Chapter 14
Chapter 14
Naka-kunot ang noo ni Kaleigh habang naka-tingin sa akin. I pursed my lips and forced myself to suck it up dahil ako iyong humi-hingi ng pabor. Hindi ko naman pwedeng sabihin na mabaho siya at amoy na amoy ko iyong sigarilyo sa buhok at damit niya. She's already doing me a favor by not smoking in front of me.
"Are you okay?" she asked.
"Yes," I lied. Sabi ni Ate Gina, hindi mo dapat sinasabi na mabaho ang isang tao. Granted na mabaho sila, hindi mo na dapat pang i-point out because that would be rude. And I really try hard not to be perceived as rude.
"Are you sure?" muling tanong niya. "It's because of the smoke, no?"
"I'm fine," muling sabi ko. Magkausap kasi kami ngayon tungkol sa script ko. Tapos ko na iyon at pinapa-basa ko sa kanya. Marami siyang ginagawa kaya malaking bagay na ito na binigyan niya ako ng oras para basahin iyong script ko.
"Okay," sabi niya. "But my apartment's close to here lang. Gusto mo ba punta tayo 'dun? I'll just take a quick bath and change," dugtong niya. Umiling ako dahil abala pa sa kanya iyon. Alam niya naman kasi na ayoko sa sigarilyo. Nung una kaming nagkita ay nanigarilyo pa siya sa harapan ko. Ngayon ay hindi na, pero hindi ko naman pwedeng sabihin na tigilan niya iyon.
Ongoing iyong shoot ngayon. "Are you sure? Kasi babalik na lang ako rito. May kukunin din naman ako sa apartment."
Dahil sa sinabi niya ay sumama na lang ako sa kanya. Kilala ko na rin naman siya—kung pagbabasehan iyong definition na binigay nila Ate Gina ay kaibigan ko na rin si Kaleigh. At dahil kaibigan ko siya, pwede na akong sumama sa kanya.
Pumunta kami sa apartment niya na 3 blocks away from the school. But I thought that it was not an apartment but more like a townhouse, but it wasn't my place to correct her. It was a gated place at mayroong 6 na townhouse doon.
"Feel free to watch," sabi niya. "Medyo matagal ako maligo, but bibilisan ko."
Umiling ako. "Take your time," sagot ko dahil ako naman iyong humingi ng favor. Nang maka-alis siya ay naghanap ako ng mauupuan. The place looked clean... but I couldn't be sure dahil hindi naman ako dito naka-tira. So, when Kaleigh was out of sight, inilagay ko iyong mini-lysol na nasa bag ko at inisprayan iyong couch. Nang matapos ako ay halos mapa-talon ako sa kina-tatayuan ko dahil naka-rinig ako ng pagtawa.
"I've never seen anyone quite like you," sabi ni Dominic na medyo naka-tawa iyong mukha. Naka-suot siya ng jersey shorts ng Brent at saka white t-shirt. May hawak siyang transparent mug na mayroong laman na iced americano.
"Dito ka naka-tira? O trespasser ka?" tanong ko dahil isa lang sa dalawa iyon.
Muli siyang natawa. Naka-sandal siya roon sa may poste. Naka-suot siya ng pambahay na tsinelas na fluffy. Kulay powder pink iyon.
"I live here," sabi niya. "And since I live here, I can ask you–what brings you here?"
"Kasama ko si Kaleigh," sagot ko.
"Won't you ask kung kaanu-ano ko si Kaleigh?"
Umiling ako. "Not interested," sagot ko tapos ay naupo na ako roon sa pwesto na inisprayan ko. Inilabas ko iyong laptop ko at tinignan ulit iyong script ko. Nag-edit ako based sa mga comment na binigay ni Kaleigh sa akin. After nun, ipapa-basa ko ulit sa kanya tapos ay ipapasa ko iyong script. Hindi naman ako umaasa na mapipili siya... Kahit maka-pasok lang ako sa initial round ay masaya na ako—that's an improvement kumpara sa dati na ni hindi ako naka-pasok doon at talagang rejected lang.
After 24 minutes ay bumalik na si Kaleigh. She was wearing a cut off denim shorts na may mga naka-litaw na sinulid at oversized na puting damit.
"Dom, ang creepy," sabi ni Kaleigh kay Dominic na nandoon at naka-upo sa may dining area. "Did he annoy you?" tanong ni Kaleigh. "Sorry, 'di ko alam na nandito pala si Dom."
"It's okay," sagot ko dahil hindi ko rin naman siya pinansin.
"You sure? Epal kasi 'yan."
"Hey, that's slander!" malakas na sabi niya mula sa pwesto niya.
Umirap si Kaleigh. "Go away," sabi niya tapos tumingin sa akin. "Sorry for him—he's my cousin so I couldn't just kick him out."
I just shrugged because that's none of my concern. Nag-usap na lang kami ni Kaleigh tungkol sa script ko. I quietly sat there as she continued reading tapos ay inirecord ko, with her consent, iyong critique niya para mapakinggan ko ulit kapag nag-eedit na ako.
"Paano ang gagawin ko roon?" tanong ko dahil sinabi niya na iyong highlight ng script ko, iyong sa kissing scene, ay kulang daw sa build up. I was already expecting this comment dahil pinaka-nahirapan ako rito. I tried to read scripts para maka-kuha ng inspiration, but I didn't want to copy dahil magiging plagiarism iyon. I also couldn't make it my own because... I didn't know. It's just harder to explain and to describe.
"Explain the..." sabi ni Kaleigh at saka pinagkrus iyong mga binti. "The build-up. Because this is the highlight. Ito iyong pinaka-hihintay, e. Parang ang patay kasi nung scene."
Tumango ako. I agreed. I really appreciated her pointing out what was wrong and what was lacking.
"Paano ba i-describe iyong kissing scene?" I asked her. "May nagawa ka ba na ganon sa script? Pwede bang pabasa?"
Dominic snorted. Kanina pa siya nakikinig sa amin. Sabay kaming napa-tingin ni Kaleigh sa kanya.
"Sorry," he said. "You don't know how to describe a kissing scene? What the hell is Austin doing?"
Kumunot ang noo ko.
"God, ang pakielamero talaga," sabi ni Kaleigh.
Tumayo si Dominic. Naagaw na naman ng fluffy slippers niya iyong atensyon ko. Naka-suot si Kaleigh nung kulay light blue. Nagka-palit kaya sila? Or iba lang talaga ang trip nilang dalawa? Because pink is usually associated with females... but then again, ano ba ang pakielam ko kung anuman ang gawin nila? 'Di naman ako nasasaktan sa pagsusuot niya ng kulay pink na tsinelas.
"I'm just curious. You're Austin's girlfriend, right?"
"Girl space friend," sabi ko. Kasi kahit ang awkward kung biglang magpopost si Austin Archangel na hindi niya ako girlfriend ay may moral responsibility pa rin ako na itama ang mga tao. Sa akin din naman nagsimula iyong misunderstanding na ito.
"So... you're not Austin's girlfriend?"
"I am his girl space friend," sagot ko.
Naupo siya doon sa isang bakanteng couch. "Interesting..." sabi niya. "So, do you want to know what happens when two people kiss? I can be pretty descrip—" sabi niya, pero hindi siya natapos sa sasabihin niya dahil bigla siyang hinampas ni Kaleigh ng unan at saka pinaalis sa sala kahit dito rin naman siya naka-tira.
* * *
Kahit na umalis naman na si Dominic ay umalis na rin kami ni Kaleigh sa townhouse. Naglakad kami pabalik sa school. Nagsorry siya sa pinsan niya, but I told her it's no bother. I was actually curious sa sasabihin niya. I'd seen people kiss... on TV. Hindi ko pa nakikita sa personal. Would it feel different?
Pagbalik namin sa school ay naka-salubong namin si Austin Archangel. Pina-kilala ko siya kay Kaleigh. Naghi si Kaleigh sa kanya bago nag-excuse dahil biglang mayroong tumawag sa kanya.
"So... that was the mentor?" tanong ni Austin Archangel dahil naikwento ko na sa kanya si Kaleigh noon.
Tumango ako. "She's really good."
"How is the script?"
"Almost done with some revisions."
"When can I read?"
"When I decide you can read it."
Natawa siya. "Okay," sabi niya. "What are you revising?"
"The kissing scene," sagot ko at kumunot ang noo ko dahil biglang namula iyong tenga ni Austin Archangel. Nagpalit ako ng pwesto dahil baka sa angle lang iyon, pero kahit saan ako pumwesto ay namumula iyong tenga niya. "Are you okay?"
He cleared his throat. "Uh... yes."
I nodded. I'd take his word for that. "Okay."
"So... the..." Huminto siya ng 4 na segundo. "The kissing scene."
I nodded. "Yes," I replied, sighing because this was the crux of my non-existing writing career. What more if I'd describe a sex scene? Baka masiraan ako ng ulo kaka-isip.
"You can... watch movies or read books," mahinang sabi niya.
"Already done those," I replied. "But Dominic's going to describe it to me."
Agad na kumunot ang noo niya. "Dominic?"
I nodded. "Iyong nakita natin nung nasa court tayo? He said he's from Brent and he's part of the basketball team," I said, relaying to him what I knew about Dominic so far. I wanted to add the fluffy slippers, but didn't think that was pertinent.
"I know him..." sagot niya.
"Ah."
"Why... would he describe—" he said, pausing and his brows furrowing, "...it to you?"
"It?" I asked.
He cleared his throat. "I mean... kissing."
I nodded. "Because I can't describe it properly," I replied to him and then proceeded to tell him kung ano iyong sinabi ni Kaleigh sa akin. Bago ako matapos, lumapit sa akin si Kaleigh. Tapos na siguro iyong sa tawag niya.
"Hey, Karma," sabi niya. "Sorry to bail but I have something urgent to attend to," dugtong niya. Tumango ako. Hindi niya naman responsibility ako. "Maybe," sabi niya at tumingin sa lalaking naka-tayo sa tabi ko. "Maybe Austin can help you with the kissing scene," dugtong ni Kaleigh at kumindat sa akin bago umalis.
Tumingin ako kay Austin Archangel na naka-kunot ang noo. "Kaya mo ba akong tulungan sa kissing scenes?" tanong ko sa kanya. Kumunot ang noo ko sa iba-ibang ekspresyon sa mukha niya. It went from his brows furrowing to his eyes widening to this... bewildered look on his face. The only thing consistent was the reddening of his ears.
"Ayos ka lang ba?" I asked. I already asked him before to have himself checked—I didn't want to be pushy kaya hindi ko na isa-suggest muli sa kanya iyon.
He nodded. "Yes," he said, but he still looked... different from his usual self. "Uh..." Huminga siya nang malalim. "What... can I do to help?"
I shrugged. "Dominic volunteered to describe it to me," sabi ko. "But if you're not up for the task, it's okay. I can just ask him—"
Agad siyang umiling. "No, I'll do it."
"Okay," I replied because who was I to say no to help? I needed all the help I could get. "Would I ask or would you just describe?" I asked.
We were standing in the middle of the school grounds. Napansin ko na may mga kumu-kuha ng picture namin—dahil akala nila ay girlfriend ako ni Austin Archangel. I took a step back para naman maisip nila na hindi ako girlfriend talaga.
"Just—" sabi niya tapos ay natigilan siya nang tawagin ni Saint ang pangalan niya at ang pangalan ko.
"Mom called me looking for you," sabi ni Saint. "You weren't answering your phone."
Tumingin ako kay Austin Archangel na nagpakawala ng malalim na hininga. "Oh, really? That's urgent?"
"I don't—"
"I better go home," sabi ni Austin Archangel. "I will talk to you later," sabi niya sa akin at saka mabilis na naglakad paalis.
Tumingin ako kay Saint na naka-kunot ang noo. "What's up with him?" tanong niya habang naka-tingin kay Austin Archangel na mabilis na naglalakad palayo—he was walking faster than usual.
I shrugged. "Before you called us, he was about to describe to me how kissing works."
Saint's eyes widened. And he blinked in rapid succession. Nasa genes ba ng mga Gomez de Liaño ang pagkurap nang maraming beses? If it was, I shouldn't be too worried about Austin Archangel because it's in his blood.
"He was about to describe what?"
"Kissing," I replied.
"Okay... but why?" he asked, his forehead in full crease and his brows furrowed.
"Because—" sabi ko pero bago pa man ako matapos ay bumalik si Austin Archangel at mabilis na hinatak iyong kapatid niya after niyang magsorry sa akin. Naiwan ako na naka-kunot ang noo habang pinapa-nood silang maglakad palayo.
**
This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch). For those asking, you can use Gcash/Paypal/Paymaya/Any Virtual Card/Credit Card as a mode of payment for Patreon. For GCash, just request for your digital card via Gcash app.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top