Chapter 35: The End
A/N: May Epilogue pa <3
CHAPTER 35
CHIANTI'S POV
Nag-iwas ako ng tingin kay Asti na titig na titig sakin habang walang tigil sa pagkain ng hawak niyang bowl ng sliced fruits. 'Yong dalawa naman nasa malaking kama ko habang nanonood sa laptop ko ng movies. Tapos na silang ayusang tatlo at ako na lang ang hinihintay nila.
"Ma'am lagyan pa natin ulit ng concealer ha? Masyado ata kayong na-excite sa husband-to-be niyo kaya hindi na kayo nakatulog."
Nasamid ako sa sinabi ng bakla kong make-up artist at sunod-sunod akong napaubo. Alam ko na iba ang tinutukoy niya pero konti na lang tatama na siya kung bakit nangingitim ang mga mata ko. Halos wala kasi talaga akong tulog. Ang haharot niyo kasi ni Gaige.
Buti na lang talaga at nakaalis si Gaige bago dumating dito ang mga kaibigan ko. Malamang kasi sa hindi nasermunan na nila ako. Maaga siyang umalis at ako naman bumalik sa pagtulog. Dapat bandang nine oclock gising na ako pero tinanghali na ako ng gising kaya after lunch na din nag start ang mga stylist para ayusan sila habang ako naman ay nahuli. Mabuti na lang five thirty pa ang simula ng kasal.
Napatingin ako kay Asti nang maramdaman ko parin ang mabigat niya na pagtitig habang harabas na ngumunguya. Wala man lang ka finesse-finesse kahit na sobrang postura niya ngayon. Pakiramdam ko nababasa niya ang isip ko kaya nag-iwas ulit ako ng tingin. "H-Ha? Oo. Excited na ako ikasal ulit eh."
"Siguro ang gwapo ng magiging asawa niyo ma'am. Ang ganda niyo din kasi eh. May picture kayo?" Napangiti ako at inabot ko ang phone ko. Binuhay ko ang screensaver no'n kung saan nandon ang picture namin ni Gaige. Pinakita ko 'yon sa make-up artist na napatili ng malakas. "Ang yummy!"
Hindi ako kumontra sa sinabi ng binabae dahil sino ba ang magtatangkang itanggi ang kagwapuhan ng asawa ko? Nababalatubalani akong napatitig sa cellphone ko at hindi ko na napigilang hindi mapabulong habang pumapasok sa isip ko ang mga naging kaganapan kagabi. "Yum."
"You!"
Napalingon ako kay Asti na nakaturo sakin ngayon habang naniningkit ang mga mata. Pinandilatan ko siya ng mga mata nang makita kong saglit na napatigil sa panonood sila Rous at Syrah na napatingin sa amin dahil sa bigla niyang pagsigaw.
Hindi pa nakuntento ang babae at lumapit siya sakin para kurutin ako sa tagiliran dahilan para mapahiyaw ako. "Asti ano ba?! Kakagatin kita!"
"Anong ginawa mo kagabi?" bulong niya sakin.
"Wala. Natulog saka nanood lang ng movies." sabi ko pero hindi ko magawang makatingin sa kaniya ng diretso. Para kasing basang-basa na niya ang nasa utak ko eh.
"Bahala ka, Chi. Hindi ka sumusunod sa pamahiin."
Napaangat ang kilay ko. "Ikaw naniniwala? Akala ko ba ang pinapaniwalaan mo lang eh yung mga bagay na nakagawa ng epekto sa buhay mo."
"Naniniwala ako kasi sabi ng kapitbahay ko wag daw akong magwawalis sa gabi kasi mawawalan ako ng pera. Ayon hindi ko sinunod, kinabukasan nawalan ako ng pera kasi siningil na ako ng landlady ko."
Pinigilan kong mapakamot sa pisngi at paikutin ang mga mata ko dahil alam kong maiistress ang stylist ko na pokus na pokus sa ginagawa niya. Minsan ang sarap din talagang alugin nito si Asti eh. Pero kaya siguro nagkakasundo-sundo din kaming apat kasi pare-parehas kaming wala sa tamang katinuan.
"Nagkataon lang 'yon. Kasal na naman kami ni Gaige kaya ano pang pipigilan ng tadhana?"
Hindi naman sa binabalewala ko ang mga pamahiin. Wala din naman kasing mawawala kung susundin. Pero I don't think na may mangyayari nga kung susuwayin. Wala naman kasing accuracy ang mga sinasabi nilang 'patunay' tungkol sa mga iyon. Lahat naman coincidence lang.
"Bahala ka." sabi ni Asti kalaunan na napapailing.
Sinamaan ko siya ng tingin. Pakiramdam ko pa naman nagbabadiya ang emosyon ko ngayon. "Wag mo nga akong takutin. Kumain ka na lang diyan."
"Whatevah."
She plopped down on her chair again and started eating. Ako naman ay hindi naglikot at pinagmasdan ko na lang ang ginagawa sa akin ng stylist ko. I'm used to putting heavy make-up on my face dahil sa trabahong meron ako. Pero imbis na gano'n ay nananatiling light lang ang nilalagay sa akin ng stylist na para bang ine-enhance niya lang ang canvas na meron siya. And when he's done with me...it was as if I'm another version of myself.
Nanatiling titig na titig ako sa babae sa harapan ko. It's not as if I don't know her. Ang pakiramdam ko lang ay isa siyang parte ng pagkatao ko na matagal kong naitago...o hindi napagtuunan ng pansin dahil sa mga bagay na mas nangingibabaw sa buhay ko. She's the woman that I've been hoping to be me. A woman who's strength was chiseled from the path of flames that she had to pass through to get to what she is now. Resilient but at the same time there's grace and softness in there. That no matter how strong she accepts she is now, she also recognized that her weaknesses are not a burden anymore. That she don't need to carry everything on her shoulders because she has someone who she can share it with now.
"Let's put you in your wedding dress now, Chi." I heard Syrah whispered at me. Kasabay ng paglabas ng stylist ko at ang kasamahan niya ay tinulungan akong makatayo ni Asti at Syrah habang si Rousanne naman ay hawak na ngayon ang nakaladlad ko na wedding dress.
I was transfixed with it that I didn't even utter a word and just stared at it. The dress was off shoulder but its sleeves that was cut down to my elbows are made of the softest and lightest of material. The top was a bit sheer but it was covered by tiny flowers scattered on the bodice. On the other hand the waist to the bottom was huge and styled as if it was made for a princess.
Pigil ang emosyon na tinanggal ko ang roba ko para isuot iyon. Tinulungan ako ng mga kaibigan ko at nang magawa ko na iyong masuot ay marahang idinampi ko ang mga kamay ko sa tela niyon. I looked up and I saw my reflection on the mirror in front of me.
Kahit minsan sa buhay ko ay hindi ko naisip na dadating ang araw na ito. Hindi ko kailan man naisip na para sa akin ang kasal at pagpapamilya. Akala ko kasi imposible. Akala ko kahit kailan hindi mangyayari. I was young when those kind of dreams were crushed into pieces. Pero ngayon...nahanap ko na ang mga pirasong 'yon. Dahil kay Gaige.
I felt something wrapped around my wrist and I look up and saw Rous clasping a bracelet with blue rhinestones on me. "Something blue."
"Something new." sabi naman ni Syrah at may kinabit na kumikinang na pin sa buhok ko.
Si Asti naman ay may kinabit na brooch sa top ng wedding dress ko. Korteng four leaf clover iyon na puti dahil napapalibutan iyon ng maliliit na crystal. "Something borrowed."
Namuo ang luha sa mga mata ko pero pinigilan ko ang emosyon na nais kumawala sa akin at binigyan ko sila ng ngiti. I'm glad that I have them here with me. Dahil marami man ang ipinagkait sakin ng mundo...masaya ako kasi nagawa ko silang makilala. "Thank you."
Nag-iwas ng tingin si Rous at Syrah habang si Asti naman ay sunod-sunod na kumurap. Naiiling na napangiti ako nang sunod-sunod siya na pumalakpak at pagkatapos ay tumalon-talon pa siya sa kinatatayuan niya na para bang sasali siya sa marathon kahit na ba nakadress siya. "Let's go people! Tama na ang drama."
Ibinigay nila sa akin ang bouquet ko na nag-iisang bouquet sa kasal na kulay pula ang mga bulaklak. Inalalayan nila ako hanggang makarating sa wedding car na naghihintay kung saan maghihiwalay na kaming apat dahil may sarili kotse silang sasakyan. Tinulungan nila akong makapasok na sa loob ng sasakyan na hindi naging madali dahil sa haba at laki ng suot kong gown.
"Ready, ma'am?"
Nakangiting sinalubong ko ang tingin ng driver ni Gaige na si Gil at tinanguhan ko siya. Pinaandar na niya ang sasakyan at tahimik na tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Hindi naman kalayuan ang hotel sa mismong simbahan na nasa bungad lang ng Batangas. Gaige and I will be saying our vows at Calaruega's Chapel on the Hill. Initially I wanted the Calaruega Church on the Hill but when I saw the open chapel na mas nasa bungad kesa sa Church on the Hill, I immediately fell in love. Mabuti na lang din dahil kasalakuyan ng inaayos ang Church on the Hill dahil may kasal na magaganap din doon kinabukasan.
May sumilay na ngiti sa mga labi ko nang mamataan ko ang papalapit na entrance ng Calaruega. The place was nestled in the midst of the mesmerizing beauty of nature. Lumiko ang kotse doon at pagpasok pa lang ay kita ko na ang mga nakaparadang sasakyan.
Pili lang ang inimbitahan sa mismong kasal. Ang iba pang mga bisita ay sa reception na naghihintay. Pumarada ang wedding car sa mismong tapat ng hagdanan kung saan tinutumbok ang mismong chapel. Mula sa kinaroroonan namin ay nakikita kong nagkakagulo na ang mga wedding coordinator na mukhang kanina pa kami hinihintay. Nanatili muna ako sa loob at namataan ko pa ang mga kaibigan ko na umaakyat na.
Iniangat ko ang kamay ko at inilapat ko iyon sa tapat ng dibdib ko. Ramdam mula roon ang pagdagundong ng puso ko. I don't understand why bride gets nervous at weddings. Sabi ko noon, hindi ba dapat masaya sila? Dahil kung kinakabahan sila, baka may mali. Baka hindi sila sigurado. Pero iyon ang eksaktong nararamdaman ko ngayon. And now I know that brides don't get nervous because they aren't sure. It's because they know that this day will mean a lot for the rest of their lives. The start of everything.
I'm glad that I able to feel this now. Na sa pagkakataong ito alam ko na hindi na lang para sa papel lang ang araw na ito. Dahil kaya ko na ngayong sabihin sa lahat, aminin sa sarili ko, na nandito ako dahil wala na akong ibang gusto na makasama sa buhay ko kundi siya lang.
Nag-angat ako ng tingin nang bumukas ang pintuan sa gilid ko. Nakangiting mukha ng lolo ni Gaige ang bumungad sakin na inalalayan akong makalabas mula sa likod ng sasakyan.
"You look beautiful, hija."
Napangiti ako sa sinabi niya. Tama si Gaige noon nang sabihin niya sakin na gusto ako ng lolo niya kahit na ng mga panahon na iyon ay tinatakot siya na hindi na uli tatanggapin sa pamilya. Nitong mga nakaraan kung saan ilang beses kong nakakasama ang lolo ni Gaige ay napagtanto ko na talagang mahilig lang siya sa mga engrande at dramatikong mga bagay. Siya din kasi ang nakaisip kung paano ako makakapunta sa gallery ko noong mga panahon na naghanda doon si Gaige para sa proposal.
He also loves meddling with his grandchildren's life. Katulad ng sabi ni Gaige noon, harmless naman talaga si Devin Hendrix. Makulit nga lang talaga.
"Thank you po, Mr. Hendrix."
Kinunutan ako ng ilong ng matanda. "You can call me lolo. And before you get married to my grandson who's probably irritating your coordinators right now, I think there's still something left that you need right now."
Nagbaba ako ng tingin sa sarili ko. Wala akong matandaan na nakalimutan ko pa. Maayos parin naman ang itsura ko. Naguguluhang nag-angat ako ng tingin kay Devin at sa pagkagulat ko ay pumunta siya sa likurang bahagi ko para ikabit ang isang kwintas sa akin. It's an old but elegantly simple necklace with a pendant drop that has a huge diamond embedded into it.
"Your something old. It's the first necklace I bought my late wife. Ibinigay ko 'yan sa araw ng kasal namin."
Hinawahan ko ang pendant niyon at hindi makapaniwalang humarap ako sa lolo ni Gaige. "I-I...this is too much, Mr. Hendrix-lolo."
"Magtatampo ako kapag hindi mo 'yan tinanggap. Tatanggalan ko ng mana si Gaige at iyan lang ang matitira sa inyo." he said with a serious face. Kung hindi ko lang siya nakilala na ay matatakot ako sa ekspresyon sa mukha niya. "Accept my gift and let me walk you in there."
Napatawa ako sa sinabi niya at tumango na lang at pagkatapos ay ikinawit ko ang braso ko sa kaniya. Naglakad kami papunta sa dulo ng hagdanan kung saan nakita ko ang ilan sa mga wedding coordinator ko na nakaantabay na sa amin. Bahagyang napakunot noo ako nang hindi ko makita si Racquel. Gaige is probably frustrating her right now.
Nakita kong may nakakabit na ear piece sa mga coordinator at may kinakausap sila. Nang mukhang may sinagot doon ang kausap nila ay tinanguhan nila ako at sinenyasan na magsimula ng umakyat sa hagdanan.
Mahina man nagsimula ay unti-unti ay nagiging malinaw sa akin ang kasalukuyang tugtog na nanggagaling mula sa loob ng chapel. It was as if hands suddenly enveloped my heart, filling it with warmth as I listen to it.
Would you dance if I asked you to dance?
Or would you run and never look back?
Would you cry if you saw me crying?
And would you save my soul tonight?
I would forever be grateful that I was there that night I first met Gaige. Nagawa kong makilala ang isang taong katulad niya na hindi ko inakalang dadating sa buhay ko. Nasanay akong masaktan, nasanay na akong manatiling nakalugmok sa lupa, pero nang dumating siya sa buhay ko...nabago ang lahat. I thought there's nothing left of me to be save but he proved me otherwise. Ipinakita niya sa akin na hindi ko kailangan manatili sa kung anong buhay ang meron ako noon. Na hindi lahat ng tao ay sasaktan lang ako.
That I deserve to be loved and to love in return.
Would you tremble if I touched your lips?\
Or would you laugh? Oh, please tell me this
Now would you die for the one you love?
Oh hold me in your arms tonight
Huminto kami sa harapan ng Chapel on the Hill kung saan natatabingan ng puting tela ang pintuan. Nililipad iyon ng hangin na dumadampi rin sa balat ko. Naramdaman ko ang marahang pagtapin ni Devin sa kamay ko at nilingon ko siya para bigyan ng maliit na ngiti. Huminga ako ng malalim. I should stop being silly. Wala namang dapat ikakaba. Inside, the man that loved me with all his heart is waiting for me.
I can be your hero baby
I can kiss away the pain
I will stand by you forever
You can take my breath away
I can feel my breath thinning as if I'm getting out of breath while looking at the curtain that is slowly opening to reveal the inside of the chapel. Kung kahit kaunti ay nagagawa ko pang pigilan ang emosyon ko kanina ay tila tuluyan na iyong humaharibis na tumama sa akin nang matanaw ko ang lalaking muli kong pakakasalan.
Would you swear that you'll always be mine?
Or would you lie? Would you run and hide?
Am I into deep? Have I lost my mind?
I don't care, you're here tonight
I know what the inside of the chapel would look like. I know it would be beautiful. Nakikita ko din ang mga bisita; mga taong malalapit sa amin. My friends, Diane, Hendrixes close friends, family, kahit ang kapatid ni Gaie na babae at ang ilang mga kamag-anak niya na hindi niya kasundo. Pero hindi ko magawang bigyan ang mga iyon ng pansin at nanatili lang akong nakatingin kay Gaige na naghihintay sa akin sa dulo ng altar.
While holding on to Devin, we stepped inside and walk slowly while the music is sweetly surrounding us with the message it holds.
I saw him look down as if he was floored with so much emotion. His best-man, Duane clapped him on the back and when he looked up again, I felt my lip tremble when I saw an unmistakable tears clouded his eyes. They didn't fell but it turn his eyes liquid, warm with love for me. A woman he saw as a prize rather than the other way around.
I can be your hero baby
I can kiss away the pain
I will stand by you forever
You can take my breath away
Huminto kami sa tapat ni Gaige at hindi pa nagagawang ilagay ng lolo niya ang kamay ko sa kaniya ay sa pagkagulat ko...at ng lahat, ay hinila niya ako at hinapit palapit sa kaniya. Napangiti ako kasabay ng palakpakan ng mga tao. I can even hear my friends cheering for us.
"At least wait for her to be given away, apo." Devin exasperatedly said.
Gaige's eyes twinkled with happiness that mirrored the smile on his lips. Hinalikan niya ang likod ng palad ko bago siya bumaling sa lolo niya at kumindat. "She's already mine."
Naiiling na sandaling bumitaw ako kay Gaige at binigyan ng magaang halik sa pisngi ang lolo niya bago ako na mismo ang humawak sa kamay ng lalaki. Inalalayan niya ako hanggang sa makaakyat kami sa kinaroroonan ng pari na nakangiting naghihintay sa amin.
Nagsimula ang seremonya na magdudugtong sa aming dalawa ngayon at sa panghabang-buhay na makakasama ko siya. Nanatili kaming tahimik na nakikinig habang paminsan-minsan ay nararamdaman ko ang marahan niyang pagpisil sa kamay ko na hawak niya na binabalik ko naman sa kaniya.
As I listen to the priest, I can't help but think on how if they asked me if I'll get married like this in a church a year before, I would probably laugh at them. Not just because I don't think it will ever be possible. But because I would never thought I would step inside a church again.
Buong buhay ko kasi pakiramdam ko ipinagkait sa akin lahat. Pakiramdam ko pinaparusahan ako. Pakiramdam ko pinabayaan ako.
But now I know that even though I might never get answers on why all the things in the past happened to me, alam ko na ngayon na hindi naman ako tuluyang tinalikuran ng Diyos. Dahil kahit hindi naging madali, gumawa Siya ng paraan para ibigay sa akin ang isang tao na tatanggap sa akin ng buong-buo. Isang tao na tutulungan akong mahanap ang ako na buong buhay kong hindi nakilala.
Turning to us, the priest asked us, "Gaige Hendrix and Chianti Callahan-Hendrix, have you come here to enter into Marriage without coercion, freely and wholeheartedly?"
Nakangiting nagbaba sakin ng tingin si Gaige, "Yes, Father."
"Yes, Father."
"Dearly beloved, you have come together here in front of God and his church seeking for an eternal binding that shall link you together through marriage. With the help of the church and the blessings of the Lord, you seek for guidance to strengthen your intention to be with one another. This day will give you responsibilities for the rest of your lives; a commitment with trust, care, love, and growth that is only possible through your joint sincerity to bring one another up at all times. With the intention to enter the covenant of Holy Matrimony, join your right hands and declare your consent and fidelity to each other. Gaige Hendrix do you accept Chianti Callahan-Hendrix to be your wife, to live together as friend and mate? Will you love her as a person, respect her as an equal, sharing joy as well as sorrow, triumph as well as defeat. And keep her beside you as long as you both shall live?"
Iniangat ni Gaige ang kamay ko at sa pangalawang pagkakataon ay muli niya iyong dinampian ng halik. "I do, Father."
Tuluyan ng pumatak ang luha sa mga mata ko sa nakikita kong pagmamahal na umaapaw mula sa mga mata niya. I can feel my heart bursting with so much happiness knowing that I get to spend the rest of my life with him. Alam kong marami pa kaming matutuklasan sa isa't-isa. Alam ko na may pagkakataon na hindi magiging madali sa amin ang buhay. Pero alam ko din...naniniwala ako, na hindi siya basta-basta bibitaw.
"Chianti Callahan-Hendrix do you accept Gaige Hendrix to be your husband, to live together as friend and mate? Will you love him as a person, respect him as an equal, sharing joy as well as sorrow, triumph as well as defeat. And keep him beside you as long as you both shall live?"
"I do, Father."
Dinala ang mga sing-sing sa harapan namin at kinuha ni Gaige ang isa do'n. Humarap kami sa isa't-isa at iniangat niya ang kamay ko, ang isa niyang kamay ay hawak ang sing-sing. He looked at our hands for a moment as if this feels so surreal to him too.
"Chianti Callahan-Hendrix, I first saw you talking to an inanimate object. That time all I can see is your fiery red head, until you look up and I saw the most beautiful face of an angel. The moment our eyes met, I know that I want to know you more. At kada dumadating ang pagkakataon na nagtatagpo ang mga landas natin, pakiramdam ko mas lalong ayoko ng pakawalan ka. There's a part of me that instinctively wanted to protect you and reach for you so I can have you with me.
Being with you was a constant battle to convince you that you deserve all the great things in this world. Pero kahit kailan hindi ako dumating sa punto na napagod na ko. I told myself that I will give my all to hammer my way through your walls, I will scale through all your defenses, and I will never stop...not until you see the woman that I saw in you. Strong, a fighter, someone who got a big heart enough to love and care for so many people, funny even without you realizing it, a woman with a fiery red head that matches her personality, a person who will fight for tagalog books even though you hate reading just because you have a patriotic soul, and crazy crazy talented kahit pa na abstract heartlang ang kaya mong gawin sa latte' art.
Hindi ko alam kung ano pa ang dadalin satin ng buhay. Pero kahit na ano pang mangyari sa hinaharap, gusto kong malaman mo na ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. The best days of my life was when I got to spend them with you. And I promise you...I will never leave you and I will forever love you.
You can dip your hands in paint and color a blank canvas, and for some it will be just that. Just colors. But for me you give those empty canvases life just like you painted mine with vibrancy. Before I met you I thought I have everything. I was so wrong because when you came into my life, the moment I saw your beautiful eyes, that was the only moment I really got everything. And in the name of God, I vow to take you as my wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, for as long as we both shall live. This is my solemn vow."
Hindi na mapigilan ang mga luhang sunod-sunod na pumatak mula sa mga mata ko habang pinagmamasdan siyang isuot ang sing-sing sa daliri ko. Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay kita ko ang kaparehas na emosyong yumayakap rin sa kaniya sa mga oras na ito. Umangat ang kamay niya at pinahid niya ang luha na namamalibis mula sa pisngi ko.
I caught his hand and keep it on my cheek as I close my eyes. Hearing his words made me feel like I'm the luckiest person on earth.
I opened my eyes and reached for the remaining ring. Iniangat ko ang kamay niya katulad ng ginawa niya kanina habang ang isa ay hawak ang sing-sing na magiging tanda sa matagal naming pagsasamahan.
"Gaige Hendrix, ang trying hard na magsasaka ng kape and also the man who saved me from the chaos of my life. I tried my best to avoid you at first. Dahil nang mga panahon na iyon, sa tingin ko 'yon ang tama. I want to keep you away to save you from me. Kasi pakiramdam ko marami pang mas karapat dapat para sa'yo at hindi magiging ako 'yon. You have everything. You have the perfect life. And I got nothing to give you.
Pero nang makasama kita pinaramdam mo sakin na mali ako. Pinaramdam mo sakin na pwede akong tanggapin at mahalin. You showed me and guided me to find myself and see my own reflection and not the image I thought I was seeing. By loving me...you also taught me how to love and accept myself so I can give all my heart to you.
Hindi mo ako binitiwan...hindi mo ako sinukuan, kahit na alam ko na hindi din naging madali para sa'yo ang lahat. You showed me that you are willing to go great lengths so just you can prove that you will never leave my side. Nararamdaman ko parin ang takot paminsan-minsan. Everytime it rains and I can hear the thunder, I still get scared. Pero dahil sa'yo, dahil kasama kita, nagagawa kong harapin lahat.
I know that things will not remain perfect in the years to come. Alam kong paulit-ulit tayong susubukin ng tadhana. But everytime that I will lost my way, I know that I will not wander for long because you will always be at the end of the road, waiting for me. With your chocolate eyes that is my favorite color in the world, with your sweet words, and your love that made me see all the things I thought I could never have. And In the name of God, I vow to take you as my husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, for as long as we both shall live. This is my solemn vow."
Isinuot ko sa kaniya ang sing-sing at nakangiting ginagap niya ang mga kamay ko. We both turned to the altar as the priest acknowledge our union and bound us with the blessing of the Lord. He continued the ceremony, his words echoing around the church, to be heard by our witnesses that gathered today for us. The priest also blessed the arras and after, the prayer for veil and cord were done that symbolizes how we are one as equals.
"Now that Gaige Hendrix and the Chianti Hendrix have given themselves to each other by the promises they have exchanged, I pronounce them to be husband and wife, in the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit. Amen. Gaige Hendrix, you may now kiss the bride."
Gaige faced me, his eyes shining with mischief when he said, "Finally."
Narinig kong nagtawanan ang mga nanonood at ganoon din ako sa tinuran niya. Iniangat niya ang veil ko pero sa haba niyon ay hindi malaman ni Gaige kung paano tatabingin iyon. Natatawang tinulungan ko na siya pero dahil sa kalikutan namin ay lalo naming hindi mailagay yon sa likod ko ng maayos at nahuhulog lang ng nahuhulog sa mukha ko.
Gaige exasperatedly sigh and lifted the hem and to to my surprise, he went inside the veil with me. I can hear the cheering and laughter of the crowd but I can't focus on them when Gaige finally take my clips and claimed it with a kiss.
Hindi ko napigilang hindi ibuka ang mga labi ko dahilan para palalim niya ang halik. I melted in his arms as he continued kissing me as if we don't have an audience. Siya na mismo ang pumutol sa halik nang mapagtanto niyang wala akong balak patigilin siya.
Nagbaba ng tingin sakin si Gaige at tumingala ako para salubungin ang titig niya. He placed another soft chase kiss on my lips before he finally went outside of the veil.
"Later." he whispered.
Nag-init ang mukha ko sa sinabi niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang ngiti na nais sumilay doon at humarap na kaming dalawa sa mga bisita namin. Hindi pa kami basta-basta makakaalis dahil ang alam ko may picture taking pa bago kami tumuloy sa reception.
Bahagyang kumunot ang noo ko nang mapansin kong hindi parin lumalapit ang family of the bride na dapat ay i-ga-guide na ng wedding planner namin na si Racquel. Inikot ko ang paningin ko pero hindi ko siya makita.
Three things happened as I search through the crowd. I heard Gaige's security team shouting and running towards us, second...Gaige pulled me and put me behind him as the guests started running and screaming, and third...
A deafening sound of a gun being fired cracked as if signaling the noise of death to rise from its chamber.
Napahawak ako kay Gaige nang maramdaman kong tumama ang likod niya sa akin dahilan para muntik akong mapatumba. His body turned towards me and he wrapped his arms around me. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang maramdaman ko ang bigat ni Gaige na dumadantay sa akin. I felt blood drain from my body when my white wedding gown were suddenly painted with crimson.
With his blood.
My husband's blood.
I fell with him to the floor as I tried to catch him. A guttural scream went out pass my lips as I held him tight on my body. Naramdaman ko ang paglapit ng ilan sa security team niya sa amin at ang sigawan nila pero nanatili kong hawak si Gaige.
"G-Gaige...you'll be okay. Tatawag sila ng tulong. Just...just hold on." Pilit siyang tumango para lang mapasinghap at malukot ang mukha niya sa sakit. Sinaklob ng takot ang puso ko ng pumikit siya. Bahagya ko siyang niyugyog at dahan-dahang bumukas ang mga mata niya. "Just wait, Gaige...please."
Umangat ang kamay niya at dinampi niya iyon sa pisngi ko. Sa nanginginig na kamay ay hinawakan ko iyon ng mahigpit.
"Chi..."
"You're gonna be fine."
Muli siyang tumango pero nakikita ko...nakikita ko na nahihirapan siya. Hindi ko alam kung bakit. Bakit ngayon? Bakit samin na naman? I just want to be happy with him. I just want to be him. I just want him.
"You promised me." I whispered. "You promised to never leave me."
"I-I'm..."
Nag-angat ako ng tingin sa security team at sinigawan ko silang magmadali. Mula sa kinaroroonan namin ay nakikita kong may ilan ng paramedics at unipormadong pulos na tumatakbo palapit sa amin. Muli akong nagbaba ng tingin kay Gaige pero parang bumagsak ang puso ko sa nakita kong papikit niyang mga mata kasabay nang panghihina ng kamay niya na hawak ko.
His lips moved...whispering me the words I fear to hear.
"I-I'm sorry."
NAKAUNAN ang ulo ko sa kama katabi ang kamay ni Gaige na hawak ko sa kanan kong kamay. I continued humming as I stroke his hand with my fingertips. It's been hours. It's been hours since he closed his eyes. Pero hanggang ngayon hindi parin siya gumigising.
Hindi nila nagawang hulihin ang shooter dahil bago pa nila mahuli ang lalaki ay nagpakamatay na iyon sa pamamagitan ng pag-inom ng lason. They tried searching for any connection on the man pero walang lumalabas na kahit na ano. It's like the man has no record and was just mean to die for his mission.
Alam kong hindi si Gaige ang puntirya nila. My husband took a bullet for me. Hanggang sa huli...ako parin ang inililigtas nila.
I just can't but ask...why us? Ano bang ginawa naming mali? Ano pa ba ang dapat kong pagbayaran? All I want is a quiet life with him.
"Chianti, hija. You need to change your clothes."
Hindi ko nilingon ang lolo ni Gaige na siyang nagsalita. Kanina pa nila ako pinipilit ng kanina paring umiiyak na kapatid ni Gaige na si Guillana para hubadin na ang suot kong wedding gown na may bahid ng dugo ni Gaige pero nanatili lang ako sa kinauupuan ko.
From the right corner of the hospital room I can see our wedding cake. The gigantic cake with an ugly cat and deform heart on top. By now we should be cutting the cake. We should be dancing our bride and groom dance.
"Chianti..." garalgal ang boses na tawag sakin ni Guillana.
"Please don't." I whispered. "I need to keep him with me."
I can't move an inch from where I'm at. All I can do is stare at my husband...hoping that he will open his eyes. Hoping that I can see again my most favorite color in the world.
I need him. Hindi pwede na ganito. Hindi pwede na dito na lang matapos ang lahat.
I didn't have so much time with him. We need more time. Hindi ko pa nasasabi sa kaniya lahat ng gusto kong sabihin. Hindi ko pa naipaparamdam sa kaniya kung gaano ko siya kamahal. Hindi pa ako nakakabawi sa kaniya.
I need more time with him. I need more grocery days, coffee art tutorials, I still need to bicker with him...I still need him. Hindi ko kaya mawala siya. He's the only thing that's keeping me grounded. I already lost so much. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa.
"You need food at least." I heard Guillana whispered. "Lo, let's buy Chianti food and some drinks."
Naramdaman ko ang marahang pagpisil sa balikat ko kasabay ng paglabas ng presensiya nila sa kwarto na kinaroroonan namin. Nanatili akong tutok kay Gaige na nakapikit parin.
Ang daming nakakabit sa kaniya na hindi ko magawang makakilos na hindi natatakot na may magagalaw ako sa mga iyon kaya nanatili na lang akong nakahawak sa kamay niya. Sa kabila ng walang malay niyang pigura, kita sa bukas ng mukha niya ang hirap.
At that moment, it was as if I can see all the days I spent with him. I can see his eyes, his lips, I can hear his words. I can see him laughing, smiling at something I said, I can see him knotting his forehead, I can see his worried eyes, and I can hear him...I can hear him singing for me.
I know he will keep on fighting for me. Alam ko iyon. Alam kong hindi niya ako magagawang iwanan. But I also don't want him to hurt anymore.
"T-This is another thunder, Gaige. I'm so scared. I don't think I can face this thunder without you. Pero...pero I'm different now because you showed me how I can be a different person right? You showed me that I can be strong. Kaya...kaya kung mahirap, kung nasasaktan ka, I want you to know that I'm okay. Kahit ano pa ang piliin mo. I will be fine, I promise."
I can feel my heart breaking by the lie but I know that he need to hear them. Hindi ko alam kung paano haharapin ang buhay na wala siya. Hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang tapang para mabuhay ng normal kung hindi ko siya kasama.
"I want you to come back because I love you. But I also want you to know that it's okay...I'm okay, if you can't anymore."
Wish three. My one last wish. Please don't leave me.
I closed my eyes tight and clutched on his hand when the sound of the rhythmic beating echoing around us stopped and was replaced by a shrill sound that pierced the silence of the hospital room.
____________End of Chapter 35.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top