Kabanata XIII

"What happened?" tanong ni Ate Pin sa akin. Nandito kami sa tent ng girls at nag aayos ng gamit.

Walang kibuan sa sasakyan kanina. Siguro ay naramdaman nilang ayokong pag usapan at nag papasalamat naman ako dahil doon.

"May fiance na pala si Dylan at may lahing impakta" sabi ni Jade at siniko ko naman siya. Napabuntong hininga ako.

"Hindi yon, nakakainis kasi. Ayaw naman pala niya sa camping tapos sasama-sama pa. Mang iinsulto pa." sabi ko at tinaasan ako ng kilay ni Ate Pin.

"Really? Yun ba talaga? You are the calm type, hindi agad sumusugod pero bakit mo siya pinatulan?" napalunok ako sa tanong niya. I don't know what to say.

Bawal ba? Hindi ba pwedeng, once in a while ay sumabog ako?

"I-I don't know! Labas lang ako" sabi at lumabas sa tent.

"May something ba sainyo ni Dylan?" natigilan ako sa tanong ni Kuya Jos sa akin. He was standing near our tent.

"Wala.." sabi ko at aalis na sana pero pinigilan niya ako.

"I am not against it because I saw how you look at him but I don't want you crying because of him or any other guy." napangiti naman ako sa sinabi ni Kuya Jos.

"I know.. I know that you will kill anybody that will hurt us" sabi ko at tumawa naman siya.

"Pahangin lang ako" sabi ko at tumango siya.

Meron bang kami? Wala naman talaga and never mag kakaroon. Hinding hindi na siguro mangyayari yon. Mabuti ng tanggapin ang katotohanan kesa ipilit ang hindi pwede.

Umupo ako sa isang bato doon at tinignan ang langit. Gabi na kami nakarating sa camp. Safe naman daw dito sabi ni Jasper. Yung ibang kaibigan daw niya ay dito nag cacamping.

Ano kayang ginagawa niya ngayon? I want to see him.. ito na ang kinakatakot ko. Yung masanay ako na nandiyan siya. Yung hahanap hanapin mo ang bagay na alam mong hindi pwede.

Kung iisipin, kaya lang naman siya ata nandiyan palagi dahil binabantayan nila si Jess.

"Hey" napalingon ako nung umupo sa tabi ko si Jade.

"Are you okay?" tanong niya sa akin at natawa naman ako. Everyone is concern pero hindi ito ang kailangan ko ngayon. Kailangan kong magising sa katotohanan.

"I am okay, still bearable. Alam mo ba ang nakakatawa? Ang bilis bilis ng pangyayari na parang hindi ako nakakahinga." sabi ko at tumingin ulit sa langit.

Sana ay kasing linaw ng mga bituin ang mga solusyon sa problema ko. Pero hindi ata ganon, kasing layo lang ng mga bituin ang solusyon dito.

"The girl, si Stephanie, siya daw ang minamatch kay Dylan. As in her mother is really pushing them together na pati sa pagsama dito ay pinilit ng mommy nila Dylan." napangiti ako sa binalita niya sa akin. Tumango naman ako. I need to let them see that I can do this. Pinili ko to kaya dapat panindigan ko.

Ako ang nagsimula, dapat ako ang tatapos.

"Somehow, I know this will come. Matigas lang talaga ang ulo ko at tuloy tuloy parin ako sa pagsunod sa puso ko. Geez, that is so corny pero totoo 'e" natatawang sabi ko. I gave her my fake laugh.

Tinignan naman niya ako ng diretso.

"I want you to be happy but I don't want you to get hurt so kahit anong maging desisyon mo ay susuportahan ko. If si Dylan ang maging rason kung bakit ka masasaktan ng lubusan, I will not tolerate it." napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Hindi pa naman kami eh, at hindi na magiging kami. Ngayon ko nga lang naisip na hindi naman siya nanliligaw kasi wala naman siyang sinasabi. Puro salita, walang actions so hindi ko talaga alam kung ano ba talaga. Ako lang ata nag a-assume" napakagat ako sa labi ko. This is frustrating me.

"No you're not, hindi ko man alam kung anong mga nangyari sainyo pero I saw how he looks at you and I know that he likes you so much. Its just that, traditions and legacy are a very hard opponent." Umiling ako at yinakap siya pero mabilis din akong bumitaw.

Binigyan ko siya ng nakakapagtakang tingin.

"Paano mo pala nalaman yung about kay Stephanie?" tanong ko sakanya. Si Jess dapat ang nag ke-kwento nito at hindi siya.

"Don't you dare lie Jade Scott" pagbabanta ko sakanya.

"Well kinwento ni David pero don't worry, nakita ko kung paano ka magka problema kay Dylan so I will learn from it and I will not fall for that David tsaka nakakairita kaya siya.. tara na, may bonfire" sabi niya at mabilis na tumayo. Natawa naman ako, yun lang pala dami niyang sinabi.

"Mauna ka na, I am going for a walk" sabi ko pero hinawakan niya ako sa balikat ko.

"Walk? Madilim na" sabi niya pero ngumiti ako at umiling.

"Hindi naman ako lalayo" sabi ko at tumango naman siya.

What should I do know? Move on and continue? Kalimutan ang lahat?

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Bakit sa simpleng pag iisip na kakalimutan ko na ang lahat at hindi kami pwede ay parang sinasaksak ako at paulit ulit na pinapatay.

Gustong gusto ko ito pero natatakot ako. Natatakot ako kasi alam kong wala akong laban. Kahit anong yaman ng pamilya ko at kahit anong marating ko, it will always not be enough just because I don't have any single drop of chinese blood on my body.

Kung tutuusin ay parang ang konti lang ng araw na nakilala ko siya, para siguro sakanya ay matagal na dahil sabi niya ay matagal na niya akong kilala pero ako, napakasandali lang pero kahit ganon.. sobra sobra na ang nararamdaman ko sakanya.

Nagulat ako nung matapilok ako at gumulong. What the!

Bumilis ang tibok ng puso ko. Nahihirapan akong makahanap ng hahawakan. Patuloy lang ako sa paggulong. Sinubukan kong itigil ang pag ikot ko gamit ang paa ko at nag tagumpay naman ako.

Napatingin ako sa taas, may slope pala. Bakit hindi ko napansin?! Uh! Ang tanga tanga ko talaga. Tumayo ako at nag simulang maglakad ulit. Pinagpag ko din ang damit ko.

Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko.

"Fuck!" nasa bag ko pala! Napatakip nalang ako ng mukha.

What's with me today?

"HELP! KUYA! JADE! JESS!" sigaw ko pero parang walang saysay. Sumasakit lang ang leeg ko.

Okay, I don't need to be afraid. Maybe if I keep walking.. makahanap ako ng daan. I need to be calm. Hindi makakatulong sa akin pag nagpanic ako.

Napatingin ako sa braso ko, may sugat ako doon. Napatingin ako sa paligid. Ang dilim.. napalunok ako.

No Jas, it's okay.. it's okay. Madilim lang pero walang mangyayari.

Napaupo ako at yinakap ko ang sarili ko.

"KUYA!" sigaw ko at para na akong maiiyak. Nakakarinig ako ng mga kaluskos. Mga yapak.. tinago ko ang mukha ko sa palad ko.

"Wag kang lalapit! DON'T YOU DARE!" sigaw ko sa taong nararamdaman ko ay palapit sa akin. Nanginginig na ako, sa takot, lamig at dahil alam kong malabong may makakita sa akin dito.

"SABING WAG KANG LALAPIT!" sigaw ko nung marinig ko ng malakas ang mga yapak niya. Napahawak ako sa puso ko. Calm down.. please calm down.

"JAS!" napatingala ako nung marinig ko iyon.

Dahan dahan akong tumayo nung makita ko siya. Patuloy pa rin sa pag agos ang luha ko.

"Dylan" mahina kong banggit sa pangalan niya. Dahan dahan akong lumapit sakanya at nung makalapit na ako ay hinawakan ko siya sa mukha.

"Totoo ka ba? Baka kasi nag i-ilusyon nanaman ako. Pag inaatake ako ng Nyctophobia, madalas akong mag ilusyon.. tell me you're real and you're here to save me" hindi ko na alam kung anong pinag sasabi ko. Pag nag papanic ako ay kahit ano nalang maisip ko ay sinasabi ko.

Nakita ko naman siyang ngumiti. Totoo ba 'to? Pero baka hindi.. he's with Stephanie now.

"I am real and you made us all so worried. I don't need to tell you all of that.. I just need to tell you that I love you" sabi niya at mabilis akong yinakap. Lalo akong napahagulgol.

"Mahal din kita." mahina kong sinabi at unti unti ng nag dilim ang paningin ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top