Chapter 3: The Fallen

CHAPTER 3

CHIANTI'S POV

Habang binabalanse sa kamay ang malaking paper bag ay hinugot ko ang private key ko at pinunch in ang security code sa isang maliit na keypad ng elavator. Pagkatapos niyon ay pumasok na ako. I own a penthouse at Sky Rise Condominium.


Iginala ko ang paningin ko, searching for my wandering cat. Hindi na nakakapagtakang makapagtatago siya dahil malawak talaga ang lugar na ito. Hindi man marami ang mga appliances ay nagkalat naman ang iba't-ibang size ng mga canvass at mga painting materials.


Hindi naman sa hindi ako organisado. Kung tutuusin ay maayos naman na nakalagay sa mga tamang lagayan ang mga gamit ko. Magulo lang talagang tignan ang penthouse ko dahil sa mga dyaryong nakakalat para hindi matuluan ang sahig kapag nagpipinta ako.


Kulay cream at beige ang ginamit ko para sa interior ng lugar. I even painted it myself. Sa gitna ng living room ay nandoon ang itim ko na sala set, stereos at malaking flat screen TV, my bestfriend. May mahabang puti na built in shelves naman sa isang panig ng living room kung saan nakalagay ang batalyon kong koleksyon ng mga movies at albums. Sa kanang bahagi ng lugar ay naroroon ang wooden slidable partition ng kitchen.


Wala akong dining table. Hindi naman kailangan dahil wala din naman akong kasalong kumain.


"Come here, boy." tawag ko at kaagad namang sumulpot ang isang itim na itim na pusa. My five years old, American Shorthair, Mr. Snipes.


Iniregalo siya sa akin ni Roussanne. Para daw hindi ako tuluyang mabaliw dahil wala raw akong interaksyon sa living things kapag wala akong trabaho sa Exquisite. But I'm glad that she gave me, Mr Snipes. I love cats. May sarili din kasi silang mundo, parang ako lang.


Umikot-ikot si Mr. Snipes sa paa ko at naglalambing na kinikiskis ang katawan niya sa akin. Yumuko ako at kinuha ko siya habang sa isang kamay ko ay hawak ko pa rin ang paper bag. Galing kasi ako sa mall at bumili ng mga bagong painting materials.


Naglakad ako papunta sa kusina at ng makarating roon ay ibinaba ko sa counter si Mr. Snipes na nakamasid lang sa akin. Sinimulan ko ng ilabas ang laman ng paper bag ng mapansin ko na titig na titig pa rin siya sa akin. "What? Akin kaya ang mga ito."


"Meow."

"Sinira mo ang isa sa favorite pouch ko kaya walang kang pasalubong ngayon."

"Meow!"

"Akala mo na lang meron, pero wala, wala!"

"Meooooowww!"


Napangisi ako. Mabisang stress reliver talaga si Mr. Snipes. Nawawala kasi lahat ng pagod ko kapag nakikita ko na naiirita na siya sa akin. "O. Pasalamat ka cute ka kung hindi ginawa na kitang siopao." sabi ko sa kaniya at binuksan ang isang bag ng treats para ibigay sa kaniya ang isang piraso.


"Meow!"


Naiiling na sinundan ko ng tingin si Mr. Snipes na taas ang buntot na lumayas na. Suplado talaga.


Inihanda ko na rin ang pagkain niya dahil aalis rin ako mamayang alas-nuwebe. I have another client, at hindi sa gallery, it's for Exquisite. Tuesday at Thursday ang pasok ko sa Exquisite, bakante ako ng Wednesday at Sunday, Monday, Friday at Saturday naman ang pagbubukas ko ng gallery. Tuwing alas-otso ng umaga binubuksan ko ito at sinasarado ko naman pagdating ng alas-kwarto ng hapon.


Maliit lang ang space ng gallery ko dati. But when a famous actor in the US mentioned in an interview about one of my paintings that he bought, my gallery bloomed in an instant.


Saan ko siya nakilala? Sa maliit ko na social life, iisa lang naman ang dahilan para magkaroon ako ng mga kakilala. Exquisite. Ivo Madrigal was my client and he paid for a date.


To be able to enter Exquisite's 'special' facilities you need to be a member. At hindi madali at hindi biro ang halaga na kailangan bago maging miyembro. Hindi pa kasali doon ang kabayaran sa mga babae.


Exquisite is strict when it comes to the safe keeping of their girls. Bago mabili ng kliyente ang isa sa amin ay kailangan niya munang pumirma ng kontrata na nagsisiguro sa kaligtasan namin at ganoon na din sa pribado naming buhay. Maaari silang magtanong ngunit nasa amin ang desiyon kung sasabihin namin. But our names need to be kept a secret.


Hinihingi din ng Exquisite ang detalye kung bakit kinakailangan ng kliyente ang serbisyo ng kompanya at kung anong klase na serbisyo ang gusto nila. The payment for us to bed the client is much higher than just doing things with them without fully engaging into sexual interaction or just keeping them company.


The client are also not allowed to hurt the Exquisite girl, with the exeption of BDSM play if allowed by the Exquisite girl who's assigned for the client. But permanent markings and activities that may hinder the Exquisite girl to work is not allowed.


Nilabag ni Ivo ang isa sa mga patakaran ng Exquisite. He did bought me but just for a one night date. Kailangan niya kasi ng date para sa awarding na pupuntahan niya. But the idiot got drunk and ended up violating me. Ang malala pa, ibang klase ang 'trip' ng lalaki. Let's just say that I haven't been able to work for two weeks because of the bruises I got.


At para hindi siya maputukan ng nangyari, he paid an extra to Exquisite and he bought one of my expensive paintings. Kahit na wala naman siya ni katiting na amor sa art.


Nagbaba ako ng tingin nang marinig ko ang pagmeow ni Mr. Snipes. Kanina ko pa pala nilalaro ang pagkain niya. "Sorry na. Suplado." pagkasabi niyon ay ibinaba ko ang kaininan niya na kaagad naman niyang sinugod.


Kasalukuyan akong naghuhugas ng kamay ng marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Kaagad na tinapos ko ang paghuhugas ng kamay at kinuha ko iyon. Nagpipindot ako sa buton niyon ngunit nagpatuloy sa pag-iingay ang cellphone. "Shit! Ano na namang problema?"


Kung ano-ano pa ang pinindot ko hanggang sa tumigil na ang ingay. Inilagay ko iyon sa tapat ng tenga ko at nagsalita, "Hello?" Ilang sandali na naghintay ako ngunit wala pa ring sumasagot. Inalis ko sa tapat ng tenga ko ang phone at tinitigan ko iyon. "Well, damn. Sira na naman."


Napapailing na lumabas ako ng kusina at dumiretso ako sa kwarto ko. Walang makikita roon kundi ang king size bed ko, a full length mirror, and my walk in closet. Dumiretso ako sa walk in closet at naghalughog ako sa pinakababang cabinet. Nang makita ko ang pamilyar na kahon ng bagong cellphone ay kinuha ko iyon at bumalik na ako sa kusina.


Lagi akong may stock na phone. Hindi ko na kasi mabilang kung ilang beses ako niyong nakakasira. Kung pwede lang mabuhay na wala iyon ay nunka na bumili pa ako. I just want peace and quiet.


Nang mailipat ko na ang sim card ko sa panibagong phone at buksan iyon ay mabilis na tinignan ko ang manual at hinanap roon ang tamang pagsagot ng phone. "Okay. Green kapag sasagot, red kapag papatayin. Remember that, Chianti."


Hindi nagtagal ay muling tumunog ang aparato. Maingat ang kilos na pinindot ko ang kulay green na key. "Hello?"


"Nakasira ka na naman ng cellphone?"


Our department's manager, Dianne Samante. Sa pitong taon ko na pamamalagi sa Exquisite ay siya na ang humawak sa akin. "As usual."

Mahina siyang napatawa, "Sinabi ko naman kasi sa'yo na mag invest ka na sa maayos na phone. Convenient pa kasi lahat nandon na. You can search for things, places, maghanap ng food spots and of course ang social media. It can help you...uhhh...not to be anti-social."

Pinaikot ko ang mga mata ko. Para din siyang sila Asti, lagi na lang ibinibida sa akin ang abilidad ng mga makabagong teknolohiya ngayon. But it just doesn't entice me. Masyadong magulo ang social media, puro pagtatalo na lang ang meron katulad sa lagi kong napapansin kaila Syrah na trip na trip makipag debate online. And if I want to look for a get away place, buy things, and look for dining spots pwede naman na aktuwal akong maghanap. Where's the fun in just typing it out instead of actually discovering one?

I only use the web for advertisements para sa gallery ko but I can do that on my laptop and my team can handle them if I can't.

"I'm fine on my trusty and basic call and text phone." I told her. "Anyway, any news about my new client?"


"Yes. You'll meet him at Exquisite at nine thirty pm. He already reserved a room."


Napatigil ako sa akmang pag aayos ng mga gamit sa lamesa. "A room? Dianne-"


"I know. Sinusubukan ko na hindi sa iyo ibigay ang mga full private job pero alam mo din na hindi natin maiiwasan. Kapag may nakahalata at nakarating ito sa mga founder, pareho tayong malalagot."


"Dianne, I don't think I can do it."


"Alam ko. But the girls are starting to get suspicious too. Almost all the jobs that was given to you just need a date for an event or a night with a client who just paid to do things with you except take you to bed."


Napabuntong-hininga na lang ako. Tama naman siya. Hindi naman namin talaga matatakasan ang talagang dapat ko na ginagawa. Kahit na sa loob ng tatlong taon ay nagawa namin na itago sa Exquisite ang pag-iwas ko sa trabaho na kinakailangan kong ibenta ang buong pagkatao ko ay hindi nangangahulugan iyon na hindi kami mabibisto. Dahil ito ang trabaho ko. Ito ang trabaho ko noon pa man.


When that man violated me when I was fifteen, I thought I was done. Bakit pa ako lalaban? Wala ng natira sa akin. Namatay ang parents ko, ang pera nila ay kinailangan ipambayad sa mga utang nila na hindi ko alam na mayroon pala, at ninakaw sa akin ang pagkatao ko. Walang wala na ako.


I ran away. Dahil hinding hindi ako babalik sa taong iyon. Pero ang nakakatawa, tumakas ako sa isang halimaw pero bumagsak naman ako sa isa pa. Ang pagkakaiba lang...sa isang ito ay nasa akin ang desisyon. Desisyon na hindi na lang basta nanakawin sa akin.


A woman helped me when I was shivering from fever in a corner, waiting for the right time to die. Nalaman ko na isa pala siyang bayarang babae at nagtatrabaho sa isang maliit na bar. Gusto niyang tulungan ako pero sapat lang ang kinikita niya para sa nanay niya na may sakit.


Right there and then, I asked myself. Ano pa ba ang pwedeng mawala sa akin? I told her that I would work at the bar she's working at. Noong una ayaw niya pero nakita niya ang determinasyon sa akin. Alam ko na alam niya na kung hindi niya ako tutulungan ay maaaring mas maging madilim pa ang daan na tatahakin ko.


Pinasok niya ako sa bar bilang serbidora lang pero hindi nagtagal ay nakuha ko din ang atensyon ng may ari at kahit ang kunukupkop sa akin ay walang nagawa. Pero dahil labing-lima pa lang ako noon ay hindi ako maaaring ipagbili sa customer. So any man who will pay for me can make me do anything and vice versa except penetrate me.


When I turned seventeen that's when I completely sold my soul to the devil. The first time it happen it took a part of myself, and when it happened again, it took a greater part of me...until I can't see myself anymore. Hanggang sa gusto ko na lang na tuluyan ng mawala. Victoria, the woman who helped me saw that. Kaya pilit niya akong inilalayo. Sinisigurado niya na kung hindi man niya ako tuluyang mapigilan ay ang magiging customer ko ay hindi ako aangkinin ng tuluyan.


May isa na hindi sumunod. He's a brute...more cruel than Ivo. Nadala ako sa ospital at wala akong pambayad. Victoria paid for everything. Then her mother died.


Nang makalabas ako ay doon ko nalaman ang nangyari. I-coconfine dapat ang nanay niya, pero pinili niya...pinili nila...na ako ang isalba.


Weeks after that, just after my eighteenth birthday, Exquisite found me. They offered me a job, but this time, I need to take care of myself and they will take care of me too. At dahil sa laki ng halaga ng pera na kinita ko sa kanila, nakapag-aral ako. Sa kabila ng katotohanan na walang pinag-bago ang trabaho ko nagkaroon ako ng munting pag-asa.


Na makakawala ako. Na pwede ko pang mabago ang buhay ko after the ten years contract.


"Details, Dianne." I said, clearing the lump in my throat.


"Penetration is optional. Hindi pa siya desidido but he paid in advance. He has a fetish and that's the most important part of the evening."


Mariin na napapikit ako. "Anong klase ng fetish? Does it involve bondage or just plain pain?"


"None of the above. Gusto niya lang na tignan ka."


"Huwag mong sabihin sa akin na katulad noong huling beses ang mangyayari? That man was a creep. He made me wore his dead's wife clothes and pleasured himself while looking at me."


Narinig ko ang mahinang tawa ni Diane mula sa kabilang linya. "Aren't all of them a creep? Kapag sumapit ang pangatlong taon, isa ako sa magseselebra kapag tuluyan ka ng nakakawala sa kontrata. You deserve to be free from all of these."


Dianne's not like us. But despite all that, kahit na alam niya kung gaano kami kababa, hindi niya kami itinuring na ganoon. "Thank you."


"Don't thank me. Ako ang halimaw na nagbibigay sa iyo ng kliyente."


"It's your job, you don't have a choice."


Alam ko na kahit kayang-kaya niyang umalis ay hindi niya ginagawa dahil sa amin. Dahil natatakot siya na kapag hindi siya ang humawak sa amin ay baka kung ano ang mangyari sa aming mga Exquisite girls.


Sa daling binalot kami ng katahimikan ngunit pagkaraan ay muli siyang nagsalita, "Nine thirty. I'll text you the room number."


"Okay. Thank you."


Hindi na siya sumagot at pinutol na niya ang linya. I looked down and saw Mr. Snipes, looking at me.


"Looks like mommy needs to work."


"Meow."

_______End of Chapter 3.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top