CHAPTER 5
Kael's POV
"Aww!" sambit ng kaibigan ni Drie. Nakahawak ito sa ulo niya habang nakaharap sa pader.
Lumingon ito sa akin. Laking gulat ko nang makita ang puti niyang mata niya na may halong dilaw.
"Grimreaper," sambit niya habang nakatingin sa akin.
"Freyja, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Drie dahilan para bumaling sa kanya ang tingin nito.
"Okay lang ako. Sanay na ako mauntog," tugon nito sabay tuloy sa paglalakad. Dahan-dahan lang ito kung maglakad.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Drie.
"Sa kwarto."
"Hindi diyan yung kwarto mo."
Bigla ito nag-iba ng direksyon. At mas maayos ito kung maglakad kumpara kanina.
"Ehem. Kailangan ko na umuwi. Salamat," paalam ko.
"Sige. Mag-iingat ka," tugon ni Drie. Sinamahan niya ako palabas ng bahay ng kaibigan niya.
Bago ako tuluyang umalis, pinagmasdan ko muna ang bahay ni Freyja. Nakita ko siyang nakatingin sa akin sa may bintana. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa akin.
Hindi ko kinaya ang titig niya kaya tumalikod na ako at tumakbo paalis.
Pagkadating ko sa tinutuluyan ko, nagkulong agad ako sa kwarto at nag-umpisang magtrabaho online. Mas gusto ko ang ganito para hindi ko kailangan pang makipag-usap ng harapan sa ibang tao.
Hindi maalis sa isipan ko yung sinabi ni Freyja kanina. Dahil doon naisipan ko i-research ang salitang grimreaper sa internet. May lumabas na mga larawan ng nakaitim na hood habang may hawak na scythe. Naalala ko bigla yung palagi kong napapanaginipan tuwing may nakakakita ng isang mata ko. Ganun na ganun kasi ang suot ko sa panaginip.
"Grimreaper... posible kaya na may alam siya tungkol sa akin?" bulong ko habang nakatingin sa larawan ng isang grimreaper.
Nakaramdam ako bigla ng gutom. Tumayo ako at kumuha ng pera upang kumain ng cup noodles sa labas. Naubusan na kasi ako ng stock. Hindi din ako masyado makalabas dahil mainit ang mata sa akin ng mga pulis.
"Freyja?" sambit ko nang makita ko ang isang babae na tumatakbo. Tumigil ito sa pagtakbo at napatingin sa akin.
"Wag ka tumingin sa mata niya," sabi ng isang nakaitim na hood sabay takip ng mata ni Freyja. Hindi ko makita ang mukha nito dahil sa hood na suot niya pero unang pumasok sa isip ko na isa itong grimreaper dahil sa suot nito.
"Sorry," tinakpan ko ang isang mata ko pero alam ko na huli na dahil nakita nagkaroon na kami ng eye contact.
Mas madali kasi sa akin maglakad kapag gamit ko ang isang mata ko kaya hindi ko ito tinakpan ngayon. Hindi ko naman inaasahan na masasalubong ko siya.
"Grimreaper," aniya sabay alis ng kamay ng lalaking tumakip sa mata niya.
"Grimreaper?" tanong ko. Akala ko nung una ako ang tinutukoy niya hanggang sa mapansin ko na hindi siya sa akin nakatingin. Sa likod ko siya nakatingin.
"Tara na. Papatayin ka niya," sabi ng lalaking nakahood sa kanya sabay hila sa kanya upang tumakbo. Isang malakas na hangin ang dumaan sa akin.
"Freyja!" sigaw ko nang gumuho at nagsilaglagan sa kanya ang mga bakal sa nadaanan niyang construction site. Mabilis siyang niyakap ng lalaking nakahood bago sila mabagsakan.
"Freyja!" tawag ko ulit sa kanya habang inaalis ang mga bakal na bumagsak sa kanila. Nakita ko siya na walang malay. Wala na ang lalaking nakahood kanina.
Nang makita kong may dugo sa noo niya agad ko siya dinala sa pinakamalapit na ospital. Mabilis naman siya inasikaso ng nurse nang makita kami.
"Kasalanan mo ang nangyari," bulong ng isang lalaki sa akin pero pagtingin ko sa likod ko wala namang tao. Sigurado ako na galing yun sa misteryosong lalaki na kasama ni Freyja kanina. Nakakapagtaka na bigla na lamang ito naglaho.
"Excuse me. Kilala niyo po ba ang pasyente?" tanong sa akin ng nurse.
"Freyja po pangalan niya. Kamusta ang lagay niya?" tugon ko habang iniiwasang tumingin sa mata niya.
"Ayos ang naman ang lagay niya. Mabuti na lang minor injury lang ang nakuha niya."
Lumabas na si Freyja sa kwartong pinagdalhan sa kanya.
"Nurse, saan magbabayad ng bill? Gusto ko na umuwi," tanong ni Freyja. Agad naman tinuro ng nurse kung saan.
"Yung nakita mo. Wag na wag mo sasabihin kahit kanino," sabi ni Freyja habang naglalakad.
"Ako ba kausap mo?" tanong ko.
"May iba pa ba akong kasama maliban sayo?" tugon niya.
"Sino yung kasama mo kanina? Bakit bigla siyang nawala?" tanong ko.
"Mind your own business. Wag na wag mo ipagsasabi kahit kanino ang tungkol sa kanya. Lalo na kayo Drie. At kung pwede sana layuan mo siya. Ayokong mapahamak siya dahil sa mata mo," aniya sabay alis pagkatapos niya makuha ang resibo ng binayaran niya.
"Sandali! May alam ka ba tungkol sa isang mata ko?" habol ko sa kanya.
"Ang alam ko lang delikadong tumingin sa mata mo. Yun lang ang alam ko. Bakit hindi mo tanungin yung grimreaper na kasama mo? Sigurado may alam siya sa mata mo."
"Ano ba sinasabi mo? Wala akong kasamang grimreaper."
Napatingin siya bigla sa akin pero natatakpan na ng bangs niya yung mata niya kaya hindi ako sigurado kung sa mata ko pa siya nakatingin o hindi.
"Hindi mo ba siya nakikita? Paano nakita yung kasama ko kanina kung hindi ka nakakita ng grimreaper?" tanong niya na ikinagulat ko.
"Grimreaper nga yung kasama mo kanina?"
Bigla niya ako tinalikuran.
"Nevermind. Kalimutan mo na yung sinabi ko," aniya sabay takbo.
Hahabulin ko na sana siya nang biglang may sumulpot na nakaitim na hood sa harapan ko.
"Wag mo lalapitan si Freyja, kung ayaw mong patayin kita," aniya bago ito sumunod kay Freyja. Kinilabutan ako bigla nang makita ko na bungo ang mukha nito. Hindi ko na tuloy nagawang sumunod dahil sa takot.
Dahil sa nangyari hindi ako nakatulog. Hindi rin ako makapagconcentrate sa trabaho ko. Naging isang palaisipan sa akin yung sinabi ni Freyja.
"Ayos ka na ba talaga dito?" rinig kong sabi ng isang lalaki sa labas ng kwarto ko. Dumating na yata yung bagong titira dito.
"Ayos na ako dito. Salamat," tugon ng isang babae. Kaboses niya si Drie pero hindi naman siguro siya yung lilipat.
"Hindi na ba talaga magbabago isip mo? Pwede ka naman sa bahay," sabi naman ng isang babae. Kaboses naman ito ni Freyja. Hindi kaya si Drie talaga yung isang babae kanina? Bubuksan ko na sana yung pinto upang sumilip nang magpaalam yung lalaking kausap nila.
"Sige, alis na ako. Tawagan mo ko kung kailangan mo ng tulong," rinig kong sabi nito.
"Hatid na kita sa labas," sambit ng kaboses ni Drie.
Pagkabukas ko ng pinto napatingin sa akin si Freyja na naiwang nakatayo sa tapat ng kwarto ko.
"Kael," gulat na sabi niya. Bigla niya ako tinulak papasok sa kwarto at sinara ang pinto. Hinila niya ang kwelyo ko.
"Sinabi ko na layuan mo si Drie. Ano ginagawa mo dito?" galit na sabi niya.
"Dito ako nakatira. Hindi ko kasalanan kung lumipat din siya dito. Kung gusto mo siya ilayo sa akin wag mo siya palipatin," inis na sabi ko sabay alis ng kamay niya.
"Basta wag ka lalapit sa kanya," aniya sabay labas ng kwarto ko.
"Weirdo," bulong ko paglabas niya. Nilock ko na lang pinto ko at nahiga para matulog.
Hapon na ako nagising dahil sa puyat. Nagtoothbrush ako saka kumain ng cup noodles. Naisipan ko na ngayon maggrocery para hindi ko na kailangan lumabas sa susunod na araw. Naligo na ako at nagbihis. Tinignan ko muna kung nasa labas ba si Drie bago lumabas. Mas magandang iwasan ko siya. Ayokong balikan ako ni Freyja kapag may masamang nangyari sa kaibigan niya. Nakakatakot pa naman siya magalit.
"Ano ginagawa mo dito?" tanong ko sa lalaking nakahood. Pagkalabas ko nakatayo ito sa tabi ng gate. Lumingon ako sa paligid upang tignan kung nandito din si Freyja.
"Wala si Freyja dito. Inutusan niya ako na bantayan si Drie," aniya nang hindi ako tinitignan.
"Bakit?" tanong ko. Tumuro siya harapan niya pero naman ako nakikitang kakaiba doon.
"Wala nama-- Nasaan na yun?"
Pagtingin ko sa tabi ko wala na yung kausap ko.
"Kael?" napatingin ako sa likod ko nang marinig ko ang tinig na yun.
"Ano ginagawa mo dito?" tanong niya.
"Dito ako nakatira," tugon ko.
"Ah! Ikaw siguro yung sinasabi nilang nagkakulong palagi sa kwarto. Mabuti naman may kakilala na ako dito," nakangiting sabi niya.
"Saan ka pupunta?" tanong ko.
"Mamimili ng pagkain. Balik trabaho na kasi ako bukas kaya habang maaga pa mamimili na ako. Sige, mauna na ako."
"Ingat."
Ningitian niya ako saka kumaway. Hindi muna ako umalis sa kinatatayuan ko. Hinintay ko muna siya malalayo bago umalis.
Pagkadating ko sa grocery store, una ko pinuntahan ang mga cup noodles. Kumuha ako ng sampung piraso at nilagay sa cart. Naghanap pa ako ng pwede ko bili.
"Ayun kape," sambit nang isang babae. Nagkataon na ayun din ang bibilhin ko kaya nang kukuha na sana ako kamay niya ang nahawakan ko.
"Sorry," sambit ko sabay bitaw sa kanya at kuha ng ibang kape.
"Nagkita nanaman tayo," natatawang sabi niya at doon ko lang napagtanto na si Drie pala yung kausap ko. Ugali ko na kasi ang hindi tumingin sa ibang costumer.
"Dito ka din pala pupunta. Dapat nagsabay na tayo kanina," nakangiting sabi niya. Napatingin ito sa cart ko.
"Eh? Wag mo sabihing puro ganyan lang kinakain mo? Para kang si Freyja," pansin niya sa pinamili ko.
"Sayang oras kung magluluto pa ako," pagdadahilan ko kahit na ang totoo tinatamad lang ako magluto. Saka mag-isa lang naman ako kumakain.
"Pero masama kung puro ganyan ang kakainin mo. Kaya pala ang payat mo. Dapat alagaan mo ang sarili mo lalo na kung mag-isa ka lang. Paano kubg magkasakit ka? Sino mag-aalaga sayo?" sermon niya sa akin. Hindi ko tuloy mapigilang matawa dahil sa sinabi niya.
"Seryoso ako. Wag mo ko tawanan," inis na sabi niya.
"Sorry. Ngayon lang may nagsabi ng ganyan sa akin. Salamat," nakangiting sabi ko. Bigla siya namula at umiwas ng tingin.
"Basta tandaan mo yung sinabi ko," aniya bago ako iwanan.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top