CHAPTER 6

CHAPTER 6

Drielle's POV

"Bye mommy!" paalam ng anak ko bago pumasok sa loob ng school nila.

Balik trabaho na ulit ako. Hindi naman pwede na hindi ako pumasok ng matagal dahil mauubusan ako ng budget.

"Good Morning Drie," bati sa akin ni Sky habang nakasilip sa may bintana ng sasakyan niya. Huminto siya sa tabi ko.

"Good Morning."

"Sakay na. Hatid na kita sa papasukan mo," aniya saka ako pinabuksan ng pinto.

"Salamat," tugon ko sabay sakay sa sasakyan niya. Hinatid niya ako sa restaurant na pinapasukan ko.

"Kamusta paa mo?" tanong sa akin ng manager namin nang makita ako.

"Medyo magaling na po. Balik trabaho na po ulit ako."

"Mabuti naman. Pero wag mo pilitin kung hindi ko kaya. Mas mahihirapan ka kung lala yan."

"Yes Ma'am. Salamat po."

Naging maayos naman ang trabaho ko hanggang sa may mapansin akong nakatayo sa labas ng restaurant. Kinilabutan ako bigla nang makita ko ang mukha nito.

"Hanggang dito pa naman, sinundan niya ako. Wag sana siya pumasok," kinakabahang sabi ko sabay sign of cross. Nakita ko nanaman kasi ang multong sumusunod sa akin.

"Wag ka mag-aalala. Hindi siya makakapasok sa loob," napatingin ako sa costumer na nasa harapan ko nang magsalita ito.

"Freyja, ano ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Kumain. Kanina pa ako dito, ngayon mo lang ako napansin."

"Sorry. Bakit hindi siya makakapasok dito?"

"May nakabantay sa may pintuan. Mag-iingat ka sa pag-uwi. Wag mo kakalimutan na i-text ako kapag kailangan mo ng tulong," aniya pagkatapos kunin ang resibo niya.

Hindi ko man alam kung sino tinutukoy niya na nagbabantay sa may pinto, nakahinga ako ng maluwag. Nawala ang takot ko kahit papaano pero kinakabahan pa ako na lumabas ng restaurant. Malapit na matapos ang shift ko at kadalasan inaatake ako ng multong yun kapag nasa labas ako.

"Drie, pwede ka na umalis," sabi ng kapalit ko. Tinanguan ko siya saka nagtungo sa locker room para magbihis. Paglabas ko sinalubong ako ni Freyja.

"Hindi ka pa umaalis?" gulat na tanong ko.

"Hinihintay kita. Tara," aniya sabay hila sa akin papunta sa sakayan. Alam na niya kung saan ang sunod kong punta. Sinamahan niya ako hanggang sa company

"Bodyguard na ba kita ngayon?" biro ko sa kanya.

"Sabi ng instinct ko may masamang mangyayari kapag hindi kita simamahan dito."

"Mahigpit ang boss ko. Hindi mo ko pwede samahan sa loob."

"Drie..."

Nag-aalala niya akong tinignan. Alam ko may gusto siya sabihin sa akin pero hindi niya masabi.

"Kung may gusto ka sabihin, sabihin mo na," pangkukumbinsi ko sa kanya.

"Mag-iingat ka. Kapag may ginawang masama sayo boss mo, sapakin mo agad," aniya sabay bitaw sa akin.

"Ha?" naguguluhang tanong ko. Alam ko na may something sa boss ko pero hindi ko naman naisip na may gagawin siyang masama sa akin.

"Alis na ako. Ingat ka. Bye!"

Kinabahan ako bigla. Parang gusto ko hilain pabalik si Freyja at isama siya sa loob, subalit alam kong hindi pwede. Pinigilan ko na lang sarili ko na gawin ang bagay na yun.

"Good Afternoon Sir," bati ko sa boss.

"Drie, ayos na ba ang pakiramdam mo? Mabuti pumasok ka na. Mahirap kapag wala ka," aniya sabay ngiti.

Bakit pakiramdam ko may ibang ibig sabihin yung ngiti niya? Baka imagination ko lang yun dahil sa sinabi ni Freyja.

"Ayos na po ako, Sir. Pasensya na po kung hindi ako nakapasok noong nakaraang araw. Pwede ko na po ba makuha yung susi?" tugon ko sabay ngiti.

"Naiwan ko doon sa kwarto. Pakikuha na lang sa loob. Nasa may table doon," tinuro niya ang pintuan sa loob ng opisina niya. Kung tama ako private room niya. Doon siya nagpapahinga o kumakain kapag break time.

Naglakad ako patungo doon. Bago ko ito buksan naalala ko bigla ang sinabi sa akin ni Freyja. Ayon sa instinct niya may masamang mangyayari at tugma yun sa nararamdaman ko. Kinutuban ako bigla na may masamang mangyayari kapag pumasok ako sa loob.

"Ano pa hinihintay mo? Pumasok ka na sa loob," bumilis bigla ang tibok ng puso dahil sa kaba. Nagsitaasan bigla ang balahibo ko nang maramdaman ko ang kamay niya sa likod ko. Naramdaman kong pasimple niya hinihipo ang likod pababa sa may pang-upo ko.

"Sorry Sir!" sigaw ko sabay harap sa kanya at suntok. Wala ako ibang maisip kundi sundin ang sinabi ni Freyja na sapakin ang boss ko kapag may ginawang masama sa akin.

Pagkadilat ko bumungad sa akin ang dumudugong ilong ng boss ko. Halatang nagulat ito sa ginawa ko.

"Sorry Sir! Magreresign na po ko," mabilis na sabi ko sabay takbo palabas ng opisina niya. Akala ko ligtas ako na makakalabas na opisina niya pero bigla ako hinarang ng guard.

"Ma'am, hindi po kayo pwede lumabas," sabi ng guard sa akin habang nakaharang sa labas.

"Bakit hindi pwede? Padaanin niyo ko. Wala ako oras makipag-usap sa inyo," inis na sabi ko. Pero sa loob ko kinakabahan na ako sa kahahantungan ko.

"Utos po sa amin ng president. Wag daw po kayo palabasin ng company," paliwanag nito.

"Excuse me," sabay kami napalingon kay Kael nang magsalita ito mula sa labas ng pintuan.

"Ano kailangan niyo?" tanong ng guard.

Inangat ni Kael ang ulo niya na medyo nakayuko. Nagulat kami nang makita ang isa niyang mata. Hindi ko kasi inaasahan na wala siyang suot na eyepatch o kung ano naman pinangtatakip niya.

Namutla bigla ang guard at sabay na sumigaw. Takot silang tumakbo palayo kay Kael na ipinagtaka ko.

"Bakit sila nagsitakbuhan? Wala naman nakakatakot sayo?" tanong ko habang nakatingin ng diretso sa kanya.

"Hindi ko rin alam. Umalis na tayo dito habang walang tao," aniya sabay talikod sa akin.

Sumunod na lang ako sa kanya. Ayoko din magtagal doon.

"Ano nga pala ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Pinapunta ako dito ng kaibigan mo," inis na sabi niya. Hindi ko alam kung sa akin siya naiinis o sa kaibigan ko.

"Pwede ko ba makita ulit ang mata mo?" tanong ko.

"Bakit?"

"Ang ganda ng kulay. Gusto ko ulit makita."

"Bakit?"

"Anong bakit?"

Huminto ako sa paglalakad at napaisip kung ano ba gusto niya malaman.

"Bakit wala sayo epekto ang mata ko? Ikaw lang nag-iisang hindi apektado ng sumpa. Bakit?" tanong niya sabay harap sa akin. Ako naman napatitig lang sa mata niya habang nag-iisip ng isasagot sa tanong niya. Hindi ko alam kung ano ibig-sabihin niya sa sumpa at kung ano ba mangyayari kapag tumingin sa isa niyang mata.

"Tama na yan!" singit ni Freyja sabay takip sa mata namin at tulak palayo sa isa't - isa.

"Kanina ka pa ba nandito?" tanong ko sa kay Freyja.

"Oo. Sorry, naabala ko ang moment niyong dalawa."

"Moment?" tanong ko.

Ningitian niya lang ako sabay lakad. Sabay-sabay na kami umuwi.

"Nawalan ako ng isang trabaho. Saan nanaman kaya ako maghahanap ng part time job," sambit ko sabay buntong hininga.

"May dalawa ka pa trabaho. Isa lang ang nawala," sabi sa akin ni Freyja.

"Wala ka kasi sa sitwasyon ko. May binubuhay akong bata."

"Maghanap ka na lang ng online job. May internet sa tinitirahan mo diba?"

"Oo. Sige, susubukan ko."

Tinanguan niya ako bila tugon at hindi na muling nagsalita.

*******

Third Person's POV

"Nakita din kita... Drie," nakangiting sabi ng isang lalaki. Masaya ito dahil nakita niya na ang bahay na nilipatan ng kauna-unahang babae na nakatakas sa kanya.

Mas ginaganahan siya na patayin si Drie, pagkatapos  nito makatakas. Una pa lang wala na siya balak na pakawalan ito. Nais niya lamang ito pahirapan bago ito patayin. Gustong-gusto niyang nakikita ang takot sa mukha ng mga biktima niya.

"Maghintay ka lang. Iiyak ka sa harapan ko habang nagmamakaawa. Hindi na ako makapaghintay na dumating  araw na yun," sabi niya sa kanyang sarili bago ito umalis sa tinataguan niya.

"Akin lang siya. Ako ang papatay sa kanya," napahinto ang lalaki nang kausapin siya bigla ng isang lalaki na sunog ang mukha.

"Sino ka?" tanong ng lalaki pero biglang nawala ang kausap niya.

Hindi niya na lang ito pinansin at tinuloy ang paglalakad. Hindi ito makakapayag na may aagaw sa laruan niya. Kung sino man ang magtatangkang humadlang sa kanya ay papatayin niya.

"Sorry," sabi ng isang babae na nakabungguan ng balikat niya. Mahaba ang bangs nito na halos tumakip sa mukha niya.

Natulala na lang siya dahil  ngayon lamang siya nakakita ng ganung babae. Hindi ito nakaayos tulad sa ibang babae. Bigla siyang naging interesado na makita ang mukha nito. Una pumasok sa isip na pangit ito kaya tinatakpan ang mukha niya.

Hindi inaasahan ni Freyja na bigla siya hahawakan ng lalaking natamaan ng balikat niya. Sa sobrang gulat niya hindi na niya ito napigilan nang hawiin nito ang bangs niya.

"Freyja," natauhan siya bigla nang marinig niya ang tinig ng lalaking biglang sumulpot sa likod niya. Hindi ito nakikita o naririnig ng normal na tao kaya hindi ito napansin ng lalaking nakahawak sa bangs niya.

Inis na tinapik ni Freyja ang kamay ng lalaki.

"Mister, hindi tayo close kaya wag mo ko hawakan," sabi niya sa lalaki.

"Sorry. Hindi ko inaasahan na maganda ka. Akala ko pangit ka kaya gusto ko makita ang mukha mo," diretsong sabi nito.

"Ayan ang problema sa inyong mga lalaki. Puro itsura na lang ang tinitignan," inis na sabi ni Freyja.

"Hindi ako ganun," bulong ng lalaking na sa likod niya pero hindi ito pinansin ng dalaga. Nakatingin lamang  ito ng masama sa lalaking kaharap.

"Hmmm.. Interesting," sambit ng lalaki sabay ngiti bago umalis.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top