Chapter 27

Chapter 27

"Karma!"

Napa-tingin ako sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko si Kaleigh na kuma-kaway sa akin. Ginaya ko iyong ginagawa niya. Lumapit siya sa akin. She was holding a red covered cup with a red straw.

"I've been reading your script," sabi niya at saka binigyan ako ng thumbs up gamit iyong libreng kamay niya.

I blinked. "Talaga?"

She nodded. "Yeah... I actually really like the premise. Hindi pa ako tapos magbasa, but I have a good feeling about it."

I blinked again. "Oh... Thank you," I said.

She smiled. "Good job, really. Laki ng improvement from before," sabi niya bago nagpaalam sa akin para sabihin na doon siya sa side ng Brent mauupo kahit na tiga SCA siya. Apparently, Dominic's parents, made her promise na magccheer siya para kay Dominic. Nasa USA pala iyong parahong parents niya at hindi makaka-uwi para manood ng championship.

It took me exactly a minute bago ako naka-balik sa pwesto ko. Sobrang daming tao. Sobrang ingay. I initially thought that the initial excitement would die down, but I was wrong—maingay pa rin ang mga tao. Kasing lakas ng bawat hampas sa drums iyong kabog ng dibdib ko.

During normal games, nakaka-upo ako sa bench. Pero ngayon na championship, naka-tayo lang kaming dalawa ni Serj dahil nasa bench iyong mga politicians. Hindi ko sila kilala. Maybe I should start reading the news dahil nakaka-alarma na wala akong kilala ni isa sa kanila.

"Mas mahaba ba 'to compared sa normal game?" tanong ko kay Serj.

"Pareho lang naman, pero baka magka-extension."

I sighed. "Kapag nanalo tayo ngayon, kapag nanalo sa susunod, tapos na, 'di ba?" He nodded. Napa-tingin ako kay Dominic na nasa three-point line at nagsu-shoot ng bola. He's really good. Nakita ko rin sina Juanico at Alfuenas. Tumingin ako sa side namin at nandoon iyong tatlong magkakapatid.

Bahala na.

Isang game lang naman ang pinagka-iba.

It was already 4:30PM when the game officially started. Si Austin Archangel, as usual, iyong nasa gitna. Si Juanico naman iyong nasa kabila. I watched them closely since magka-team pala sila dati bago lumipat si Juanico. They were not talking. Bakit kaya hindi na si Dominic? Baka ayaw nila na maulit iyong nangyari dati na dumugo iyong gilid ng labi niya?

When the ball was tossed in the air, Brent iyong naka-kuha ng unang possession, pero mabilis iyong naagaw ni Saint. Hinagis niya iyong bola kay Cohen na biglang nasa dulo na ng court. I still could not understand kung paano nila nagagawang tumakbo ng ganoon kabilis.

Napa-takip ako ng tenga nang makuha ni Cohen iyong unang puntos. Napa-tingin ako kay Serj nang matawa siya sa tabi ko. Nakaka-isang season na ako, pero hindi pa rin ako nasasanay. Maybe I needed to find another scholarship.

* * *

"Is this a good thing?" I asked Serj nang matapos iyong unang quarter pero 6-10 lang ang score nila—with SCA on the lead. Kung hindi naba-block iyong shot ay naaagaw naman ng kabila. It was frustrating to watch.

"Yes," sabi niya.

"Are you enjoying this?"

"Strangely... yes," sagot niya sa akin.

Pareho kami ni Serj na nandito dahil sa scholarship. Pareho kaming hindi fan ng basketball. Mas gusto niyang magdirect ng film at mas gusto kong magsulat ng script.

"Wala ka rito last season, pero hindi ganito 'yung championship. I guess naka-tulong talaga sa Brent 'yung paglipat ni Juanico at pagdating ni Dom," he said, shrugging.

I shrugged, too, as I continued to do my work. Nag-abot lang ako ng Gatorade at towels sa mga players. Kahit iyong mga politicians ay nanghihingi sa akin ng inumin. I was in no mood to tell them na hindi naman sila kasama sa team, kaya naman binigyan ko na lang din sila. Kapag nakipagtalo ako, kailangan ko pang sumigaw dahil maingay sa arena. I just chose the easier road.

"Karaminah Viel."

Napa-tingin ako sa likod ko nang may tumawag sa akin. Nandoon si Austin Archangel. May butil ng mga pawis sa noo niya. Suot niya na naman iyong walang kwentang headband niya. Mayroong mga puting Kinesio tape sa magkabilang balikat niya.

"Can I get a good luck?" he asked.

"Good luck," I replied.

Napa-ngiti siya, pero sandali lang. "Thank you," sabi niya. "Can I sit here?" tanong niya sabay turo doon sa space sa tabi ko. Dapat ay doon siya sa bench, pero puno ng ibang tao roon. Tumango na lang ako sa kanya. Naupo siya roon tapos ay nanood na siya ng laro.

"Hey, best friend," sabi sa akin ni Dominic nang naka-tayo siya sa may malapit sa akin at kasama niya si Phil. Nandoon sa free-throw line si Juanico para sa tatlong libreng shoot niya.

"Hi," sagot ko.

Tumingin si Dominic kay Austin Archangel. "Pagod ka na?"

I looked at Austin Archangel who was still on the floor. His legs were stretched straight. Tumingin lang siya sandali kay Dominic bago ibinaling iyong tingin kay Juanico.

Pumasok iyong unang shot.

Napa-hinga na naman ako nang malalim.

Nagpatuloy iyong laro. When the first half-ended, tie iyong score. Ni hindi ako nagtangkang pumasok sa dugout dahil sa labas pa lang ay rinig ko na iyong boses ni Coach Aldrin. Naka-tayo lang ako sa labas habang hinihintay sila na matapos. Kalahati na lang iyong game. After nito makaka-uwi na rin ako.

"Karaminah!"

Napa-tingin ako sa tumawag sa akin. Nakita ko si Gisele na lumapit. She was wearinga maong cut-off shorts, white tank top, tapos ay may naka-tali na jacket sa bewang niya. She was also wearing a pair of white sneakers.

"Am I late?"

I nodded. "Tapos na iyong first half."

"Score?"

"Tie."

"Yikes," sabi niya. Sabay kaming napa-tingin sa pintuan dahil biglang lalong lumakas iyong boses ni Coach Aldrin. Tumingin sa akin si Gisele. "Hi," sabi niya sa aking muli.

"Hi," ulit na sabi ko.

"I'm Gisele," sabi niya.

"I know," I replied.

She chuckled. "Right," she said. "But I mean, I'm gonna be here in Manila for a month and it seems like Austin's always telling me that he's with you whenever I'd invite him to hang. I don't know—I guess we can be friends... if you like?"

Hindi ako naka-sagot agad.

Hindi ko kilala si Gisele... but she reminded me of the girls from my high school.

"I will think about it," I replied.

She blinked. "Oh. Okay."

"Okay," sagot ko bago ako umalis at nagsabi na pupunta muna ako sa CR. But when I arrived at the CR, hindi rin ako naka-pasok sa cubicle dahil bigla kong naalala kung paano ako kinulong doon dati. I'd be late for class and I could not tell them why because I was told na kapag nagsabi ako, ikukulong nila ako ulit. It was a vicious cycle.

It was only when Serj called my phone when I realized that I'd been in the CR for 16 minutes already.

Pagbalik ko sa court, agad na nakita ng mga mata ko na naka-tayo na si Austin Archangel at katabi niya si Gisele. I went to the opposite side para ayusin iyong mga towel at bigyan ng Gatorade iyong mga politicians. Binigyan ko rin ng Gatorade si Coach Aldrin para ma-hydrate siya.

With 8 minutes and 42 seconds remaining in the 3rd quarter, Austin Archangel was back in the court at umalis si Cohen. The play that they practiced repeatedly was used in the game kaya naman naka-puntos agad sila. Saint's been practicing shooting from different sides of the court. Halos mabingi ako sa ingay ng maka-shoot siya mula sa gitna ng court.

I clapped while the others shouted.

The game continued at nakaka-shoot din sa kabilang team sina Miller at Juanico. Sa team naman namin si Saint mostly at si Austin Archangel. I clapped kapag nakaka-shoot si Austin Archangel. Napa-tingin sa akin si Dominic and he frowned. Pumapalakpak na rin ako kapag nakaka-shoot siya. Ang sakit na ng palad ko.

I still did not know why, but this game was longer than usual. Pumunta akong muli sa CR, pero pagbalik ko, na-foul si Austin Archangel. I ignored it dahil normal naman ang ma-foul sa game, but he looked so... annoyed. Pina-labas siya ni Coach Aldrin sa game. Akala ko ay uupo siya sa sahig kagaya ng palagi niyang ginagawa, pero dumiretso siya papunta sa dugout. Napa-hinto ako sa kinatatayuan ko. Why was he upset? What happened?

I was about to follow him nang makita ko na sumunod sa kanya si Gisele.

"Cohen," I asked dahil nasa tabi ko siya at naka-tingin din sa nangyari.

"Yes?" sagot niya sa akin.

"What happened?"

He shrugged. "I don't know."

"Hindi mo ba pupuntahan iyong kapatid mo?"

"But the game..." sabi niya sa akin. "Why don't you go to him?"

"Kasama niya na si Gisele."

"Right," sabi ni Cohen. "But you should still go see him. I'll stay here and watch the game."

I blinked. "Okay," sabi ko at nagbilin kay Cohen na magbigay ng Gatorade kapag may nanghingi.

Dumiretso ako papunta sa dugout. I was about to open the door when I heard Gisele talking and telling Austin Archangel to calm down because it's the championship and it's his dream to be a captain for so long and to get the championship when he's the captain. She also reminded him about how it's his lifelong dream and some memories from high school.

I quietly shut the door.

Gisele knew what she's doing. Kung papasok ako sa loob, wala naman akong masasabi. I'd just sit there in silence with him. At least siya, she's got some encouraging words. Wala akong baon na ganoon. So, instead, I just went back to the court and watched the game.

* * *

"Coach, pwede ba na umuwi na ako? Nasa labas si Kuya Robert."

Kumunot ang noo niya. "Okay..."

"Thank you," I replied. He nodded but got back to the hoard of reporters interviewing him. Sumasakit iyong ulo ko. Iba iyong level ng excitement dahil nanalo iyong SCA kahit sobrang dikit iyong laban. It took me 10 minutes and 38 seconds bago ako tuluyang naka-labas sa arena. Nakita ko agad si Kuya Robert doon sa lugar na sinabi niya kung saan naka-park siya.

"Uwi na agad?"

I nodded. "May pagkain na ba sa bahay?"

"Nagluto ata ng sinigang si Ate mo."

I nodded. "Okay."

My head was pounding. I wanted to sleep already, but I tried not to. Ayokong natutulog hanggang kaya ko kapag may byahe. Accidents do happen. Paano kung maaksidente kami tapos tulog ako? I wouldn't even be able to hold on to things to protect myself.

Habang naka-hinto kami dahil mahaba iyong pila palabas, naka-receive ako ng text mula kay Austin Archangel.

'Coach said you went home already. Are you okay?'

'No.'

'Are you sick? Do you want me to bring you anything? Food?'

'No. May sinigang sa bahay.'

'Meds?'

'Meron.'

'Can you think of anything you need that I can bring? I want to go see you.'

'Makikita mo naman ako bukas.'

'Do you not want to see me?'

Inilagay ko iyong cellphone ko sa loob ng glove compartment. Napa-tingin sa akin si Kuya Robert.

"Ayos ka lang ba?"

"No."

"Ano'ng problema?"

"Hindi ko rin alam."

"Sino ba 'yung nagtext sa 'yo?"

"Austin Archangel."

"Sa kanya ka may problema?"

"Wala naman akong problema," sagot ko. Natawa si Kuya Robert kaya naman napa-tingin ako sa kanya. "What?"

"Wala..." sabi niya habang naiiling. "Tanda ko kasi ganyan si Ate mo dati nung nagseselos siya kay Gemma, tanda mo 'yun?"

I nodded. "Iyong kasambahay ng kapitbahay namin."

"E laging nagpapa-tulong si Gemma sa akin at ako naman na matulungin, tumu-tulong. Aba, malay ko ba na nagseselos na 'yang si Gina!" sabi niya at humalakhak. He seemed to be proud and delighted with himself.

"Nagselos si Ate Gina dahil tumutulong ka sa iba?"

"Di naman... Ayaw niya lang na may kahati sa atensyon ko," sabi ni Kuya Robert. "May kahati ka ba sa atensyon ni Austin at nagkaka-ganyan ka?"

Napa-kunot ang noo ko. "Are you implying na nagseselos ako?"

Kuya Robert shrugged. "Bakit naman hindi?"

Mas lalong kumunot ang noo ko. My phone received a text again. Kinuha ko iyon mula sa glove compartment.

'Okay. If you change your mind, just text me and I'll come running. Please recover well, Karaminah Viel.'

**

This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch). For those asking, you can use Gcash/Paypal/Paymaya/Any Virtual Card/Credit Card as a mode of payment for Patreon. For GCash, just request for your digital card via Gcash app. Best app to use is Paymaya for Patreon.

If you're having problems with gcash etc, you can email [email protected] for assistance. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top