CHAPTER 3

CHAPTER 3

Drie's POV

Natulala na lang ako habang tinitignan yung bahay ni Freyja. Ang creepy pala tignan ng bahay niya kapag gabi. Yung pader kasi ng bahay niya may mga halaman na na gumagapang doon. Bale natatakpan na ng ivy yung buong pader ng bahay niya. Sa tabi ng bahay niya may puno ng balete.

"Pasok ka na," aniya nang mabuksan na niya ang pinto. Pagkapasok ko puro black, red and white yung nakikita kong gamit niya.

"Doon na lang kayo sa kwarto ko," nakangiting sabi niya.

"Paano ka?" tanong ko.

"Lilinisin ko yung isang kwarto."

"Tutulungan na kita."

"Hindi na. Bisita ko kayo saka kailangan mo na magpahinga. Alam kong pagod ka pagkatapos ng mga nangyari sayo."

Hinatid niya kami sa kwarto niya at doon iniwan. Nang makahiga nga ako doon ko lang naramdaman yung pagod. Niyakap ko si Delziel na agad din nakatulog.

Kinabukasan, maaga ako bumangon para maghanda ng makakakain namin. Nakakahiya naman kay Freyja kung siya pa magluluto. Pagkatingin ko sa ref niya wala ako nakitang laman maliban sa itlog at tubig. Nang buksan ko yung cabinet sa taas ng lababo niya doon bumungad sa akin ang can foods and noodles.

"Bakit puro ganito pagkain niya? Hindi ba siya nagluluto?" tanong ko. Kumuha na lang ako ng noodles at ayun ang niluto. Nilagyan ko na lang ito ng nilagang itlog pangdagdag. Buti na lang pala sabado ngayon. Walang pasok si Delziel.

"Good Morning!" bati ko kay Freyja nang makita ko siya.

"Good Morning. Nagluto ka?" tanong niya.

"Oo. Puro can foods at noodles lang ba kinakain mo?" tanong ko.

"Oo. Hindi kasi ako marunong magluto," tugon niya saka umupo.

"Dapat mag-aral ka. Hindi magandang kumakain ng ganyan palagi," sermon ko sa kanya.

"Pwede mo ba ako turuan?"

"Oo naman. Mamaya magogrocery tayo."

"Hindi ka papasok?"

"Hindi na muna. Ikaw lang ba talaga mag-isa dito?" tanong ko sa kanya. Pansin ko kasi kanina sa banyo niya na dalawa yung toothbrush.

"Oo," tugon niya nang hindi tumitingin sa akin. Yumuko kasi siya lalo nung sumagot siya. Nagsisinungaling siya.

"Good Morning Baby," bati ko sa anak ko nang mapansin ko ito. Agad ko siya nilapitan at dinala sa lamesa para paupuin sa tabi ko.

"Mama, kailan tayo uuwi?" tanong niya sa akin.

"Anak, dito na muna tayo sa tita mo habang hindi tayo nakakahanap ng lilipatan," tugon ko. Balak ko kasi lumipat ng bahay. Pakiramdam ko kasi hindi na safe sa amin dahil hindi lang pala killer yung humahabol sa akin, pati multo.

"Oo nga pala Freyja. Diba nakakakita ka ng multo?" tanong ko dahilan para masamid siya.

"Bakit mo natanong?"

"Wala. Naalala ko lang yung usap-usapan sayo noon na kaya mo daw pasunurin yung multo."

Nung highshool kasi kami laganap ang chismis tungkol sa kanya kaya ang daming takot sa kanya. Ako nga lang naglakas loob na lumapit sa kanya dahil wala naman ako nakikitang mali sa kanya.

"Ah. Pwede bang wag na lang natin pag-usapan yung tungkol doon?" tanong niya.

"Sige. Sorry kung natanong ko," sagot ko. Naiintindihan ko kung ayaw sabihin sa akin. Kahit naman ako may tinatagong sikreto sa kanya.

"Ayos lang," tugon niya sabay tayo nagsandok ulit ng noodles.

"Doon lang muna ako sa kwarto ko," paala niya bitbit ang noodles na kinuha niya. Ang weird nga eh kasi kumuha pa siya ng bagong kutsara at tinidor pero same lang ng bowl niya yung ginamit niya.

Hindi na lang ako nagtanong at kumain na lang. Hanggang maari, iniiwasan ko mangialam sa buhay ng iba.

"Pagkatapos mo diyan, maligo ka na. Aalis tayo," sabi ko kay Delziel sabay lagay ng pinagkainan ko sa lababo.

Habang hinihintay ko matapos kumain si Delziel, naglinis na muna ako para kahit papaano may maitulong ako dito.

"Bakit ka naglilinis? Ako na dapat siya. Maupo ka na lang," agaw ni Freyja sa walis na gamit ko saka pinaupo.

"Hindi ba sumasakit sugat mo sa kakagalaw mo?" tukoy niya sa sugat ko sa paa. Sa totoo lang kumikirot nga ito pero tinitiss ko lang. Kaya ko naman yung sakit.

"Ayos lang ako. Kaya ko naman," tugon ko. Nilayo niya sa akin yung walis na aagawin ko sana.

"Hindi. Magpahinga ka. Ako na dito. Minsan ka na nga lang hindi pumasok tapos maglilinis ka pa," sermon niya sa akin.

"Okay Ma'am," nakasimangot na sabi ko pero nawala din yun nung mapansin kong nakatali pala bangs niya.

"Bakit?" tanong niya sa akin dahil natulala ako bigla. Ngayon ko na lang kasi ulit nakita yung mukha niya. Lagi kasi ito natatakpan ng buhok at bangs niya.

"Wala. Napaisip lang ako kung bakit tinatakpan mo yung mukha mo, maganda ka naman ah."

Napaiwas siya bigla ng tingin sa akin sabay tanggap ng tali sa bangs niya.

"Mas maganda ka," aniya bago ako iwanan. Inasikaso ko na lang si Delziel dahil ayaw naman niya ako patulungin sa gawaing bahay. Pati nga sa paghuhugas ng plato inunahan niya ako.

"Kanina pa may tumatawag sayo," sabi sa akin ni Freyja. Nakacharge kasi cellphone ko sa kwarto niya nung pinaliguan ko si Delziel. Ayaw nga niya na magpaligo sa akin dahil big boy na daw siya pero hindi ako pumayag. Minsan lang ako magkaoras sa kanya kaya susulitin ko na.

"Hello Sky," sagot ko agad sa cellphone ko na tinanggal ko muna sa pagkakacharge.

"Drie, nasaan ka? Galing ako sa inyo, wala kayo doon. May nangyari ba? Bakit hindi nakalock itong pinto mo? Ninakawan ba kayo? Ayos lang ba kayo?" sunod-sunod na tanong niya.

"Kumalma ka nga lang muna. Ayos lang kami. Nandito kami ngayon sa bahay ni Freyja. May nangyari kasi sa bahay kagabi kaya dito na muna kami nagpalipas ng gabi," paliwanag ko.

"Mabuti naman," aniya na medyo kalmado na.

"Sky, may alam ka bang pwede naming lipatan? Yung may murang paupahan," tanong ko.

"Wala pero susubukan ko maghanap. Sabihan na lang kita kapag may nakita ako."

"Sige, salamat. Baba ko na i--"

"Sandali! Pwede ba tayo magkita mamaya? Gusto ko masigurado kung ayos talaga kayo. Saka saan ba yung bahay ni Freyja?"

"Malapit lang din sa amin. Bigay ko na lang sayo yung address pero mamaya ka na pumunta dahil aalis kami."

"Saan kayo pupunta?"

"Sa palengke."

"Ah Sige. Ingat."

"Salamat. Ingat ka din. Bye na."

Pagkababa ko napatingin ako kay Freyja. Bigla kasi siyang nauntog sa pinto.

"Aww!" aniya sabay hawak sa noo niya. Kumapa siya sa pinto gamit ang isa pa niyang kamay hanggang sa mahawakan niya yung doorknob. Para siyang bulag sa kilos niya pero hindi naman siya bulag sa pagkakaalam ko.

Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad siya. Palagi siyang nakahawak sa pader.

"Freyja!" tawag ko sa kanya na ikinatigil niya. Lumapit ako sa kanya saka tinaas ang bangs niya. Bumungad sa akin yung parang namumuti yung mata niya na may konting dilaw. Hindi naman ganun mata niya dati.

Nang magkasalubong ang mata namin biglang nanlaki mata niya saka napasigaw at napaupo. Para siyang takot na takot. Napatakip siya bigla ng mukha.

"Sorry Drie," aniya habang nakatakip pa rin yung mukha.

"Ano nangyari sa mata mo?" tanong ko saka umupo.

"Nagkakaganito talaga minsan yung mata ko. Babalik din naman ito sa normal," sagot niya.

"Ano nangyayari kapag nakakaganyan ka?" tanong ko.

"Wala ako makita maliban sa nakakatakot na bagay," sagot niya.

"Nakakatakot tulad ng?" tanong ko.

"Kung paano mamatay yung tao at kung ano itsura nila oras na mangyari yun. Makikita ko lang yung mangyayari sa kamatayan nila oras na tumingin ako sa mata nila," paliwanag niya.

"Edi. Nakita mo yung sa akin?"

Inalis niya yung kamay niya sa mukha niya saka tumingin sa akin. Black na ulit yung mata niya.

"Hindi," sagot niya.

"Bakit ka sumigaw bigla kung hindi?" tanong ko.

"May grimreaper sa likod mo. Iba siya lahat. Nakakatakot itsura niya," sagot niya habang nanginginig. Hinawakan  niya kamay ko.

"Mag-iingat ka palagi," sabi pa niya sa akin. Hindi na ako nakasagot sa kanya kasi kinabahan na din ako. Ikaw pa naman sabihan na may grimreaper sa likod. Ano yun? Malapit na oras ko? Sinusundo na ako.

"Magbihis ka na para makaalis na tayo," sabi sa akin ni Freyja saka tumayo na parang walang nangyari. Balik na din siya sa normal. Hindi na siya tulad kanina na para siyang bulag.

Tumayo na ako at nag-ayos na lang para makaalis na kami at makauwi din agad.

"Ano bibilhin natin?" tanong ni Freyja.

"Bili na tayo ng uulamin natin hanggang mamayang gabi,"  tugon ko saka nag-umpisa mamili. Nakasunod lang sa akin si Freyja habang hawak-hawak niya yung anak ko.

"Drie!" sigaw ng isang lalaki.

"Sky, ano ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Pinuntahan ka. Baka kailangan niyo ng taga bitbit. Ako na magbubuhat" tugon niya sabay kuha ng pinamili namin.

"Salamat, pero hindi ka na sana nag-abala pa. Konti lang naman pinamili namin," sabi ko.

"Ayos lang. Pupunta din naman ako sa bahay ni Freyja," aniya habang sumasabay sa paglalakad ko.

"Ano nangyari sa paa mo? Bakit ganyan ka maglakad?" pansin niya habang naglalakad kami.

"Nahulog lang ako sa hagdan. Kaya ito napilayan ako," pagsisinungaling ko. Ayaw ko sabihin sa kanya yung totoo.

"Sa susunod mag-iingat ka na. May nahanap na nga pala akong pwede mong lipatan. Natignan ko na yung lugar. Mas maliit sa apartment mo pero mura yung renta."

"Talaga? Saan?"

"Gusto mo puntahan natin mamaya para makita mo?"

"Sige," tugon ko sabay lingon kay Freyja.

"Ayos lang ba kung doon na siya sa bahay mo kumain?" tanong ko sa kanya.

"Ayos lang," tugon nito.

"Doon na kayo sa sasakyan sumakay," sabi ni Sky sa amin.

"Sige. Salamat," sagot ko.

"Walang anuman," nakangiting sabi niya. Ang bait niya talaga. Sa lahat ng lalaking nakilala ko siya na pinakamabait.

Itutuloy...



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top