Chapter 30: The Colors
A/N: Thank you to Rissa Rodriguez, a Psychology graduate friend for answering all my questions :* And of course to my friends na nagbibigay sakin ng mas magandang point of view para sa mga ginagawa kong kababalaghan kay Chi <3
PS: Don't forget to leave a message so we can know what your feedback is. Thanks! On-going na din ang Exquisite Saga #2 and #3 ngayon.
CHAPTER 30
CHIANTI'S POV
Nahihintakutang sumiksik ako sa gilid ng madilim na kwarto at iniharang ko sa mukha ko ang mga kamay ko na madudumi. Sumigaw ako ng sumigaw nang makita ko ang palapit na pigura pero walang boses akong naririnig na nagmumula sa akin. Kahit anong hingi ko ng saklolo ay walang nakakarinig sa akin.
Tuluyan nang nakalapit sa akin ang pigura at sumipa at nagpapasag ako sa kabila ng sakit na nararamdaman ko pero imbis na lumayo ay mariin niyang tinakpan ang bibig ko at nilapit ang mukha niya sa akin.
I can see the face of the man I thought I won't be seeing again leering at me with his remaining eye that is the color of blood and with the half of his face gone.
I jolted awake with a scream. Akmang tatayo na ako mula sa kama nang bumikas ang ilaw at humahangos na nilapitan ako ni Gaige. Kaagad na ikinulong niya ako sa mga bisig niya habang ako ay patuloy sa pag-iyak.
Ayokong makita niya ako na ganito. Ayokong makita niya kung paano akong patuloy na nadudurog dahil sa mga nangyari. But I know I need him. I need him to keep me from breaking more that I already did.
I know he's whispering things at me to calm me down but I can't hear those and only his embrace has able to bring peace into me for a moment. He stayed with me for hours until I felt my eyes getting heavy again. And when he left my side I know he left the lights open.
Colors are always the first love of a painter. Kung paanong bawat kulay ay may kaniya-kaniyang identidad, pakiramdam, at kahulugan. Bawat kulay kayang bumuo ng kwento mula sa primerong pinanggalingan patungo sa panibago. That's why I always love the sunrise and the sunset no matter how cliche it can be. Just by looking at it I can see how the light is reaching out to the dark until it engulf it into its embrace.
But now, the sun is finally rising from its slumber but I can't feel anything as I look at it. From the windows of my room I can still see its beauty but it just doesn't do anything for me.
I can hold my brushes, dip it into the color I favor, and touch it to the empty canvas but it is just that. Exactly like splashing a color to a blank surface and not like an artist giving life to whatever reality she has.
My hand can paint whatever it wants but it needs my heart to paint an art. Gano'n din pala sa nararamdaman ko. I can feel something inside me and know that it is pain. Pero hindi ko maramdaman ng tuluyan...hindi ko maramdaman lahat.
At sa lahat ng mga nangyari sakin dapat ikatuwa ko pa pero hindi pala. Kasi paano ko hihilumin ang sarili ko kung hindi ko maramdaman ang sakit? I need to hear my voice so I can hear my pain. So I can feel it all.
I was pulled away from my thoughts when I felt a gentle hand touch my shoulder. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Gaige sa likod ko na may maliit na ngiti sa mga labi. Sa kabila no'n ay nakikita ko pa rin ang pag-aalala sa mga mata niya.
It's been five days since they got me out from the hell I was in and two days since I got out of the hospital. The doctor's only explanation on what is happening to me is a result of Post-traumatic disorder. Hindi ko magawang makarinig dahil iyon ang nagsisilbing depensa ng sarili ko mula sa mga nangyari. They said it's only temporary and I should get back my hearing if my body is ready.
"I'm okay."
Kita sa mukha niya na hindi siya naniniwala sa sinabi ko pero hindi na siya nagkomento pa. Inalalayan niya akong makatayo mula sa pagkakaupo ko at tinulungan akong makaupo sa wheel chair. I told him that I don't need it but he insisted. I have a few crack ribs, a lot of bruises, at malalim din ng naging sugat ko sa isa kong paa. But I wish everything would be healed soon. Everything.
Pumunta si Gaige sa likod ko at pinagulong na niya ang wheel chair palabas ng kwarto. My living room still has all the pile of my things but Gaige organized it to the side of the room. He just can't help it. Hinayaan ko na lang din naman siya dahil wala naman akong balak magpinta.
My eyes lingered to the sofa where he folded his blanket neatly on top of the pillow he used. I asked Gaige to bring me to my own home. I want to feel a sense of normalcy. Pumayag siya basta lang hayaan ko siyang sumama. I didn't stopped him but I told him I need to sleep alone. And again...he let me.
I appreciate everything he's been doing. Alam ko na hindi madali sa kaniya na pigilan ang sarili niyang ituring ako bilang isang babasaging kristal. I know he wants to watch me like I'm going to break any second and to tend on everything that I need but that's the last thing I want. Na maalala paulit-ulit kung bakit kinakailangan ko ang pag-aalaga niya in the first place.
Ilang sandali lang ay sakay na kami ng elevator pababa sa parking kung saan naghihintay na si Gil. Nang makarating do'n ay hindi ko na hinintay si Gaige at kusa na akong tumayo mula sa pagkakaupo ko. He was immediately on my side and I saw him sigh when I just continued walking to his car.
Ako naman ang napabuntong-hininga nang salubungin ako ng driver ni Gaige at sa laki ni Gil ay hindi nakakapagtakang parang balewala lang ang ginawa niyang pagbuhat sa akin at paglagay sa loob ng sasakyan. May ngiti na sa labi ni Gaige nang pumasok din siya at tumabi sa akin dahilan para ipaikot ko ang mga mata ko.
Nakatingin sa akin na hinawakan ni Gaige ang isa kong kamay at dinala iyon sa tapat ng bibig niya at binigyan ng magaan na halik bago niya ibinaba 'yon sa kandungan niya nang hindi pinapakawalan 'yon. He turned his attention to the window of the car that gave me the chance to look at him.
I know he's worried. Hindi namin pa pinag-uusapan kung anong mangyayari sa amin pagkatapos ng lahat...kung anong balak niya pero sa kinikilos niya ay para bang sinasabi niyang hindi niya gustong umalis sa buhay ko. Hindi ko nga lang maiwasang hindi isipin kung gaano magiging matiwasay ang buhay niya kung wala ako sa tabi niya.
He already outdone himself from pulling everything out that he can use to find me. Lahat din ginawa niya para masiguradong makukulong si Claire. And he didn't only took care of me but also Diane's hospital bill, as well as Rita's funeral...and Victoria's.
Kung tutuusin hindi naman dapat nadadamay si Gaige. Kung hindi lang sana ako ang Exquisite girl na kinuha niya siguro hindi siya nasangkot sa lahat ng mga problema ko.
I looked away and turned to the window beside me. I can see the city flashing past me with people everywhere that are all just on their way to start the day. While here I am with no idea when will my life will start again.
Umpisa pa lang magulo na ang buhay ko at hindi ko alam kung kailan ako tuluyang makakawala sa lahat ng mga nangyayari. Maaaring tapos na nga ang problema ko kay Reynaldo. Pero hindi ako naniniwalang siya lang ang puno't dulo ng lahat.
I can't prove anything but it feels like everything started with Exquisite. Dahil kung totoo man ang sinasabi ni Reynaldo, maaaring may kinalaman ang Exquisite sa pagkamatay ng mga magulang ko. Hindi ko alam kung bakit pa nila ako hinanap pero ang natitiyak ko lang ay itinuturing nila ako bilang pag-aari nila. At kahit na sabihing binili na ni Gaige ang kontrata ko para sa natitira kong mga taon ay mukhang hindi gano'n kadali para sa kanila na basta na lang ako pakawalan mula sa ilalim ng mga kuko nila.
Lumingon ako kay Gaige nang maramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko kasabay nang paghinto ng sinasakyan namin. I looked at the window again and I realized that we're already here.
Hindi na ako nakipagkompetensiya kay Gaige at nanatili akong nakaupo. Hindi ko narin naman magagawang makipagtalo pa sa kaniya na kaya ko ang sarili ko dahil nararamdaman ko ang panlalambot sa mga tuhod ko.
The car door on my right opened and Gaige helped me to get out. Inalalayan niya ako at muling inupo sa wheel chair at ilang sandali lang ay itinulak niya 'yon sa malawak na berdeng lupain sa harapan namin.
There's a serene aura at the place. The place is also surrounded by trees and colorful flowers. It's like a paradise where someone can be at peace.
Hindi kalayuan sa amin ay may ilang mga tao na nakaupo sa mga upuan sa ilalim ng isang puting tolda. And in front of them is her casket that I even chose myself. Pinagsalikop ko ang mga kamay ko para pigilan ang mga 'yon sa panginginig nang tuluyan na kaming nakalapit sa mga naghihintay samin.
Nandoon ang mga kaibigan ko na sina Rous, Syrah, at Asti na tahimik na nakamasid lang sa akin. Sa pagkagulat ko ay nando'n din ang kapatid at lolo ni Gaige. Nandoon din ang ilan sa mga naging kaibigan ni Vicky. I looked away from them when I saw the pity in their eyes.
Inihinto ni Gaige ang wheel chair ko sa harapang banda ng mga kaibigan ko. Umupo siya sa tabi ko at ginagap ang kamay ko. I looked at my back when I felt a hand touch my shoulder and I saw Syrah's hand on me. Binigyan ko sila ng maliit na ngiti at muli kong binalik ang mga mata ko sa harapan. I fixed my eyes on the casket, never looking away as the priest in front continued what he is supposed to do.
Hindi ko maiwasang isipin...may posible kaya akong nagawa para hindi dito humantong ang lahat? Kung siguro hinayaan niya lang ako noon baka hindi niya sinapit ang ganito. If only she doesn't have the heart she has.
Lumingon ako kay Gaige nang maramdaman ko siyang kumilos. Umiiling siya at akmang tatayo pero hindi ko binitawan ang kamay niya. Sinundan ko ang tingin niya at nakita kong sa pari na nagsasalita siya nakatingin. And that's when I realize...the priest was waiting for someone to step up and speak.
Gaige looked down at me and fish out his phone. Tumipa siya doon at pinakita 'yon sa akin.
'You don't need to do it, angel.'
Muli siyang nagtangka na bumitaw sa akin pero hinigpitan ko lang ang pagkakahawak do'n para magawa kong itayo ang sarili ko. His free hand immediately went to my waist and help me up. Nang makatayo ay bumitaw ako sa kaniya at humakbang ako palapit sa pari. I felt Gaige moved with me but I just forced a small smile to assure him that I'm okay. Mukha mang labag sa loob ay hinayaan niya ako.
Humarap ako sa mga tao nang hindi tumitingin sa nakabukas na ataul. Hindi ko alam kung paano ko gagawin 'to sa harap nila ngayong hindi ko marinig ang sarili ko. Kung malakas ba o mahina o kung ano pa man. But when I turned my eyes on Gaige I saw him nodding at me as if telling me that I can do this. That he will guide me.
"Victoria is one of the most important person in my life." Nakita kong tumango si Gaige dahilan para magpatuloy ako. Pero nanatili akong hindi nagsasalita habang ang mga tao sa harapan ko ay nag-aalala ng nakatingin sa akin. Napahawak ako sa tapat ng tenga ko nang animo may nakakabinging static ang dumaan do'n ngunit kaagad din namang nawala.
Sa kabila ng panlalamig ay pinilit ko na harapin ang isang bagay na kinatatakutan ko. I turned my face to Vicky's casket and looked at her. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang makita ko siya. Parang hindi niya pinagdaanan lahat ng hirap na nangyari dahil para lang siyang natutulog. She looks peaceful. I raise a trembling hand and place it on top of the casket.
"She saved me in a lot of ways. Tinulungan niya ako para patuloy kong kayanin ang araw-araw. She sacrificed a lot for me starting from the day she took me in. I was cold, hungry, and in pain when she saw me. Hindi siya mayaman at marami din siyang problema sa buhay pero hindi siya nangiming tulungan ako at kupkupin. Dahil sa kaniya naramdaman ko kung paano magkaroon ng isang pamilya. Kaya pinangako ko sa sarili ko, gagawin ko ang lahat para makabawi sa kaniya. Despite the life I had, I continued on living so I can give her a life where she can be comfortable and happy. Pero paano ko gagawin 'yon ngayon kung wala na siya? Paano ko magagawang makabawi?"
My eyes get blurry as tears welled from my eyes. But I shake it off and continued. "If there's such thing as a next lifetime, I want to meet her again. Gusto ko sa pagkakataon na 'yon siya naman ang tutulungan ko. Pero kung hindi gano'n ang mangyayari...I wish she will run far from me so I can save her from me. I know that I would find it hard not to get lost when all this time she was beside me...helping me to figure out a lot of things in my life. But I'm willing to try to find my way because I don't want to let her down. Ayoko na masayang lahat ng sakripisyo niya para sakin. Na sana balang-araw magawa ko siyang isipin na hindi ako nasasaktan. Na balang araw magawa kong maging masaya kahit wala na siya."
Tuluyan na akong humarap kay Vicky at nanghihinang sumubsob ako roon. I don't want to let her go. Ayoko na hindi na siya makita. Kung sana pwede akong humingi ng isa pang pagkakataon, kaunti pang oras, kahit saglit lang. Pero hindi posible. Hindi pwede.
Kasabay ng pag-ihip nang hangin ay naramdaman ko ang mga kamay na umalalay sa akin. I turned to the person's arms knowing it would be Gaige's. Kinulong niya lang ako sa mga bisig niya habang ang mga mata ko ay nanatiling nakatingin sa kinahihimlayan ni Vicky. Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nanatili ro'n dahil hindi nagtagal ay unti-unti nang nawala ang imahe niya sa harapan ng mga mata ko nang tuluyan na nilang sinarado ang ataul.
I closed my eyes and let Gaige hold me. In my mind I envisioned a sun setting, it's darkness embracing the light to fill the sky until there's nothing left to see but pitch black. And for once the radiant colors there didn't matter cause all I have is black.
________End of Chapter 30.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top