Kabanata VII

Wala na ang araw, we really enjoyed the whole day. Tinuruan ni Jerem at Jayden sila Kuya Jos na mag snorkeling kanina. Kaming girls naman ay medyo nag paturo din ulit pero nag jetski nalang kami pagkatapos.

Nasa kwarto na kami ngayon, nasa may veranda ako at aaminin ko, inaabangan kong lumabas si Dylan. It's just, ganon naman talaga pag interisado ka sa isang tao diba? You'll be excited to see him..

Pagkatapos namin pumasok sa cottege kanina ay hindi ko na siya nakita, nahihiya naman akong itext siya at itanong kung nasaan siya. Hindi naman ako ganon, tsaka hindi naman kami.

Hay! Ano ba tong iniisip ko?! Papasok na sana ako ng veranda nung mag vibrate ang phone ko.

Dylan Wong :

Can you go out for a while?

Napangiti ako at naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko. What will I say?

Me:

Okay :)

Pumasok na ako ng veranda at nakita si Jade at Ate Pin sa living room ng suite namin.

"Nasan si Jess?" tanong ko pero parehas silang nag kibit balikat at pinagpatuloy ang panonood ng movie.

"Labas lang ako" sabi ko naman pero doon ko palang ata nakuha ang atensyon nila.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Jade. Napakagat ako sa ilalim ng labi ko. Sasabihin ko ba?

"Diyan lang, babalik din ako agad" sabi ko at hindi na sila hinintay sumagot. Dumeretso na ako sa labas at huminga ng malalim.

Tinungo ko ang ground floor. Kumakabog ng malakas ang dibdib ko sa bawat lakad ko.

Nakita ko siyang nasa labas ng hotel. Lumapit ako sakanya at naamoy ko ang mabangong perfume niya.

"Hey" napapaos niyang sabi, why does it sound so sexy.

Mukhang napagod siya, halata sa mga mapupungay niyang mata. Hindi ko alam ang gagawin. Ganito ako palagi pag kaharap niya.

Ngumiti lamang ako at tumingin sa paligid. Hindi ko kasi alam kung saan ako titingin.

"Let's go?" Sumunod ako sakanya at dinala niya ako sa tabing dagat.

Umupo kami doon at tumingin lamang sa mga bituin.

Ito ba ang gusto niyang gawin kaya tinawag niya ako?

Tahimik lang kaming nakaupo doon. May gusto akong itanong, marami..

"What is it feel like to be a member of a chinese family?" Lakas loob kong tanong.

Habang maaga pa ay kailangan ko na tong maintindihan. Tama si Jade, kung papasok siya sa buhay ko at papasok ako sa buhay niya. Dapat maintindihan ko to. Maaga pa pero, ayoko ng biglaan.

Baka kung bibiglain ko, bigla nalang ako mabitawan ng walang pasabi.

"Wow, what a question" sabi niya sakin at tinignan ako. Hinintay ko ang sagot niya.

Akala siguro niya ay nagbibiro ako but no, I'm serious.

"Well, of course I grew up with the traditions and the legacy that we have so I am used to it. It's not really hard but for someone that is new to the chinese culture, of course there will be adjustments.." Banayad niyang sabi.

Para bang sinasabi niya na hindi naman mahirap pero may kaunting adjustments lang. Pero alam kong sinasabi lang niya yon para hindi ako matakot. Alam kong sinusukat at tinitimbang niya ang bawat sinasabi niya.

"Sabi mo nandito ka para sa business, ikaw ba ang hahawak ng business niyo?" Tanong ko sakanya at napataas naman ang kilay niya doon.

Siguro ay nag tataka siya kung bakit ito ang pinaguusapan namin.

"Well yes, together with my brothers. Hahatiin ang business saming apat pero dalawa palang kaming sinasanay. Si David ay ga-graduate na din. Si Dexter din next in line. Si Drew naman ay masyado pang bata so we're not pressuring him." tumango naman ako at napatingin muli sa langit.

Mabigat ang mga responsibilidad niya. Hindi basta basta ito. It's very hard to understand.

Maybe I wouldn't even understand.

"Diba chinese is for chinese, wala bang fixed marriage sa inyo?" Lakas loob ko ulit na tanong.

Ito yung bumabagabag sakin na hindi ko masabi. Of course nakakapag basa na ako ng mga ganito, alam ko kung gaano ka komplikado ito. Pero sa mga nababasa ko, the girl always win, ewan ko lang sa amin.

Heck. Matagal pa naman mangyayari pero.. nakakatakot kasi na sakanya ako ma-involve. Wala ni-isa sa pamilya namin ang nakaranas na ng ganito, I can't ask for advice, I need to experience this by myself.

It's easy actually, I could just stop and stay away from him..

The problem is I can't.

"Jas, are you sure you want to talk about this?" Nagulat ako sa tanong niya. I know that he is only concern.

"Yup" sabi ko at mapaklang ngumiti.

"Well of course nakausap na nila ako about diyan. Merong mga nililinya sakin pero lagi kong tinatanggihan." Ito na nga ba, siguradong pag ka graduate niya ay ipipilit nanaman sakanya 'yon.

"Nag ka girlfriend ka na ba na hindi chinese?" Napalunok ako sa sarili kong tanong.

Kita ko ang sobrang pagtataka sakanya.

"No because I don't want complications" sagot niya. Napatingin ako sa mga buhangin.

Ano na? Ayaw niya pala ng komplikado? Anong sasabihin ko?

"Stop getting interested with me.. Magiging komplikado lang." sabi ko sakanya at tinignan siya.

Damn interested.

Lumapit siya sa akin at nagdikit ang mga balikat namin. It sent thousands of electricity in my cells.

Naramdaman ko ang kakaibang emosyon sa puso ko. Gusto kong maluha, hindi ko alam kung para saan. Hindi pa naman ganon kalalim ang samahan namin pero gustong gusto ko 'to.

I like what I'm feeling for him. If only we can stay like this.

Alam kong maaga pa para isipin ang hinaharap pero natatakot ako na baka pag tinuloy ko to, makasira ako ng pamilya. Masira ko ang tradisyon na pinapangalagaan nila.

"I like you Jasmine" sabi niya sa akin kaya napaawang ang labi ko.

Tinignan ko siya sa mga mata niya. He was serious. He mean it.. seryoso siyang nakatingin sa akin.

He said it, ang mga salitang makakapag pabago ng lahat.

Naramdaman kong pinipiga ang puso ko sa saya, takot at iba't ibang emosyong hindi ko alam kung saan nanggaling.

"Do you like me too?" Tanong niya sa akin at pinagdikit ang noo namin.

He's so damn fast.

What should I answer? Alam kong napaka importante ng sagot ko.. dahil sa sinabi niya dati..

Napakagat ako sa pangibabang labi ko at nagkibit-balikat.

I can't answer it yet. I know it's a yes pero hind ko kayang sabihin sakanya 'yon. He told me.. basta sabihin ko lang, no legacy can stop him pero hindi naman ganon kadali 'yon.

Mga bata pa kami, ang laban na 'to kung sakali ay talo na, hindi pa man nagsisimula.

Naramdaman kong tumulo na ang pinipigilan kong luha. Ang mga luha na kinakatakot kong makita niya. Ang mga luha na dahilan ay takot sa tradisyon na pinapangalagaan niya.

"Why are you crying?" Napapikit ako. Parang hinaplos ang puso ko nung sabihin niya iyon.

I want this, I fucking want this to work pero bakit wala pa man ay parang ang hirap hirap na.

Hinaplos niya ang pisngi ko at pinunasan ang luha ko.

"Are you afraid?" Lalong lumandas ang mga luha sa mata ko. Gusto kong sabihing oo pero hindi ko kaya. Gusto kong maging matatag.

"I am not a chinese" yan nalang ang nasabi ko. Limang salita pero sapat na para hindi matuloy to, para sirain ang kaligayahan ko.

"I don't care, I don't give a damn." nagmulat ako ng mata at tinignan siya sa mga mata. His eyes were expressing so much that I want to receive what he wanted to give me.

Ano bang sinasabi niya?

"But the traditions.." Natigilan ako nung idikit niya ang labi niya sakin.

Mapanuyo ang kanyang halik kahit mabilis lang iyon. Sapat na para manikip ang puso ko sa saya.

"I like you a lot, I always go to your school before. Alam ko lang noon ay pinsan ka ni Joseph. I've liked you before and until now. So I want this to work. I told you before that as long as you want me as I want you, no tradition can stop me." Hindi ko alam kung paano ang magiging reaction ko.

Matutuwa ba ako? The idea of him fighting with his family is killing me. Lumaki ako sa isang family oriented na pamilya, I know how important family is.

Pero lalabanan niya ang tradisyon para lang sakin? Hindi ko ata kaya yon. Makakasira ako ng kinagisnang tradisyon.

"Jess!" Sabay kaming napatingin sa likod.

Napatayo ako nung makita ko ang mga pinsan ko na hinahabol si Jess.
Hinawakan ni Kuya Jos sa balikat si Jess pero marahas niya itong binawi.

Napatakip ako ng bibig at tumakbo ako doon. Humarang ako sa harap ni Jess at kita ko ang pag iyak niya.

"Jess! Stop it! Ano bang nangyayari!" Sigaw ko. Naramdaman kong nanginginig ako. Alam ko, may konklusyon ako kung bakit nangyayari to pero ayokong isipin. Nakakatakot.

"Hindi ako Salazar!" Napaawang ang labi ko. Napatingin ako sa paligid.

Wala ng tao sa labas, nakita kong naka kunot ang noo ni Dylan habang pinapanuod kami.

Napatingin ulit ako kay Kuya Jos. Kita ko at pagtakip niya ng mukha at ang pagyakap ni Ate Pin sakanya.

"Jass.. please calm down. Hindi masosolusyonan ito kung ganito ka. We need to work together.." mahinahon kong sabi. Nanginginig pa rin ako.

I can feel Kuya Jos' heavy breathing behind me. Ang kinakatakutan ko ay nandito na.

"Alam mo ba 'to, Ate? Wow! Just wow! Ako lang pala ang walang alam? Kailan niyo balak sabihin sa akin? Pinag mumukha niyo akong tanga!" Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ako makasagot.

Sinubukan ko siyang lapitan pero humakbang siya paatras. Nasaktan ako sa ginawa niya pero hindi ko siya masisisi. Tumulo na rin ang mga luha ko.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Napatingin ako kay Jade at nakita kong umiiyak na din siya. Umiling siya sa akin at yumakap kay Jayden.

"I'm sorry Jess. I tried protecting you. I tried protecting this family. But I failed.." Tumulo ang mga luha ko, anong gagawin ko? This is out of control. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Ang sakit sakit na makita siyang ganito.

"Bakit ako inampon? Ayaw ba sa akin ng mga totoong magulang ko?" Maagap akong umiling sa sinabi niya.


"No! Of course not! They love you. I am sure they do. Jess.. huminahon ka muna. Let's talk about this inside. Makinig ka naman sa akin.."

Kahit humahagugol na ako ay pinilit ko paring sabihin iyon. Wala akong solusyon aaminin ko pero gusto kong maayos 'to.

Tinignan ko si Kuya Jos sa mata. Sinalubong ko ang mata niyang puno ng sakit.

I am so damn afraid right now.

"Ate, not now." Napaawang ang labi ko sa sinabi niya.

Pinanuod ko nalamang siyang umalis at talikuran kami. Lalo akong napahagulgol dahil doon. Tinignan ko ang mga pinsan ko at hilam din ang mga mata nila.

Alam kong nahihirapan sila ni Ate Pin. Napaupo ako sa sobrang takot at sakit. Sinundan siya ni Josh at Kuya Jos kaya napanatag din ako.

Umupo sa tabi ko si Jayden at inilagay niya ang ulo ko sa balikat niya.

Naramdaman kong may yumakap sakin.

"I am sorry." narinig kong sabi ni Ate Pin habang umiiyak. Yinakap ko din siya at pinatahan ko ang sarili ko.

Tumayo ako at hinarap silang lahat.

"Wala na, we need to face the consequences. I know Jess, galit 'yon ngayon. Kailangan natin hintayin na mawala ang galit niya kahit konti.." Hindi ko alam kung paano ko ittuloy. Ano nga bang sasabihin ko? Ano nga bang pwedeng gawin?

"We will all face this together" sabi ni Jade kaya ngumiti ako.

Hinarap ko si Jayden.

"Ipasok mo muna sila.. ako ng bahala mamaya kay Jess" sabi ko at tumango naman siya. Pumasok na sila ulit sa loob ng hotel.

"See you later cous" sabi ni Jade at ngumiti siya sakin.

Hinarap ko si Dylan.

"I am sorry about that" sabi ko at parang gusto ko ulit umiyak nung yakapin niya ako.

"What you did there is really something" sabi niya sa akin, alam kong pinapagaan niya lang ang pakiramdam ko.

Nanlalambot ang buong katawan ko pati na ang puso ko.

"Can you please not tell anybody about what you knew?" Pakiusap ko sakanya. Humiwalay siya sa akin at tinignan ako sa mata.

"Of course and don't worry. I'll help you." kumunot ang noo ko. Help?

How?

"What do you mean? How?" Tanong ko pero ngumiti lamang siya.

"You should rest. I know you're tired" napabuntong hininga ako. Tama siya, nararamdaman ko na ang pagod kaya tumango ako.

"Ikaw?" Tanong ko sakanya pero umiling siya.

"I still have stuff to do" tumango ako at napapikit ako nung halikan niya ako sa noo.

Parang napawi lahat ng sakit at pagod ko sa halik niyang iyon. Nakaramdam ako ng konting paghinga at payapa sa puso ko.

Masyado bang mabilis? O totoo ang sinasabi nila na sa pagibig ay walang magagawa ang oras?

Na sa oras na tamaan ka nito ay hindi mo masasabing mabagal o mabilis ito.

"Goodnight" sabi niya sa akin kaya kahit papaano ay napangiti ako.

"Thankyou and goodnight Dylan." sabi ko at tumalikod na.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top