Clash 1

Beware of typos and grammatical errors or any errors hehe. ;-;
🖤 sheneverlands✨ 2013.

x o x

Third Person's POV

"Mr. Gulmero, There will be a total of 15 new students that will be transferring today for this semester. I want you to help them as much as possible."

"Ang dami naman ho bigla sir? Second sem na po ah?"

"Just do what I told you, Mr. Gulmero. By the way, some new students will be here in a moment. And don't worry I've excused you already to all your subjects today."

"Okay po, Sir Figurio."

"Hiiiii! Magandang umaga!! Magandang buhay!"

Napatingin ang dalawang lalaki sa kakapasok na masayang babae na bumati sa kanila at kasunod nito ang apat pang babae.

"Right in time! Mr. Gulmero, these are the five new students that you'll be touring around." Napatingin naman ito sa limang babae na ngayo'y nakaupo sa sofa. "So, I think you are all ready? By the way, Girls, this is Mr. Gulmero- our student council president. He'll be touring you around and just contact him if you need any help. Alright?"

"Yes sir!" Ani ng masayang babae.

"Thank you po, sir." Ang sabi naman ng mukhang mataray na babae.

"Let's get going then?" Tumango naman ang mga babae kay John Gulmero.

"This is the infamous waterfall fountain here in the garden. It is often called as 'Destined Water'. Legend says that if you are here with someone and a rainbow reflected thru then it means you are both destined to each other but after that dapat mag bato kayo ng isang rosas na pula bilang pag sasalamat." Mahusay na pagpapalinawag ni John habang mangha naman ang ibang babae sa waterfall fountain na mukhang nag niningning.

"Ano mangyayari kung hindi magbabato ng pulang rosas?" Tanong ni Ashley.

"There's a big chance that the so called strings will be tangled with your soulmate. Maari kayong maghiwalay because you didn't thank the goddess of destiny. Throwing a red rose is a way to say thank you."

"Wow! Ang cool!" Ang sabi nang nagpakilalang Katie.

"Ang corny naman. May naniniwala talaga jan?" Ismid naman ni Shayne.

"Hala ka, 'te! Ilang ampalaya ba nilamon mo today?" Asar ni Kyla.

"Shut up, Kyla!" Inirap niya dito.

"Uhm, it really happens rarely because, well we know that it is hard to find our soulmates, right? And alumni couples who experienced that is now married and have their kids. Wala naman mawawala kung susubukan diba?" Tugon ni John sa tanong ni Shayne.

"Dapat pala, Shayne, dalhin mo na lahat ng lalaki dito para makita mo yang soulmate mo at matigil na yang ka amplayahan mo!"

"Ha? Ako nanaman? Kala mo naman may jowa ka noh!" Ganti ni Shayne kay Kyla. Ewan ko ba sa dalawang yan at lagi na lang nag babangayan.

"It may be a good idea but the chances are limited. Ang sabi nila hanggang limang beses ka lamang pupunta with that someone of yours at kung wala pa rin then—"

"-Walang forever." Ang dagdag ni Shayne sa sinabi ni John. Sabay naman silang nagtawanan sa bitter na boses nito.

Lumipas na ng mahigit isang oras at tapos na rin sila. Tumunog na rin ang mga bell hudyat na break time na ng mga estudyante.

"Maraming salamat talaga, President Gulmero! We enjoy the tour!" Pasasalamat ni Katie.

"No need for formality, you can just call me John. I'm just doing what I should do after all." Kindat naman niya dito. "It's already break time, I would like to come with you guys in cafeteria but i got a lot of things to do." Kamot nito sa kanyang ulo.

"Okay lang, John. We're thankful for your time. Hagisan ka na ba namin ng pulang rosas?" Pabirong tanong ni Sophia sabay tawa naman nilang lahat.

"I'll get going now. See you around! Just contact me if you have questions, okay?"

"Sure. Good bye!"

Sa kabilang banda...

"Sir, pumasok na po ang limang babae ngayon." Ang sabi niya sa kausap niya sa telepono.

"Yes sir. I promise to keep an eye on them." Habang nakatingin siya sa papalayong mga babae.

"I'll be careful, Sir. 'Di po nila ako matutuklasan." Paninigurado niya. "Salamat, Sir."

Nagmamadali na siyang umalis sa kanyang pwesto. Dahil sa pagmamadali ay hindi niya napansin na may mababangga na pala siya.

"I'm sorry." At dali dali siyang umalis ng tuluyan.

Ashley's POV

Palakad na kami sa canteen ng napansin namin na pinagtitinginan kami ng mga estudyante.

"Sino sila? Ba't ngayon lang natin nakita?"

"Ang gaganda nila."

"Grade 12 ba sila or asa college department na?"

"Tanga. Malamang grade 12 dahil asa highschool department sila!"

"Ang chismosa at chismoso naman ng mga tao dito." Sabi ni Katie.

"Syempre, ngayon lang sila nakakita ng mga magaganda e." Tawa naman ni Shayne

"Invisible ka siguro sa kanila kung ganon." Pagputol ni Kyla kay Shayne

Bago pa nga sila ulit mag bangayan ay hinila ko na agad si Shayne paloob ng cafeteria. Malaki ang cafeteria nila at occupied na rin karamihan ang lamesa dahil break time. Napatingin naman saamin ulit ang mga estudyante at kanya kanyang bulungan sila.

Ganun na ba kami kaganda?

"Kyla at Katie, maghanap na kayo ng mauupan natin. Kaming tatlo na ang mag oorder. Ano ba ang gusto niyo?" Paubos na kasi ang mga available na table kung lahat kami ang pumila panigurado occupied na lahat pagkatapos namin.

"Veggie and fruits ako. Tsaka pineapple juice!" Ang sabi ni Kyla.

"Gusto ko ng sweets! Kapag may cake 'yun na lang and chocolate drink!" Ang sabi naman ni Katie.

"Noted! Tara na!" Aya naman ni Sophia.

Nag tungo na kami sa pilahan. Hindi naman gaano kahaba dahil na rin siguro sa bilis nang service ng mga staff. Ang gamit na pambayad ay I.D, buti na nga lang binigyan kami mismo sa araw na nag enroll kami.

Nakita na namin ang mga menu. Parang kumpleto nga sila ng iba't ibang klaseng putahe. May mga pasta, pizza, filipino food, salads, desserts, at iba't ibang inumin. Umorder na nga kami at pinambayad muna namin ang I.D ni Sophia dahil siya lang ang naging masipad depositohan ito.

"Wow, bagong buhay ka na Shayne?! Gumugulay ka na lang ngayon." Agarang asar ni Kyla habang papalapit kami sa table na kinuha nila kalapit sa pintuan.

"Syempre, I need to take care of my body." Irap naman ni Shayne

"Pati ba heart?" Pambawi ni Kyla. Inismidan na nga lamang siya ni Shayne.

"Hay nako! Kumain na nga lang tayo! Mag deposit na rin nga pala kayo sa mga I.D niyo at ililibre niyo ako tag isa isa." Ang sabi naman ni Sophia habang sinusubo niya ang inorder niyang caramel cake.

Tumango naman kami.

"Papasok na ba tayo sa klase ngayon?" Tanong ni Katie.

"Wag na! Nakakatamad! Pa excuse na lang tayo."

"Bad influence ka talaga, Kyla!"

"Hindi ah! Nakalimutan ko lang din bumili ng mga kakailanganin. Wala nga akong dalang bag oh?!" Katwiran naman ni Kyla kay Shayne.

"Oh sige. Basta ikaw Kyla ang mag papaalam kay Sir Figurio?" Hamon naman ni Shayne.

"Sus. Sige ba!" Confidence na sabi ni Kyla.

Maya maya...

"Wait lang! Ano ba sasabihin ko?!" Tanong ni Kyla. Andito na kasi kami sa tapat ng office ni Sir Figurio.

"Kinakain ka na ng salita mo, Kyla." Asar ko sa kanya.

"Hindi! Nahiya lang ako bigla! Pero sige, para sa ekonomiya!" Ang sabi ni Kyla bago kumatok at tuluyan na kaming pumasok sa office ni Sir Figurio.

"Hi, Sir! Napaka gandang buhay!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top