Chapter 23

Chapter 23

The next 3 weeks, I was focused on revising my script. Pina-basa ko muna iyon kay Kaleigh at nang sabihin niya iyong sinabi rin ni Austin Archangel, nagdesisyon ako na i-revise 'to. It would take a lot of time, but that was okay. I really appreciated their honest opinion because that was the only way that I'd be better at my craft.

I would still wake up at 3AM and be at the gym before 4AM. I would do my job. And then I would head straight home para magkulong sa kwarto ko. Revising is way harder than writing. One wrong edit and the whole script would start to get confusing.

"Thank you," I said to Austin Archangel nang abutan niya ako nung coffee in can. Last Thursday, I went to the storage area to get some clean towels, pero hindi ko napansin na naka-tulog na pala ako nung mai-sandal ko iyong ulo ko sa pader. Austin Archangel caught me sleeping. After that, palagi niya na akong binibigyan ng kape bago magsimula ang practice. He gives me a different coffee per day.

"Progress?" he asked.

"95 percent," I replied. "Where did you get this?" tanong ko dahil masarap iyong kape na iniabot niya sa akin.

"Convenience store outside," he said. "I'll get you more tomorrow."

Tumango ako. Tinawag si Austin Archangel at nagka-roon sila ng meeting sa gitna. Ngayon na iyong second round ng laban nila sa Brent. Pagka-tapos nito ay simula na ng championship. Kung mananalo ang Brent, silang dalawa na sa championship. Pero kung mananalo ang SCA, kailangan pang labanan ng Brent iyong St. Bridget's at ang mananalo sa kanila iyong makaka-laban ng SCA sa championship.

Gusto ko nang matapos 'tong season na 'to. Ayoko nang gumising ng 3AM. Gusto ko na ulit gumising ng 7AM at magbreakfast ng cereals at maglakad-lakad sa garden namin sa umaga.

Tahimik akong naka-upo habang hini-hintay na matapos sila sa meeting nila. Pagkatapos nun ay pupunta na kami sa arena para sa game.

"Last 3 games," sabi ni Serj. "Or if manalo 'yung Brent sa first game, last 4."

I sighed. "I hope they lose."

Natawa si Serj. "Oo nga, e. Para makapagconcentrate na rin ako sa postprod," sabi niya. Nagkwento sa akin si Serj tungkol sa postproduction ng short film niya. Hindi natapos iyong kwento niya dahil pina-punta na kami sa shuttle. I did not even try to take a nap on the way to the arena dahil masyadong maingay iyong mga lalaki. Medyo dikit iyong laban nila the last time sa Brent kaya naman kailangan nilang mas galingan ngayon.

Pagdating namin doon ay hindi naka-lagpas sa mga mata ko iyong haba ng pila. Hanggang sa likuran kung saan kami papasok ay mayroong pila. I winced at the volume of the chants from the basketball supporters. Kung wala lang akong bitbit na gamit ay tatakpan ko iyong tenga ko sa ingay nila. I was starting to think na artista ang mga kasama ko at hindi collegiate athletes.

Pagpasok namin sa arena ay wala pang masyadong mga tao dahil nasa labas pa sila. Nagsimula ng magwarm-up exercise iyong mga lalaki. Hinubad nung ilan sa kanila iyong mga jacket nila. Naka-suot sila ng kulay puti na jersey. Nandoon na iyong Brent at naka-kulay blue sila na jersey ngayon. I saw Dominic who was stretching on the floor. Nang makita niya ako ay kumaway siya sa akin kaya naman kumaway din ako sa kanya.

"Karma," sabi ni Serj sa akin. Tumingin ako sa kanya. "Kung gusto mong wala ng fourth game, 'wag mong pansinin si Dom ngayon."

Kumunot ang noo ko. "Ano'ng kinalaman nun?"

Serj shrugged. "Wouldn't hurt to try. Saka 'di naman natin schoolmate 'yan."

I just nodded and focused on doing my job. I drew a deep breath before I began. Mas madaling gawin iyong trabaho ko kapag nasa gym lang kami, pero kapag may laro, ang daming tao na nakiki-upo sa bench. Sabi nila, mga alumni na politicians daw iyon. Wala naman akong pakialam. Sana lang ay hindi sila naka-harang kasi nadadagdagan iyong trabaho ko.

When the game started, napunta iyong unang possession ng bola sa Brent. Sobrang ingay ng buong arena. I discreetly covered my ears. By the time the season ended, siguro ay kailangan kong magpa-check-up to have my eardrums checked.

Naka-kuha agad si Dominic ng 3 points. Hindi ako maalam sa basketball, but it seemed like whatever strategy Brent was using, it was working for them. Kitang-kita ko dahil sa pagkunot ng noo ni Coach Aldrin. Napansin ko na sa mga previous games, kalahati ng first quarter pa siya tatawag ng timeout, pero sa laro ngayon ay tumawag agad siya ng timeout 5 minutes into the game dahil lamang na ng 15 points iyong Brent.

"Can't I really clap?" tanong ko kay Serj dahil sabi niya ay 'wag kong pansinin si Dominic kahit na impressed ako sa galing niya maglaro. There was one move he did—sabi ni Serj ay eurostep daw ang tawag doon. It looked cool.

"You can clap," sabi ni Serj. "Know what? You can shout, too."

"I don't want to shout."

Natawa si Serj sa akin. Ayoko naman talagang sumigaw. Masyado nang maingay sa arena. Mas lalong maingay kapag may magsu-shoot sa freethrow line at panay boo ang naririnig ko.

"Pumalakpak ka na lang," sabi niya.

Nang magsimula na ulit iyong laban, nasa possession ulit ng Brent iyong bola. Sina Miller, Alfuenas, at Juanico ang magagaling mula sa Brent. Mukhang nagpractice talaga sila para sa laro na 'to. Nasa may three point line si Juanico nang ipasa sa kanya ni Alfuenas iyong bola. He faked shooting it tapos ay ipinasa niya pabalik kay Alfuenas iyong bola na ipinasa naman kay Miller na biglang napunta sa ilalim ng ring. He dunked the ball and there was a bonus foul.

The crowd went wild kasabay ng pagpula ng mukha ni Coach Aldrin at paghampas niya ng clipboard sa palad niya.

Dominic was dribbling the ball for the free throw. Rinig na rinig ko iyong boo mula sa side ng SCA. I clapped when he got the ball inside the ring. Natawa si Serj sa tabi ko.

"What's funny?" I asked.

He shrugged. "Everything," he replied tapos ay kumuha siya ng Gatorade at uminom.

The first half ended with our team lagging by 7 points. Hindi na ako pumasok pa sa loob dahil pinapa-galitan sila ni Coach Aldrin. Pumunta na lang ako roon sa may gilid at na-nood ng half-time performance. For this afternoon, it was the street dance team. They're really good. Ni hindi ko napansin na tapos na pala sila at papa-balik na iyong team.

"Are you okay?" I asked Austin Archangel nang madaanan niya ako dahil naka-kunot iyong noo niya. May sinabi sa kanya si Saint at tumango lang siya.

"Yeah," he replied. "Karaminah Viel."

"Yes?"

"Can you cheer for me?"

"Okay," I replied. "Kailangan ko bang sumigaw?" tanong ko dahil ayoko talaga na sumigaw, but if he asks, maybe I'll consider it. Sana ay sapat na sa kanya na pumalakpak ako.

"Clapping would be nice," he said. "Although will you consider shouting if I get a 3 points shot?"

"You're good at 3 points," I said.

"Not today," he replied.

I shrugged. "Okay," I said. "Lalakasan ko iyong boses ko kung makaka-three points ka."

"Thanks," sabi niya na naka-ngiti. Mabilis na tinawag siya ni Saint pabalik sa gitna ng court. Nandoon silang tatlong magkakapatid at parang may sikretong pinag-uusapan. Naka-upo lang ako at inaabutan iyong mga players na nanghihingi ng inumin at towels.

"Isang good luck naman d'yan, Karms," sabi ni Jed.

I frowned. "Good luck," I said, labag sa loob ko.

Tumawa siya. "Thanks, Karma," sabi niya bago nagjog pabalik sa gitna ng court.

When the game resumed, there's a new play in force. Sina Phil at Jed ay nagbabantay kina Dominic at Alfuenas—I should really search for his name. I would ask Dominic kapag nagkita kami. I think that the advantage na magkakapatid iyong tatlo ay kilalang-kilala na nila ang isa't-isa. It was reall impressive when Saint could pass the ball to either Austin Archangel or Cohen without looking at them... o baka wide lang talaga ang peripheral vision niya?

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang ipasa ni Saint iyong bola kay Austin Archangel kahit na naka-tingin siya sa harapan. And when Austin Archangel got the ball, he threw it without a beat. First time kong maka-nood ng ganon sa laban nila—na walang pag-adjust sa pwesto at basta na lang niyang hinagis at pumasok naman iyon sa ring—ni hindi tumama sa gilid at na-shoot talaga.

I clapped while the arena went hysterical.

Napa-tingin sa gawi ko si Austin Archangel nang makuha ni Juanico iyong bola at nagfa-fastbreak na papunta sa side nila.

"Nice one!" I said in a much louder voice. Iyon ang sinabi ko dahil iyon ang sinasabi ng mga players na katabi ko kapag may nakaka-shoot.

Austin Archangel just smiled at me tapos ay tumakbo na siya nang mabilis pa-punta sa kabilang side.

Napa-awang iyong labi ko nang biglang mapa-higa si Dominic sa sahig at parang namimilipit sa sakit. Huminto iyong laro at naglapitan doon iyong mga ka-team niya. Iyong mga players ng SCA ay lumapit kay Saint para tanungin kung ano iyong nangyari dahil siya iyong naka-bantay kay Dominic nang mangyari iyon.

"Ano'ng mangyayari?" tanong ko kay Serj.

"Labas muna sa laro si Dom," sagot niya.

Naka-tingin kami kay Dominic na naka-higa pa rin at mapula na iyong buong mukha. Lumapit sa kanya iyong doctor at tinignan siya. Tapos ay may stretcher at sinakay siya doon.

The game was pretty much decided after that.

* * *

Our team won.

Nasa labas ako at naghi-hintay na matapos sila. I was typing on my phone, telling Dominic that I was rooting for his recovery. Malapit na iyong championship at kung seryoso iyong injury niya, hindi siya makaka-laro. Sayang naman. Siya pa naman iyong nagpapa-sakit ng ulo ng buong team.

Sabay-sabay na lumabas ng dugout iyong tatlong magkakapatid. Mukhang wala sila sa mood dahil hindi sila huminto para magpa-picture at dumiretso lang sila palabas. Hindi naman nangulit iyong mga fans.

Pagbalik namin sa school, ginawa ko lang iyong trabaho at binalik ko iyong mga gamit. Pagkatapos ko ay naabutan ko si Austin Archangel na nasa labas ng gym. Mayroong concrete bench doon sa ilalim ng puno. Doon siya naka-upo at mukhang mayroong malalim na iniisip.

domiller: thanks for the concern. Thankfully just a sprain

bluethecat: makaka-laro ka next game?

domiller: no i'll sit that one out. Hopefully will be back for the first game

bluethecat: if you need anything, tell me

Kapag may sakit ako, binibigyan ako nila Serj at Austin Archangel ng pagkain at gamot. I figured that that was the social norm, so now that Dominic's sick, dadalhan ko siya ng gamot o pagkain, kaso lang ay hindi ko alam kung ano ang gusto o kailangan niya.

Nagta-type pa si Dominic ng reply niya nang mapa-tingin ako kay Austin Archangel at nakita na naka-tingin din siya sa akin. I put my phone inside my tote bag at saka lumapit ako sa kanya. He was wearing a white Tommy Hilfiger shirt, a black board shorts, and black Nike slides. Suot niya iyong gold na cross necklace niya. Naka-tali din iyong buhok niya.

"Congrats," I said dahil nanalo sila.

"Thanks, I guess," sabi niya.

Hindi ako nagsalita dahil mukhang malungkot siya. He'd talk if he wants to talk. Ayoko rin na pinipilit ako na magkwento kapag ayaw ko. I'd tell my story if I want to.

"I'll offer to bring you to the beach, but I can't drive," sabi ko at napa-tingin siya sa akin. "You said before na pumu-punta ka sa beach kapag malungkot ka."

I wasn't the greatest when it came to deciphering emotions, but Austin Archangel's face was not that hard to read.

A smile appeared on his face. "Thanks, but I'm fine," sabi niya. "Are you hungry?"

"Yes," I replied.

"Do you want to eat?"

"Of course," sabi ko dahil gusto ko naman talaga kumain.

"I mean, with me?"

"Kasama ba 'to sa 6 dinners?" I asked. Nakaka-apat na dinner na kami. I told him to decide kung saan kami kakain dahil wala pa akong hindi nagugustuhan sa mga suggestion niya. It seemed like he knew the best places to eat in the metro.

Nang makapagdecide na kung saan kami kakain ay tumayo na kami para pumunta sa sasakyan niya. Nang tumayo siya ay nabagsak iyong bag niya. I watched as he picked up the contents of his bag—iyong susi ng sasakyan niya, iyong cellphone niya na mukhang hindi naman nabasag, iyong bote ng tubig, iyong Listerine, at iyong isang pack ng bubblegum.

"What?" he asked when he saw me watching him.

I shook my head. "Let's go."

Naglakad kami papunta sa sasakyan niya. Unlike any other day, walang nagpa-picture sa kanya. Diretso kaming naka-rating sa sasakyan niya. He let me choose the song. Naka-sampung kanta bago kami naka-rating sa restaurant.

"I should've checked," sabi niya dahil pagdating namin doon ay maraming naka-pila. It must be really good for people to waste time to fall in line.

"Let's just eat elsewhere," I said.

Nandoon kami at naka-tayo sa directory ng mall at nagdedecide kung saan kami kakain. While doing so, Austin Archangel kept on running his fingers through his hair.

"Gusto mo bang magpa-gupit?" I asked dahil may barber sa gilid niya. I pointed the barbershop. "You can go there while I try to decide where to eat," sabi ko dahil matagal ako mamili ng kakainan. I just did not want to be disappointed when it came to food.

"Really?" he asked.

I nodded. "Yes. I'll go there once I've decided," I said.

"Okay..." sabi niya tapos ay pumunta siya roon.

I stayed there and checked the review online ng mga restaurant. I checked all before I decided on the Italian one with promising reviews. I hope I would not be disappointed because I was already looking forward sa pasta selection nila.

When I was done, I went inside the barbershop. Nakita ko si Austin Archangel na naka-upo doon at ginu-gupitan. Mukha ng may gubat sa ulo niya. Mabuti na lang at nabawasan iyong bigat ng buhok niya.

Nang matapos siya ay lumapit siya sa akin. Maayos na iyong itsura niya. Maigsi iyong dalawang gilid, pero kulot pa rin iyong nasa gitna.

"You've decided where to eat?" he asked.

I nodded and told him the name of the Italian resto. Naglakad kami papunta roon. I ordered the carbonara dahil iyon ang may pinaka-maraming magandang review. Austin Archangel got the pasta pomodoro. He was looking at the menu for the dessert when my phone vibrated.

domiller: any food would be nice

bluethecat: italian food?

domiller: yes. Spaghetti

bluethecat: okay. Daan ko dyan bago ako umuwi.

When the waiter returned to get Austin Archangel's dessert order, I ordered Dominic his spaghetti. Mabuti na lang at dala ko iyong credit card ni Mama for emergency purpose. May injury naman iyong tao.

"You're really hungry," Austin Archangel said.

I shook my head. "Para kay Dominic iyon," sabi ko. "Also, pwede ba na dumaan sa kanila para ibigay ko iyong food?" I asked before I looked at my phone again and saw Dominic requesting I bring him a piece of cake, too. I should charge him for this. 

**

This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch). For those asking, you can use Gcash/Paypal/Paymaya/Any Virtual Card/Credit Card as a mode of payment for Patreon. For GCash, just request for your digital card via Gcash app. Best app to use is Paymaya for Patreon.

If you're having problems, you can email [email protected] for assistance. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top