi mo ba naiintindihan? We can't be together, the stars won't allow it and the heaven is against us. We have dissimilar worlds."  sabi ko sakanya pero umiling siya.

Pag pinilit niya pa 'to.. baka bumigay na ako at hayaan ang puso ko.

"I don't need the stars and the heaven is not against us. I just need you to stay by my side." umiling ako sa sinabi niya.

"Jasmine?" napalingon ako at nakita si Jayden. Ngumiti ako at bumitaw kay Dylan.

Sumikip ang puso ko sa pagbitaw ko sakanya. It felt like it's final.. the last touch.

"Is everything okay?" tanong ng kapatid ko. Napalingon ako kay Dylan na nakatingin pa rin sa akin. Nagiwas ako ng tingin dahil pati ata pag tingin sakanya ay nakakasakit.

"Yes, let's go" sabi ko at nauna na sakanilang umalis. Nakita kong nag luluto sila sa bonfire at umupo ako sa tabi ni Jess at Jade. 

"Joshy pasalubong ko pag balik mo, don't forget" sabi ni Jerem kay Josh at tinaas taas pa ang kilay. 

"Hindi pa nga ako umaalis, pinapabalik mo na ako. You'll miss me that much?" natatawang sabi ni Josh kaya natawa din kami. Umupo na din si Dylan at David sa tabi ni Jasper. Dexter sat beside Jerem.

Nakita kong tinignan ako ni Dylan pero nagiwas ako ng tingin.

"Of course Joshy!" sabi ni Jerem. Binigyan ako ng hotdog ni Jade. May marshmallow pa nga.

"Si Jonathan at Jamelia, sasama?" tanong ni Ate Pin kay Josh pero umiling ito.

"Ako lang" ani Josh.

Nababawasa kami.. I mean, alam ko na pagkatapos ng lahat at pag kailangan na ay mag hihiwalay na kaming lahat pero hindi pala ako handa. I grew up with them, tipong pati pag palit ko ng damit sa isang araw ay alam nila then in an instant ay mag babago lahat.

"Malusaw yan" bulong ni Jess at humagikgik. Pinalo ko naman siya dahil hindi ko napansin na nakatingin pala ako kay Dylan.

"Jess" pag mamaktol ko kaya natawa siya lalo.

Napatingin naman ako ulit kay Dylan na nakatingin na sa akin. Lumambot ang tingin niya sa akin pero umiwas nanaman ako ng tingin.

Hanggang kailan ako makaka-iwas. Hanggang kailan ko panghahawakan ang desisyon ko?

"Guys alam niyo ba kinukuha ng bagong member ng team ang number ni Jas" natatawang sabi ni Jasper. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Napatingin ako kay Dylan at nakita kong sumama ang timpla niya.

No. Umiwas ka. Don't be concern.

"Binigay mo?" tanong ni Kuya Jos pero mabilis na umiling si Jasper.

"Nagalit si Alex kaya yung kay Jade yung binigay niya" napaawang ang labi ko. Napatingin ako kay Jade at nakita kong nakakunot ang noo niya.

"Bakit yung akin?!" naiinis na sabi ni Jade. Nagkibit balikat naman si Jasper.

"Hindi ko naman alam na binigay ni Alex" pagpapaliwanag ni Jasper.

Napatingin ako kay David kasi tumayo siya at lumakad paalis.

"Baliw kayo! Bawiin niyo yung number ni Jade!" sabi ko at pinanlakihan ng mata si Jasper.

"Oo! Babawiin ko" sabi ni Jasper kaya natawa ako. Takot pala to 'e.

"Dylan, hindi ba nagalit yung mommy mo nung inuwi niyo yung fiance mo?" tanong ni Ate Pin kay Dylan. Napaiwas naman ako ng tingin.

Ate Pin's mouth is really unstoppable.

"Hindi pa nila alam, dinala ko siya diretso sa bahay nila" napatango nalang si Ate Pin.

"May fiance ka na pala pero pinopormahan mo yung pinsan ko." nagulat ako sa sinabi ni Kuya Jos. Sinenyasan ko si Jayden na pigilan si Kuya Jos pero ngumisi lang si Jayden.

"I am in love with your sister"

Mas ikinagulat ko ang sinabi ni Dylan. Sinubukan kong tumayo pero hinawakan ako ni Jade.

Natawa naman si Kuya Jos.

"Mahal? Agad? Sandali palang kayo magkakilala" sabi ni Jayden. Bakit nakisali pa siya?

"Matagal ko ng nakikita si Jasmine, tuwing nag lalaro tayo at lagi niyang nakukuha ang atensyon ko tuwing papagalitan niya kayo dahil lagi niyong sinasama yung nakakabatang pinsan niyo and besides love doesn't depend on time, it doesn't depend whether you know the person longer. Love doesn't work that way." napakagat ako sa labi ko sa mga sinasabi niya. He is making this hard for everybody.

"Paano na ngayon? Kawawa ang pinsan ko kung nagkataon. May fiance ka na" sabi ni Kuya Jos. Hinawakan naman ako ni Jess at tinanguan niya ako.

"I still want to try" sabi niya pero napailing si Jayden.

"Pag sinubukan mo at hindi nagtagumpay, sino ba ang pinaka masasaktan? Hindi ba ang kapatid ko? Maybe you don't know this family pero hindi kami tumatayo lang sa isang tabi at papanoorin na nasasaktan ang isa samin." ani Jayden. 

I'm grateful that they're doing this for me pero.. ito ba ang tamang panahon para pagusapan 'to?

"I know that. Atsaka mag tatagumpay ako kasi wala silang magagawa kundi tanggapin nalang. I'll make sure of that." parang siguradong sigurado siya sa mga sinasabi niya. 

But we know better.. hindi lang ganon.

"Paano mo nakukuhang sabihin yan kung ang kalaban ay ang pamilya at tradisyon na pinapangalagaan mo?" tanong ni Jayden sakanya. 

"Because they know that I am willing to give up everything for this." napatingin ako sakanya at nakita kong nakatingin din siya sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top