Chapter 2

Chapter 2 | Name

Three days after my birthday was Monday, a start of another week. Nasa bakasyon ngayon ang mga estudyante dahil sa papalapit na Bagong Taon pero may trabaho pa rin ang mga regular na tao—including my grandmother and father.

Kaninang umaga umalis si Lola para bumalik ng Maynila. Doon naman siya madalas mag-celebrate ng New Year dahil halos lahat ng kamag-anak namin ay nandoon—kami lang ni Papa ang natira dito sa Pagudpud.

My father, as usual, was in the resort's office. May opisina rin siya sa mansion pero madalang lang siyang magtrabaho rito. Based on what I've observed for the past years, my father liked being surrounded by people when working.

Mas pabor naman sa aking nasa resort siya lagi dahil nagagawa ko ang lahat ng gusto ko... kasama na rito ang aking pagtakas mula umaga hanggang hapon.

Old habits never die. Ganitong ganito rin ako noong bata pa ako—tatakas kay Lola para makipaglaro sa labas imbis na maghabi tuwing hapon. Ngayon, tumatakas ako dahil ito lang ang paraan para makita ko ang pagbabago ng mundo.

Ate Jena would always try to persuade me to just ask my father, in that way, my guards could also follow me around. Obviously, I never listened.

Para saan pa? Alam ko na agad ang sagot ni Papa dahil siya mismo ang may pakana kung bakit halos anim na taon na akong nakakulong sa mansion.

Wala na ring silbi ang pagbabantay ng mga bodyguard dahil wala namang nakakaalala sa akin. Walang nakakakilala sa akin dito. Ni hindi nga ako tinanong ng mga lokal noong una akong sumulpot dahil madali ko silang napaniwalang galing ako sa karatig bayan.

I was able to escape like this for the past six years with the help of Ate Jena. Isang tingin ko lang sa kanya'y alam na niya agad ang ibig kong sabihin—gaya ngayon.

"Alam mo ang oras ng uwi, Contessa," she reminded me.

I appreciated her simple reminder. Ito rin ang palatandaan kong huwag na huwag na muling uuwi ng gabi. What happened to my mother traumatized me to the point that I would always go home before sunset.

Alam kong hindi na siya babalik kahit anong gawin ko—that fact still saddens me sometimes. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung magbabago ba ang lahat kung umuwi ako agad. Mapipigilan ko kaya si Mommy? Hindi ko alam.

"Yes, Ate Jena. Keep them checked for me, please," bilin ko.

Mahirap na ang mabuking ngayong malapit na ako sa gusto kong mangyari.

"Oo naman, Contessa. Sige na, baka masalubong mo pa ang mga bantay ni Don Carsiño."

I subtly smiled before I left. Our mansion was just near the resort, which means there's a shortcut to get down from here. Dito rin ang daan lagi ni Papa tuwing umaalis dahil mas mabilis at walang ibang dumadaan bukod sa amin. It's still part of our property after all.

Isang itim na mountain bike lang ang lagi kong gamit tuwing umaalis. Hindi alam ng mga tao sa aming may bisikleta ako dahil sa gubat ko ito tinatago. Sa nagdaang taong lumipas, hindi 'to nawala niisang beses. Ibig sabihin lang ay wala nga talagang nagtatangkang umakyat sa ari-arian namin.

The drive down was approximately fifteen minutes. Mas mabilis pa sana ito kung hindi lubak-lubak ang daan, pero sino ba ako para magreklamo? Mabuti na 'to kaysa manatili ako sa mansion at mabaliw kaaaral ng kung ano-ano.

Don't get me wrong—academically, I love studying, but reading textbooks isn't enough to feed my curiosity. Paano ko maa-apply ang mga concept sa libro kung hindi ko mararanasan sa totoong buhay? I have many justifiable reasons for doing this, but sadly, they would never understand.

To satisfy my urge to acquire new knowledge, I pretended I came from another town a year after our resort opened to the public. Marami ng guests noong panahong iyon kaya nagbukas si Papa ng maraming oportunidad para sa mga lokal na trabahador.

He opened new food stalls, allowed fishermen to sell their catches at our resort's wet market, built groceries around, gave artists a place to showcase their talents, and allowed clubs to operate. My dad has my applause for these achievements.

The memory of my first attempt to escape still lingers vividly, wrapped in a cloak of unease and tinged with the adrenaline of defiance. Wala na akong maisip na magandang rason noon kaya hindi ko rin inakalang may maniniwala.

"Oh, sakto ang pagdating mo, Ana!" Mang Nestor said when he saw me approaching.

Bumaba ako sa bike at mabilis na pinarada iyon sa tabi ng kubo nila. Binati ko ang asawa ni Mang Nestor at ang iilang niyang kasamang mga anak. Most of their children were now teens—parang kailan lang ay maliliit pa sila.

However, they weren't my priority. Lumapit ako sa gawi ni Mang Nestor para tulungan na sila sa paghahanda.

"Nako, salamat talaga lagi sa pagtulong, Ana," halakhak ni Mang Nestor.

"Oo nga! Lagi kaming maraming nauuwing isda kapag kasama ka," natatawang sabi ni Faye, ang panganay nila.

"Ano ka ba, baka sa panahon lang din! Baka mamaya 'pag wala tayong nahuli, ako pa sisihin ninyo."

"Huy, hindi! Masaya lang din akong nandito ka, Ana!"

"Mang Nestor!"

Sabay kaming napalingon ni Faye sa grupong tumawag sa tatay niya. Kilala ko sila dahil sila-sila naman ang madalas naming kasamang mangisda. Sina Greg, John, at James ang mga laging assistant ni Mang Nestor. Kahati rin sila sa kita kapag binebenta ang mga huli. Minsan, gusto nilang iuwi na lang at ulamin sa buong linggo lalo na tuwing konti lang ang huli.

Tapos na kami ni Faye mag-akyat ng mga gamit sa bangka dahil ito na ang nakagawian namin tuwing lalayag. Ang tanging gagawin na lang nila ay dalhin ang iba pang mabibigat na kagamitan at paandarin ang bangka pero parang natatagalan ata sila ngayon. Maingay silang nag-uusap habang umaakyat ako sa bangka.

Malaki at matibay ang bangka ni Mang Nestor—proven and tested na noong isang araw biglang umulan at sobrang lakas ng hangin. That experience was wild, I almost saw the gates of heaven!

Nakakatawa lang dahil habang nag-aagaw buhay ako noon, sumagi sa isip ko kung anong sermon nina Papa at Lola kapag nalaman nilang tumakas ako at sumama pa mangisda sa hindi ko kakilala. As for someone na mamamatay na lang, iyon pa talaga ang huli kong inisip.

"Kilala mo ba 'yon?" Faye asked.

I had to turn around to check our subject. I scanned the crowd as I slowly sat down in my usual spot. Hindi ako nahirapang hanapin ang tinutukoy ni Faye dahil sobrang halata naman kung sino ang mukhang bago rito.

Sa tagal ko silang kasama, naging isa na lang ang mukha nina Greg, John, at James para sa akin. Daig pa nila ang quadruplets sa pelikula ni Vice Ganda. Hindi rin naman ako kailanman naging interesado sa kanila dahil nandito lang ako para sa gusto ko.

"Hindi ko kilala," I said nonchalantly.

Hindi naman ako interesado kung may idadagdag si Mang Nestor sa grupo niya. Hindi ito ang unang beses na may gustong sumama sa amin dahil kilala si Mang Nestor bilang isa sa mga magagaling mangisda rito.

Dumapo ang tingin ko sa nilabas ni Faye na towel. It has a very familiar weaving pattern that I couldn't just ignore. Ilang taon na akong lumalabas pero hindi ko pa rin kayang masanay makita ang mga ganito dahil naaalala ko lang lalo si Mommy.

Their family was also known as good weavers because his wife used to learn from my mother–the reason why I chose them out of all the people on the island. This connection is evident in the products she sells. Every woven item features a pattern that my mother took great pride in teaching. This pattern holds special meaning for me, reminding me of my mother's love and dedication to the craft.

Isa rin ang pamilya nila sa mga taong nirerespeto pa rin si Mama kahit wala na siya. Their family is always grateful for everything our family has offered. They are genuine, the kind I could be comfortable spending hours with at the sea.

"Faye, kompleto na ba lahat ng gamit diyan?" Mang Nestor asked.

"Oo, Tay! Ready na nga kami ni Ana umalis," natatawang sagot ni Faye.

Sa hindi malamang rason, sobrang ingay ngayon ng grupo nina Greg kaya nilingon ko ulit sila. Apat silang lalaki tapos isang parihabang cooler lang ang bitbit nilang lahat. I snorted and rolled my eyes. Boys, the epitome of pathetic.

Sinayang nila ang mga sumunod na minuto sa pagbubuhat ng wala namang lamang cooler. Literal na kakaabot lang kay Mang Nestor ng mga malalaking yelo. Hindi ko alam kung saang parte ng pag-akyat ng cooler sila nahirapan. Kung ako 'yan, tapos na 'yan at nasa gitna na kami ngayon ng karagatan.

I pursed my lips and forced myself to calm down. Typically, it takes a while before I get mad at something. The scene in front of me was not worth my attention.

I was on the verge of indulging in a leisurely conversation with Faye when the newbie caught my gaze. For reasons I couldn't fathom, the intensity of his stare managed to stir a profound irritation within me, unsettling me more than I cared to admit.

Tinaasan ko siya ng kilay para sana umiwas siya ng tingin, pero tinawanan lang ako! Ang hampas lupang 'to!

"Huy, okay ka lang? Bakit mo tinatarayan 'yong bago?" bulong sa akin ni Faye.

Nakita niya pa 'yon? Muli akong umirap bago siya nilingon. "Ewan, naiirita ako sa mukha niya. Ang pangit."

Hindi ko alam kung sinadya ba ni Faye humalakhak o ano, pero dahil sa ginawa niya, napunta sa amin ang atensyon ng lahat. I tried not to react because I felt him waiting. Mamamatay muna ako sa dagat bago ko siya pansinin.

"Ayos na! Pwede na tayong umalis," anunsyo ni Mang Nestor.

"Sa wakas," bulong ko.

"Ah, 'yon pala 'yon. Pasensiya na kung pinaghintay ka namin."

Muntik ko na siyang masampal nang narinig ko siyang malapit sa akin. Bakit 'to umupo rito sa tabi ko? I looked at Faye and saw her busy helping James with something trivial.

"Sinong nagsabing umupo ka rito?" I asked, brows furrowed.

Amusement filled his eyes. Seriously, I didn't have the energy right now for boys like him. Huwag na lang sana siyang mangialam mamaya dahil baka lumangoy na lang ako pabalik kaysa makasama siya rito sa pag-uwi.

"Hindi ko alam na bawal pala?"

"Ngayon alam mo na kaya lumayo ka sa 'kin."

He tried to suppress his emerging smirk. "Sungit naman. Kakakita lang natin. Paano tayo nito magkakasundo?"

I sighed, trying to calm myself. "Wala akong planong makipagkasundo sa 'yo."

Because honestly, what's the benefit? Kung hindi lang ako nagpapanggap na taga-ibang bayan, baka tinawagan ko na si Papa para paalisin ang hampas lupang 'to rito.

I don't casually insult people—he's actually the first. Hindi ko lang talaga masikmura ang pagmumukha at tono niya sa pakikipag-usap sa 'kin.

"Sure ka ba? Hindi ka man lang curious sa 'kin?" he teased.

I frowned until I couldn't feel my forehead anymore. Was he delusional? Why on Earth would I be interested in some boy, especially to someone like him? Hampas lupa mindset.

"Lumayo-layo ka sa 'kin," I said my first warning.

He roared a laugh and finally stood up. "Ako si Leo. Leo ang pangalan ko. Hello, my name is Leo."

Mas lalong sumama at tumagal ang titig ko sa kanya. Now that he was standing beside me, our height difference became apparent, but I wasn't struck by how tall and imposing he seemed; instead, I was annoyed by his towering presence.

As he looked down at me with a condescending smirk, I couldn't help but resent him for looking down on me figuratively and literally. The way he carried himself with an air of superiority only added to my frustration.

"Nakakaintindi ako."

He remained amused. "E 'di mabuti. Hindi na hampas lupa ang tawag mo sa 'kin."

I blinked several times before his words sank in. What? Did I just—

"Okay lang, hindi naman ako galit," he said when he probably saw me slightly panicking. "Totoo rin namang hampas lupa ako."

"Wait, I didn't—"

Mabilis siyang lumayo sa akin kaya hindi ko na natuloy ang sasabihin. What was I going to say anyway? Saka lang ako nabalik sa reyalidad at napatingin sa paligid. Abala na sila para paandarin ang bangka.

Mukhang walang nakarinig sa amin dahil kahit si Faye ay abala sa ibang bagay. Mang Nestor was already preparing the fishing materials. What the hell? What did just happen?

Sinundan ko ng tingin ang hampas lupang si Leo. Saglit akong naguluhan kung dapat ko ba siyang lapitan para mag-sorry o hayaan na lang ang huli naming usapan. Tumabi siya kay Greg at nagsimula silang magtawanan na parang walang nangyari.

He proved me wrong when I thought he might have a shred of decency and be bothered by his actions. Typical. The way he brushed off what happened if they were insignificant solidified my decision.

Clearly, an apology wasn't needed. I looked away to focus on my true objective today as the northern wind carried our boat away from the shore.





.・。.・゜✭・.・✫・゜・。.

instagram, tiktok, x: pusominion
facebook: heart zorron

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top