Kabanata IX
Naalimpungatan ako nung mag ring ang phone ko. Dalawang araw na kami sa bahay nila Dylan. Kakabukas ko palang ng phone ko kagabi, no wonder, nakakatanggap na ako ng calls.
"Hello?" bungad ko sa tumawag.
"Ate! You need to go home! Nasa hospital si mommy!" napabangon ako sa sinabi ni Jayden. Napakagat ako sa labi ko. What did I do? Are this the consequences?
Pinatay ko ang call kaya napatingin sa akin ang mga pinsan ko at kapatid ko. Tinext ko saglit si Jayden na itext sa akin ang room number ni mommy. Naninikip ang dibdib ko sa takot, I can't even say something kaya humugot muna ako ng lakas.
"Nasa hospital si mommy! We need to go back." sabi ko at lahat sila ay nag madalin gumalaw.
Tumango si Jess at nag simula na kaming mag impake.
Maya't maya ay chine-check ko ang mga pinasan ko. We're all silent while fixing our things.
"Are you going back now?" napalingon ako kay Dylan. Sinara ko na ang bag ko at tinignan siya.
Tumango ako ng marahan at ngumiti.
"Thank you for letting us stay. Babayaran namin lahat ng ginastos para sa damit namin and yes, uuwi na kami. My mom is in the hospital, can you please bring us to the Landford Hospital?" napayuko ako. I can't think properly.
Nakakahiya na ina-abuso ko pa ata ang kabaitan niya.
"It's time, we need to face everything and you don't need to pay for anything." tumango ako sa sinabi niya. Linahad niya ang kamay niya at inabot ko iyon.
Nanlambot ang puso ko dahil doon. He always made me feel that he is always there for me. Sa dalawang araw na nagdaan ay mas naging close kami, we we're really happy. Even Jess was happy.
"Let's go" sabi niya at sumunod na kami sakanya.
We walk while we're holding hands.
"Guys, I am afraid to see Tito Chand's reaction." sabi ni Jerem habang pasakay kami ng kotse. Wala ang parents nila Dylan kaya hindi na kami nakapag paalam.
"Why are you afraid of my dad's reaction? You should be afraid of Tito Travis' because he is your father or better yet let's be afraid of everybody." sabi ni Jade at napakamot naman sa batok si Jerem.
"Well siya ang pinaka nakakatakot sa lahat" sabi ni Jerem. Nanahimik nalang kami.
"Bakit ka sasama?" tanong ni Jade. Napalingon ako at ang kausap niya pala ay si David.
"Kasama ako sa nagdala sainyo dito so dapat ay kasama din ako sa magbabalik sainyo" sabi ni David at nag roll-eyes nalang si Jade.
"Thank you for everything Dylan." sabi ko sakanya. Ako ang nasa shot gun seat ngayon. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti sa akin.
I need to face this with them. I'm gonna do everything to protect them. Whatever happens, I will protect them.
Tahimik lang kami sa byahe, pati si Jerem ay hindi nagsasalita. Nakatingin lamang ako sa daan. Pinapanalangin ko na sana okay ang mommy ko.
Napatingin ako sa hospital, para akong kinikilabutan nung makita ko iyon. Ang mommy ko ay nasa hospital ng dahil samin. How can I forgive myself kung may nangyari sakanyang masama?
"Here we go" sabi ni Jerem at nauna ng bumaba.
"Thank you again" sabi ko bago bumaba.
"Anytime, don't worry. Everything will be over soon. See you later" sabi niya at tumango naman ako. Ngumiti siya sa akin at tuluyan na kaming pumasok ng hospital.
"Okay guys" humarap ako sakanila bago pumasok ng kwarto.
"This is it, we need to be responsible." sabi ko at tumango naman sila.
Tinawagan ko sila Kuya Jos at sinabing nasa hospital na kami. Hinintay muna namin sila sa labas ng kwarto ni mommy. Hindi naman nagtagal ay lumabas din sila.
Napasinghap ako nang mabilis akong yakapin ni Kuya Jos.
"K-kuya.." mahina kong bulong. Humigpit ang yakap niya sa akin.
Napatingin ako kay Ate Pin. Umiiyak siya habang nakayakap kay Jayden. What is happening?
May nangyari ba?
"I'm sorry. Hindi kita na protekatahan." Umaawang ang labi ko sa sinabi niya.
Humiwalay ako sakanya at tinignan siya sa maya. Nakita ko ang hindi maintindihang emosyon sa mata niya.
"Ano bang sinasabi mo?" Napatingin ako sa iba at wala rin silang sinasabi. Hinawakan niya ako sa kamay at siya ang nag pasok sa amin sa loob.
I entered the room first.
Napaawang ang labi ko nung makitang buo ang pamilya namin doon. Lahat sila ay nagulat sa pagdating namin.
"Mom?" Tawag ko kay mommy.
Nakahiga si mommy sa hospital bed pero ang mas ikinagulat ko ay ang presensya ng mga magulang nila Dylan.
Anong ginagawa nila dito?
"Saan kayo galing?" Galit na tanong ni Tito Third. Napakagat ako sa labi ko.
"Jade, mali tayong dalawa. Kay Tito Third tayo dapat matakot." narinig kong bulong ni Jerem.
"Shut up" naiinis na bulong din ni Jade.
Si Jess naman ay yinakap ko, lumapit si Jayden sa amin at yinakap kaming dalawa.
"Hindi po ako Salazar. Alam ko po." Kumawala sa pagkakayakap ko si Jessica.
Humikbi si mommy kaya mabilis siyang dinaluhan ni Tita Caly at daddy. Ang gulo gulo. Nasasaktan akong nagkakaganito ang pamilya ko.
"JESSICA!" narinig kong sigaw ni Daddy.
"STOP IT! CAN YOU PLEASE STOP THIS!" sigaw ni Jessica at umiyak na. Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang hikbi ko.
My eyes were brimming with tears. Nanginginig ang kamay ko sa takot.
"Sino ba kasi ang nag ungkat ng nakaraan?! Joseph, I am so dissapointed in you." Ani Tito Chand.
"Blaming him can't solve this. Mababago ba ang lahat kung magkakasakitan tayo? We need to understand everything and be a family. A family that stabnds together." Mahinahon kong wika.
Kita ko ang paghawak ni Tita Rean sa kamay ni Tito Third. Napabuntong hininga ako. Jayden went near me. Yinakap ni Josh si Jessica. I was crying for everybody. For the family..
"Im sorry Jas, wala ako nung mga panahon na kailangan niyo ko" bulong sakin ni Jayden. Tumango naman ako dahil hindi ako makapagsalita.
It's not his fault..
Damn. I need to do something!
"I can't take this anymore. I want my child back."
Napabitaw ako kay Jayden nang magsalita ang mommy ni Dylan.
What? Child?
Anak? Anak nino?
"Rafael" tawag ni daddy doon sa daddy ni Dylan. Lumapit ito sakanya kaya tumabi kami.
"I want my child back, Francis" seryosong seryoso na sabi ng tatay ni Dylan. Napatakip ako sa bibig ko at humigpit ang hawak sa akin ni Jayden.
Sino? Si Jessica ba?
"Jessica is my daughter. Jessica is a Wong and she needs to know it. Naaalala mo ba nung pinaampon ko ang anak ko sainyo dahil akala ko ay maba-bankrupt ang business namin? Akala ko hindi na kami ulit makakabangon.. but we did. Please.. please give me back my daughter. Nakasama niyo na siya for how many years.." hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko.
Anong akala nila kay Jessica? Bagay na isasangla tapos tutubosin pag may pera na?
"No! Jessica is my daughter! Francis! Gumawa ka ng paraan!" napalingon ako kay mommy at pinuntahan siya. Yinakap ko siya, I know she needs my strength.
Napatingin muli ako doon dahil may pumasok sa kwarto. Dylan, Dexter and David were breathing heavily na parang nag madali sila sa pag punta dito. Hinanap ng mga mata niya ang mata ko at nag tama ang mga 'yon.
He was looking at me, a tear fell from my eye. Kita ko ang pagawang ng labi niya dahil doon.
Lalo akong napaluha nang bumuka ang bibig niya at may sinabi siya. He mouthed.. I'm sorry.
"STOP! STOP!" nakita kong napatakip sa tenga niya si Jessica. Nasasaktan ako para sakanya, yinakap naman siya ni Jayden. I know this is too much for her, for us and for the whole family.
Parang panaginip lang ang lahat..
"Rafael, pwede bang pagusapan nalang natin bukas ito? Aayusin muna namin ang problema ng pamilya namin" sabi ni Daddy at tumango naman si Tito Rafael.
"Jessica, whenever you need us. You know where to find us" sabi ni Mr. Wong pero hindi sumagot si Jessica. Tumalikod at sinara na nila ang pintuan.
"Look! Kung hindi kayo gumawa ng gulo, hindi sana nagkaganito ang lahat" galit na galit na sabi ni Tito Third.
"Dad! Ang baluktot ng pag iisip niyo!" Napasinghap ako sa sinabi ni Josh.
Naninikip ang dibdib ko lalo, I can't breath properly. Lumapit sa akin si Jade at yumakap. Jerem did too and hugged us.
"Bullshit!" sigaw ni Tito Third pero hinahawakan siya ni Tita Rean.
"Stop please.. mabuti po siguro kung umuwi na muna po kami. Masyado pong mabigat ang lahat para pag usapan lahat ngayon to. Para kay Jessica at para kay mommy. Hindi maayos to ngayong gabi at baka magkasakitan lang tayo." sabi ko at nanahimik ang lahat.
Tumayo ako at linahad ang kamay ko kay Jessica. Inabot niya iyon at hinila ko siya. Sumunod sa amin si Joshua, Jerem, Jayden at Jade.
"It will be okay" narinig kong sabi ni Joshua kay Jess pero umilling si Jess. Tinignan ko siya at pinunasan ang luha niya.
"You are my sister. Whatever it is, you will always be my sister bukas ay lilinawin lahat to baka may pagkakamali lang." sabi ko at yinakap ko siya. Yinakap din kami ni Jayden.
Sinong niloko ko. Pagkakamali? Ang linaw linaw ng lahat kanina.
Damn. How.. how did this happened? Ito ba ang kabayaran dahil hindi ako nag tagumpay na protektahan sila? Ito ba ang kabayaran na hinayaan ko na mag kaganito ang sitwasyon?
"Ang sakit sakit ate, I don't know who I am anymore. I feel empty" naiyak ako sa sinabi niya. Umiling iling ako.
Nasasaktan ako dahil nasasaktan siya. Tinignan ko si Jayden at kita ko na nasasaktan din siya.
"We should rest first. Haharapin natin lahat to bukas. I am always beside you. Hinding hindi kita iiwan" sabi ko at tumango siya sa akin.
"Josh, you should go home first. Jade and Jerem go home now. Thank you so much" sabi ko at pumasok na kami sa taxi.
Si Jayden ay hindi nag sasalita, kilala ko ang kapatid ko. Hindi man siya nag sasalita ay alam kong marami rin siyang tanong.
Naramdaman kong hinawakan ni Jess ang kamay ko kaya pinisil ko iyon.
Hindi ko lubusang maisip na totoo lahat ito. Pwede bang bumalik na ang lahat sa dati? This is not what I wanted. Sa sobrang sakit ay sana panaginip nalang lahat ito. Para matanggal na ang lahat ng sakit.
Napatingin ako sa phone ko nung mag vibrate iyon.
Dylan Wong:
I am sorry for not telling you. Are you okay?
Napakagat ako sa labi ko. Hindi ko siya kayang replyan ngayon. Ang sinasabi ba nila ay kapatid ni Dylan si Jessica? Kaya ba siya nakipag lapit sa akin ay para kay Jessica?
Nag sorry siya kanina, matagal na niyang alam 'to. Is this his hidden agenda?
Nag vibrate ito ulit at napapikit ako pagkatapos ko itong mabasa.
Dylan Wong:
Hey, answer me please. Are you okay? Where are you? Do you want me to see you? Please talk to me. Don't ignore me. Are you angry? I am getting crazy just thinking about what you might feel towards me right now but I know you need space. Just call me when you're ready.
Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman. Sabi niya ay tutulong siya, ito ba iyon? Mag papasalamat ba ako? Heck this! Hindi ko na alam! I like him, maybe more than tha but I don't think this will work lalo na at may ganitong problema.
The gap between our families will only make this worse.
Nakarating na kami sa bahay at tuloy tuloy lang kami sa loob. Walang kibuan at pinapakiramdaman lang ang lahat. Pumasok na ako sa kwarto ko.
"Ate can I sleep with you?" tanong ni Jessica kaya tumango ako. Pinapasok ko siya at pumasok ako sa banyo.
Nag palit ako ng damit at lumabas. May kumatok at nakita ko si Jayden doon.
"Can I sleep here too?" tanong niya kaya ngumiti ako. Binuksan ko pa lalo ang pinto at pinapasok siya. Nagulat si Jess, mabilis na pumunta sa kama ko si Jayden. Pumunta naman ako sa kabilang dulo at pinagitnaan namin si Jess.
Yinakap namin siyang dalawa ni Jayden. Naramdaman ko ang pagtulo muli ng luha ko. Ayoko ng matapos ang gabing 'to. Natatakot ako sa bukas.. paano kung magbago lahat.
This family is so important to me.
"You are my little sister" narinig kong bulong ni Jayden. I missed this, napapikit ako dahil doon.
"You are all my little siblings" sabi ko at hinigpitan ang yakap sakanila. Naramdaman kong tumulo nanaman ang mga luha ko.
I hope na pag gising ko bukas ay panaginip lang lahat ito.
A bad dream that will never come back.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top