Prologo

"Being bully would never make you strong and beautiful, but a mere coward and weak in the eyes of the discipline person." - Eiramana325

🙉💕🙊💕🙈

Taong 1995

Unang araw ng pasukan, taas-noo't abot-tenga ang ngiti ng ating bidang si Ria habang papasok sa pribadong paaralan. Medyo kumakabog na tila tambol ang kanyang puso dahil sa panibangong pakikisalamuha't pakikipagsapalaran niya rito. Kahit pa medyo sanay na siya na palipat-lipat ng eskuwelahan kada pasukan, iba ngayon dahil nasa huling taon na siya sa hayskul.

Walang lukot ang kanyang kulay tsokolateng blusa't palda na sadyang inarmirol at pinilantsa pa niya nang todo. Maayos ring naka-garter sa ilalim ng kanyang kuwelyo ang kulay dilaw na ribbon. Makintab rin ang kanyang itim na sapatos at bago ang puting medyas na lagpas lang ng kanyang bukong-bukong. Kailangan daw magsuot ng wastong uniporme sa paaralang ito. Maayos rin naka-hair pin sa itaas ng magkabila niyang tenga ang kanyang maitim, mahaba't alon-alon na buhok na ginagamitan pa niya ng gugo para kumintab. Gusto kasi niyang magpakita ng magandang impresyon sa mga bago niyang kaklase.

"Hep, hep. No ID, no entry!" Pagharang sa kanya ng guwardiya.

"Maganda morning po, Manong Gandang Lalake," masiglang pagbati ng bolerang dalagita. Iniabot niya ang kanyang Admission slip sa guwardiya kung saang nakasaad na makukuha niya ang kanyang temporary ID sa Guidance Office sa unang araw ng pasukan. Hindi niya alam kung bakit sa GO, io-orient pa raw siya ng councilor dahil isa siyang transferee.

Binasa ito ni Manong at tiningnan pa siya na tila nangdidiri. Hindi niya mawari kung sa pangalan niya o sa kanyang pagmumukha.

"Pang-matanda naman ang pangalan mo," kumento nito, "Kungsabagay, bagay naman sa itsura mo," hininaan pa ang boses na akala yata nito'y binulong lang sa kanyang sarili.

Buti na lang at maaga pumasok si Ria  kaya iilang pa lang ang mga estudiyanteng kasabayan niya. Tiningnan siya ng mga iyon at natawa.

"Wow naman, Manong, you're a simple bully ah. Lamang pa nga ako sa 'yo ng one shower, ah." Malawak pa siyang ngumiti kahit sungki-sungki ang kanyang mga ngipin. "Mula nang I saw you, muntik na kong magpa-autograph. I thought nabuhay ang main actor of the movie, Cheetah-eh. Are you his kakambal po? Ganda lalake ka rin kasi po. Can you feel it po?" mahaba niyang sagot sa guwardiya habang nag-uumapaw ang kasarkastimuhan sa tinig niya at malakas pa siyang humalakhak na kita ang buong niyang gilagid. Muntik na niyang mahigop ang lahat ng mga langaw sa paligid.

At saka niya inagaw ang Admission slip at agad na pumasok sa tarangkahan. Naiwang nag-iisip ang guwardiya, at napangiti dahil napagkamalan siyang siyang artista. Iyon lang ay kung kilala niya ang tinukoy ng makulit na dalagita.

"Akala mo, I'll be affected sa pambubuli? I'm so used to it na kaya," bulong ni Ria sa sarili habang naglalakad patungo sa Guidance Office.

"To the left o kanan?" bulong na naman niya nang mapadako siya sa sangang-daan. Isang beses lang siya nakapunta rito kaya hindi niya matandaan. Magtatanong sana siya sa iilang pang mga estudiyante pero agad naglayuan nang makita siya. "Wow! Ang lucky kaya nila to see a freakiful me. Mga choosy!"

Dumiretso na lang siya kaliwa. Maling daan pala iyon dahil napadako siya sa gymnasium kung saan may nakita siyang apat na binatilyong naka-khaki na pantalon, ang tatlo ay naka-puting polo at naka itim na t-shirt naman iyong isa. Ang isang may makapal na salamin ay nakasandal sa pader, nasa itsura nito ang pagod at takot na tila maiiyak na. Ang naka-tshirt ng itim ay nakaharap sa lalaking iyon na may limang metro ang layo, habang sinisipa ang soccer ball. Mababakas sa mukha nito ang pagiging pilyo dahil nasisiyahan pa ito habang umiilag sa bola ang lalaking nasa pader. Ang dalawang pang lalaking--isang matangkad na payat at isang bansot na mataba--ay tagabigay ng bola sa lalaking naka-itim.

"Poor Nerdy. Binu-bully ng three monkeys," bulong niya ulit at agad tumalikod. Ayaw niyang makialam dahil unang araw niya pa lang dito.

Agad naman siyang napalingon nang makarinig siya ng pagsipol mula sa mga lalaki. Medyo kinilig pa siya dahil ngayon lang may sumipol sa kanya.  Kaya agad naman siyang humarap na may sobrang tamis  pang ngiti.

"Yuck! What a monster duckling!" sabi ng lalaking nakaitim nang hunarap siya rito.

Tinaasan niya ito ng isang kilay at pinana nang nakamamatay na tingin habang nakatulis na parang bibe ang makapal niyang mga nguso. Maka-monster, as if he's guwapo. Hmp!

"A fighter, huh?" Sinenyasan nito ang dalawang lalaking alagad at lumapit ang mga ito sa kanya na may nakalolokong ngisi.

"Panget, tawag ka ni Boss," sabi ng isang lalaking matangkad na payat.

"I'm busy. Tell him to set muna siya ng appointment with me. Oki?" may kalakasang niyang sabi habang nakatingin sa boss ng mga ito. Tumalikod na ulit siya't naglakad palayo.

Hinabol naman siya ng dalawang alagad ng kadiliman, hinawakan ang magkabilang braso niya at binuhat patungo sa lalaking nakaitim. Dahil payat naman siya kaya kayang-kaya lang siya ng mga ito.

"Don't you show your ugly face on me ever again!" babala sa kanyang ni Dark Lord nang ilapag siya nina Kawayan at Litsong Baboy.

"Eh, wow! Naka-disguise na demonyo!" sagot niya rito habang nakatingala dahil matangkad ito sa kanya ng mga limang purgada pa, kahit na matangkad na siya sa taas na 5'4", sa edad na labing-lima.

Sinenyasan na naman ng boss ang dalawang alipores. Akmang hahawakan na naman siya ng mga ito.

"Noli me Tangere," agad niyang sabi.

Natigilan naman ang dalawa na hindi nakuha ang ibig niyang sabihin na, touch me not. "Oh, oh! You're so bulakbol for sure. Mukha naman kayong senior already. Senior citizen. Nakapasa ba kayo in your Filipino subject last year?" mapang-insulto sabi ng dalagita.

"Tss. Place this ugly bitch there!" utos ng boss sa dalawa, itinuro ang wall kung saan nakatulala sa kanila si Nerdy. "And you!" Turo nito kay Nerdy. "Bring our bags to the classroom."

"Boss, babae pa rin iyan. Baka 'di siya makailag sa bola," may malasakit na sabi ni Nerdy.

"Awe. I'm so touch. Ang gentleman mo naman," sagot ni Ria, "Unlike these three unggoy, mga bullies. Pero they seems so lampa naman." Humagikgik pa ang palaban na dalagita na sadyang nang-aasar, lalo namang mamula ang mukha't tainga ng boss. Maputi kasi ito at makinis na halatang anak mayaman, at totoo namang guwapo.

"You're getting into my nerves!" sigaw ni Boss.

Akmang hahawakan na naman siya nina Kawayan at Litson pero mabilis niyang sinalag ang mga kamay ng dalawa, at agad itinulak si Litson kay Kawayan. Bagsak sa sementadong sahig ang kawayan habang nakadagan ang litson dito. Kulang na lang na matuhog ito. Bumubuga naman ng apoy ang boss sa sobrang asar nito.

Pinagpag naman nga ating matapang na bida ang mga palad matapos hipan na may pagmamalaki. "And you! Akala mo it will make you guwapo, if you're bullying us? You're nothing but talunan!" sigaw niya rin dito.

Dumami na ang mga mag-aaral na nakasaksi ng kumosyon. Kung ano-anong kumento ang kanyang naririnig na laban pa sa kanya. Hindi na siya magtataka dahil sadyang mapanghusga ang mga tao base sa itsura. Basta guwapo kahit na bully ay siya pang kinakampihan, gayon ipinagtataggol lang niya ang kanyang sarili.

Oh, so nakalulungkot. This mundo is so unfair sa tulad kong freakiful.

"Evaporate your ugly face now!" sigaw na naman ng lalaking pikon na pikon. Pinaulanan pa siya nito ng laway. Mabuti na lang na mabango ang hininga nito. Amoy bubble gum.

Hindi naman natinag ang dalagita. "Yucky! Amoy patay na mouse ang hininga mo." Pinisil pa niya ang sarat niyang ilong at lalong nalukot ang kanyang lukot nang mukha na tila bahong-baho. Mamaya-maya pa'y tumalikod na siya at agad rin humarap sa lalaki dahil may nalimutan siyang sabihin. Dinuro pa niya ito sa mukha. "You! Ayaw kong makitang that you're bullying him ulit at iba pa." Itinuro rin niya si Nerdy at iba pang mag-aaral.

"Who do you think you are?" sigaw ni Boss sabay tulak nang malakas sa kanya.

Humalik sa sahig ang kanyang pang-upo. "Ouchy!"

Napasigaw din ang ibang estudiyante na agad rin nagtakip ng kanilang mga bibig. Napatakbo malapit sa kanya si Nerdy pero hindi siya nito magawang tulungan.

Tumayo siyang mag-isa't ipinagpag ang kanyang palda. "How dare you, gusutin my skirt? It's not to plantsa this." Agad niyang hinawakan ang papulsuhan ng lalaki sabay talikod para makabuwelo. She flipped him over and tossed to the ground just like a ragdoll. Hindi pa siya nasiyahan at sinipa pa niya sa pagitan ng hita ang nagulantang na lalaki. Napaigik ito sa sobrang sakit na naramdaman at nagmura nang nagmura.

Natulala rin ang mga nakasaksi na parang mga naistatwa. Hindi nila akalain na ang dalagitang payat na iyon ay kayang ibalibag ang matangkad at matikas na binatilyo.

"Lampa!" bulyaw niya rito sabay talikod at hinila pa si Nerdy.

🙉💕🙊💕🙈

DAHIL SA insidenteng iyon ay natunton ni Ria ang Guidance Office. Iyon nga lang, unang araw niya ay nasermunan na agad siya ng butihing Guidance Councilor, kasama ang apat na binatilyo. Napag-alaman na niya ang pangalan; sina Nerdy o Joselito Jacinto, Kawayan oAndrew Luna, Litson o John Bonifacio at Boss o Gabriel Aguinaldo. Matapos ang sermon ay nauna nang pinalabas ang apat at pinaiwan pa siya.

"Miss Del Pilar, we don't accept transferee especially graduating student but we made an exemption in your case, because you are highly recommended by Gen. Antonio Silang, and you have an exemplary academic record. We hope that it won't happen again. Those three boys were in and out of suspension over their stay here already. But we cannot kick them out, as their parents are the main benefactors of this school. So, please, ikaw na ang umiwas sa kanila," mahabang paalala sa kanya ng may edad na ginang bago siya pinalabas.

Palipat-lipat siya ng paaralan dahil kung saan nakadestino ang kanyang sundalong ama ay nandoon din sila. Selosa kasi ang kanyang ina at naniniwala sa sabi-sabi na may babae o pamilya ang mga sundalo kung saan ito madestino. Pinagbasihan na rin ng kanyang ina ang eksperyensang may mga kapatid ito sa iba't ibang panig ng Pilipinas dahil sa palikerong sundalong ama na si Gen. Antonio Silang.

Sabi ng kanyang mga magulang, may dugong bayani raw sila. Kaapu-apuhan siya nina Marcela Silang at Gregorio Del Pilar kaya naman iyon ang ipinangalan sa kanya.  Nasa lahi na nila ang pagiging sundalo o alagad ng batas lalo na ang mga anak na lalaki. Ngunit, nag-iisang anak lang siya kaya bata pa lang ay sinanay na siya ng kanyang ama sa martial arts. Black-belter siya sa Taekwondo, Karate at Kickboxing. Kaya naman kahit na payat siya ay malakas naman ang kanyang katawan, at kahit hindi siya napagkalooban ng kagandahan ng mukha ay nabiyayaan naman siya ng katalinuhan at kabayanihan.  Feeling superheroine ang ating bida. Tagapagtanggol ng mga inaaping mag-aaral.

I gonna iwas-iwas those three unggoy.  Sayang ang first impression dahil sa mga bully na iyon. Hayz!

Paano mo naman iiwasan ang tatlong unggoy kung sa kasawiang-palad ay kaklase pa niya? Nakaabang ang mga ito sa pintuan ng kanilang silid-aralan at humarang sa kanyang daraanan.

"Always watch your back, Monster Duckling, we're not done yet," babala ng ingleserong guwapong palaka.

"Iukit mo in your rocky-hearty and empty-brainy ang pangalang... Marcela Gregoria Silang Del Pilar." Hinawi lang niya itong parang kurtina, dumiretso sa loob ng silid at umupo sa tabi ni Joselito Jacinto, "Ako ang iyong heroine, bff!" Sabay tapik sa balikan nito.

🙉💕🙊💕🙈

UNEDITED
31 May 2020

A/N:  How was it? Should I continue or not?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top