Kabanata VI
Nung tumalikod na ako ay nakita ko si Jade.
Kanina pa kaya siya nandoon? Urg, nakakahiya!
"Jade" bati ko sakanya at lumapit na sakanya. Sinabayan na niya ako maglakad pabalik sa top floor.
"Nililigawan ka na ba?" Napatingin ako sakanya.
Nagpakawala ako ng pekeng tawa.
Pinindot ko ang floor namin at sumara na ang elevator.
"Hindi." sabi ko at ngumiti.
"Hindi ako tutol sa inyo pero alam mo naman siguro kung anong magiging problema niyo kung sakali diba?" Tanong niya sakin.
Napakagat ako sa labi ko. Tumango nalang ako.
"Actually kung sakaling pwede ay susuportahan ko pa kayo, ngayon lang kita nakitang ganyan." napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
Ganitong ano?
"What do you mean?" Tanong ko at biglang bumukas ang elevator. Lumabas kami pero hindi muna kami pumasok sa kwarto namin.
"Hindi mo naman pinapansin ang mga lalaki noon. Your world only revolves around us pero iba sakanya. I actually also admire him because of his guts kaya gusto ko siya para sayo pero alam mo naman diba? He is a chinese. Gusto kitang maging masaya pero ayokong masaktan ka" napangiti ako sa sinabi niya. Yinakap ko siya.
"I know.. I know that." Yun nalang ang tanging nasabi ko. Gusto kong ibuhos sakanya ang nararamdaman ko. Sanay ako na tinatago nalang ang lahat pero hindi ko ata kayang itago ngayon.
"You have dissimilar worlds. Ibang mundo ang ginagalawan niya. Pag pumasok ka don ay mahihirapan ka at mahihirapan din kaming protektahan ka." Humiwalay ako sakanya at naramdaman kong tumulo ang luha ko.
Gamit na gamit na ang linyang ito pero napakasakit pala ng katotohanan.
"Alam ko naman yon, pero kilala mo ako. I never wanted something. Kung ano ang ibinibigay yun lang ang tinatanggap ko. This time ito ang gusto ko. Yung tipong gustong gusto ko makuha. Anong gagawin ko? I like him, I want this." Sabi ko at ngumiti naman siya sa akin.
Ako mismo ay nagulat sa sinabi ko. I like him? Damn. I'm in deep shit.
"Jas, sa ngayon wala pa tayong magagawa. Tignan muna natin kung aabot sa puntong magkakasakitan na at kapag nangyari yon. Hawakan mo lang ang mga kamay namin at itatakas ka namin sa lahat ng bagay na makakasakit sayo." Ngumiti ako at tumango. I need that.
Pumasok na kami sa kwarto namin sa hotel. Napatingin ako sa veranda, andon si Kuya Jos, Jayden at Jasper.
Si Josh, Jerem, Ate Pin at Jess ay nasa sofa. Nanonood si Josh at Jerem habang nag lalaptop si Ate Pin at Jess. Hindi ko tuloy alam kung paano ako makikisalamuha.
"Hey Jas" bati sakin ni Ate Pin nung napansin niya ako. Napatingin sakin si Jess pero umiwas ako ng tingin.
I don't want to hurt them.
"Hey! Inaantok na ako. Mauna na ako" sabi ko sakanila at tinignan ko si Jade.
Tumango siya kaya tumuloy na ako sa kwarto naming girls.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at tinignan kung may text doon.
Unknown number :
Are you smiling now? Goodnight. -Dylan Wong.
Napangiti ako at sinave ang number niya. Rineplyan ko din ito agad.
Me :
I am, Thank you Dylan. Goodnight. :)
Should I put a smiley face? Wala namang masama diba?
Paano niya kaya nakuha number ko? Next time ko na nga tanungin.
Sinend ko iyon at nagpalit ng pajama.
Humiga na ako at nag ring ulit ang phone ko at tinignan ko iyon.
Dylan Wong :
Sleep now.
Ngumiti ako at hindi na siya rineplyan.
Narinig kong bumukas ang pintuan kaya napakagat ako sa ilalim ng labi ko.
Naramdaman kong may tumabi sakin.
"Jas" napatingin ako kay Ate Pin. I can see na naiiyak nanaman siya and it breaks my heart to see her like this.
Lumapit ako sakanya at pinunasan ang luha niya.
"Stop crying, Ate." sabi ko at tumango naman siya.
Anong nangyari at humantong sa ganito..
"Jas, I am sorry" tumango naman ako sa sinabi niya. Nasasaktan ako para sakanya.
"Wala naman kayong kasalanan. Walang sikretong hindi nabubunyag."
Tumango siya kaya napapikit ako.
"I'm a failure. Hindi ko kayo na protektahan. Ako ang panganay.." Tinignan ko lamang siya. Alam kong sobrang nasasaktan siya ngayon.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Natatakot ako na baka may masabi akong mali. Umiling ako at hinawakan siya sa kamay.
"I love our family, alam ko na dapat malaman ang totoo pero alam kong may rason sila mommy kung bakit bila tinago ang lahat. Kung bakit nila pinaniwala ang lahat na kapatid ko siya at pinsan niyo siya." Wika ko at pinisil ang kamay niya.
"Basta Jas. Remember that I will always support everybody. I will always be right behind you and the others'. Whatever will happen.. hindi ko alam kung paano ko kayo pprotektahan pero gagawin ko ito alang alang sainyo at sayo."
Tumango ako at ngumiti ng marahan. Ramdam ko ulit ang paglandas ng luha ko. My heart is aching too much.
"Thank you ate. I love you." Wika ko nakapag pa ngiti na sakanya.
"I love you too" sabi niya at pinanuod ko na pumikit ang mata niya. Mukhang napagod siya ngayon.
"Goodnight" bulong ko at pumikit na din.
"Je shut up!" Pag sasaway ni Ate Pin kay Jerem.
Nasa family airplane namin kami. Papuntang boracay at kanina pa nag sasalita si Jerem. Okay na rin ang lahat. It's like normal.
"It's Jer or Jerem ate. Je is for jejemon!" Suway din ni Jerem kay ate. Natawa nalang kami kaya napailing ako.
Jerem is really good at making us happy.
Katabi ko si Jade sa airplane at nakikinig siya ng music at nag babrowse.
"Sexy girls! Here we come!" Excited na excited na sinabi ni Jerem.
"Shut up loser!" Sigaw ni Josh kaya nagsitawanan kami. Sakat nanaman si Jerem.
"What the heck Joshy! How can you do this to me. You hurt me big time!" Kinuha ko nalang ang earphone sa kabilang tenga ni Jade at nakinig nalang din ng music.
"What are you browsing?" Tanong ko sakanya at pinasilip niya iyon sakin.
Forbidden Love, napaawang ang labi ko. Napatingin ako sa iba at mukhang busy naman sila.
"Turn your phone to Airplane mode" sabi ko kay Jade at mabilis niya itong in-airplane mode.
"Okay na ba ang hotel na pagsstay-an natin?" Tanong ni Ate Pin kay Kuya Jos.
"Of course! Two executive suite. One for girls and one for boys" sabi ni Kuya Jos at nag bro fist pa sila ni Jerem.
"Paano mo nagawan ng paraan sila Jenny?" Tanong ko kay Kuya Jos. Hindi kasi namin kasama ang mga bata ngayon.
Magtatampo ang mga 'yon sigurado.
"Nothing special, sabi ko lang ay bawal kasama ang mga bata sa pupuntahan natin. Mala amazon sabi ko" proud na proud na sabi niya. Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Amazon pa more kuya" natatawang sabi ko. Natawa na din si Jade.
"Amazon.. Amazon ng mga sexy girls" sabi ni Jerem kaya binatukan siya ni Josh.
What the heck? Kumusta na kaya ang batok niya ngayon?
"Ano bang ka manyakan ang nasa isip mo. Puro babae" ani Josh.
"Wow! Pa virgin ka Joshy" pamumusit ni Jerem kay Josh.
Pumikit nalang ako at umidlip.
"Mag settle - down na muna kayo" sabi ni Kuya Jos samin at pumasok na kami sa suite namin.
Si Ate Pin ay pumasok sa banyo, si Jess naman ay pumasok sa kwarto namin. Si Jade naman ay sinilip ang ref.
Napatingin ako sa veranda at pumunta doon. Tanaw na tanaw ang dagat muna dito, napangiti ako. Maganda ito para makapag enjoy at makalimutan muna ang mga nangyari sa amin noong mga nakaraang araw.
Masyadong mabilis ang mga pangyayari sa buhay namin.
Nag vibrate ang cellphone ko at tinignan ko iyon. Mas lalo akong napangiti nung makita ko ang nag text.
Dylan Wong :
What is the reason behind your beautiful smile?
Napangiti ako lalo at rereplyan ko sana siya nung marealize ko kung ano ang tinext niya sa akin. Napatingin ako sa baba pero wala namang tao don. Lumingon lingon ako nung mahagip ng katabi naming veranda ang mata ko.
Nandoon siya, he was leaning on the railings while looking at me. Naka muscle tee at maong shorts lamang siya. Meron din siyang shades at noong tinanggal niya iyon ay napasinghap ako.
Why does he look so handsome right now? Okay kaya ang itsura ko?
"Hey" bati ko at ngumiti.
"Hi Beautiful" napakagat ako sa pang ibabang labi ko. Siguradong namumula na ako nito.
His effect on me.. sobra sobra.
"What are you doing here?" tanong ko sakanya habang iniiwasan ang tingin niya sa akin.
Nakaka-intimidate.
"Business" aniya. Ako naman ay napatango nalang. Balita ko ay mag gagraduate na siya. Ka year niya si Kuya Jos at Ate Pin. Siguradong rineready na siya para sa business nila.
"Jas!" narinig kong sigaw ni Jade.
"I gotta go" sabi ko at tumango naman siya. Napaka laking kasalanan ng kagwapuhan niya, hindi ko lubusang maisip na may ibang pwedeng tumingin sakanya.
Winagayway naman niya ang phone niya at tumango nalang ako. Ibig sabihin non ay i memessage nalang niya ako siguro.
Pumasok na ako at nakitang buhat buhat ni Jade ang maleta ko.
"Anong ginagawa mo?" natatawang tanong ko dahil nakita kong hirap na hirap siya.
"Busy ka pa kasing makipag kiligan kay Mr. Forbidden kaya ako nalang mag papasok nito" napanguso ako at kinuha ang gamit ko sakanya.
"Jade naman e!" nahihiya kong sabi at tumawa naman ito. Isinabit niya ang kamay niya sa braso ko.
"Just joking, basta masaya ka. Masaya din ako" sabi niya kaya ngumiti nalang ako.
Nag ayos na kami ng gamit at lumabas na.
"Sabi ni Jos ay nasa cottage na daw sila. Mag snorkeling daw tayo" sabi ni Ate Jas kaya kumunot ang noo ko. Snorkeling? Bago yon ah? Pag ganito ay puro jet ski lang ang ginagawa namin. Kung hindi naman ay linulunod si Jerem.
"Iniisip mo ba yung binabato natin si Jerem sa tubig?" tanong ni Jade sa akin kaya napatango ako. Sabay naman kaming natawa.
Napatingin ako kay Ate Pin na seryoso lang.
"Hey! Smile" sabi ko at tinapat sakanya ang dslr na hawak ko. Nanlaki naman ang mata niya kaya tumawa kami. Napa sunod din siya sa tawanan namin.
"Wag mong ilalaki ang mata mo! Hindi bagay!" sabi ni Jess kaya natawa kami ulit.
Dumiretso na kami sa cottage at nakita naming may mga rinent ata silang bangka. May mga safety gear din silang dala. Ang alam ko ay may kakilala si Kuya Jos dito so maybe.. doon niya nakuha ang mga gamit.
Hindi nanamin kailangan magpaturo dahil marunong naman si Jayden at Jerem.
"Ano to?" tanong ko habang sinusuri ang mask na binigay sakin.
"Jas! Mask malamang. Ito naman fins" sabi ni Jerem sa akin at tumawa pa. Umakyat ang dugo ko dahil doon. Sarap niyang sakalin seryoso!
"Shut up loser! Alam ko! I mean anong kahibangan to?" sabi ko at tumawa ulit siya. Sarap niyang hambalusin nitong mask.
"Just joking cousin, si Jos kasi ay gustong tumulad doon oh" sabay nguso sa dagat. Napatingin ako doon at napaawang ang labi ko nung makita ko si Dylan kasama ang mga kapatid niya na nag snorkeling.
Ang bawat galaw nila ay parang sumusunod lamang sa dagat.
I didn't know that he still looks handsome habang nasa tubig. Naka angat pa siya at hindi pa bumababa.
"Mga bibig niyo, isara niyo." napatingin ako kay Kuya Jos na mukhang inis na inis.
"Let's go" sabi ni Kuya Jos at pumunta sa dagat. Tumatawa naman kaming girls at napapailing nalang.
Tinaggal ko ang rash guard ko dahil hindi na ako komportable. Nang makarating kami sa part kung saan maraming magandang makikita sa ilalim ay agad tumalon si Jerem.
Malapit lamang kami kina Dylan.
Sumubok na rin si Kuya Jos. Si Jerem naman ay inayos ang vest ko kaya ngumiti ako. Inayos niya din ang mask ko at ang fins ko. Sinunod naman niya si Jess. Nakatingin kami sakanila pero hindi ko mapigilang mapatingin kay Dylan. Tinapat ko sakanya ang dslr na hawak ko at pinicturan siya.
Hindi ko na napansin ang mga tao na nasa paligid ko. Nung umangat na siya sa dagat ay saka ko palang binaba ang dslr.
"Napano na si Kuya Jos?" tanong ko kay Jade pero napansin kong nakatingin din siya sa mga naroon.
Nag kibit balikat nalang ako at tumingin kila Kuya Jos.
Natawa ako dahil kasama na niya si Jayden at Jerem at lahat sila ay nag-eenjoy na. Ako din ay tumalon na doon, mabilis naman akong dinaluhan ni Jayden. Siya ang naging gabay ko sa lahat.
Tinuro niya ang mga dapat kong malaman at halos siya ang kasama ko. Josh helped Jade and Jess. Ate Pin was taught by Jerem.
"GOSH! LOSERS! BUMALIK NA NGA KAYO DITO!" sigaw ni Ate Pin kaya lalo kaming natawa.
Hindi daw niya na-enjoy. Ayaw niya talaga sa tubig. Nauna siyang umakyat. Jasper helped her.
Ate Pin was really good at making them follow her orders.
Bumalik kami sa shore at ako naman ay pinulot ang rash guard ko.
Nag vibrate ang phone ko kaya napatingin ako doon. Wala sa sariling napangiti ako at napayakap sa rash guard ko.
Dylan Wong :
If I were you, I'm gonna wear my rash guard now.
Agad ko naman itong rineplyan at napangisi ako.
Me:
Okay mister. Sorry :)
Urg! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinikilig ako! Pwede naman diba? Nakakainis! Parang.. parang.. ewan!
Bago ako pumasok ng cottege ay lumingon ako at napatingin sakanya. Ngumiti ako sakanya at ngumiti din siya sa akin. Kitang kita ko ang sparkling shimmering abs niya mula dito.
Me:
If I were you too, I would wear my rash guard too.
Dylan Wong :
Why? Don't worry, this abs are only for you
Natawa ako doon at pumasok na sa cottege.
"Saya mo?" tanong sakin ni Jade kaya mabilis kong ginawang seryoso ang mukha ko.
"Hindi ah" sabi ko at sinisilip ang phone ko pero sumisilip din si Jade.
"Hey" mahina kong suway sakanya at tumawa naman siya.
"Okay okay, I won't missy but you need to tell me about that glowing face of yours. I am your bestcousin!" sabi niya at kinuha ang sarili niyang cellphone.
Tinignan ko ulit ang cellphone ko at halos lumabas ang puso ko sa sinabi niya.
Dylan Wong :
You're too sexy and I am a jealous sexy beast too. What mine is only mine.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top