CHAPTER 1
CHAPTER 1
Third Person's POV
"Isang lalaki ang natagpuang patay pagkatapos nito mahulog sa rooftop ng kanilang tinitirahan. Ayon sa mga nakausap namin, huli nilang nakita ang lalaki na parang may tinatakbuhan. Humihingi pa ito ng tulong at sinabing may gustong pumatay sa kanya."
"Hay naku! Delikado na talaga ngayon kahit saan magpunta. Kaya kayong dalawang mag-iingat kayo palagi sa pag-uwi," sabi ng manager ng convenient store sa dalawang dalaga na tumutulong sa kanya tuwing gabi.
"Sir, baka po mas matakot sila kay Freyja kapag nakita nila. Akala nila multo," biro ng isang staff ng store sa isang dalaga.
Si Freyja ay isa sa matalik na kaibigan ni Drielle na nagtatrabaho sa nasabing store. Kadalasan itong napapakamalang multo dahil sa itsura nito. May mahaba itong buhok, natatakpan ng bangs ang kanyang mata at may kaputian.
"Grabe ka! Kahit ganyan yan, babae pa rin yan," pagtatanggol ni Drielle sa kaibigan niya na tahimik lang na nagmamap.
"Ito naman. Nagbibiro lang naman ako," tugon ng binata.
"Some joke are half meant," sambit ni Freyja sabay tingin sa binata.
"Bilisan niyo na diyan para makauwi na kayo," sabi ng manager sa dalawang nang makitang mag-aalas dose na.
"Yes Sir," sagot ni Drielle at binilisan na ang pagbibilang ng pera habang tuloy lang sa paglilinis si Freyja. Nang matapos sila, sabay umuwi ang dalawa.
"Dito na ako. Ingat ka Freyja," paalam ng dalaga sa kaibigan bago pumasok sa bahay na inuupahan niya.
"Sige," sagot ni Freyja saka tinuloy ang paglalakad.
"Mama!" salubong ng anak ni Drielle sa kanya nang makapasok ito. Agad niya ito niyakap.
"Bakit gising ka pa? Diba sabi ko sayo wag mo na ako hintayin. Kumain ka na ba?"
"Opo. Pinakain po ako ni Tito Sky."
"Very good.Halika na sa kwarto. Maaga ka pa bukas. Ikaw talaga."
Hinawakan niya sa kamay ang kanyang anak at dinala sa kwarto para patulugin.
"Humiga ka na diyan. Magbibihis lang si Mama," utos niya sa bata bago iwanan para maghilamos.
Pagbalik niya sa kwarto naabutan niya itong tulog. Napangiti na lamang siya saka kinumutan at tumabi. Hinalikan niya ito sa noo saka yumakap bago matulog.
******
Drielle's POV
"Good Morning baby," bati ko sa aking gwapong anak habang nagluluto ng hotdog. Paborito niya kasi yan kainin.
Pinatay ko na ang kalan at saka inahon yung hotdog. Nilapag ko ito sa mesa kung saan naghihintay si Delziel. Nilagyan ko na siya sa plato niya ng hotdog at kanin bago ko siya pinagtimpla ng milo. Hindi ako makakapayag na pumasok siya ng walang laman ang tiyan kaya kanin talaga ang pinapakain ko sa kanya.
Oo nga pala hindi pa ako nagpapakilala. Ako nga pala si Drielle Ortega, 21 years old. Isa akong single mom. 14 years old ako nang mabuntis ako ng walanghiyang lalaking gumahasa sa akin. Pero kahit na hindi ko ginustong magkaanak, minahal ko pa rin si Delziel. Inalagaan ko siya mabuti kahit mahirap lalo na nung pumanaw na ang aking magulang noong 17 years old ako. Mula noon nagtrabaho na ako para sa anak ko at sa akin na sin. Sa una mahirap pero nandyan naman yung mga kaibigan ko para tulungan ko.
"Drie!" sigaw ng isang lalaki sa may pintuan sabay katok. Dali-dali akong tumayo para pagbuksan siya.
"Magandang umaga Drielle pero mas maganda ka," bati ni Sky pagkabukas ko ng pinto. Siya nga pala si Skyler Gueverra, 25 years old. Isa siya sa mga tumutulong sa akin. Siya na yata ang pinakamabait na pulis na nakilala ko.
Naging magkaibigan kami noong naligaw si Delziel. Halos mabaliw ako sa kakahanap sa anak ko pero buti na lang nakita siya ni Sky at hinatid sa bahay. Nakita niya kasi yung address sa ID ng anak ko kaya nalaman niya yung bahay namin. Kinder pa lang noon si Sky at dahil sa kalikutan kung saan-saan na napadpad. Pagdating ko sa school niya wala na siya.
"Wala akong pera kaya wag mo ko bolahin," biro ko. Ningitian niya naman ako kaya ayun kita yung dimples niya na ang sarap tusukin.
"Hindi kita binobola. Totoong maganda ka. Diba El?" tugon niya.
"Opo," tugon ni Delziel. El kasi ang tawag niya dito.
"Naghanap ka pa ng kakampi."
Ningitian niya lang ako sabay abot ng isang paper bag.
"Ano ito?" tanong ko sabay silip sa paper bag.
"Vitamins yan para kay El. Binigay ng katrabaho ko," paliwanag niya.
"Pakisabi sa kanya salamat. Kumain ka na ba? Sumabay ka na sa amin mag-almusal."
"Ay salamat! Hindi ko tatanggihan yan."
"Pasok ka na."
Pinaghanda ko siya ng makakain. Malapit ang loob namin sa kanya ng anak ko. Minsan nga napapakamalan siyang tatay ng anak ko dahil madalas sila makitang magkasama. Idagdag pa yung mga chismosa na kapitbahay na kung anu-anong kwento ang kinakalat. Tulad ng inuna ko ang landi kaya nagkaanak ako ng maaga.
Pagkatapos naming kumain sinabay na kami ni Sky sa sasakyan niya dahil dadaanan naman daw niya yung school ni Delziel.
"Salamat sa paghatid sa amin. Ingat ka," paalam ko bago bumaba.
"Wala yun. Basta ikaw. Ingat din kayo," nakangiting sabi niya. Sinara na niya yung bintana saka siya nagmaneho paalis.
"Pumasok ka na sa loob. Wag pasaway sa teacher. Makinig ka sa tinuturo sayo. Magpakabait ka," paalala ko sa anak ko bago papasukin ng gate ng school.
"Opo. Bye Ma," aniya sabay halik sa pisngi ko at takbo papasok.
"Dahan-dahan lang. Baka madapa ka!" sigaw ko habang tinatanaw siya.
Nag-umpisa na maglakad para pumunta sa restaurant na pinapasukan ko bilang cashier. Minsan waitress kapag kulang sa staff. Hanggang tanghali lang ako dito dahil sa hapon namamasukan naman ako bilang katulong at family driver.
Nagtataka siguro kayo kung bakit hapon pasok ko lang? Hapon kasi ang uwian ng anak nung amo ko. Walang tagasundo kaya ako na gumawa. Sa umaga kasi sinasabay sila sa pagpasok ni Sir Carlos. Maswerte na nga ako dahil tinanggap ako kahit babae ako. Magaling naman kasi ako magmaneho. Nung nagpadrive test siya, ngustuhan niya performance ko dahil maingat daw ako.
Pagkasundo ko sa anak ng amo ko, naglilinis naman ako. Ayun lang kasi yung oras na pwede dahil ayaw ni Sir Carlos na mag-isa lang ako doon sa bahay. Pagkatapos ko maglinis, ibabalik ko na yung sasakyan sa company kung saan nagtatrabaho si Sir Carlos. Doon ko pa kasi yun kinukuha bago magsundo dahil yun din yung ginagamit niyang sasakyan.
"Sir, ito na po yung susi ng sasakyan niyo," sabi ko sa kanya. Nilahad niya yung kamay niya para kunin yun habang nakikipag-usap siya. Pagkaabot ko ng susi agad niya hinawakan yung kamay. Sinubukan ko iyon hilain pero ang higpit ng pagkakahawak niya. Binaba niya yung teleponong hawak niya saka ako tinignan na parang hinuhuburan ako.
"S-sir, yung kamay ko."
"Sorry," aniya sabay bitaw sa akin. Nakahinga naman ako ng maluwag doon. Minsan talaga nakakatakot si Sir. Carlos. Sa totoo lang hindi ako komportable kapag kasama ko siya. Pakiramdam ko minamanyak niya ako.
Lumabas na agad ng opisina niya. Kapag talaga nakahanap ako ng ibang trabaho magreresign ako dito.
Nagtunggo na ako sa convenient store na pinapasukan ko din. Malapit na sana ako doon nang biglang may nagtakip ng bibig ko at may pinaamoy na panyo sa akin para mawalan ako ng malay.
Nagising na lang ako ng may marinig akong ingay mula sa pinagkiskis na kutsilyo. Nat
"Sino ka? Ano kailangan mo sa akin?" takot na tanong ko sabay atras palayo sa taong nasa harapan ko. May suot itong maskarang itim pero sure akong lalaki siya base sa malaking katawan niya.
Tumingin siya sa gilid namin kaya napatingin din ako doon. Napatakip ako ng bibig nang makita ang tatlong ulo ng babae. Nasa loob ito ng ref na ang pinto transparent kaya kita ko ito.
"Laro tayo. May sampung segundo ka para tumakas. Kapag nahuli kita akin na ang ulo mo. Kapag natapos naman ang gabing ito na hindi kita nahuhuli, malaya ka na. Pero wag ka lang magkakamaling isumbong ako sa pulis dahil babalikan kita at papatayin ko lahat ng pamilya at kaibigan mo" aniya sabay baba ng isang kutsilyo.
"Isa..." bilang niya bigla. Nung una hindi ko alam gagawin nung makatatlo na siya doon lang ako tumakbo palabas ng kwarto. Mabuti na lang wala akong tali kaya madali lang akong nakakatakbo pero halos maligaw naman ako dito dahil ang daming likuan.
"Nandyan na ako," rinig kong sabi ng isang lalaki kaya bigla aking nataranta. Bumababa ako ng hagdan at binilisan ang takbo.
May narinig pa akong pabagsak na sinara ang pinto. Sinadya siguro yun para lalo akong matakot. Paglalabas ko ng gusaling iyon agad ako humingi ng tulong habang tumatakbo pero mukhang wala silang balak pasakayin ako kaya tumakbo ha lang ako.
Bigla akong natisod sa isang bato.
"~Well, I'd rather see you dead, little girl
Than to be with another man
You better keep your head, little girl
Or you won't know where I am~" kanta ng humahabol sa akin.
Agad ako tumayo at napalingon sa likod ko. Nakita ko siyang palapit sa akin kaya agad akong tumakbo.
"~You better run for your life if you can, little girl
Hide your head in the sand, little girl
Catch you with another man
That's the end'a little girl~" kanta nito. Nilingon ko siya nung tumigil siya pagkanta. Bigla siyang tumakbo palapit sa akin.
"Tulong! Tulungan niyo ko!" sigaw ko habang natakbo. Biglang may tumama sa paa ko dahilan para madapa ako.
"~Well, you know that I'm a wicked guy
And I was born with a jealous mind
And I can't spend my whole life
Trying just to make you toe the line~" kanta niya muli habang palapit. Binunot ko yung kutsilyong tumusok sa binti ko saka tumayo. Papilay-pilay akong tumakbo hanggang sa mahawakan niya.
"Aaahhhhhhh! Bitawan mo ko!" sigaw ko sabay saksak sa kanya ng kutsilyong hawak ko at muling tumakbo para maghanap ng matataguan. Buti na lang may nakita akong lumang bahay medyo nakakatakot nga lang ito.
Pagkapasok ko doon sinara ko agad yung pinto saka ito nilock.
"Aww!" sambit ko saka tinignan yung binti ko. Kinuha ko yung cellphone ko para sana humingi ng tulong pero walang signal yung phone ko. Napatayo ako bigla nang may kumatok sa pinto.
Sa takot ko napaatras ako habang nakatingin sa may pinto. Nagulat na lang ako nang may humatak sa akin.
"Ah--hmmpp," tinakpan niya ang bibig ko bago ako makasigaw.
"Wag ka maingay," bulong ng isang lalaki. Naglakad ito habang tinatakpan niya bibig ko. Pumasok kami sa isang kwarto at doon lamang niya ako binitawan. Haharapin ko na sana siya pero pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa balikat ko.
"Wag kang titingin."
Kinabahan ako bigla. Baka mamaya masama pala ito.
"Pulis," masayang sabi ko nang marinig ko ang tunog ng sasakyan nila. Palabas na sana ako pero hinila ako bigla ng lalaking kasama ko. Kumirot bigla ang binti ko saka ito nanlambot. Kamuntik na ako matumba buti na lang may brasong sumalo sa akin.
Napatingin ako sa lalaking sumalo sa akin at una kong napansin yung isang mata niya na kulay orange na nay halong konting yelo. Para itong umiilaw dahil kahit madilim kitang-kitang ko.
"Ang ganda," manghang sabi ko.
"Wag mo tignan," aniya sabay tulak sa akin at iwas ng tingin.
"Aray!" sambit ko. Doretso kasi ako sa sahig tapos tumama pa yung saksak ko sa sahig.
"Sorry. May sugat ka," aniya nang mapansin niyang may dugo sa paa ko.
Inalis niya yung tinali ko doon dahil puno ng dugo. May kinuha siyang bandaid sa bulsa niya at ayun ang pinulupot niya dito. Gusto ko nga tanungin kung bakit may ganun siya pero nasagot yun ng takpan niya ang isang mata niya gamit din yun. Pinulupot niya ito mula ulo pababa ng isang mata para matakpan iyon.
"Ano ginagawa mo dito? Saka bakit pinigilan mo kong lumabas kanina?" tanong ko.
"Nagtatago sa mga pulis. Kung hindi kita pinigilan baka nakita ka na ng tintakbuhan mo."
"Bakit mo tinataguan yung mga pulis? Criminal ka ba?"
Kinabahan na ako. Baka mamaya kung ano gawin niya sa akin.
"Suspect ako sa isang murder case pero wala akong ginagawang masama. Alam kong iniisip mo kung inosente ako bakit nagtatago ako? Dahil yun sa kahit anong sabihin ko sa kanila hindi sila maniniwala."
Hindi na ako naimik. Tama naman siya ayun nga inisip ko. Dapat sabihin niya sa pulis na wala siyang kasalanan. Pero ano ibig-sabihin niya doon sa hindi sila maniniwala?
"Ikaw? Sino humahabol sayo?" tanong niya bigla.
"Serial Killer. Sabi niya kapag naabutan niya daw ako kukunin niya ulo ko katulad doon sa mga babaeng nakita ko," takot na sabi ko. Naalala ko nanaman kasi yung kanina.
"Sigurado umalis na yun dahil sa mga pulis kanina."
Nanlaki yung mata ko nang maalala ko yung sinabi niya sa akin kanina.
"Sabi niya wag daw ako magsusumbong sa pulis. Paano kung isipin niya na ako yung tumawag ng pulis? Tapos balikan niya ako," kinakabahang sabi ko. Natuwa pa ako kanina na may pulis pero paano nga kaya kung ganun isipin niya?
"Ano gagawin ko?" tanong ko sa lalaking kausap ko. Hindi ko pa nga pala natatanong pangalan niya.
"Magpakalayo ka na muna. Siguro naman hindi ka niya masusundan kung pupunta ka sa ibang lugar," suhestiyon niya.
"Hindi ko pwede iwan ang anak ko," tugon ko.
"Isama mo siya."
"Nag-aaral siya. Ayokong tumigil siya. Kung lilipat naman kami, wala na akong sapat na pera."
"Mag-isa ka na lang bang nag-aalaga sa kanya?"
Tinanguan ko siya bilang tugon.
"Wala ka bang pamilya?" tanong niya.
"Ulila na ako," tugon ko.
"Sorry. Hindi ko alam."
"Ayos lang. Sanay na ako."
"Yung ama ng bata? Nasaan?"
"Who knows? Hindi ko nga alam kung sino yung gumahasa sa akin. Saka kung kilala ko man siya, matagal ko na siya pinakulong. Teka! Bakit ko ba ito sinasabi sayo? Hindi naman kita kilala."
"Kael ang pangalan ko. Tara na. Baka hinihintay ka na ng anak mo," aniya sabay tayo. Nilahad niya ang kamay niya para tulungan ako makatayo.
"Salamat."
Inalalayan niya ako sa paglalakad. Nang makalabas kami ng kwartong pinagtaguan namin, biglang sumara mag-isa yung pinto. Sabay pa kami napalingon doon dahil pabagsak yung pagkakasara.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top