Kabanata X
"We won't give her!"
Napapikit nalang ako sa sigaw ni mommy. Sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayari.
Lahat kami ay nasa bahay, kompleto kaming lahat mula kay Tito Brian hanggang sa mga pinsan kong bata.
"Will they take Ate Jess?" napalingon ako kay Jaimie. Umiling ako at hinawakan siya pisngi.
They shouldn't be exposed to this. They're too young.
"No they won't baby because Ate Jess won't allow that to happen." ngumiti ako dahil ngumiti siya sa sagot ko.
"Wala pa naman silang sinasabi na kukunin nila si Jess" mahinahong sabi ni Daddy. Napabuntong hininga nalang ako.
"What if they will?" tanong ni Tito Chand.
"We won't give her. She is a Salazar, she will stay like that." sabi ni daddy na nakapagpagaan ng loob ko.
I looked at Jess habang naka-ngiti ako. Atleast we are still united. Natigilan ako dahil sa malungkot niyang ekspresyon.
"But I think I deserve to know them.." natigilan ako sa sinabi ni Jess. I didn't expect her to talk about this.
"Jess!" sigaw ni Dad pero alam kong wala rin masabi si dad dahil si Jess na ang nagsalita.
It's her choice.
"Jess! Are you saying you're gonna leave us?" tanong ni Kuya Jos. Nakita kong nahihirapan din si Jess kaya hindi na ako nagsalita.
Hinawakan naman ni Jade ang kamay ko. Tinignan ko siya.. she was crying.
"No kuya! I am not, I am just saying that.. I should know them. Kahit papaano" sabi ni Jess kaya napahagulgol si mommy.
I don't know what to say. All this time, hindi ko naisip kung ano bang tumatakbo sa isip ni Jess. Hindi ko man naisip na nanaisin niya na makilala ang pamilya niya.
I thought.. okay na siya sa amin.
May mga bagay talaga na hindi ko pa maiintindihan. Lalo na at wala ako sa pwesto niya.
"Kami ang nagpalaki at nag aruga sa'yo! We did everything together! Tapos iiwan at bibitawan mo lang kami? Don't be so selfish!" sabi ni Ate Pin kaya napatayo ako. I saw Jayden's expression and it won't do good. Kaya ako na ang tumayo.
"Ate! Don't talk to my sister like that. Hindi ganyan mag isip ang kapatid ko." matigas kong sabi. Nakita ko namang nag iwas ng tingin si Ate Pin.
I know it's not her intention pero what she said is below the belt.
"Im sorry" sabi niya at nanahimik nalang.
"Hindi naman yan ang iniisip ko. Hindi niyo alam kung gaano ko hinihiling at pinagdadasal na maging parte nalang ng pamilya niyo. I would do everything to be a Salazar but truth will remain the same. I am not one of you.. I will never be. Kaya sana intindihin niyo din ako. I am lost, hindi ko alam kung sino ako at kung saan talaga ako nanggaling and to find myself, I need to know my family." Ani Jess.
Napatakip ako ng mukha sa sinabi niya. It pains me to hear this from her.
Family.. that word is so heartbreaking.
I never imagined na may ibang pamilya siyang ituturing.
"Jess.. We are your family. You don't need anything from them. I am your mother. Let's just forget about everything and continue our lives like before.." sabi ni mommy at lumapit siya kay Jess.
Halos magmakaawa si mommy kay Jess. Nasasaktan ako na makita siyang ganito.
"Parang awa mo na anak.." humagulgol na si mommy.
Lumapit ako doon at hinawakan si mommy sa likod. I can't do this.. hindi ko kaya makita si mommy na umiiyak.
"Mom! What life?! Whose life?! I don't even know if this is my life." napapikit ako sa nakikita ko. I can't bear this. I can't bear to see my family.. falling.
"Jessica please" sabi ni daddy. I know he is also torn with everything.
"Jessica do you really want to do this?" tanong ni Jayden. Si Jayden ang tipo ng hindi nakikielam sa mga ganito so I wonder why he is now speaking up.
Nakita kong yumuko si Jessica at tumango siya.
"Let's give her what she wants. She wants to know the Wong family, then let's give it to her." Natigilan kaming lahat sa sinabi ni Tita Caly.
"Life is short, she needs to know her family just like you Camille before nung nawalay ka sa amin." sabi ni Tita Caly. I saw mom was speechless.
She was talking about mom. Si mommy ay nawala nung bata siya. She grew up with a foster family. Pero naging madali ang lahat dahil mismong ang pamilyang 'yon ang nag desisyon na ibalik si mommy. Hindi rin naging mahirap dahil hindi naman siya pinag agawan. Once in a while ay dumadalaw din si mommy doon.
"But that was different, nawala ako dati pero si Jessica ay binigay na sa atin tapos ano yon? Ibabalik natin? Hindi bagay ang anak ko na pwedeng pag pasapasahan!" hysterical na sabi ni mommy. Hinawakan naman siya sa balikat ni daddy.
"Pero siya na ang may gusto" sabi ni Tita Caly. Doon nalang natahimik si mommy.
"Let her be.." nagulat ako sa sinabi ni Tito Third.
"Kung 'yan ang gusto niya. Hayaan niyo na." Ani Tito Chand.
"We need to do this to protect the family. Jess will enter the world of her biological family. Nasa sakanya na kung babalikan niya pa tayo." sabi ni Tito Third.
Nakita ko kung paano sumangayon ang mga Tita at Tito ko. Kaming mag pipinsan at mag kakaibigan lang ang walang masabi.
"Okay.." nagulat ako sa sagot ni Jessica. Mom can't even say anything. Dad only hugged mom.
"Jess, tell me you don't want this." nabasag ang boses ni mommy. Yinakap ako ni Jade. I also can't bear to see this.
Yumakap ako kay Jess. Jayden hugged us from behind.
"I think this will be the best for me.. for the family, mom." napaluha na ako sa sinabi ni Jess.
Bumitaw ako sakanila at umiling.
Tumayo ako at tumakbo paakyat sa kwarto ko. Linock ko ito at napaupo ako sa sahig. The family that I was protecting was falling in front of me..
Little by little..
If only I didn't ask for Dylan's help, if only I am there nung nalaman ni Kuya Jos ang lahat.. hindi sana mangyayari ito. Maybe.. maybe.. may nagawa ako para pigilan lahat ng ito.
This is all my fault.
Tumayo ako at humiga sa kama ko. I looked at the picture frame in my bedside table. Lalo akong napahikbi dahil sa sakit. I felt my heart breaking.
Picture namin 'yon ni Jayden at Jess. Everything is ruined now and it's because of me. I was a big part of this whole chaos.
"I am sorry" pumikit ako.
I cried myself to sleep.
Nagising ako ng masakit ang mga mata ko. Pumunta ako sa banyo at hindi na ako nagulat na makita ang mga mata kong namamaga.
Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang sakit. Damang dama ko 'yon external hanggang internal.
Lumabas ako at lalabas sana ng kwarto nung may nakita akong anino sa balcony ko. I am not afraid rather curious.
Lumapit ako doon at natigilan ako nung makita si Dylan don. Napasinghap ako at napahawak sa glass door.
"Dylan?" yan lang ang nasabi ko dahil mabilis niya akong yinakap.
Hindi ko nanaman napigilan ang sarili kong lumuha. I missed his hugs. Lalo akong napahikbi dahil doon. I cried so much because of too much pain.
Kasabay ng sakit ay ang saya na naramdaman ng puso ko. Bumilis ang tibok nito dahil sa munting paghawak niya sa akin.
"I am sorry" sabi niya sa akin pero umiling ako.
Dinama ko lang ang yakap niya sa akin pero nung mahimas-masan na ako ay lumayo ako sakanya.
Humilig ako sa railings at pinagmasdan ang langit.
Napakapayapa nito, malayo sa nangyayari sa pamilya ko.
"Hinatid ng parents mo sa bahay si Jessica." mapakla akong ngumiti sa binalita niya sa akin. No wonder he is here..
"Really? that's good. Atleast she is safe" sabi ko pero ayoko pa rin siyang tignan. Pakiramdam ko nalulusaw ako tuwing tumitingin siya sa akin.
This love is forbidden. Too forbidden in so many reasons.
"Are you okay? I mean you're not but.. shit I don't know what to say" natawa ako sa sinabi niya. Pekeng tawa ang kumawala sa akin.
"I am okay." sabi ko. Nagulat ako nung ikulong niya ako gamit ang mga kamay niya. Linagay niya ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko.
"Are you mad at me?" tanong niya sa akin at doon ko palang siya hinarap.
Para akong mawawalan ng hininga sa natitirang distansya namin.
"I'm not.. just take care of Jessica" sabi ko at tinignan siya sa mata. Hindi ako galit sakanya. No one should be put in to blame except me.
Hinaplos niya ang pisngi ko at gusto kong maiyak ulit pero pinigilan ko.
"You cried a lot" napakagat ako sa labi ko. Ang tahimik at pati paghinga ko ay naririnig ko.
"Yes.. my eyes are funny I know" sabi ko at ngumiti. His eyes is making me weak, I can't take this. Pakiramdam ko ay paulit ulit akong nahuhulog sakanya at wala ng paraan para makatakas.
"Still beautiful" napangiti ako sa sinabi niya.
Pinagmasdan ko siya, simpleng t-shirt at pants lang ang suot niya ngayon pero ang gwapo gwapo niya parin. Kung pag mamasdang mabuti ay may pagkakahawig nga sila ni Jess.
"Nakipaglapit ka lang ba sa akin dahil kay Jess?" matapang kong tanong at kita ko ang pagkagulat sa kanya.
"No! How can you say that?! Jasmine, my feelings are true. This is maybe hard to believe but please don't think like that." napayuko ako sa sinabi niya. Para akong sasabog sa halo halong nararamdaman ko.
Kung pwedeng ganito nalang sana. Gusto niya ako at gusto ko rin siya. Pero hindi, maraming komplikasyon. Maraming problema.. maraming hadlang at hindi ko alam kung kaya ko bang ipaglaban lahat to.
"Please tell me what's going on your mind" banayad niyang sabi at parang pinisil ang puso ko dahil doon.
Ngumiti ako at umiling.
Hindi ko kayang sabihin, mas mabuti pang isarili ko nalang lahat.
"Nothing.. you should go home now" sabi ko at ngumiti nalang para makampante siya.
Paano naging ganito ang lahat? I never wished this but somehow I can't let go of it. I can't let go of him.
Just thinking about it makes me so much in pain.
"Okay.. let's talk about this next time. You should rest too." tumango ako sa sinabi niya. Pero hindi parin siya umaalis sa pwesto namin.
Dahan-dahan ko siyang yinakap at pumikit ako. Pakiramdam ko pati anv paglapit sakanya ay sobrang bawal. Nakakainis sa sobrang bawal.
I am so afraid of everything. Natatakot ako na baka hindi na maulit to. Natatakot ako na panandalian lang lahat.
Narinig ko siyang mahinang tumawa at yinakap din niya ako.
"Goodnight Jasmine" bumitaw na ako at nginitian siya.
He also gave me his warmest smile.
"Goodnight Dylan" sabi ko at pinanuod ko siyang bumaba mula sa balkonahe ko. Nakita ko si David na nasa baba at prenteng naka sandal sa sasakyan nila.
Pinanuod ko siyang lumabas ng gate namin.
Tumingin siya muli sa akin at ngumisi siya.
I'm falling.. so hard and so fast.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top