Kabanata III

Nakaupo lang ako habang ang pinapanuod ko silang ayusan. Tapos na ako at hinihintay ko silang matapos. I was wearing a pastel colored dress.

"Ate Jas? Can you put some lipstick on my lips?" Tinignan ko si Jamie at ngumiti ako.

Ngumiwi ako at inayos ng bahagya ang buhok niya.

"You are such a baby pa kaya lipgloss muna" kinuha ko ang lipgloss ko at nilagyan siya non.

Nag prepare na kami, kanina pang hapon pero dahil sa dami namin ay hindi alam ng mga stylist kung sinong uunahin.

The elders are too busy managing and making sure the event will go smoothly. Gusto ko ang mga charity ball na inaayos nila kasi nakakatulong kami.

"Better" sabi ko at nagsalamin siya.

"Thank you ate!" sabi niya at nagsuot na ng heels.

"Puntahan mo si Jackie. Make sure na okay na kayong lahat. Magkasama sila ni Nathan sa baba." Bilin ko sakanya at mabilis naman siyang tumango at lumabas.

"Jas let's go. Mauna na tayo bumaba" sabi ni Ate Pin kaya sumunod ako sakanya.

Pag kababa namin ay napatingin sa amin lahat dahil nanggaling pa kami sa second floor. Ngumiti naman kami at hinanap ng mata ko si mommy. Napaka daming mga business man kaya mahirap silang hanapin.

Nung makita ko sila ay hinila ko si Ate Pin papunta don. Kasama niya din sila Tita Alina.

"Where are the others? Magsisimula na" tanong ni Tita Bea.

"Pababa na din po" sagot ko.

Natigilan kami nung lumapit si daddy at may kasama siya. Ngumiti kami at napahakbang patalikod.

"Mrs. Wong, this is my family. Everyone, this is Mrs. Wong. Matagal na siyang nag dodonate para sa charity ng kompanya."

Napalunok ako at napatingin kay Ate Pin. Nakatingin din siya sakin. Wong.. given the fact I only know one Wong in this universe.. nakaka-tindig balahibo.

Wong.. gaano ba kadami ang wong sa mundo ng mga Chinese?

Just the mere sound of his surname.. can make me so weak.

"I'm glad to meet everyone. Wait, where is my son?" Lumingon lingon siya at nakita kong umaliwalas ang mukha niya.

Kasabay non ang paglingon ko din.

"Dylan! There you are, come here." napaawang ang labi ko nung lumapit si Dylan. Ngumisi ito sakin at tumabi sa mommy niya. He was looking so dazzling with his tux.

"Meet my son, the one who will continue our legacy." sabi ni Mrs. Wong.

Legacy.

Ngumiti naman kami bilang pag papakitang galang.  Nag usap na sila ulit ni daddy pero nakatingin pa rin sakin si Dylan. I was also intently looking at him.

"Jas, Ate Pin" napalingon kami nung may tumawag sa amin at palapit si Alexander, ka team mate din sa basketball nila Kuya Joseph.

I smiled.

"Alex!" excited na sabi ko. Tagal niyang hindi nag papakita samin. 

"Bakit ngayon ka lang nagpakita ulit?" tanong ko. We are very close before dahil mag ka edad lang kami.

"Naging busy ako sa pag te-training sa company namin." tumango tango naman ako. Tinapik naman niya ang ulo ko kaya natawa ako.

He has this kind of hobby.

"Hindi na ako bata!" natatawang sabi ko. Natatawa nalang din samin si Ate Pin.

Pinamaywangan ko siya at tinaasan siya ng kilay.

"Mag donate ka" banta ko sakanya at pinanlakihan ko siya ng mata.

Humalakhak siya at tumango-tango.

"Bro!" napalingon kami kay Kuya Jos na palapit sa amin. Nag apir at bro fist sila, lumayo muna ako at lumabas ng venue. 

I-checheck ko muna kung may mga tao pa sa labas. 

"Kuya, pag may mga dumating pa paderetsuhin mo na sa loob okay?" sabi ko sa guard. 

"Yes mam" tumango naman ako at ngumiti. Babalik na sana ako nung may humawak sa kamay ko.

Nakaramdam ako ng kakaiba kaya liningon ko ito.

Napatingin ako sa taong yon at laking gulat ko nung makita ko si Dylan. Hinila niya ako at dinala sa parking lot. Wala ng tao dito dahil nasa loob na siguro ang lahat.

"Ano bang problema mo?!" naiinis kong sabi habang inaayos ang dress ko. Naka heels ako tapos kakaladkarin ako dito.

Ano siya naka drugs?!

"Who is that guy a while ago?" tinignan ko siya na para bang hindi ko siya maintindihan.

He was breathing heavily. Kung tignan niya ako ay parang may nagawa akong masama sakanya. Napalunok ako.. I don't know why I feel so intimidated.

"Wait, what? Sa pag kaka alala ko wala akong connection sayo para sagutin ko yang tanong na yan." sabi ko at tumalikod na pero hinigit niya ako ulit at linapit sakanya. Napasinghap ako dahil sa distansyang natitira samin.

His smell is so addicting. Kailangan ko siyang layuan, hindi na tama to. Nag pumiglas ako pero masyado siyang malakas. 

I don't even want to stare at him. His eyes..

"Remember, I told you that I'm interested on you. Ako lang dapat." mahina niyang bulong at tinignan ako sa mata. Napaawang ang labi ko at napakunot ang noo ko. Napalunok ako, hindi ko siya maintindihan.

Hindi parin ako sumagot at tinignan lang siya. 

My heart was beating so fast. Tila para bang hinahabol ako nito at hinahabol ko ito.

"Please Jasmine, tell me you're just friends" sabi niya sa akin. Napayuko ako at tinignan siya ulit.

"Okay fine para tumahimik ka na. Ka team mate siya nila Kuya sa basketball before pero matagal siyang nawala. Ngayon lang siya bumalik ulit and we are just friends." sabi ko at nakita kong napangiti siya don. Napailing nalang ako.

He's happy because of that? Unbelievable.

"Now, pwede mo na ba akong bitawan?" tanong ko pero I can only see amuse in his eyes.

What now?

"No, never kitang bibitawan" tinaasan ko siya ng kilay.

He's drunk.

"Isa" pagbabanta ko at lalong lumaki ang ngiti niya. Lalo siyang gumagwapo sa paningin ko, hindi talaga pwede to.

"Dalawa" banta ko at binitawan na niya ako. Tinaas niya pa ang kamay niya na parang sinasabi sakin na sumusuko na siya.

"Hirap mo palang kausap" sabi ko at tumalikod na.

Ramdam ko ang init ng titig niya sa likod ko pero hindi ko nalang ito pinansin.

Nagpatuloy ang lahat sa charity ball. Natapos ito ng maayos, hindi ko na rin masyadong pinansin ang presensya ni Dylan. Kailangan ko siyang alisin sa sistema ko dahil hindi makakabuti para sakin.

"You all want to go sa Marco Polo?" lahat kami ay nag react sa tanong ni Kuya Jos.

Tinaas ko ang isa kong kilay at ngumisi.

"Of course!" lahat kami ay nag agree pati si Ate Pin.

Tinignan ko si Ate Pin at nag kibit balikat siya. Umiling ako at tumawa. Lumapit si Jayden sa akin at inakbayan ako.

"It's been a while na makompleto tayo. Let's have fun!" sabi ni Jade atsaka kami lahat tumawa.

"Pauwiin na muna natin ang mga bata. Tapos ay ako ng magpapa alam kila mommy" sabi ni Kuya Jos atsaka kami tumango.

Napatingin ako sa mga bata na busy sa dulo ng hall. I am sure na sa hinaharap, sila naman ang ganito.

Umalis muna si Kuya Jos para mag paalam. 

"Ate, saan po kayo pupunta?" tanong sakin ni Jackie.

Jackie is Jasper's baby sister.

Lumebel ako sakanya.

"May pupuntahan lang kami saglit. Talk to your cousins. Ikaw ang pinaka responsable so ikaw ng bahala sakanila. Bantayan mo sila Nathan. Okay? Mauna na kayong umuwi" pag papaliwanag ko at tumango naman ito.

"Go to mom, Jackie" sabi ni Jasper at sinamahan ang mga bata sa labas.

Sabay na bumalik si Jap at Kuya Jos.

"LET'S GO!" sigaw ni Kuya Jos kaya nag hiyawan kami.

Pumunta na kami sa Marco Polo gamit ang sasakyan ni Jerem. Ayaw pagamit ni Kuya Jos ang kotse niya dahil bago daw ito. Dinispose niya kasi ang luma niyang kotse.

"Ilan tayo?" tanong ni Jerem kaya nag head count kami.

"Nine" sagot ni Jayden. 

"Siksikan nalang or gusto niyong gamitin ang kotse ni Joshua?" tanong niya. 

"Isasakay ko na si Jess at Jade sa akin" napatingin ako kay Jade at nanlaki ang mata ng pinsan ko.

"No way!" Mabilis na umiling si Jade at sumakay na sa kotse ni Jerem. Natawa ako at sinabihan si Jayden na sumakay sa kotse ni Joshua at samahan nalang din niya si Jess.

Sumakay na kami at tinungo namin ang Marco Polo. Mabilis din namin itong narating dahil hindi gaanong traffic.

"Keep close okay? We are all old enough so be responsible." paalala ni Ate Pin samin. Tumango naman kami. Hinanap ng mata ko ang dalawa kong kapatid.

Si Jayden ay katabi ni Joshua at may pinapakita ito sa phone niya. Si Jess ay palapit sa akin at humawak sa braso ko.

Pumasok na kami sa Marco Polo. Tuloy tuloy kami sa VIP Lounge. May party daw kasi sa roof top ng hotel kaya dito muna namin ilalagay ang mga gamit.

Hinila ako ni Ate Pin papunta sa roof top. Nauna kami doon at pag kapasok na pagkapasok namin ay rinig na rinig na ang malakas ng music. Sparks by Hilary Duff ang pinapatugtog. Napapasunod na rin ako sa music at sumasayaw na ako sa tabi ni Ate Pin.

"Kiss me in the dark!" sigaw ni Ate Pin kaya natawa ako.

Napalingon ako at nakita ko sila Jayden, Jerem, Kuya Jos, Josh at Jasper na umiinom na.

Lumapit naman si Jade at Jess sa amin at nakisayaw na din. I was laughing dahil hindi pa man sila lasing ay ganito na. Si Jade ang pinaka wild sa amin kaya natatawa ako sakanya. She's the best dancer though.

"Turn the lights down" sabay namin kanta ni Jade at itinaas ang mga kamay namin.

Dumadami na ng dumadami ang mga tao kaya sumisikip. Nadala na ako sa gitna ng dance floor. Hinanap ng mga mata ko sila Ate Pin at Jade pero hindi ko sila makita. Jess is somehow beside me kahit papaano.

Naalala ko ang sinabi ni Kuya Jos.. I should enjoy! Kaya nakisayaw nalang ako sa mga tao don.

Pinalitan ang kanta ng Fly by Hilary Duff. Halos couple ay sumasayaw na magkaka dikit ang katawan. Bumuntong hininga ako at aalis na sana ako nung may humigit sakin at naamoy ko ang pamilyar na pabango niya. Lumingon ako nagtama ang mata namin. 

Damn it.

Ngumiti siya ng bahagya sa akin. I can smell liquor in him.

"You are so beautiful" napasinghap ako. Dinala niya ang ulo ko sa matipunong dibdib niya. Dahan dahan niya akong sinayaw. 

Bumilis ng sobra ang puso ko. Napapikit ako, naging komportable ako.

Sinubukan kung kumalas pero ayaw niya akong bitawan. He's stronger kaya wala akong laban.

"Please.." kung ibang lalaki to, malamang ay sinapak ko na pero bakit sa simpleng please niya ay bumigay ako. His words can make me turn down and eat all my inhibitions.

Nakayakap siya sa akin at alam ko na sa likod ng isip ko ay gusto ko din ito. Natatakot lang ako dahil masyadong komplikado.

"The first time I saw you, I was already drawn to you" bulong niya sa akin. Napangiti ako, hindi ako tulad ng ibang babae na agad nalang bibigay kaya hindi ako sumagot.

Natapos ang music at naglayo kami. Tinignan niya ako muli sa mata at ngumiti siya. 

"I don't know what I feel towards you, maybe because kakakilala ko palang sayo but I can't remove you from my system anymore. I want to confirm something" sabi niya at kumunot ang noo ko.

Nanlaki ang mata ko nung lumapit siya sakin ulit. Napalingon ako at hinanap ang mga pinsan at kapatid ko pero hindi ko sila nakita. 

Hinawakan niya ako sa mukha at unti unting linapit ang mukha niya sakin. Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ba dapat ay pinipigilan ko siya? Bakit ayaw sumunod ng katawan ko?

My heart is beating like crazy. Napahawak ako sa braso niya dahil muntik na akong matumba.

He brushed his lips on my lips. I felt different, my heart was pounding so fast. Napapikit ako at dinama ang malambot niyang labi. Naisip ko tuloy kung anong nararamdaman niya? This is my freaking first kiss! I don't even know if marunong akong humalik! Pero kung halikan niya ako ay parang napapasunod nalang ako. 

Mapanuyo at dahan dahan ang kanyang halik. Napahawak ako sa braso niya dahil nanglalambot ako. Hinawakan niya ako sa bewang bilang suporta.

Dahan dahan siyang tumigil at lumayo sakin. Ngumisi siya at para naman akong mahihiya. Bumigay ako! Naalala ko ang babae niyang kasama sa game! May girlfriend siya.. fuck! Hindi ko siya pinigilan.. dahil alam kong ginusto ko din. I am also drawn in him.

"Confirmed.. pero sakin nalang yon tulad ng pagmamay ari ko dito" sabi niya at muling hinalikan ang labi ko. Mabilis lang ito pero alam ko kung anong sinasabi niya.

"You have a girlfriend" sabi ko at kumunot ang noo niya. Mukhang nagtataka siya sa sinabi ko at biglang umaliwalas ang mukha niya at napangiti.

"Yung sa game? Nah, she is not my girlfriend. Just some friend" umiwas nalang ako ng tingin dahil baka isipin niya pa na nag seselos ako. Heck no! I am not. 

"You can't kiss anyone except me because the moment I kissed your lips.. I already claimed it mine." bumilis pa lalo ang tibok ng puso ko kung may ibibilis pa iyon. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top