Clash 3

Ashley's POV

"wiieeeh! Horsie come on!"

"Unicorn, faster!"

"Ya tigidigdigdig"


Nag-tataka siguro kayo kung ano nangyayari, well andito lang naman kami nakasakay sa kabayo sa carousel. At sino yung mga nagsasalitang yon? Syempre sino pa ba mga isip bata sa'min edi sila Katie, Sophia at Kyla!


"Please lang, manahimik kayong tatlo!" Pakiusap ni Shayne habang naka yuko dahil sa kahihiyan habang nakaupo sa pa cup na style imbis na sa kabayo.


"Bleh. Corny mo talaga!" Sambit ni Sophia.

"Sumakay ka sa kabayo, 'wag jan!" Irap naman sa kanya ni Kyla.

"Ya tagidigdigdig!" At ang say ni Katie habang pinapalo pa ang pwet ng kabayo.


Napansin ko na may mga nanonood sa'min at ang iba pa nga ay may pag video, sa lakas ba naman ng boses ng mga nag ya tagidigdig hindi pa ba kami makakauha ng atensyon niyan? Nakayuko na lang din ako habang tinatakpan ang mukha ko gamit ang buhok ko.


"Hoy nakakahiya na talaga! Vinivideohan na tayo! Tignan mo si Ashley nag tatago!" Pasaway na sabi ni Shayne sa kanila.


"Shhh hinaan niyo kasi boses niyo." Sabi ko sa kanila dahil mas lalo lang kaming nakakuha ng atensyon dahil sa lakas ng mga boses nila.


Paano ba kami napunta dito? Oh well, kasalanan ni Katie!

Flashback

Sobrang lapit na namin sa timezone, mga tatlong tumbling na lang ng biglang lumihis si Katie na siya namang sinusundan namin.

"Katie, san punta?" Patanong ko sa kanya.

"Guys, carousel muna tayo don!" Sabay turo naman niya sa carousel 'di kalayuan sa'min na napagkunot noo saaming lahat. "Ayaw niyo ba?" Palungkot niyang tanong.

"Omg, horsie!!!"

"Unicorns!!!"

Sigaw naman ni Sophia at Kyla, at nagka tinginan na nga lang kami ni Shayne.



"Ayoko na, kuya itigil nyo na po!" Pakiusap ni Shayne ng maramdaman niya na ang hilo. Medyo nahihilo na rin ako kasi paano ba naman pangalawang beses na namin 'to dahil ayaw umalis ng tatlong bata!


"eeeeeh" Sabay sabay reklamo ng tatlo.


"Tama na guys. 'Di ba mag ti-time zone pa tayo?" Sabi ko na rin dahil pasuko na rin ako sa hilo. Wala nang nanonood sa'min hindi katulad kanina na ginawa kaming entertainment. Panigurado nahilo na rin sila kakapanood.


"Ay, oo nga pala may pustahan pa kami ni Shayne!" Pag-alala ni Kyla kaya sumangayon na rin siya sa'min kaya walang nagawa sila Sophia at Katie kundi tumigil na rin.

xxx

"Isa pa!" Sambit ni Shayne, at makikita mo sa mukha niya na talagang pursigido pa siya manalo. Kakatapos lang ng first round at ang nakuha ni Shayne ay 569 points habang si Kyla naman ay 596 points.

Sumangayon naman si Kyla sa kanya. "Hay, feel ko makakapag unli-shopping ako bukas ha?" Sabay unat niya ng kamay at hinanda ulit ang sarili.

"Tara doon tayo, nakakasawa manood sa kanila." Sabi ko sabay turo kayla Sophia at Katie sa tatlong pwesto pa ng basketball dahil kanina pa kami nanood sa kanila, ang utos kasi ng dalawa manood daw kami para iwas dayaan. Ano yon referee kaming tatlo?

"Walang pustahan 'to ha! Lugi kami ni Sophia sa'yo, Ash!" Sabi ni Katie sabay lapit sa pinaka unang basketball-an.

Tumabi naman ako sa kanya, "La. Andaya! Sige na unli-food na libre lang bukas oh?" Pangungulit ko sa kanila. Ewan ko bakit ayaw nila ko lagi kapustahan!

"Ayaw!" Sabay na sabi nilang dalawa.

"Oo na. Damot niyo!" Sabay irap ko sa kanila. Sabay sabay kami nag swipe at sinimulan na mag laro.

Ilang minuto na kaming naglalaro at nakikita kong pare parehas na kaming 400 mahigit ang points. Napapansin ko rin na parang biglang naging crowded 'tong lugar, e parang kanina lang kami kami lang nandito?

"Ayaw ko na ansakit na ng braso ko!" Daing ni Sophia at tuluyang tumigil sa paglalaro, Nakita kong naka 623 points siya.

"Ew, weak." Pang-aasar ko sa kanya at sabay naming siyang tinawanan ni Katie.

"Ayoko na rin pero gusto kong lumapit sa score ni Ashley." Sambit ni Katie at nakita ko sa peripheral vision ko na bumabagal na siya mag shoot.

"Walang sukuan!" Sigaw ko sa kanya.

"Para namang may makakatalo sa'yo Ash!" Sabi ni Sophia habang pinipilit niya na ring patigilin si Katie. "Teka, andaming nanonood sa'tin sa likod."

Napatingin naman si Katie kaya tuluyan na siyang natalo at nakakuha siya ng 666 points. "Ano ba yan Sophia! Panggulo ka!" Iritang sabi ni Katie pero napatigil din siya ng tuluyan siyang humarap sa likod. "Woah." Pag hanga niyang sabi.

"Luh Katie 1lluminati ka!" Asar ni Sophia nang makitang 666 ang nakuhang points ni Katie. "At ikaw, Ash, itigil mo na yan! Hindi ba napapagod braso mo, malapit ka nanaman mag 1k."

Napalingon naman uli si Katie at sumang ayon kay Sophia, "Oo nga! Tignan mo vinivideohan ka na nila." Napatigil naman ako agad sa paglalaro at kasabay non ang pag singhap ng ilan.


"Hala, sayang ba't siya huminto!"

"Shiet, pare! Saktong 1k points!"

"Grabe, ang gaganda pa nila tas sporty! I wanna be like them na tuloy."

"Bakit ba sila nagpapasikat?"


Tuluyan akong lumingon sa likod at nakita ngang nag vivideo ang ilan, "Hi, 'wag niyo po sana i-upload. Thank you po." Sabi ko sa nag vivideo na lalaki. Napatango na nga lang siya kaya ni ngitian ko.


"Tss."


Bigla akong napatingin sa labas ng timezone at nakita ang pamilyar na lalaki kaya pinangsingkitan ko siya ng mata. Ha! Epal niya talaga.


Katie's POV

Parang tanga 'to si Ash. Biglang naka ngiti tas biglang sumimangot at parang nanlilisik ang mata. Nagkatinginan na nga lang kami ni Sophia at sabay umiling. Iniwan naming siyang nanlilisik ang mata don.

"Phi, Tara don sa Just Dance!" Aya ko naman sa kanya. Hindi sa pagmamayabang pero kung pagalingan lamang sumayaw sa'ming lima ay syempre lamang na 'ko don!

"Bakit niyo ba 'ko inaaya sa mga larong magaling kayo!" Reklamo ni Sophia pero wala siyang choice noh.

"Ano ka ba, talent mo rin 'to noh." Pag checheer up ko naman sa kanya. Sa true lang, ako pinaka magaling at masasabi kong sunod don si Sophia.

Napagpasyaan kong piliin ang Animals by Martin Garrix and syempre 'yung extreme version.

"Katie, bakit yan! Ang hirap hirap niyan e." Reklamo niya sabay pout.

"Don't worry my little cutie, no sweat tayo jan." Nagbabalikat kong sabi. Wala na nga siyang magawa dahil na enter ko na.

Narinig pa nga namin yung cheer ni Ash. "Mga gaga kayo iniwan niyo kong dalawa pero go go go!"


It's showtime beybeh.


Shayne's POV

"Alam mo Shayne, ansakit na ng braso ko pero ako pa rin yung panalo. Tigil na natin 'to!" Pag rereklamo ni Kyla habang minamassage ang braso niya.

"Alam mo Kyla, takot ka lang na matalo kita." Hamon ko sa kanya. Okay, aminin ko talo na ko pero my pride won't let me to admit defeat.

"Bahala ka maglaro ka jan mag-isa papanoorin ko na sila Katie at Sophia." Dumila siya at tumakbo papunta sa kinaroroonan nila Ash. Napansin ko nga nag kukumpol don ang mga tao pero whatever mag lalaro na lang ako.

Actually hindi naman kami yung pinaka magaling ni Kyla sa basketball. Kami pa ngang dalawa yung pinaka kulelat saaming lima kaya nag pupustahan kaming dalawa kung sino ang pinaka kulelat. Sinimulan ko na nga mag laro at napansin kong may tumabi sa'kin at naglaro. Nakita ko sa peripheral vision ko na tuloy-tuloy yung shoot niya.


"Dapat kasi itaas mo pa yung mga braso mo." Napatingin naman ako sa naglalaro sa gilid ko nang bigla siyang magsalita.

"Excuse me?" Naka kunot noo akong nakatingin na sa kanya at narinig ko ngang wala na yung time ko. "Ayan tuloy wala na!" Sinamaan ko siya ng tingin. Nakakainis bakit ba ang pakielamero nito?

"Oops. Not my fault, I'm just saying that out of generosity. Tinuturuan ko si kuyang katabi ko dito oh." Sabi ng lalaki at patuloy pa rin siya sa pag shoot. I admit, magaling nga siya.

"Boss, sinasabi mo bang bobo ako?" Nagagalit na tanong ng lalaki niyang katabi. Pfft. Ayan ang yabang mo ha.

"Nako, boss, payag ka minamaliit ka?" Pang gagatong ko sa kanila. Nakita kong mas lalong nagalit ung katabi niyang lalaki at napatigil na sa paglalaro yung pakielamero kong katabi.

"I'm sorry. I didn't say that you're stupid-"

"Kuya, stupid ka raw oh? Kung ako yan sinapak ko na!" Pamputol ko sa sinabi ng pakielamero. Parang ready na manuntok si Kuyang katabi niya and I'm enjoying it. Sige magsapakan kayo!

"Can you please shut up and don't add fuel to the fire?" Iritableng sabi niya sa'kin sabay harap sa lalaki. "Look, I'm sorry. I didn't mean all of that. Inaasar ko lang tong kaibigan ko kasi anliit liit ng braso kaya 'di maka shoot." Pag explain niya sa lalaki.

Pero, what? "Excuse me, mister! Hindi maliit braso ko and fyi hindi kita kai-" Bago ko pa matapos yung sasabihin ko ay hinarap niya ako at tinakpan yung bibig ko.


"You're familiar/You look familiar" Sabay naming sambit. Nakita ko na ng malinaw ang kanyang mukha and oo, pamilyar talaga siya pero i don't remember kung saan. Narealize ko na antagal nanaming nag tititigan kaya agad naman akong umatras at lumayo sa kanya. Kadiri, nilagay niya pa kamay niya sa bibig ko. Eww, kung saan saan niya yan pinanghawak for sure. How dare he!


"Do you know me?" Nagtataka niyang tanong.

"Do you know me?" Ginaya ko naman siya na halatang nang aasar.


"Wow, you're really difficult to talk to." Iling-iling niyang sabi.

"Wala naman akong sinabing kausapin mo ko." Irap kong sabi sa kanya.

"But, seriously, have we met before?" Tanong niya ng seryoso.


"Yes." Sagot ko rin ng seryoso. Nakita kong lalong lumukot yung mukha niya na halatang iniiisip kung saan kami nag kita o nag kakilala. Ha, uto-uto. "You're the demon that I've met during my visit in Hell!" Halatang nairita siya sa sinabi ko pero agad niya ring nabawi yun at ngumiti.


"And you're the angel who gave me the way and lead me to your heart." Sabi niya sabay kindat. Ewww. Pinakita ko sa kanya kung gaano ako diring diri sa pinagsasabi niya. Ang ayoko talaga sa lahat yung mga lalaking puro cheesy line, nagmumukha silang tanga kahit gwapo sila. I mean, hindi siya gwapo, tinutukoy ko yung iba.


"Mga boss, andito pa ako oh? Inistorbo niyo yung paglalaro ko tapos mag lalandian lang kayo sa harap ko?!" Galit na sabi ni Kuyang katabi niya. "Swipe-an niyo 'to! Kayo may kasalanan ba't ako tumigil."


Napaharap naman kaming dalawa kay kuyang nangigigil at feeling ko anytime pwede na nga siya manapak. Agad naman kinuha ng katabi ko yung timezone card niya. Habang iswi-swipe niya na yung card ay agad-agad akong tumakbo papunta kayla Katie dahil narinig ko ang pamilyar na kanta na talagang sinasayaw naming lima. Bago pa nga ako makarating ay may narinig akong isang sigaw kaya napatingin ako.


"Miss, wait! What's your name!"

Nakita ko ang pakielamero na hahabulin sana ako pero inismidan ko siya at inirapan. Whatever, f-boy. 

----

LONG AUTHOR'S NOTE 

PLEASE READ 

Long update which is very himala for me. 

Hi, guys. 12/17/19 ngayon, and imagine it's been 5 years since naedit ko ulit tong story na 'to lol. Ewan ko pero napabalik ako sa wattpad ngayon, maybe because i'm finding myself charot. Imagine ulit, 1st year highschool ako nung sinimulan ko 'tong story na 'to and first year college na 'ko ngayon hehe. PERO STILL DI PA RIN AKO MAGALING SA ENGLISH SO PLS BEWARE OF MY GRAMMATICAL ERRORS AND TYPOS.

Enjoy. Hopefully, yung mga nagbabasa nito noon ay bumalik dahil this story is actually my greatest what if. 100k reads na to noon kahit kaunti ang chapters but sadly tumigil ako for some reasons. Napapaisip ako kung tinuloy ko ba, ano na kaya to ngayon baka may book na ko char000t. 

Ayon :)))) Please don't expect too much from me because I'm full of disappointments. tenkchu 

<3  sheneverlands 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top