CHAPTER 2
CHAPTER 2
Kael's POV
Isang katok ang bumalabog sa apartment ko. Agad ako bumangon at tinignan ang oras. Alas singko na pala ng hapon. Hindi ko alam na sobrang tagal ko na pala nagkulong sa kwarto ko. Sumilip ako sa may maliit na butas sa pinto ko at doon nakita ko ang dalawang pulis.
Sumulip ako sa may bintana at doon nakita ko na napapalibutan ako ng pulis. Isa lang tumakbo sa isip ko. Wala iba kundi isa nanaman ako sa suspect at sigurado alam na din nila ang tungkol sa nakaraan ko. Bakit naulit nananaman? Wala ako kasalanan.
"Kael Suarez, alam namin nandiyan ka. Lumabas ka na at sumuko bago pa namin sirain ang pinto," sabi ng isang pulis.
"Ano kailangan niyo?" sigaw ko.
"Isa ka suspect sa pagkamatay ni Mr. Fernandez. May mga ilang katanungan lang kami," tugon nito.
"Tanungin niyo na ang gusto niyo tanungin. Hindi ako lalabas dito."
"Napag-alaman namin na nagkaroon daw kayo ng hindi pagkakaunawaan ni Mr. Fernandez. Matapos iyon naging kakaiba na ang kilos niya bago ito tumalon sa--"
"Wala ako kinalaman sa pagkamatay niya."
"Ano ginawa mo pagkatapos niyo magtalo ni Mr. Fernandez."
"Umuwi at hindi na lumabas simula nun hanggang ngayon."
"May tao bang pwedeng magpatunay sa sinabi mo?"
"Wala."
"Inaanyayahan ka naming sumama sa amin para sa iba pang kata--"
Bago pa niya matapos ang sasabihin niya binuksan ko na ang pinto habang nakayuko. Tinaas ko ang kamay ko para magpalagay na posas senyales na suko ako. Naramdan ko ang pagkapit ng posas sa isang kamay ko pero bago pa malagay yung ka kabila muli nagsalita ang pulis.
"Sandali. Iiangat mo ang ulo mo," utos niya sa akin pero hindi ko sinunod dahil alam ko na ang sunod mangyayari.
"Gusto ko masigurado na ikaw nga ba si Kael," sambit nito saka sapilitan inangat ang ulo ko. Tumingin ako sa gilid para iwasan ang mga mata niya.
"Sige. Sakay baba niyo na yan," utos niya. Yumuko ulit ako at hinayaang alalayan ng mga pulis. Hawak naman nila ang kabilaang gilid ng braso ko.
Papunta na sana kami sa police station nang biglang magpreno yung driver dahil sa pagtawid bigla ng aso. Napatingin ako sa salamin ng sasakyan doob sa taas. Hindi ko akalain na nakatingin din doon ang driver kaya nakatinginan kami. Napalitan bigla ng takot ang mukha niya.
"Waaahhhhh!! Maawa ka sa akin. Wag mo ko patayin," aniya sabay labas ng sasakyan at takbo.
"Ano nangyari sayo?" tanong ng kasamahan nito sabay labas.
"Lumayo kayo sa kanya. Papatayin niya kayo. Demonyo siya. Demonyo," sigaw nito na parang baliw habang tumatakbo hanggang sa masagasaan ito.
"Officer Villa," sigaw ng kasamahan nito. Nagsilabasan ang dalawa pang pulis para tignan yung nangyari.
"Ikaw? Ano ginawa mo?" galit na sabi ng isa sa kanila sabay kwelyo sa akin kaya napatingin ako sa mata niya.
"Wala ako ginagawa. Sagot ko," tugon ko.
Binitawan niya ako bigla. Hindi dahil sa sinabi ko kundi dahil sa nangyari din sa kanya ang nangyari sa kasamahan niya.
"Hindi mo ko mapapatay. Bago mo ko mapatay, papatayin muna kita," sigaw niya sabay tutok ng baril sa akin. Nang paputukan na niya ako biglang naputol ang kamay niya na nakahawak ang kamay niya. Para bang hiniwa ito pero wala ako nakita kahit ano na tumama sa kamay niya. Paano naputol yun?
"Aaaahhhh!" sigaw nito habang nakatingin sa nagdudugong kamay nito. Agad siya nilapitan ng kasamahan niya at binalit nga panyo ang kamay nito.
"Tumawag kayo ng ambulansya," sigaw ng isa sa kanila sa mga nakatayo lang.
Bago pa nila ako pag-initan tumakbo na ako. Ayokong madagdagan pa yung biktima ng mata ko. Simula nung pinganak ko isang sumpa ang meron sa isang mata ko. Sumpa na kung sino man ang matignan nito sa mata, mamatay. Sa ngayon wala pa ako nakikilang nabubuhay na natignan ko sa mata. Kahit ang sarili kong magulang hindi nakaligtas.
"Habulin niyo siya!" sigaw ng isang pulis. May nakita akong isang lalaki nakamotorsiklo. Nang huminto ito agad ko ito hinila at itinulak paalis sa motor saka ako sumakay at pinaandar ito.
Nung una nakalayo ako sa mga humahabol sa akin pero may pumalit naman na mga sasakyan. Tinigil ko yung motor sa gilid at saka bumaba at tumakbo sa mapunong lugar para tumakas. May nakita akong lumang bahay. Hindi na ako nagdalawang isip na pumasok doon para magtago. Alam ko nung mga oras na nagkalat na ang pulis para hanapin ako kaya nanatili lang ako sa isang kwarto.
Naalarma ako nang marinig kong bumukas ang pinto at magsara ito.
"Aww," sambit ng pumasok kaya sumilip ako mula sa tinataguan ko at doon nakita ko ang isang babae na takot na takot.
Biglang may kumatok sa pinto na ikinagulat niya kaya napatayo siya bigla at napaatras habang nakatingin sa may pinto. Sakto patungo siya tinataguan ko kaya lumabas ako at hinatak ko siya.
"Ah--hmmpp," tinakpan ko ang ang bibig niya bago pa siya makasigaw.
"Wag ka maingay," bulong ko saka siya pinasok sa kwartong tinataguan ko. Nang bitawan ko siya napansin ko na haharap siya kaya agad ko siya pinigilan.
"Wag kang titingin," sabi ko sa kanya dahil pinasok ko siya dito para tulungan hindi para ipahamak lalo.
Nakarinig ako ng tunog ng sasakyan ng pulis. Hindi pa pala sila tumitigil sa kakahanap sa akin. Nagpadala pa siguro sila ng panibago.
"Pulis," masayang sabi ng babaeng kasam ako. Agad ko siya hinila nang mapansin kong palabas siya. Pero nasobrahan yata ako dahil nawalan siya ng balanse. Mabuti na lang nasalo agad ng braso ko yung likod niya.
"Ang ganda," aniya habang nakatingin sa mga mata ko. Doon ko lang napagtanto na nakipag-eye contact nanaman ako.
"Wag mo tignan," sigaw ko sa sobrang kaba at takot ko na mamatay siya natulak ko siya.
"Aray!"
Napansin kong dumudugo yung binti niya. Isa yata sa talent ng mata ko ang makakita sa dilim.
"Sorry. May sugat ka," inalis ko yung nakatili doon na puno na ng dugo at pinalitan ng bandaid na dala ko. At nang matapos ko doon sunod kong tinakpan ang isang mata ko gamit yun para maiwasan ko ang makipag-eye contact gamit yun. Yun nga lang kumikirot ito kapag tinatakpan ko kaya bihira ko lang din magamit yung dala kong bandaid.
"Ano ginagawa mo dito? Saka bakit pinigilan mo kong lumabas kanina?" tanong niya.
"Nagtatago sa mga pulis. Kung hindi kita pinigilan baka nakita ka na ng tintakbuhan mo," tugo ko. Wala naman siguro masama kung sabihin ko sa kanya dahil malaki ang chance na hindi na magtagal.
Pero ang nakakapagtaka na hindi siya tulad sa iba na natakot pagkatapos makita ung mata ko. Siya lang nagsabi na maganda ang mata ko.
Nag-usap pa kami at nalaman ko na hinahabol pala siya ng killer. Halatang takot na takot siya habang kinikwento niya ang tungkol dito. Sinabi niya din na may anak siya. Nung nalaman ko yun naawa ako sa kanya at sa bata. Paano kung mamatay siya? Paano na yung bata? Mahirap mamuhay ng mag-isa dahil alam ko pakiramdam nun.
"Kael ang pangalan ko. Tara na. Baka hinihintay ka na ng anak mo," sabi ko sa kanya sabay tayo. Nilahad ko ang kamay niya para tulungan siya makatayo.
"Salamat."
Inalalayan ko siya palabas. At nang makalabas kami ng kwarto, biglang sumara mag-isa yung pinto. Pareho kami nagulat dahil pabagsak itong sumara.
"Aaaahhhhh!" sigaw niya nang biglang nagsibagsakan ang mga gamit at gumalaw yung mga upuan. Napayakap siya sa akin dahil sa takot.
"Mama!" sigaw niya sabay pikit at lalong yakap sa akin. Takot na takot siya dahil pato bintana at ibang pinto pabagsak na nagsara bukas.
Binuhat ko na lang siya dahil hindi kami makakaalis kung walang gagalaw. Saka lalo lang siya matatakot kung matatagal pa kami.
"Wala na. Nakalabas na tayo," sabi ko sa kanya at doon lang siya dumilat. Nasa gitna na kami ng kalsada.
"S-salamat. Ibaba mo na ako," utal na sabi niya.
"Kaya mo bang maglakad?" tanong ko sa kanya dahil nanginginig siya. Tumango siya pero nung binaba ko siya napaupo lang siya sa daan.
"Ayos lang ako," aniya nang tutulungan ko sana siya. Nag-inhale exhale siya ng paulit-ulit hanggang sa kumalma siya.
Nag-umpisa na siya tumayo at agad ko naman siya tinulangan. Nung makatayo na siya doon ko lang siya binitawan.
"Sorry. Hindi na kita masasamahan," sabi ko sa kanya dahil kailangan ko magtago sa pulis.
"Naiintihan ko. Salamat sa tulong mo," nakangiting sabi niya.
"May parating na sasakyan. Makisakay ka na lang," sabi ko nang makitang may sasakyan na parating. Tinanguan niya ako at nang palapit na yung sasakyan nagtago na ako. Bago ako tuluyang umalis, sinigurado ko munang nakasakay siya.
"Sana makauwi siya ng ligtas," bulong ko. Nag-aalala pa rin ako na baka mapaano siya dahil tumingin siya sa mga mata ko. Wala sana masamang mangyari sa kanya tulad sa iba.
*******
Drielle's POV
"Drie, ano nangyari sayo? Hinintay kita sa trabaho kanina hindi ka dumating. Bakit ngayon ka lang?" tanong agad sa akin ni Freyja na naghihintay sa tapat ng apartment ko. Agad niya ako nilapitan.
"Freyja, natatakot ako. Tulungan mo ko," sambit ko sabay iyak. Agad niya ako niyakap.
"Nandito lang ako. Tutulungan kita. Tahan na. Baka makita ka pa ng anak mo," aniya habang yakap-yakap ko.
"Nasaan nga pala si Delziel?" tanong ko sabay punas ng luha. Kailangan ko maging malakas para sa anak ko.
"Ayun nakatulog habang hinihintay ka," tugon niya saka ako inalalayan papasok.
"Lock mo yung pinto saka gate. Dito ka na din matulog," sabi ko sa kanya. Tinanguan niya at saka lumabas para ilock yung gate. Pagkapasok niya agad niya nilock yung pinto.
"Maghilamos ka na. Ipag-iinit kita pagkain," aniya kaya nagtunggo na ako sa kwarto para kumuha ng damit.
Nakita ko pa si Delziel na tulog na tulog. Gusto ko sana siya lapitan kaso baka magising ko. Ayoko pa naman na makita niya ako ng ganitong ayos ko.
Dumiretso na ako sa banyo at naghilamos. Paglabas ko nakahanda na yung makakain ko at mga panggamot sa sugat ko.
"Patingin muna ako ng sugat mo," sabi ni Freyja. Umupo ako sa tabi niya. Tinaas ko yung isang paa ko para matignan niya.
"Saksak ba ito ng kutsilyo?" tanong niya agad nung makita niya ito. Tinanguan ko siya.
"Kanina habang papunta ako sa convenient store may dumukot sa akin. Pinagtangkaan niya ako patayin. Sabi niya..." nag-umpisa nanaman ako manginig at hindi ko mapigilam maiyak sa takot.
"Wag mo pilitin kung hindi mo kaya ikwento."
Inumpisahan na niya gamutin yung sugat ko.
"Ayos lang. Kailangan ko din ng masasabihan. Sabi niya kapag daw naabutan niya ako kukunin niya ulo."
"Nasumbong mo na ba sa pulis yan?"
"Hindi. Babalikan niya daw ako kapag nagsumbong ako."
Napatingin kami bigla sa flower vase ko nang mahulog ito. Hindi ko na sana ito papansinin pero sunod naman nahulog yung mga pagkain sa mesa. Para bang tinulak ito para mahulog.
"Drie, may pinasukan ka bang bahay na walang paalam?" tanong ni Freyja.
"Yung lumang bahay na tinaguan ko," sagot ko. Biglang nagpatay-sindi yung ilaw.
Napakapit kami sa isa't-isa ni Freyja nang tuluyang mamatay ang ilaw.
"Drie!" sigaw ni Freyja nang may humila sa malamig na kamay ang humila sa akin at tinulak.
Napasinghap ako nang tumama ako sa may pader. Tatayo na sana ako pero may sumakal sa akin. Pagkatingin ko dito bumungad sa akin ang isang lalaki na lapnos ang katawan para itong nasunog. May dugo ang punit-punit nitong damit.
"Bitawan mo siya!" sigaw ni Freyja sabay hampas dito ng kawali. Nabitawan ako nito at natumba.
"Umalis na tayo dito. Sa bahay na lang tayo. Mauna ka na sa labas, kukunin ko yung bata," aniya habang tinutulungan ako makatayo.
"Bilisan mo," inuubong sabi ko. Tinanguan niya ako sabay bukas ng pinto para palabasin ako bago niya pinuntahan Delziel. Kahit hirap ako maglakad pinilit kong makalabas.
"Aaahhhhh! Aaahhh! Aaaah! Bitawan mo ko!" sigaw ko nang may sumabunot sa akin at pilit ako hinihila pabalik sa loob. Kumapit ako sa may gate para hindi niya ako mahila.
"Wag mo siya hawakan!" sigaw ni Freyja. Napasigaw yung may hawak sa akin nang tignan ko ito, nakita ko si Freyja na may hawak na nagspray sa mukha nung lalaki. Umusok ito katulad sa likod niya na tingin ko ginamit din doon ni Freyja kanina. Sigaw ito ng sigaw.
"Tara na," sabi sa akin ni Freyja habang buhat-buhat niya yung anak ko. Binuksan ko yung gate at dali-dali kaming nagtunggo sa bahay niya na isang kanto ang pagitan bago makarating doon.
Itutuloy....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top