Chapter 3
Chapter 3 | Genius
How should I describe this feeling? Suddenly, everything became chaotic.
Nasa gitna na kami ng karagatan nang nalaman ko ang tunay na pakay ni Mang Nestor at ng kanyang mga kasamahan ngayong araw. Birthday pala ng isa sa mga kaibigan ni Mang Nestor kaya nangisda sila para may handa.
There were already five boats fishing when we arrived at the usual fishing site. Mas lalo silang ginanahan nang dumating kami dahil nandito na raw ang master nila—si Mang Nestor. Mukhang ako lang ang walang kaalam-alam sa nangyayari kaya minabuti kong manahimik muna sa gilid at mag-obserba.
Puno lahat ang limang bangka dahil kasama nila ang mga anak at asawa. May mga pangluto rin silang dala gaya ng rice cooker at ihawan. Mayroon pa ngang portable karaoke sa kabilang bangka na sini-set up na.
Napasapo na lang ako sa noo—ano ba 'tong pinasok ko? Nagmadali pa ako kaninang umaga kumain at maghanda, tapos ito lang pala ang kahahantungan ko.
"Ana, okay ka lang ba?" Mang Nestor asked when he saw how distressed I looked.
I hid my frustration with a smile. "O-Okay lang po. Nahihilo lang dahil ang lakas pala ng alon ngayon."
"Kailangan mo ba ng tubig? Gamot?" pag-aalala ni Mang Nestor.
"Ah, hindi na po. Magpapahinga na lang po ako rito. Mawawala rin 'to mamaya kapag nasa isla na po tayo, Mang Nestor."
"Faye! Umahon ka na! Samahan mo muna si Ana rito!" Tawag niya sa anak na kanina pa nagtampisaw sa dagat kasama sina Greg at 'yong bago.
"Ha? Bakit? Anong nangyari, Ana?"
I watched her climb back up to the boat with concerned eyes. The two boys followed along even when they weren't called. Malapit na mag-alas dose ng tanghali kaya tirik na ang araw. The sun danced off their bronzed bodies, glistening with droplets of salt water. Nauna akong umiwas ng tingin para hindi magtama ang mga mata namin ni Leo.
"Anong nangyari, Tay?" Faye asked as she neared us.
"Nahihilo lang si Ana kaya samahan mo muna rito, saka sobrang init na. Baka masunog na naman ang balat mo," Mang Nestor said. "Ana, sabihin mo lang kapag may kailangan ka, ha? Huwag kang mag-alala, patapos na tayo rito."
I smiled again. "Salamat, Mang Nestor."
As I grew up, I became a pathological liar to protect myself from my father and grandmother. Over time, I became numb to the guilt that usually accompanies lying. Yet, there are still moments, like today, when I genuinely feel sorry for deceiving kind-hearted people like Mang Nestor.
Mabuti at hinila ni Mang Nestor sina Greg at Leo paalis kasama siya dahil hindi ko alam kung paano kauusapin ang dalawa. Kumuha si Faye ng twalya at binalot iyon sa katawan dahil sobrang lakas ng hangin. Manipis na itim na t-shirt at cotton short lang kasi ang pinangligo niya. Umupo siya sa aking tabi at inaliw ako sa mga kwento.
"Saka si Leo pala, nitong nakaraang buwan pa pala sumasama sa mga mangingisda ng resort! Ngayon lang nakilala ni Tatay dahil inisa-isa niya talaga ang mga grupo," Faye shared.
"Bakit niya naman gagawin 'yon?" natatawa kong tanong.
"Ang alin?"
"Ang paglipat sa bawat grupo."
Faye's eyes lit up with excitement. "Tinanong ko nga kanina habang nags-swimming kami! Sabi niya, para daw matuto siyang mangisda saka kung kanino raw pinakamaraming nakukuha—saka sumasama siya dahil nabuburyo daw siya sa kanila."
I frowned as the boat rocked back and forth in the strong wind. "Taga-saan ba siya?"
"Tagarito lang din daw sa Pagudpud. Kanila raw ang bagong tinatayong tattoo shop sa resort. Ikaw, ha!" She giggled.
"Bakit?" I asked, clueless.
Mas lumapad ang ngiti ni Faye. "Parang ang dami mo ngayong tinatanong. Hindi ka naman madalas kuryoso sa mga kasama natin! Crush mo ba?"
My brows furrowed. "Sinong crush ko?"
Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Faye. Ako? Magkakagusto? Kanino?
"Si Leo," bulong niya sabay tabig sa braso ko.
Hindi naman talaga ako nahihilo pero parang mahihilo na ako sa sinabi ni Faye.
"Huh? Excuse me?"
"Hay naku, Ana! Babae ka pa rin talaga. Gano'n pala ang tipo mo, ah—"
I felt an overwhelming urge to cover her mouth with my hands.
"Tumigil ka nga. Nangingilabot na buong kalamnan ko."
"Sus! Huwag mo na i-deny sa 'kin, Ana. Huwag kang mag-alala, marunong naman ako magtago ng sikreto!" Halakhak ni Faye.
I rolled my eyes. "Wala akong crush, Faye. Mali ang iniisip mo. Kung mayro'n man akong nararamdaman, galit lang."
"Ay sus! Diyan din nagsimula love story ng magulang ko."
Walang buhay kong tinitigan si Faye habang kilig na kilig siya sa iniisip niya. Nakuha ni Leo ang atensyon ko dahil nagsigawan sila sa tuwa nang nakita kung gaano karami ang nahuli ni Mang Nestor.
Lahat ng kalalakihan ay wala nang suot na pang-itaas. Lahat sila ay basa dahil galing sa dagat. Leo was nothing special, honestly. He had tanned skin and toned muscles, just like everyone else. Mas matangkad lang siya sa lahat pero bukod ro'n, wala na siyang pinagkaiba sa kanila.
Ano ang nakita ni Faye sa kanya para sabihing tipo ko 'yan? Kung ganyan lang pala kadali at kababa ang tipo ko, e 'di sana nagustuhan ko na lahat ng lalaki rito. I glanced at Faye, who watched the group with a proud smile. I didn't want to voice my thoughts because she might get the wrong idea.
Isa pa, kilala nila ako bilang si Ana na taga-ibang baranggay. Sa pananaw nila, isa lang din akong ordinaryong mamamayan gaya ng lahat dito. Paniguradong kapag nalaman ni Faye na ako ang nag-iisang anak ng may-ari ng resort, hinding hindi na sasagi sa isipan niyang may pag-asa ang mga lalaking tulad ni Leo sa 'kin—kaya sige, hahayaan ko na lang siya sa gusto niyang isipin.
True to Mang Nestor's words, we set sail again after he caught a large amount of fish. The piece of land I had wanted to secure for so long was still unfamiliar to most people in the country. Sa katunayan, nadiskubre lang nila Mang Nestor ang islang ito dahil sa akin. Although some people already knew of its beautiful existence, no one had dared to build any establishments due to its isolation.
Kahit na may balak akong bilhin at angkinin ang islang ito, kailanman ay hindi ko 'to ipinagdamot sa ibang mga tao—gaya na lang ngayong dito nila plinanong mag-celebrate. Responsable naman ang mga taong dumadayo rito dahil nagkaroon sila ng paniniwalang may diwata raw sa isla. Hindi naman ako naniniwala roon. Literal na nalibot ko na ang buong isla at niisang beses, wala akong nakasalubong na kakaiba.
"Nakikita ko na ang isla! Grabe, ang ganda talaga rito," Faye said, admiring the view as we got closer.
As we stumbled upon the unknown island, I felt excitement wash over me. Surrounded by the vast ocean, the stunning white sand beaches stretch endlessly, and the crystal-clear waters gently lap at the shore.
Even without going further inland, the island was enveloped by vibrant greenery and towering trees that stood like guardians of the secluded paradise. Their leaves whispered in the gentle breeze. Overhead, birds chirped cheerfully, filling the air with a melody that added to the serene atmosphere.
"Ngayon lang ako napunta rito! Grabe, ang ganda nga talaga! Tingnan niyo 'yong buhangin, sobrang puti!" I heard more people praising the island.
The boat's engine gradually slowed down as we drifted towards the shore of the island. Some people descended when we reached the shallows, but I remained until the boat was on the dry sand.
Hangga't maaari, ayaw kong mabasa ang suot kong light blue summer dress at ang lagi kong dalang mini cross bag na ang tanging mga laman ay pencil, black notebook, compass, at relo. May pangligo naman ako sa ilalim ng bestida kung gustuhin ko mang maligo mamaya.
"Maliligo ka na ba, Ana?" Faye asked behind me.
"Magpapahangin muna ako saglit, Faye, pampawala ng hilo," I said as an excuse to roam around.
"Ay, sige! Balik ka na lang dito agad dahil magluluto na sila ng mga handa!"
I nodded before turning around and starting my walk. The last boat was full of teens around my age, with Greg, James, John, and Leo on it. Hindi ko napansin kung kailan sila lumipat dahil wala naman akong pakialam. Marami silang kasamang mga babae na excited bumaba at mag-picture sa isla.
"Hindi ako marunong bumaba, paano ba 'to?" halakhak ng isa sa mga babae. "Leo! Buhatin mo na lang ako!"
Inasar silang dalawa ng mga kaibigan. Napailing na lang ako at mas binilisan ang lakad. Hindi ko na binalak pang tingnan ang reaction ni Leo dahil paniguradong mabubwisit lang ako ulit.
Nakalagpas na ako sa grupo nila pero rinig na rinig ko pa rin ang kanilang mga hiyawan. Mukhang binuhat nga ni Leo 'yong babae. Paniguradong tuwang tuwa ang lokong 'yon dahil literal na naka-shorts at crop top lang ang tinulungan niya.
"That could never be me," I snorted because I would never wear those clothes and allow myself to be touched by a random boy.
When the noise finally declined, and fewer people were around me, I took my small black notebook and pencil out of my cross-bag to begin surveying the island for the nth time. I have created a draft map of the island on my laptop, but I still need to redo my survey to make sure everything's right. I was not an expert in geography or mapmaking, but I calculated the entire island by myself using mathematics.
It would have been easier if I had asked my father for modern equipment, but I never dreamed of doing that because he would never allow it. Also, when my mother once asked him to consult an expert about the island, he refused because he saw no potential in it. Walang pakialam si Papa sa islang ito kahit gustong gusto ni Mommy noong bilhin at tayuan ng komunidad.
Kaya anong ginagawa ko dito? "I'm here to prove to him that this island has a value," I whispered to myself.
"Sinong kausap mo?"
"Padre nuestro, que estás en el cielo! Santificado sea tu nombre!" Napadasal ako ng Our Father Spanish version sa gulat.
"A-Ano?" natatawang tanong ni Leo sa aking gilid. Nakasuot na siya ngayon ng puting t-shirt na medyo basa pa.
"Anong ginagawa mo rito? Diyos ko, nakakagulat ka!" I said, pointing my pencil at him.
Nanlaki ang kanyang mga mata at tinaas ang dalawang kamay ngunit may bahid pa rin ng mangha sa mukha, "Huy, matulis ang lapis mo. Wala naman akong gagawing masama. Sumunod lang ako dahil sabi ni Mang Nestor!"
"Sinungaling! Alam ni Mang Nestor na mas kilala ko ang isla kaysa sa inyong lahat na nandito kaya bakit niya ako papasundan sa 'yo?"
He gave up with a smile. "Oo na, hindi niya ako inutusan. Inisip ko lang na mas magandang rason 'yon—"
"At ano ba talaga ang rason mo para sumunod?" I asked as I lowered down my pencil.
Hindi naman ako pinalaking salbahe para manusok gamit ang lapis, pero sa oras na may gawing kakaiba ang lalaking 'to, hindi na ako magdadalawang isip.
Leo sighed and looked around before answering, "Tinanong ko kasi sila Greg kung saan ka papunta. Sabi nila, hayaan na lang daw kita—"
"Tama naman sila," I interjected.
"Kasi daw may ginagawa kang 'di nila maintindihan sa palibot ng isla," he continued, unbothered by my tone. "Kaya sumunod ako! Curious lang naman ako kung ano bang ginagawa mo."
My lips were left parted as I stared at this boy before me. Was he being serious? I mean, oo, nakwento nga ni Faye kanina na sumasama si Leo mangisda dahil lang nabuburyo siya, pero hindi ko inaasahang pati ang tahimik kong paglalakbay sa isla ay gagambalain niya.
"Kung anoman ang ginagawa ko, wala ka na ro'n, kaya bumalik ka na lang sa mga kaibigan mo," I said firmly to get rid of him.
Napakamot siya sa kanyang batok. "Ano ba kasi muna ang ginagawa mo?"
I rolled my eyes. "Gaya ng sabi ni Greg, hindi mo rin naman maiintindihan."
Leo met my eyes as he asked, "E ano nga? Malay mo maintindihan ko?"
Napataas ako ng kilay dahil mukhang nanghahamon ang lalaking 'to. Sige, tutal siya naman ang namilit. Lumapit ako sa kanya para sana ipakita ang laman ng aking notebook, pero patalon siyang dumistansya na para bang sasaktan ko siya.
"Hindi kita tutusukin hangga't wala kang ginagawang masama, okay? Lumapit ka rito para malaman mo kung anong ginagawa ko."
"Promise hindi mo 'ko tutusukin talaga, ha," he said as he slowly got closer.
"Sa notebook ang tingin, hindi sa 'kin," I said. "Ayan, may naiintindihan ka ba?"
Isang tingin pa lang, kumunot na ang kanyang noo at naningkit ang mga mata. "Saglit, bigla akong nahilo. Ano 'yan? Sinaunang kasulatan?"
I chuckled. "Stupid, it's mathematics."
Leo's eyes went back to me. "Kanina hampas lupa ako, ngayon stupid naman."
"Kasi paano 'to naging ancient scriptures? It's literally full of numbers and calculations. Even a five year old can tell it's math."
Napapikit si Leo at hinilamos ang mga kamay sa mukha bago ako muling kinausap. "Okay, sige, math na 'yan. Bakit mo ba 'yan ginagawa rito sa isla? Huwag mong sabihing sinusukat mo 'to?"
I shrugged.
"So sinusukat mo nga? Nang mag-isa? Gamit lang 'yang pencil at notebook mo?" he asked, becoming more amazed.
Hindi ko mapigilan ang aking ngiti. Sige, bumilib ka lang sa 'kin.
"May compass din ako, syempre."
His face lit up with amusement for me. The corners of his lips curled into a warm smile, and his eyes sparkled with mirth.
"Ang talino mo naman! Kailan mo pa 'to sinimulan?"
"Matagal-tagal na rin. Kailangan ko ulit pumunta sa timog na bahagi ng isla dahil may iche-check ako sa solution ko. You see, this island has an inconsistent shape, proven by my different calculations of every high and low tide. It took me some time to use the coordinates in trigonometry. Of course, nag-research na rin ako kung bakit gano'n."
I paused to give him time to digest dahil nakatulala na lang ang loko. "Anyway, huwag mo na lang isipin ang mga sinabi ko. Basta gano'n ang idea. Mahirap din para sa aking ipaliwanag 'to sa... hindi hilig ang math."
"Hindi ko nga hilig ang math pero... hindi ba nakakapagod sukatin ang isla kung ang basehan mo ay ang low at high tide level dahil talagang magbabago ang hugis?"
My eyes lit up with his question. "Tama ka naman, nakakapagod. Alam ko ring may standardized method para makuha ang area ng isla nang mas mabilis, at nagawa ko na iyon. I'm just considering this factor in my calculation."
Leo's smile remained as he listened attentively. This was the first time someone had actually listened to my lore. Even though it was too intimidating to understand, he stayed.
"Ang perfectionist mo naman! Ganyan ba talaga kapag genius?" He chuckled. "Pero grabe rin ang sipag mo para gawin 'to. Hilig mo na ba talaga 'to?"
Tumango ako bilang tugon.
"So gusto mo maging engineer? O architect?"
"Engineer," I answered immediately.
"Ohh... maraming magagaling na engineer galing sa rehiyon natin," Leo said. "Paniguradong susunod ka na sa kanila."
"You're praising me too much."
Leo smiled again as he said, "Totoo naman kasi! Para kang biniyayaan ng utak ni Einstein sa talino. Sa galing mong 'yan ngayon pa lang."
With a twinkle in his eye and a gentle chuckle in his voice, Leo exuded a contagious sense of calm confidence.
"Talaga? Kahit babae ako?" hamon ko sa kanya.
He slightly frowned and paused for a second to think about it. "Oo naman. Hindi naman hadlang ang kasarian sa pangarap ng isang tao. Saka marami na kayang mga babae sa engineering field ngayon!"
"Sige nga, sino-sino?"
"Eh... wala akong kilalang mga pangalan pero paniguradong marami na 'yan!" natatawa niyang sabi. "Nagmumukha na ata akong tanga talaga sa paningin mo. Iniisip mo sigurong binobola lang kita."
I rolled my eyes to stop myself from smirking. I knew this was his way of showing that I belonged to my chosen dream, but I couldn't help but taunt him with questions I knew he wouldn't be able to answer.
"Pero seryoso, Ana, para sa 'yo ang pangarap mo," Leo said amidst my thoughts.
In that unforgettable moment, everything changed. I finally allowed myself to see him as Leo.
The weight of uncertainty lifted from my shoulders, and a sense of clarity washed over me. It felt like he had revealed a hidden truth that I had been too afraid to acknowledge on my own. He wasn't just affirming my dream but igniting a fire within me that would burn even brighter.
"Tawag ko na sa 'yo ngayon ay Ana The Genius!"
Inirapan ko siya at tinalikuran. "Ang pangit! Hindi bagay sa 'kin. Diyan ka na nga!"
"Huh? E 'di Genius Ana na lang? Einstein Ana? Mamili ka!" natatawa niyang sabi habang hinahabol ako.
Pigil na pigil akong ngumiti habang mas binilisan ang paglalakad. Lord, ano bang formula mo sa lalaking 'to?
.・。.・゜✭・.・✫・゜・。.
instagram, tiktok, x: pusominion
facebook: heart zorron
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top