Chapter 04

Chapter 04

austingdl wants to follow you

Nasa kalagitnaan ako ng pagso-scroll sa profile ng kapatid niya na si Saint nang magnotify iyong Instagram. Agad kong pinindot ang accept. Puro picture lang ni Blue iyong profile. Hindi ako mahilig kumuha ng picture ng sarili ko, pero kumukuha ako tuwing birthday ko. Gusto ko siyang tignan kapag 50 years old na ako para makita ko iyong pagbabago ng itsura ko kada taon. 32 years pa ang kailangan kong hintayin.

austingdl: Did you talk to Coach regarding your ID?

bluethecat: Hindi pa.

austingdl: Will you talk to him?

bluethecat: Para saan?

austingdl: Para maka-pasok ka sa school?

bluethecat: I will bring my passport with me. Valid ID naman iyon.

austingdl: Okay...

Hindi na ako nagreply dahil wala namang tanong sa huli niyang sinend. Inilagay ko na iyong cellphone sa nighstand ko at saka pumunta sa study desk ko. Itinali ko iyong buhok ko at saka isinuot iyong headband ko. Inilagay ko iyong tumbler ko sa kanan ng laptop ko bago ako nagsimulang gumawa ng character profile para sa bago kong script.

Nang magising ako ay naligo ako at nagsuot ng itim na leggings at puting P.E. shirt ng school. Kinuha ko iyong tote bag na binigay sa isa sa mga workshop na sinalihan ko. Pagbaba ko ay napa-kunot ang noo ko nang makita ko si Mama na nasa dining area. Mamaya pang alas-sais ang gising niya.

"Why are you like this?" tanong niya na bahagyang naka-kunot ang noo. Magka-salop ang dalawa niyang kamay habang naka-patong sa lamesa. Mayroong kape na mukhang mainit pa base sa usok.

"Like what?" tanong ko habang ipina-patong iyong tote bag ko sa upuan sa harap niya. Nagsimula akong kumuha ng fried rice. Kailangan ko nang kumain ngayon dahil hindi ako maaaring ma-late. Napansin ko na pinapa-takbo ni Coach iyong mga late ng sampung beses sa paligid ng court. Baka himatayin ako kapag ginawa ko iyon.

Imbes na magsalita ay napa-iling siya. "I've been supportive of your hobby. I paid for the workshops and everything. All I ask ay tapusin mo iyong degree mo, Karaminah. Mahirap ba talaga iyon?"

Tumango ako. "Mahirap mag-aral kapag hindi ko gusto iyong inaaral ko."

Mabilis na napa-pikit ang mga mata niya at humugot siya ng malalim na hininga. "Okay, fine," sabi niya. "What is your plan here? Ikaw na ang nagsabi na iyong 2 script mo ay na-reject. I know you love writing, but what if this does not pan out? What is your longterm plan? Na umasa na lang sa amin ng Papa mo?"

Tumango ako. "I am your daughter—I am your responsibility. I did not choose to be born."

Napaawang ang labi niya. "Unbelievable," mahinang sabi niya, pero narinig ko naman iyon. Akala ko ay may sasabihin pa siya, pero tumayo lang siya at iniwan iyong kape niya na pahina nang pahina ang usok.

Nang matapos akong kumain ay nakita ko na naka-tingin sa akin si Ate Gina at si Kuya Robert.

"Bakit po?" tanong ko.

Napa-iling si Ate Gina habang naka-ngiti sa akin. "Naghanda ako ng meryenda mo," sabi niya sabay lapit sa akin at lapag sa lamesa ng tupperware na mayroong laman na sandwich at insulated tumbler ko. "Orange juice iyong nasa loob. Maraming yelo."

Ngumiti ako. "Salamat, Ate."

Hindi nagsalita si Kuya Robert buong byahe namin. Tinulungan niya lang ako na ibaba iyong box. Pagdating ko sa guard house, pina-pasok lang ako agad dahil nag-iwan na raw si Austin Archangel ng ID niya.

Ibinaba ko iyong box ng mga towel sa gilid ng bench. Sa Monday na raw babalik iyong magiging kasama ko. Mabuti naman. Nakaka-pagod na iuwi ito araw-araw. Tahimik akong naglalagay ng mga cone para sa exercise nila habang nagse-stretch iyong mga players.

"I think we're getting another pet," sabi ni Saint habang naka-upo sa sahig ng court at inaabot ang mga paa niya.

"Why?" tanong ni Cohen na ganoon din ang ginagawa.

"I saw him looking at a cat's instagram account. Do you think it's time we have another pet?"

Nang matapos ako ay pumunta na ako roon sa lalagyan ng tubig para i-check kung marami pa bang laman iyon. Parang isda iyong mga player kung uminom ng tubig. Nang makita ko na ¼ na lang ng lalagyan iyong laman ay pumunta ako sa stock room. Masyadong mabigat iyong tubig kaya tinulak ko na lang siya sa sahig. Natigilan lang ako nang makita ko si Austin Archangel na naka-tayo sa harapan ko.

"Do you need me to carry that?"

Umiling ako. "Kaya kong itulak."

Napa-kurap siya. "Right... but can I? Carry that instead of you pushing it?"

Tumango ako at saka tumayo. Kinuha niya iyong lalagyan at binuhat iyon ng walang kahirap-hirap. Nauna siyang maglakad sa akin. Pinanood ko kung paano siya maglakad para sa script ko.

"What?" tanong niya nang lumingon siya.

"Ano'ng sapatos 'yan?" tanong ko dahil naka-suot siya ng kulay itim na basketball shoes.

"Air Jordan 35," sagot niya. "For your research?"

Tumango ako. "Salamat," sabi ko nang ibaba niya iyong lalagyan ng tubig sa may dulo ng bench. Inayos ko iyong mga baso roon. Sabi ni Coach, share na lang daw iyong mga players sa baso, kaya lang ay unhygienic kaya nilagyan ko ng pangalan iyong bawat isa para may sari-sarili sila.

Dumating na si Coach at nagsimula na iyong drills nila. Naka-tayo lang ako roon at inaayos iyong cone kapag nagagalaw. Tapos ay nagjogging na naman sila. Napapagod ako kahit pinapanood ko lang sila.

Naka-tayo lang si Coach sa tabi ko habang nanonood ako ng laro nila at nagrerecord ng statistics. Kailangan na maayos ko ito dahil ayoko na panoorin pa iyong recorded na laro. Nakaka-tamad na panoorin sila ng dalawang beses.

"Okay ka naman?"

"Okay naman po," sagot ko kay Coach.

"Kina-kamusta ka ng Papa mo sa akin. Hindi ka ba nagsasabi sa kanila?"

"Nagsabi po," sagot ko habang naka-focus pa rin ang tingin sa kung nasaan ang bola. "Coach, nagrereklamo na si Ate Gina. Nasaan ba iyong washing machine? Tinuruan na ako kung paano gamitin."

Natawa siya sa akin. "Okay," sabi niya. "After nitong training, paalala mo sa akin pati pala iyong sa temporary ID mo."

Tumango lang ako tapos ay umalis na si Coach sa tabi ko. Pinagalitan niya si Jed na hanggang ngayon ay Karms pa rin ang tawag sa akin. Hindi ko na mapa-igsi pa ang pangalan niya. Ayoko naman na tawagin siya na J.

"No practice for 3 days, but I'll see you next week," sabi ni Coach tapos ay may binanggit na training camp na pupuntahan. Gusto ko sanang magtanong kung saan iyon dahil sinabi niya sa akin dati na kung nasaan man sila ay nandoon din ako dahil parte raw iyon ng trabaho ko.

Tumingin ako sa paligid. Nakita ko si Jed. Napa-buntung-hininga ako.

"Jed," sabi ko.

"Yes, Karms?"

Huminga ako nang malalim. "Saan iyong training camp?"

"Zambales," sagot niya. "3 days lang naman."

Tumango ako. "Salamat."

Nginitian niya ako. "No prob, Karms."

Hindi ko na siya pinansin pa at saka nagsimula na akong magpulot at magpunas ng mga bola. Ang tagal ng 3 days... Sana papayagan ba ako nila Mama? Hindi nila ako pinapayagan na umalis... pero hindi rin naman ako nakaka-alis dahil walang maghahatid sa akin kapag hindi sila pumayag. May sasakyan naman ako ngayon.

"Karaminah Viel."

Napa-tingin ako sa likod ko. "Yes, Austin Archangel?"

"Here," sabi niya sabay abot sa akin ng ID na may picture at pangalan ko. "Coach had to leave. Pinapa-abot sa akin."

Tumango ako. "Salamat."

Pumunta muna ako sa bench para ilagay iyong ID doon. Pagbalik ko ay nakita ko si Austin Archangel na nagpupulot din ng mga bola. Wala siguro siyang masyadong ginagawa sa degree niya dahil palagi siyang nakiki-pulot ng bola.

"Marunong ka bang maglaba?"

Napa-kunot ang noo niya. "What?"

"Nakita ko iyong washing machine. Hindi kagaya nung nasa bahay namin," sabi ko. "Ayoko na iuwi iyong mga tuwalya."

Naka-tingin siya sa akin at bahagyang naka-awang ang labi. Naka-tatlong segundo bago siya kumurap at saka bahagyang kumunot ang noo. "No... but I think we can Google."

Nang matapos naming pulutin iyong mga bola ay binuhat niya iyong box. Dumiretso kami sa likuran ng gym. Nandoon iyong washing machine. Naka-tayo kaming dalawa sa harap noon.

"I-google mo na," sabi ko sa kanya.

"Right," sabi niya. Inilabas niya iyong cellphone niya. Tumingin ako sa kanya. Hindi ko naman gustong basahin kung anuman ang inilalagay niya roon, pero kahit gustuhin ko man, hindi ko makikita dahil masyado siyang matangkad sa akin.

"Here," sabi niya at ipinatong iyong cellphone niya roon sa may patungan sa likod ng washing machine. Naka-tingin kami roon habang pinapanood iyong instruction mula sa Youtube. Isa-isa naming inilagay iyong mga tuwalya at saka pinindot ang mga dapat pindutin.

"Iyon na 'yun?" tanong ko nang marinig ko ang pag-ugong ng washing machine.

"I guess so," sagot niya.

"Wala ka bang klase?" tanong ko dahil ayon sa machine ay 25 minutes pa iyon sa loob. Tapos ay kailangan ko pang isampay. Na-miss ko si Ate Gina.

"Meron," he replied.

"International Studies ang degree mo, 'di ba?"

"Yes."

"Ano ang magiging trabaho mo roon?"

"Is this for research?" tanong niya at tumango ako. "Well... I can be an attaché for the embassy... or maybe continue to law school. I'm still not yet sure."

"You're interested in law?"

"Maybe. I don't know," sabi niya. "Why?"

"My parents are both lawyers."

"They're forcing you to go to law school?"

Napa-kunot ang noo ko. "Nasabi ko na ba sa 'yo dati?" tanong ko dahil alam niya ang sasabihin ko. Ilang linggo rin kaming naging magka-tabi sa general subject bago ako nagdrop.

He shrugged. "Wild guess," sabi niya. "You were taking up Legal Management and then you dropped."

Napa-awang ang labi ko. "So perceptive."

There was a lopsided grin on his face.

Naka-tayo lang kami at pinapanood na bumaba iyong numero sa machine. Mamaya pa siguro ang pasok niya dahil nandito pa rin siya.

"Austin Archangel."

"Yes, Karaminah Viel?"

"Buong araw ba may ginagawa sa training camp?" tanong ko sa kanya dahil hindi ko naitanong kay Jed kanina dahil ayoko siyang kausapin. Hindi ako galit sa kanya, pero bakit niya ba ako binibigyan ng nickname? Magulang ko lang ang pinapayagan ko na tawagin ako na Karma.

"Yes, why?"

Napa-buntung-hininga ako. "Hindi ako makakapagsulat."

Ayoko ng natitigil ako ng matagal sa pagsusulat dahil nawawalan ako ng gana at hindi ko alam kung paano babalik doon. Masyadong matagal ang 3 days.

"Sorry," sabi niya.

Napa-tingin ako sa kanya. "Bakit ka nagsosorry?"

Nagkibit-balikat siya. "Your sigh... you sound so down."

"Kapag natigil ako sa pagsusulat, nahihirapan ako na sundan," sabi ko at pinaliwanag ko sa kanya iyong writing process ko. Naka-tingin lang siya sa akin habang nagsasalita ako.

"Maybe you can't write then... but you can treat that as your research?" sabi niya. "Since I'm your—" He cleared his throat. "Inspiration. Maybe instead of thinking that you're doing nothing, you can just... observe."

Napa-kunot ang noo ko. "Papanoorin ko lahat ng gagawin mo?" tanong ko sa kanya. Nagbaling siya ng tingin sa washing machine. Namula ng bahagya iyong tenga niya—o baka hindi dahil nasinagan lang ng araw.

"Not necessarily."

"Pero kung gagawin ko, hindi ka magagalit?"

"No, why?"

"I just want your permission," sabi ko sa kanya. Dati ay may kaklase ako nung high school. I was fascinated by her and how she acted, so I stared at her a lot of times. She got mad and scratched my arms and locked me in the CR. After that, hindi na ako tumi-titig sa mga tao. Sabi ni Ate Gina ay nakaka-ilang daw kasi... pero mali daw iyong ginawa ng kaklase ko.

"Permission granted, I guess?"

"Hindi ka sigurado?"

Napa-awang ang labi niya. "No... I'm sure."

Tumango ako. Tumunog na iyong washing machine. Lumapit kami roon at tinulungan ako ni Austin Archangel na isampay ang mga tuwalya. 

**

This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch). 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top