Chapter 5: The Loopy
CHAPTER 5
CHIANTI'S POV
Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa bago kong natapos na painting. Wala namang problema sa painting. Sa katotohanan ay maganda ang pagkakapinta ko roon na para bang hindi larawan lamang kundi totoong tao ang nasa harapan ko. Iyon nga lang, isang nude painting and nalikha ko. And no, that's not the major problem. The problem is I used Gaige Hendrix as a model for my craft.
I don't even know why I used him. Basta natagpuan ko na lang ang sarili ko na ipinipinta ang mukha ng binata. And now it's finished and I have a huge nude painting of a man I just met twice. Perfect.
"Anong tinitingin-tingin mo diyan?" tanong ko sa painting kung saan nakadapa ang hubad na lalaki at nang-aakit na nakalingon sa akin. "Kapag nagkastiff neck ka hindi ko na kasalanan."
Tumayo na ako at naglakad papunta sa kusina. Iniwasan ko ang mga brush, paint canister at kung ano-ano pa na nakaharang sa daraanan ko. Nang makarating roon ay kaagad kong tinungo ang refrigerator at kumuha ng malamig na tubig para uminom.
"Wew! Bakit ba ang init?" Tumingin ako kay Mr. Snipes na kapapasok lang sa kusina. "Naiinitan ka din?"
Saglit na tinitigan niya lang ako pagkatapos ay taas ang buntot na tumalikod siya at iniwan ako na mag-isa.
Pinaikot ko ang mga mata ko. Nagmana na ata sa akin ang pusang iyon. Hindi naman imposible dahil ako lang naman ang nakakasalamuha niya. Nang minsan naman na subukan ko siyang ilabas ay halos kalmutin na niya ako sa inis dahil naiingayan siya sa mga tao. Gusto niya lang talaga dito sa bahay at nilalaro ang mga laruan niya.
Dala ang baso ng tubig na bumalik ako sa living room. Muntik ko pang mabitawan ang dala ko nang mapatingin ako sa painting. "Bakit ka ba nanggugulat?!"
Impit na napatili ako sa inis. Kailangan kong kumalma. At hindi ko magagawa iyon habang nakikipagtitigan sa Gaige Hendrix na ito. "Makapunta na nga lang sa The Corner bago pa ako tuluyang mabaliw dito."
Hindi na ako nag-abalang magpalit pa ng damit dahil malapit lang naman ang The Corner dito sa condominium na tinutuluyan ko. Kinuha ko na lang ang susi at wallet ko at pagkatapos ay umalis na ako.
Walking distance lang ang The Corner, isang shop kung saan makakabili ng mga hobby materials, movies, books, at music albums. Bihira nga lang ako sa kanila bumili dahil mahal ang mga tinda nila. But since I don't have plans to drive and go to the mall, okay na rin na sa kanila na lang ako bumili.
Nang makarating roon ay agad napako sa akin ang paningin ng dalawang empleyado at dalawa pang mamimili. Hindi ko na lang sila pinansin at kumuha na ako ng basket pagkatapos ay dumiretso sa hobby section.
"Buti naman kumpleto." bulong ko habang inilalagay ko sa basket ang mga paint na kailangan ko. Iyong iba kasi ay naubos ko na at ang iba naman ay paubos na. Kailangan may stock talaga ako dahil mahirap na kapag bigla na lang akong tinamaan ng kasipagan para magpinta.
Nang makuntento na ako ay lumapit ako sa cashier at inilagay ko roon ang basket. Dumako ang tingin ko sa banner ng tindahan at wala sa sarili na nagsalita ako, "Bakit The Corner ang pangalan ng lugar na ito kahit nasa gitna kayo ng dalawang shop? Wala naman kayo sa corner. Weird."
Napakamot sa ulo ang lalaki na nasa likod ng counter. "Po?"
Kumurap ako. "Nevermind. Pakiswipe na lang ang mga ito. Titingin lang ako ng mga movie doon."
"Eh Ma'am pwede ho ba na pagkatapos niyo na lang tumingin at saka ko i-swipe?"
Tinitigan ko ang lalaki na ngayon ay hindi na mapakali sa pagkailang sa kinatatayuan niya. "Kung natatakot ka na i-ka-cancel ko ang mga ito 'wag kang mag-alala dahil hindi ko gawain iyon."
"Ma'am...ano kasi patakaran lang po."
Napakamot ako sa pisngi ko sa pagkaasar. Mukha ba akong walang pambayad? Eh ano kung puro patak ng pintura ang damit ko at gupit-gupit ang pantalon na suot ko? It's a free country I can do what I want, yow!
Inabot ko sa kaniya ang wallet ko. "Iiwan ko sa iyo iyan at nang mapanatag ang loob mo. Kabisado ko ang laman niyan kaya huwag na huwag kang magtatangka kahit kumuha ng piso diyan. Naiintindihan mo?"
"O-Opo."
Tinalukuran ko na siya at dumiretso ako sa stante ng mga movie CD and DVD. Nang makapilit ako ng gusto ko na pelikula ay lumiko ako papunta sa kabilang stante. Napakunot ang noo ko ng makita ko ang tambak-tambak na libro roon. "Wow. May bibili kaya ng mga ito?"
I'm really not a fan of books. Bumibili ako pero kalimitan sa mga iyon ay buwan ang lumipas bago ko natapos basahin. Inaantok kasi ako kapag nagbabasa ako. Isa pa mas gusto ko talaga iyong nakikita ko at hindi nababasa ko lang.
Sinuri ko ang mga libro sa harapan ko. Maraming English books pero lamang ang mga tagalog na libro. "Aba okay rin. Hindi na lang pala pocketbooks ang meron dito sa Pinas. May pang hindi na 'pocket' naks." bumubulong na sabi ko habang tinitignan ang mga makakapal na libro sa harapan ko.
Napatil ako sa ginagawa kong pag-aanalisa sa mga libro nang may maramdaman akong nakatingin sakin. Nalingunan ko ang isang babaeng may hawak na foreign book at ngayon ay tila naweweirduhang nakatingin sa akin. "Mawalang galang, Miss. Kung ako sa iyo pag-iisipan ko muna kung iyan ba ang bibilin mo." tinuro ko ang mga libro sa harapan ko. "Tignan mo ang mga ito. Tagalog."
Nag-aalinlangan na nagsalita siya, "Ang corny po kasi."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Porke Tagalog, corny na? Subukan mo muna bago ka magsalita. Aba, sariling atin ang mga ito. Sino pa ba ang susuporta sa mga manunulat natin dito sa Pilipinas kung hindi tayo rin?"
Mukhang nadala naman sa madamdamin kong sales talk ang babae dahil kumuha siya ng tatlong libro na tagalog at nakangiting nagpaalam sa akin. Nang mawala na siya sa paningin ko ay hinarap ko ang mga libro at kinausap ang mga cover niyon. "O, ayan pinromote ko na kayo. 'Wag niyo akong kokonsensyahin na hindi ko kayo bibilin dahil hindi talaga tayo talo."
"Bakit naman?"
"Artist ako pero sa ibang paraan ako nagdedescribe at hindi iyon sa pamamagitan ng letra. Nahihilo ako sa libro. Saka puro love story. Kahit horror na puro zombies ang bida, love story pa rin ang nagiging ending."
"Marami namang libro na hindi love ang topic."
"Weh? Maniwala ako sa'yo-" kunot noong napatigil ako sa pagsasalita at inilapit ko ang mukha ko sa cover ng isang libro sa tapat ko na may nakangiting lalaki. "Teka nga. Nagsasalita ka ba?"
"Silly. Turn around."
Napadiretso ako ng tayo at umikot ako. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang naroon. "G-Gaige? Bakit nandito ka? Stalker ka ba? Kanina lang nakahubad ka sa condo ko-" natampal ko ang bibig ko."I-I mean...ano...ako. Ako! Kanina nakahubad ako sa condo ko!"
Pakiramdam ko ay umuusok na ang mukha ko sa sobrang pagkapahiya nang hindi lamang si Gaige ang naguguluhang nakatingin sa akin kundi ang iba pang mga namimili pati na ang dalawang empleyado ng The Corner.
"O...kay?" Gaige said with a confused look.
Pilit na ngumiti ako at kinumpas ko ang isa kong kamay. "Huwag mo na lang akong pansinin. Napuyat kasi ako sa pagpinta ng hubad mo-Ang ibig kong sabihin ang hubad na...hubad..." I closed my eyes tight and took a deep breath before opening it again. "Can we just start again and forget about the naked stuff?"
Umangat ang sulok ng labi ng lalaki. "Sure."
Nakahinga ng maluwag na tumango ako. "So what are you doing here?"
"I'm here to buy a book for my niece and no I'm not a stalker."
"We should forget the stalker part too."
His smiled didn't widened but his eyes crinkled with amusement. "Okay. So, yeah, I'm just about to buy a book for my niece. Galing na kasi ako sa mall pero wala pa rin akong makita ng pinapahanap niya."
"Oh."
"And before you lecture me about the importance of patriotism, Tagalog na libro talaga ang hinahanap ko."
Gusto ko ng lumubog sa kinatatayuan ko. He was not just hit by my scattered brain moments by talking to book covers, saying unnecessary things to him, calling him a stalker, he also witnessed my patriot scene with that customer.
"Well that's good then." pilit na pinapapormal ang boses na sabi ko. "Paano, mauna na ako ha? May gagawin pa kasi ako. Nice to meet you again Mr. Hendrix."
Bago ko pa siya matalikuran ay nahawakan na niya ako sa braso. Bumaba ang tingin ko roon at kaagad naman niya akong binitawan. "You're name is Chianti, right?"
Kumunot ang noo ko. "Paano mo nalaman?"
"Nakalimutan ko kasing itanong sa iyo last time na nagkita tayo. So I asked Lindsey about you and she said that your name is Chianti."
Ilang sandali na nakatingin lang ako sa kaniya. Perfect pronounciation. "Well, yes, she's right."
"And your surname?"
Umiling ako and smiled at him. My practiced smile. "I don't give out my surname. Kahit si Lindsey ay hindi iyon alam."
Nasanay na ako na itago ang totoong pangalan ko, lalo na ang apelido ko. Sa Exquisite ay tanging ang deparment head namin at ang tatlong founders lamang ang nakakaalam ng totoong pangalan namin. Hindi rin namin maaaring sabihin sa mga magiging kliyente namin ang kahit na anong personal na impormasyon tungkol sa amin. Sa labas naman ay kami ang may hawak ng desisyon kung gagamitin ba namin ang totoo naming pangalan o hindi.
As for me, I don't give out my full name to anyone. Kahit ang mga empleyado ko sa gallery ay kilala lang ako bilang Chi. Sa mga bumibili naman ng paintings ko ay pinapapirma namin sila sa isang form kung saan mayroon silang kopya at meron din ako. Then I'll give them my account number. The bank will not give any personal information about me either and besides my account is named after the gallery.
Gaige stared at me for a few moments before he finally spoke. "Okay. So Chianti without a surname, bakit ayaw mong bumili ng libro?"
Pilit na tinatawag ko ang katarayan ko na kadalasang lumalabas sa mga ganitong pagkakataon pero ayaw niyong lumabas na para bang nahihiya sa mapang-akit na mga mata ni Gaige. "Mas gusto ko ang movies."
"Marami din namang love story na movies."
"Oo nga. Pero hindi nakakasawa dahil dalawang oras lang ang itinatagal. Hindi katulad sa libro na nakuha na ang isang buong araw ko ay hindi pa rin nagkakatuluyan ang mga bida."
"Then why don't you try an inspirational book?"
"Boring."
May inabot siya mula sa estante ng foreign books. Iniharap niya sa akin iyon. "Don't throw a fit but why don't you try this? Something To Smile About by Zig Ziglar."
"Boring." I repeated.
"Subukan mo muna bago ka magsalita." Pinaningkitan ko siya ng mga mata dahil inulit niya lang ang sinabi ko sa bumibili kanina. "How about I buy this for you? Tapos sabihin mo sa akin kung boring."
Pinaikot ko ang mga mata ko. "Fine. Pero bumili ka din ng tagalog na libro dahil kailangan mo ding suportahan ang sariling atin."
His eyes did another crinkled. "Call."
May kinuha siya na isang tagalog na libro at bitbit iyon pati na ang libro na pinakita niya sa akin na nagtungo siya sa counter. Lumapit rin ako roon at ibinaba ko sa harapan ng empleyado ang dala kong mga CD. "Magbabayad na ako."
"Yes, Ma'am."
Iniswipe niya na ang mga CD at ibinigay sa akin ang wallet ko. Nagbayad na ako at ng akmang ilalagay iyon ng empleyado sa isang plastic bag ay pinigilan ko siya. "Don't you know that thing chokes the environment? I want a paper bag."
"Ma'am wala po kasi kaming paper bag."
"Then eco bag."
"One hundred pesos po Ma'am ang isang eco bag dito."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Eco bag."
Namumutlang sinunod na ako ng empleyado at inilagay ang mga pinamili ko sa eco bag. Nang matapos siya ay humarap ako kay Gaige Hendrix na ngayon ay titig na titig sa akin. "What?"
"Nothing. You're just fascinating."
Sinimangutan ko siya. "Whatever."
Naiiling na iaabot niya na sana sa cashier ang mga bibilin niya ng may tumawag sa lalaki. "Gaige, baby!" Nilingon ko ang tumawag at nakita ko na si Lindsey iyon. Pumulupot ang braso niya sa braso ni Hendrix at nginitian ako pero halata na peke iyon. "Chianti, what a small world!"
"Yeah." walang-ganang sabi ko.
Binalingan niya si Gaige. "Gaige, baby, pwede bang umalis na tayo? It's so init kasi. You know naman na hindi ako nakakatagal kahit isang oras sa ganitong init."
Gusto kong tumawa sa sinabi niya. Kung hindi ko lang alam na minsan siyang nagkaroon ng kliyente na ang trip ay sa sauna nila gawin 'iyon'.
"Sure. I'll just buy this for Chi-"
Pinutol ko ang sasabihin ng binata. "No, it's okay. I don't really like books. Ang mabuti pa ay mauna na kayo at baka mawalan pa ng malay si Lindsey."
Tumango-tango naman ang dalaga at sumandal sa lalaki na para bang isang linggo nang hindi nakakakain para manghina na siya. "Oo nga, baby. I'm so nahihilo na talaga."
Tumingin sa akin si Gaige. May iritasyon sa mga mata niya pero hindi rin ako nakakasiguro. "See you around, Chianti."
"Halika na, baby!"
Wala ng nagawa ang binata nang hilahin na siya ni Lindsey palabas ng shop. Nang matiyak ko na wala na sila ay kinuha ko ang libro na pinakita sa akin ni Gaige kanina at inabot ko iyon sa cashier. "Bibilhin ko ito."
_______End of Chapter 5.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top