Epilogue
EPILOGUE
CHIANTI'S POV
Tahimik na sumimsim ako sa tasa ng kape na hawak ko. Malamig na ang panahon dahil magpa-pasko narin. Kaya nga kahit saan ako tumingin napapalibutan na ng Christmas decorations ang paligid kahit ilang buwan pa naman bago ang pasko. Kahit pa dito sa Aroma Cafe', ang paborito naming coffee shop ng mga kaibigan ko.
Bahagyang tumaas ang kilay ko ng mamataan ko si Asti na hindi katulad dati na malamang ay busy sa pag kwenta ng kung ano-ano ay nanatiling nakatingin lang sa paligid na parang may malalim na iniisip pero pangiti-ngiti. Si Syrah naman ay nakatutok ang atensyon sa cellphone niya at paminsan-minsan ay napapangiti din na parang natutuwa sa kausap niya. At si Rousanne naman ay umiinom lang din sa hawak niya na frappe pero nagniningning ang mga mata.
"So anong meron at nandito tayong lahat?" pagkaraan ay basag ni Rous sa katahimikan.
Nag-angat ng tingin si Syrah mula sa cellphone niya, "Ang itanong mo kamo eh anong meron at si Chianti pa ang nagkusang mag-aya."
Napapailing na lang ako sa kanila. Kung dati kasi malamang sa hindi ay kulang kaladkarin na nila ako palabas sa lungga ko para lang lumabas ng bahay. Sa sobrang anti-social ko at sa katamaran ko, malamang sa hindi dapat ay late ako kapag nag-aya sila. Pero apat na taon narin kasi ang lumipas. Marami ng nabago. Marami ng nangyari.
Nakakatuwang isipin na sobrang dami na ang nangyari sa buhay namin pero nandito parin kami. Magkakasama, buo, at matatag parin. Hindi naman naging madali para sa amin ang lahat. May pagkakataon na binabalikan parin kami ng multo ng nakaraan. But we have each other and a lot of people to push us and guide us so we can stand up no matter how many times we fall.
"For your information, hindi ako ang nakaisip na magkita tayo ngayon. Ako lang ang nag-aya pero hindi ako ang promotor." sabi ko at inginuso si Asti. "Tanungin niyo 'yan kung anong meron."
Imbis na sumagot sa amin ay nangingiting tinawag ni Asti ang waiter na kaagad namang lumapit sa amin. "Yes, ma'am?"
"Pakidalhan naman kami ng isang buong classic chocolate cake." sabi niya sa lalaki. Nang tumango ang lalaki at tumalikod para kunin ang order ni Asti ay binalingan niya kami. "Sagot ko."
Napuno ng tuksuhan ang table at natatawang pumalakpak pa ako. Bihirang-bihira kay Asti ang manlibre dahil kahit maayos na ang buhay niya ngayon ay talagang personality niya na talaga ang pagiging matipid niya.
Ilang sandali lang ay dumating ang waiter na may dalang isang buong cheesecake. May pigil na ngiti sa labi ng lalaki nang I-abot ang kutsilyo kay Asti bago niya kami muling iniwan. Nagkatinginan kami ng iba pa naming mga kaibigan pero naagaw ni Asti ang atensyon namin nang hatiin niya ang cake sa mismong gitna. Inusog niya gamit ng kutsilyo ang cake para mahati sa dalawa at lahat kami ay napanganga sa nakita.
May dalawang kulay sa loob ng cake.
Bago pa kami makahuma ay may nilabas si Asti sa bag niya at pinag-aabot samin 'yon na tulalang tinanggap naman naming lahat. "Obviously hindi mutant ito kaya hindi ko pa alam sa dalawang 'yan kung alin diyan ang gender. Pero iniinvite ko na rin kayo ng maaga dahil gusto ko prepared kayo sa magiging regalo niyo sa inaanak niyo."
Napuno ng tilian ang kinaroroonan namin at halos sabay-sabay namin siyang sinugod ng yakap. Napuno ng luha ang mga mata ko at nakita kong gano'n din ang mga kaibigan ko na tumutulo na ang mga luha mula sa mga mata nila. I looked straight into Asti's eyes and hold her hand tight.
She deserves all the happiness. Sa lahat ng ginawa niya para sa amin at para sa iba pa.
Years ago we all sat here with the nightmares just behind us...lurking and waiting for a chance to claw at us. Noon habang kaharap ko sila, paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko na may 'mas' silang deserve. That we all deserve more. That we all deserve better.
Now we have exactly that. We got what we all been longing for. And that is because we all manage to take the hands waiting for us on the doors that are wide open just waiting for us to take it.
Hindi na namin kailangan matakot sa sarili naming anino. Hindi na namin kailangan mangamba sa paglingon sa nakaraan. Kasi alam namin na sa hinaharap...malaya na kami.
Nanatiling pinagmamasdan ko ang mga kaibigan ko habang masayang nagkukuwentuhan kami. Hindi katulad noon na wala kaming masabing masaya sa isa't-isa kada pupunta kami dito. Na ang lugar na ito ay tanging ang paghihirap lang namin ang narinig. Pero ngayon...nakikita ko ang kasiyahan sa kanila.
We all can talk about normal things now. We're not Exquisite girls anymore. We no longer have that nightmare. What we have now is just a past that no longer define us. Because what we are now are women that are strong enough to stand without cowering in fear. Women that faced all the thunder in their lives.
"I think I need to go guys." I told them with a smile as I look at my wristwatch. "May dadaanan pa kasi ako eh."
"Me too! Kanina pa ako minamadali ng mga naghihintay sakin." natatawa namang sabi ni Rous.
"And that's my cue too." si Syrah na inaayos na ang mga gamit niya.
"Malamang aalis na ako eh lalayasan niyo na ko. Mga bruhildang 'to."
Tinwanan lang namin ang sinabi ni Asti dahil alam naman namin na for sure may mga naghihintay din sa kaniya. Tumayo na kami at hinintay lang makabayad si Asti bago sabay-sabay na kaming lumabas ng lugar na iyon.
Nang makarating sa labas ay nagkatinginan kaming apat. Wala ni isa sa aming kumilos bago naiilang na sumigaw si Syrah at itinaas pa ang mga kamay. "Group hug!"
Alam kong pinagtitinginan na kami ng mga tao pero walang may pakielam sa amin at nagyakapan lang kaming apat doon. Nang maghiwalay na kami ay binigyan lang namin ng ngiti ang isa't-isa at wala ng salita pa na tumalikod at naglakad palayo.
Papunta sa sari-sarili naming mga buhay. Sa mga direksyon na pinili naming tahakin. Sa lugar kung saan naghihintay sa amin ang walang katapusan na bukas at posibilidad.
Pero kahit saan man kami dalin ng mga paa namin, alam namin sa huli na magkikita at magkikita parin kami. Dahil kahit ano pang mangyari alam namin na hindi kami mawawala para sa isa't-isa.
Dumiretso ako sa sasakyan ko at pinaandar ko iyon paalis. May kailangan pa kasi akong daanan. Mabuti na lang malapit lang sa Aroma Cafe' at wala na akong dadaanang traffic. Hapon narin kasi at pa-rush hour na.
Kagaya ng inaasahan ay hindi naman nagtagal at nakarating narin ako sa pupuntahan ko. I grabbed the flowers on the passanger seat and I small smile crept on my lips when a familiar wind greet me when I stepped out of my car. Walang pagmamadali na nilakad ko ang malaking field. I can feel the grass grazing my ankle as I walk through them.
I looked at the sky at the same time another breeze hugged my body. I welcome it because I recognized it now like a silent greeting.
Huminto ako nang marating ko ang dulo ng tinatahak kong daan. Umuklo ako sa damuhan at bahagya kong pinalis ang ilang ligaw na dahon na tumatabing sa lapida sa harapan ko. Binaba ko ang bulaklak na dala ko sa tabi niyon.
"Akala mo hindi ako dadating no? Pwede ba naman 'yon eh anniversary. Hindi ko nga lang nadala ang food kasi baka masira dahil may dinaanan pa ako bago pumunta dito." I closed my eyes when my hair ruffled with another gust of wind as if it's answering me. "I met with the girls. Nakakatuwa na okay narin sila ngayon. I'm happy for them. Alam mo pag nagkikita kami noon, kahit nakangiti kami o nagtatawanan...alam namin lahat na temporary lang ang kasiyahan na meron kami. It's like a part of us fear to be happy before. Kasi baka biglang bawiin. Nakakatakot na baka mas malaki ang kapalit. Now we can just be happy just because we are happy. Just because we should be...we deserve to be. Because a lot of people did their best for us to be exactly that. To be happy, to love freely."
I touched the cold gravestone in front of me and traced the letters written in there with my finger tips. "You're one of the reason why I'm bursting with so much happiness now. Why I'm still here fighting life head on. Sana nga lang nandito ka. Sana kasama kita. But even though that can't be, I know in my heart that you're watching over us."
"Mommy!"
Tinukod ko ang kamay ko sa tuhod ko at tumayo ako nang marinig ko ang boses na tumatawag sa akin. Nakangiting hinarap ko ang pinanggalingan niyon at sinalubong ko ang tumatakbong bata na palapit sa akin. His chubby hands are stretched out in front of him as if he want to get to me fast but his little feet can't move quickly. He stumbled and fell to the grass and a smile curved my lips when I saw his face starting to get red. Alam kong any moment ay iiyak na siya. His temper matches his red hair. Just like mine do.
He looked at me, his chocolate eyes brimming with tears. I was in no hurry. Pamilyar na sa akin ang ganitong mga tagpo at bilang ina, alam ko kung kailan siya talagang nasaktan. I clapped my hands in front of me and even with the tears, he tried to get up so he can walk towards me.
Muli siyang tumakbo palapit sa akin pero bago pa siya makalapit ay umangat na siya mula sa lupa nang magawa na siyang sundan ng ama niya. Hawak siya sa isang braso habang sa isa naman ay may hawak ang lalaki na basket. "Did you get hurt, Maverick?"
Lumapit ako sa kanila nang tuluyan ng pumalahaw ng iyak ang bata habang ang ama naman niya ay napuno ng pag-aalala ang mga mata. If he's a worrier when it comes to me, doble pa iyon pagdating sa anak namin.
Kinuha ko sa kaniya si Mave na automatikong tumahan nang kargahin ko. Yumakap ang mga kamay niya sa leeg ko at nangingiting sinalubong ko ang tingin ng mukhang nakahinga ng maluwag na asawa ko. "Seriously, Gaige, you need to stop being a worrier kung ayaw mong maagang tumanda."
He rolled his eyes at me and wrapped his arms around my waist. Magaan niyang hinalikan ang pisngi ko pero parehas kaming natawa ng hawiin ni Mave ang mukha niya para lumayo. "Hey, kiddo, mommy's mine too."
Nakanguso na nilingon ng bata ang ama niya, "Mine!"
I just laughed at them and started to walk back on Vicky's gravestone. Death anniversary niya kasi ngayong araw na 'to. Nauna na ako dahil mas malayo ang pinanggalingan nila Gaige at isa pa sila ang may dala ng pagkain.
Nang makabalik sa kinaroroonan ni Vicky ay ibinaba ko na si Mave na kaagad naman naglaro sa damuhan. Kinuha ko kay Gaige ang basket at tinulungan ko na siyang mag set-up no'n. Ganto kasi ang ginagawa namin kada anniversary ni Vicky.
"Hey, Vic. Masarap ang dala naming pagkain ngayon. Though may chicken nuggets din kasi request ng apo mo." bati ni Gaige at umupo na sa damuhan kung saan ko nilatag ang picnic blanket.
Umupo ako sa tabi niya at kaagad namang pumalibot ang isa niyang braso sa akin. Nag-angat ako ng paningin at nginitian siya bago ko binalik ang atensyon ko kay Mave na naglalaro parin habang si Gaige ay nagpatuloy sa paghunta kay Vicky.
"Maverick is growing well. Manang mana nga lang sa nanay kaya makulit din. Mabuti na lang at Maverick Victor ang pangalan ng isang to para bumait."
"So hindi ako mabait?" naniningkit ang mga matang tanong ko kay Gaige.
"Shh. Tignan mo na lang si Mave, busy kami ni Vicky dito."
Siniko ko siya at natatawang umiwas naman siya. Pinaikot ko ang mga mata ko at bahagya akong lumayo para sa kaniya para kunin si Mave na nagpapasag naman. Hinapit ko palapit sa katawan ko ang anak ko at sumandal kay Gaige. I looked up at him and like always, his rich chocolate eyes greeted me with warmth.
That would always be my favorite color. The color that will always be the most vibrant in my life. Ipinagpapasalamat ko sa araw-araw na nakikita ko parin ang mga matang iyon sa kaniya at sa anak namin. Everyday I thank the heavens for giving us time. A lot and lot and lot of time to be together and create a family.
Four years ago, I thought I lost him forever. When I heard the deafening sound of him flatlining I thought I would never see colors again. At that time everything was just monochrome as if he drained everything with him. And I thought that I will bury those with him too.
Pero bumalik siya. He didn't broke his promise. He fulfilled my last wish and stayed alive for me.
Exquisite rob me and pushed me down to a horrendous life. When Gaige found me and saved me, they tried to steal even him from me. Pero hindi nila nagawa. Dahil sa pagkakataong ito, hindi kami ang talo.
A contract ending does not free you from the nightmare of your life. The only thing that can stop those nightmares is the end of what started it. And now we have that. We are all free from Exquisite.
Hinalikan ko ang mga pisngi ng tatlong gulang na anak ko na humahagikhik na yumakap naman sa akin. Naramdaman kong may pumalibot sa amin na mga braso at kasunod niyon ay ang pagsubsob ni Gaige sa leeg ko. "Hey, angel."
"Yes?"
Bahagyang kumawala ang lalaki at may nilabas mula sa basket na maliit na kahon. Binuksan niya iyon at may inilabas at napahagalpak ako ng tawa sa nakita. Inside is a cake with a deformed cat and abstract heart topper. Iyong nakalagay sa itaas niyon ay ang parehas na nakalagay no'n sa wedding cake namin.
"Naisipan 'yan ni Giovanni kanina. Naalala ko na hindi din pala natin nakain 'yung cake para sa kasal natin noon kaya gumawa ng mini version si Giovanni. Hiniram ko na lang 'tong wedding topper natin sandali mula sa frame."
"Malayo pa ang anniversary natin ah."
"Do we ever need an occasion for a surprise?"
Napangiti ako sa sinabi niya. Everyday is a surprise when I'm with him. Pakiramdam ko araw-araw laging may okasyon. He love spoiling me and our baby. While I love giving him another reason...or person to spoil.
Katulad na lang ngayon.
"Gaige?"
"Yes, angel?"
"What do you think of the name Harlan? And for a girl...I think I love Sienna."
Sandaling nakatingin lang sa akin si Gaige na parang hindi niya pa maintindihan ang sinasabi ko. Pagkaraan ay nanlaki ang mga mata niya at napasigaw. Napapitlag sa gulat si Mave pero imbis na umiyak ay mukhang nadamay para sa kasiyahan ng tatay niya at akala ata ay maglalaro sila dahil basta na lang siyang tumalob kay Gaige.
Gaige throw Mave in the air and catch him as our son giggled in response. "Really? You're pregnant again?"
Sunod-sunod na tumango ako. Hindi ko na iyon sinabi muna sa mga kaibigan ko kanina dahil moment iyon ni Asti. And of course...I want Gaige to be the first one to know. It was as of I was transported back when I told him that I'm pregnant with Maverick. His eyes were light with joy as he is now.
As if I just gave him everything. Again.
Hinila ako palapit ni Gaige at sa isang iglap ay hinalikan ako sa mga labi. I closed my eyes and savored his kiss. After a while both our lips curved into a smile when little chubby hands are trying to push Gaige away from me again.
"Mine!" Mave said to this father.
Naiiling na hinalikan ni Gaige ang ilong ng anak namin bago muling yumakap sa akin at sumubsob sa leeg ko. Pinikit ko ang mga mata ko at niyakap ko rin siya ng mahigpit pabalik.
"Thank you, Chianti."
I gently caressed his hair through my fingertips and looked up into the sky, the sun shining bright on us. "Thank you."
I'm glad that I found my way through Gaige. Nagawa kong mahanap ang ako dahil sa kaniya. Hindi man naging perpekto ang buhay ko, madami mang beses na gusto ko ng sumuko, masaya ako na may mga taong dumating sa buhay ko na hindi ako hinayaan. Para sa pagkakataon na ito. Para sa pagkakataon kung saan mahahanap ko na ang dapat para sa akin.
I would always be the Chianti who went all through that pain. I would always be the woman who got broken over and over again. But I'm also Chianti Hendrix. A wife...and a mother.
Hindi mawawala ang takot sa akin. Hindi lang para sa sarili ko kundi para sa pamilya ko. Hindi dahil sa kung ano pa man...kundi sa katotohanang marami sa mundo ang hindi ko magagawang kontrolin. Gaige and I can't shield our children from all the bad things in the world.
Pero sigurado ako sa iisang bagay.
Walang habang-buhay na paghihirap. Kung gugustuhin mo, kung iaangat mo ang mga kamay mo, sigurado ako...sigurado ako na may nakahandang mga kamay na tutulong sa'yo para mahanap mo din ang ikaw. Para magawa mong makabangon. So you can find the place where you can see the vibrancy of colors...in the arms of those that will complete the pieces of you.
"I love you, husband."
"As I love you, wife."
END
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top