Chapter 32: The Beauty
A/N: 3 chapters to go! Use the tweetah hashtag #GAIANTI and #Exquisite Saga <3 @MsButterflyWP
CHAPTER 32
CHIANTI'S POV
Nanatili akong walang imik habang nakaupo at panaka-naka ay tinitignan ng mga nagkukuwentuhan kong kaibigan. I asked them to meet me here at Aroma Cafe. A new thing for the four of us dahil kadalasan noon ay sila ang nag-aaya sakin na lumabas ng 'lungga' ko. But I want to meet them. Hindi nga lang naging madali 'yon kaya umabot pa ng mahit isang linggo bago kami nakapag kita-kita dahil sa mga busy schedule nila. At hindi pa din naman ako gano'ng kahanda na kumawala mula sa protective bubble namin ni Gaige.
It took me a lot before I can manage to muster the strength to get out without him. But I needed to. Kailangan kong matutong mag-isa. But Gaige being Gaige made sure that I will be tailed by his security team. Hindi nila ako lalapitan pero alam kong nakasunod sila sa akin.
So now here I am with my friends in our favorite coffee shop.Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanila ang tungkol sa pagbalik ng pandinig ko. I want to tell them personally...after all they've been with me through all my struggles. Kahit hindi man gano'n kami kadalas nagkikita, hindi nawala ang pagpaparamdam nila ng suporta at pag-aalala para sakin. Kahit pa na alam ko na katulad ko ay madami din silang pinagdadaanan ngayon.
It's like everything is unraveling. Like it's a domino reaction and that everything are slowly collapsing one by one.
But we're all Exquisite girls. Ang dami na naming pinagdaanan. Ang dami na naming kinaya. Ang dami na naming nilagpasan. Kaya sa kabila ng lahat ng mga nangyayari...alam ko na kakayanin namin. Malalagpasan din namin.
We deserve more. I know that now. Sa dami ng binigay samin na pagsubok...we could have had better. We deserve better.
I wouldn't realize that without my husband. Kasi kahit ano pa ako at kung ano ang tingin kong ako, hindi niya pinaramdam sakin na sobra na ang meron ako. He keeps giving me more and more.
Kaming apat, no, lahat kaming Exquisite girls...we deserve that. At kung hindi man namin magawang makita 'yon sa ngayon, balang-araw, sa tulong ng taong mamahalin kami sa kabila ng kung anong buhay ang meron kami ay magagawa din naming tanggapin 'yon.
"Do you think she's okay? Kanina pa siya hindi umiimik."
Narinig kong nanggaling kay Rous 'yon pero nanatili akong tahimik na umiinom ng paborito kong frappe'. Bahagya akong nag-angat ng tingin at nakita kong naglalabas si Syrah ng notebook at cute na ballpen at inabot 'yon kay Asti.
"O, bakit ako?" tanong ni Asti.
Inusog ng babae ang hawak at ipinagpipilitang ibigay 'yon kay Asti na ayaw naman 'yong kunin. "Baka ma-offend kapag ako."
"So okay lang ako ang maka-offend?"
"Sanay naman kaming ma-offend kapag galing sa'yo."
"Wow."
Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan na mapangiti pero tuluyan ng kumawala ang tawang pinipigilan ko nang makita ko ang reaksyon sa mukha ni Asti na parang gustong kalmutin si Syrah na matamis paring nakangiti sa babae.
Dahan-dahan silang napalingon sakin sa bigla kong pagtawa at lalo akong napahagikhik sa mga namimilog nilang mga mata. Binaba ko ang inumin ko at kinuha ko kay Asti ang notebook pati na ang ballpen para magsulat do'n.
'You know, it's quite rude to talk about me like I'm not here.'
Nang maisulat ko ang mga salitang 'yon ay ibinaba ko ang notebook sa gitna ng lamesa para mabasa nilang lahat 'yon. Halos magkauntugan pa silang tatlo nang sabay-sabay silang dumukwang para basahin ang sinulat ko doon. Napangiti ako ng hindi makapaniwalang nag-angat sila sa akin ng tingin matapos makita iyon.
Ang hindi ko inaasahan ay ang nakakatulig nilang tili maging si Asti na normally ay hindi nakikisali sa kalokohan ng dalawa pa naming kaibigan. Napatawa ako nang bigla nila akong sugudin at niyakap. Naagaw na namin ang atensyon ng buong cafe' na mukhang hindi naman naiinis samin kundi napapangiti pa nga.
I looked down when I felt wetness drop on my arm and that when I realize...they are all crying. I bit my lip but this time to stop the emotions engulfing my entire being. Hindi ko akalain na dadating pala sa buhay ko na hindi lang negatibong emosyon ang pupuno sakin kundi ang ganitong klase ng pagkakataon. I feel like I'm gonna burst with so much joy knowing I have these people in my life. Who cared me even at the times that I want to let myself go.
"Ang drama niyo. Magtigil nga kayo." natatawa pero may luha sa mga matang sabi ko.
Pilit na pinabalik ko sila sa kinauupuan nila pero nanatili sa akin ang mga mata nila na para bang hindi parin sila makapaniwala sa nangyayari. Rous face is all red and blotchy, Syrah's mascara is running, and Asti's looking up at the ceiling as if something caught her interest there.
"Do you feel it?" I asked no one in particular.
Walang sumagot sa kanila maliban kay Syrah na nakuhang ibuka ang bibig niya para magsalita, "Feel what?"
"Like something big would happen. I don't know when and I don't know how...pero pakiramdam ko magagawa na din nating makuha ang bagay na matagal na nating gusto."
Pare-parehas silang nawalan ng imik. Kahit hindi man nila aminin ngayon, alam kong maraming nagbabago maging sa buhay nila. And it feels like finally...everything is coming to an end. Kahit parang imposible para samin. Pakiramdam ko magagawa na din naming makuha ang tunay na kalayaan na kailangan namin.
"You've all been telling me to take Gaige's offered hand and escape the lives we all had. And I'm going to say that back to you, girls. Nakakatakot at maraming pagkakataon na pakiramdam mo hindi ka karapat-dapat sa magandang bagay na binibigay ng tadhana. But try. Try to escape. And even if you won't be able to see the right door at the start, I wish that someone would be there with you to take your hand and lead you to the real one. We all deserve to have that. Kahit pa ang hirap paniwalaan."
I can still feel the fear inside me. Alam ko na hindi agad mawawala 'yon...baka nga habang buhay ko ng dalhin ang takot. When you're used to living your nightmare in reality, it's not easy to move forward and never expect for another nightmare that will enter your life.
All you can do is just wish for the best. That everything would continue as a great dream...that the nightmare will just be buried at the back and will never resurface again.
NAPAKUNOT ang noo ko nang maiparada ko sa basement ng condominium ang sasakyan ko. Hindi pa ako tuluyang nakakababa ay tumunog na ang cellphone ko na ngayon ay hindi na disposable at sa halip ay may kalidad na. Iyon kasi ang pinagkakaabalahan namin lagi ni Gaige para mawala ang inis ko sa mga mobile device. Uso naman na ang off-notification para hindi nabubuliglig ang tahimik kong mundo.
Gaige and I were supposed to meet at the condo. May dinner date daw kami. Kaya nga nagmamadali akong makabalik para makapag-ayos.
Tinignan ko ang mensahe at halos manlaki ang ulo ko sa nabasa. Mukhang kanina pa din ako tinatawagan ng mga empleyado ko pati na ang intern ko na si Manuel. Ang dami na din nilang messages na iniwan. Hindi ko siguro kaagad narinig kanina dahil malakas ang music sa kotse ko.
FR: Manuel
Ma'am Chianti please answer your phone. May nangyari po
sa gallery. No'ng dumating po kami kanina nakabukas na.
Pagpasok namin wala na lahat ng paintings. We already
called the police, ma'am, but we really need you here.
Nanginginig ang mga kamay na sinagot ko ang mensahe at sinabing papunta na ako bago ko muling binuhay ang sasakyan at pinaandar 'yon paalis ng condo. Habang nagmamaneho ay hinanap ko sa contacts ko si Gaige at tinawagan ko siya dahil automatiko namang nakakonekta 'yon sa speaker ng sasakyan. At the second ring, he answered my call.
"Angel? I'm about to leave the office. Nasa condo ka na ba?"
"G-Gaige, I don't think I can make it to our dinner. Kailangan kong pumunta sa gallery. Nag message sakin ang mga empleyado ko. They said...they said the paintings are missing."
"What?" I heard Gaige asked in a surprise tone. "I'll meet you there, angel. Everything's gonna be fine."
"I worked so hard for those paintings, Gaige. At hindi lang akin ang mga nando'n kundi pati na sa iba pang artists. Why would anyone stole them? How could they even stole them?"
"Aalamin natin lahat, I promise. Just hang in there, okay? I'll be there soon. I love you."
Tumango ako kahit alam kong hindi naman niya 'yon nakikita. This might look like I'm leaning on him too much...but I need him. "I love you too."
Pinutol ko na ang tawag at nagmamadaling nagmaneho ako papunta sa gallery. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag hindi namin nagawang mabawi ang mga 'yon. And the other artists' paintings...I know that they've put their everything on those. Maraming mga painting ang may buyer na at ipapadala na lang. Katatanggap ko nga lang ng payment para sa ibang mga nasa gallery pa.
Sinong tao ang gagawa nito sa akin? Hindi naman basta-basta maibebenta ang mga 'yon bukod sa mas madali naming matatrack down ang mga painting kapag naibenta nila 'yon ay hindi naman gano'ng kadali magbenta ng mga iyon dito sa Pilipinas. Unless...they just want to destroy me.
Pigil ang emosyon na bumaba ako ng sasakyan nang makarating ako sa gallery. Sa sobrang pag-alala ay hindi man lang rumehistro sa akin na walang mga pulis doon katulad nang sabi ng empleyado ko. Tuloy-tuloy lang akong pumasok at sa pagtataka ko ay wala kahit isa man lang ilaw ang bukas doon.
Sumiklab ang takot sa dibdib ko pero pinagpatuloy ko ang paghakbang papasok. My employees should be here but it was too quiet. My primary instinct is too run but I just can't force myself to leave. Gaige would be here any second and his security team is following me. I should be alright.
"Manuel? Jeff?...Kate? What's going on here?" I called to my employees.
I walked towards the light's switch pero bago pa ako makarating doon ay bumakas isa-isa ang mga spotlight na nakalagay para sa bawat kinalalagyan ng mga painting.
The fear enveloping me suddenly were washed away by the surprise that hit me full force as I was greeted by the astonishing view in front of me. Bawat kinalalagyan ng mga dati kong obra ay napalitan ng mga painting na pamilyar na pamilyar sakin.
I can see...me. I can see myself everywhere.
Pinagsalikop ko ang nanginginig kong mga kamay at dahan-dahan akong naglakad...tinitignan isa-isa ang mga larawan na nasa harapan ko ngayon. Sa paligid ko ay pumainlang ang mahinang musika pero nanatiling tutok ang mga mata ko sa nakikita ko sa harapan ko.
Wise men say only fools rush in
But I can't help falling in love with you
Shall I stay?
Would it be a sin
If I can't help falling in love with you?
I see myself holding a familiar coffee container with my eyes frozen at a state of confusion as I look at the coffee maker in front of me. I remember that moment. Iyon ang unang beses na nakilala ko si Gaige. The next painting beside it, is me in a casual clothes while bent on a shelf of books intently looking at it. Then another is me wearing a black dress and a blue mask. Me with an annoyed look as I barge into Gaige's office.
Then I saw a painting of my hand intertwined with another. The first time Gaige held my hand.
A painting of food and wine. The first time he went to my place.
A painting of my lips.
Me in a grocery store, in a red dress during the masquerade party, a painting of me sleeping, a sunset rose, our hands with a simple wedding ring bands, me painting on the beach, me in front of a fireplace, me with my hair scattered around me and my lips wide with laughter, a painting of a latte art with a deform heart, a red rose, me with my friends dancing in Gaige's huge walk-in closet, the curve of my body covered with white sheet...
Like a river flows
Surely to the sea
Darling, so it goes
Some things are meant to be
And there's me, soaked by the rain...the night he found me again, a painting of me staring blankly at the window of my hospital room, then the day of Vicky's burial, a painting of a unicorn and a heart...
Lahat ng nandito...lahat ay ako. Para bang nakikita ko ang sarili ko sa mga mata ni Gaige. Hindi lang magagandang bagay pero pati na ang mga panahon kung saan halos nadurog ako. But it doesn't hurt me seeing all that...knowing that I'm viewing myself in Gaige's point of view, the person who never left my side. Sa kabila ng pagkakakilala ko sa sarili ko, na kahit pa balikan ko ang mga pagkakataong ipinapakita sa mga larawan na 'to, hindi no'n mapupunan kung paano inilalarawan ni Gaige kung ano ang nakikita niya sa akin.
He made me be painted with beauty despite of the fact that not everything that happened between us can be called beautiful. He envision me as beautiful despite how scarred I see myself.
So take my hand
Take my whole life, too
For I can't help falling in love with you
For I can't help falling in love with you
Nagpatuloy ako sa pag-lalakad hanggang sa makarating ako sa pinakamalaking espasyo dito sa gallery. I can feel my knees starting to shake when I saw the last painting. It's not something I've seen before but I know what it means.
A single tear finally escape my eyes, releasing the dam of emotions I was trying not to let go of. Hindi ko inalis ang paningin ko sa malaking larawan ng isang sing-sing. It is so beautiful and looks so fragile. It has the finest cut of a diamond but its band looks like wings of an angel intertwining with each other.
Nakaramdam ako ng pagkilos sa likuran ko pero nanatili akong nakatingin sa painting sa harapan ko. I can't look away.
"It's beautiful isn't it?"
Tumango ako pero hindi ko parin siya nilingon. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at marahan niya akong hinarap sa kaniya. Then finally...my eyes met the warmth of his brown eyes. The eyes that captured everything I tried to drown in the deepest part of my heart...making it his.
"I want to make everything right." he said at me, gently wiping the tears from my cheeks. "A beautiful ring for the most beautiful woman in my life."
"Ang dami mo ng ginawa para sakin, Gaige."
Binigay niya sa akin ang mga bagay na hindi ko akalaing magiging akin. Pinaramdam niya sakin ang mga bagay na dati akala ko wala akong karapatang maramdaman. He made me feel like I'm the prize rather than the other way around.
"I want to give you everything."
Maybe our hearts have a funny way of knowing when we finally found it's other half. Nabuhay ako sa mundo kung saan nasanay ako na kakaunti lang ang kasiyahang nakukuha ko. Gumigising ako araw-araw ng walang inaasahan dahil alam kong hindi ako pwedeng mag hangad ng mga bagay na imposible para sa akin.
Nang makilala ko si Gaige, nagawa niyang pakawalan ang mga bagay sa puso ko na matagal ko ng itinago at isinara. He managed to free my heart at the same time he freed me.
"I want to spend the rest of my life with you. Dahil hindi ko na nakikita ang buhay ko na wala ka sa tabi ko. I want your deform latte art, I want to see you getting lost in your art, I want to hear your thoughts, and I can't stand losing your warmth beside me every night. The contract stopped being just a contract ages ako. Dahil alam ko sa sarili ko na hindi lang kita sa tatlong taon gustong maging akin kundin sa buong buhay ko." he whispered and pulled out from his suit pocket a small black box. He opened it, revealing the most beautiful ring I have ever seen. "I love you, the woman with the fiery red hair with personality to match. Will you marry me again, Chianti?"
Hindi mawawala ang pangamba sa puso ko na baka dumating ang panahon na mawawala siya sakin. There's no assurance in life. Pero pakiramdam ko mas mahirap mabuhay na hindi ko siya makasama kahit saglit dahil lang sa takot na maaari namang hindi mangyari. I don't want to stop myself from being happy just because I'm scared dahil alam ko, hinding hindi ko pagsisisihan ang mga oras na makakasama ko siya.
No one ever made me feel whole again. Na kahit sa katotohanan ramdam ko ang bawat lamat ng basag sa pagkatao ko, alam kong hindi ako madudurog ng tuluyan dahil hindi niya ako bibitawan.
"I have you. I have you so I have everything."I said smiling despite the tears. I placed a hand on top of his beating heart. "Yes, Gaige. I will marry you again."
He slipped the ring on my finger at the same time that his lips descend on mine. Kung ano man ang dahil samin ng buhay...magagawa kong harapin dahil alam kong kasama ko siya. My past would always be part of me but it no longer defines who I am. Because Gaige manage to make me see myself from a different light. Sa mga mata ng taong tinanggap ako. Na minahal ako bilang ako.
Dwell on the beauty of life. Watch the stars, and see yourself running with them.
_____________End of Chapter 32.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top