Chapter 29: The Unfixable


CHAPTER 29

GAIGE'S POV

Dinampian ko ng magaang halik ang kamay ng natutulog na si Chianti. Even sleeping, she doesn't look at ease. It's been hours but I'm still waiting for her to wake up. Mula nang mawalan siya ng malay nang matagpuan namin siya ay hindi na siya muling gumising. The doctors tend to her injuries and said that there would be no long-term damage. But that's not what I'm scared of. Emotional scars can be healed but it won't be as fast as the physical ones.

I almost thought I lost her. I thought we were too late. We arrived just in time to stop Claire Renoso also known as Janice Cruz from shooting Dianne Samante, Exquisite employee. Sinubukan naming hanapin sila Chianti pero nakatakas na sila mula sa pinagkulungan sa kanila ni Victoria Meneses.

We were a breath away from losing both of them and we managed to rescue Chianti...but not quick enough to save Victoria. Hindi namin alam kung kaninong bala ang unang tumama kay Reynaldo na nagsanhi sa pagkamatay niya. Kung ito ba ay galing sa pulisya, sa pribadong organisasyon, sa security teams, o sa baril na hawak ko nang mga pagkakataon na 'yon. Ang nasisiguro ko lang ay hindi na niya magagawang guluhin muli ang buhay ni Chianti. And whatever he had left to torture the woman that I love...I will make sure to work all my life to free her from.

I will be forever hunted by the memory of her screaming for life...her voice full of anguish not just because from the pain of losing someone, but from the torture of dying slowly while she's still breathing.

"She'll wake up soon."

I looked up to my grandfather, Devin. Umupo siya sa tabi ko habang ang mga mata ay nakatutok kay Chianti. His own security team helped us on looking for Chianti. Akala ko ay pipigilan niya ako nang bigla na lang siyang dumating sa property ko. But in fact, he also helped on looking for her.

"I know she will. I just don't know how I can help her get through this." mahinang kong bulong. "Hindi ko alam kung saan magsisimula."

"You should start by letting go." Hindi makapaniwalang nilingon ko siya. Nananatiling kalmado ang ekspresyon niya habang nakatingin sa asawa ko. Nang bumaling siya sa akin ay direkta niya akong tinignan sa mga mata. "Let go."

I closed my hand into tight fists and tried to control my voice as I speak. "I will not."

"Hindi ko sinasabing iwan mo siya. All I'm saying is you should let her have a bit of control of her life. Let her be surrounded by the things she's familiar with as hers not yours or what you have both. That woman needs air and the last thing you should want is to suffocate her more."

Hindi ko nagawang makasagot sa tinuran niya. Buong pagkatao ko ang pilit itinatanggi ang gusto niyang mangyari. Dahil wala akong ibang gusto kundi ang protektahan si Chianti...na ilayo siya sa mga bagay na maaaring maglagay na naman sa kaniya sa panganib. But my grandfather's right. I could suffocate her by treating her as fragile and putting her inside a barricade to stop anyone from getting to her.

"I don't know if I can." mapait na ngumiti ako. "Alam ko na pinalaki mo kami na hindi pwedeng maging mahina. But she's my weakness. I can lose everything and I wouldn't mind as long as I have her."

Pinalaki kami sa buhay na komportable at walang komplikasyon. The world was handed to us. Pero sa kabila niyon ay nang makilala ko si Chianti, pakiramdam ko noon pa lang ako nagsimula na totoong mabuhay.

"It's in the Hendrix' nature to never stop on fixing things. But your woman doesn't need fixing. You might never fix her, Gaige. Ang kailangan niya ay ikaw bilang asawa niya na gagabay lang sa kaniya...hindi kokontrol. What she needs is a person she can hold on to whenever she wakes up from her nightmares in the middle of the night." mahinang tinapik niya ang tuhod ko at tumayo mula sa pagkakaupo. "Your grandmother wasn't easy to love too. She was different back then. I didn't know when her nightmares stopped...I just know that it did when I look at her while she was sleeping and there were no bad dreams anymore."

Pagkasabi niyon ay tahimik na naglakad siya palabas ng kwarto habang ako ay naiwan na nananatiling nakatingin kay Chianti. I wish I could have acted differently. Sana hindi na nangyari lahat ng ito.

I could have protected her more and the family she had left. Kahit hindi niya ikinukuwento sa akin, alam ko na importante sa kaniya si Victoria. According to the source, she took Chianti in years ago. She saved her from being found by Reynaldo. At sa pangalawang beses ay muli niyang iniligtas si Chianti.

Marahang hinaplos ko ang pisngi nang babae ngunit nanatiling pikit ang kaniyang mga mata.

"Wake up, angel." I whispered. "I love you."

Nilingon ko ang pinto nang bumukas iyon. Iniluwa niyon ang mga kaibigan ni Chianti na sina Roussanne, Syrah, at Asti. Kita ang pag-aalala sa mga mata nila na bantulot lumapit sa kama ng asawa ko. Alam kong iisa lang ang nakikita namin. How breakable Chianti look with all the bruises and injuries covering her body.

"Is it over?" Asti whispered.

Bahagya akong tumango sa kaniya. Bago ako makasagot ay bahagyang nagdulot ng bahagyang pagyanig sa paligid ang pagdagundong ng kulog at kidlat kasabay niyon ay ang pagbuhos nang malakas na ulan.

Nakita kong wala na sa akin ang atensyon nila kundi sa kama na kinahihigaan ni Chianti. Lumingon ako roon at napatayo ako nang makita ko siya na bukas na ang mga mata at nakatingin sa kisame ng ospital. Kita sa mga mata niya ang pagkalito na para bang hindi niya maintindihan ang mga nangyayari. Kaagad na lumapit ako sa kaniya at ginagap ko ang kamay niya.

Napapiksi siya na para bang hindi niya narinig ang paglapit ko. Tumingin siya sa akin, puno ng takot ang mga mata niya.

And for the second time, I hear her tortured scream again. Umangat ang katawan niya na para bang tatayo siya mula sa kinahihigaan ngunit kaagad ko siyang napigilan. Ikinawit ko ang mga braso ko sa bewang niya at pilit na inipin siya sa kama.

Nararamdaman kong bumabaon ang mga kuko niya sa braso ko pero hindi ko siya binitawan. Tinapunan ko ng tingin ang tila natulos sa kinatatayuan na mga babae. "Call the doctor!"

Hindi kaagad sila nakakilos maliban kay Roussanne na tumakbo na palabas ng kwarto. Muli kong ibinalik ang atensyon ko kay Chianti. Tears are streaming from her eyes as she continued on clawing at me as she tried to get away.

"Angel, it's gonna be okay. You're gonna be fine, I promise."

I whispered at her over and over but it was as if she can't hear me. Hinawakan ko ang pisngi niya at sinalubong ko ang mga mata niya pero ipinilig lang niya ang ulo niya dahilan para tumama iyon sa balikat ko. Inulit-ulit niya 'yon pero inilayo ko na ang katawan ko at tanging mga kamay ko na lang ang pumipigil sa kaniya para makatayo mula sa kama.

"Angel, I'm sorry." my voice breaking as I uttered those words.

Muling kumawala ang malakas na sigaw mula sa bibig niya at umangat ang isa niyang kamay at inihampas niya iyon sa tenga niya. Mabilis na ginagap ko iyon para pigilan siya na masaktan ang sarili niya.

I heard rushing footsteps behind me at the same time I felt hands helping me on pinning her down. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at bahagya iyong inalis ngunit hindi ako bumitaw at sa pag-angat ko ng mga mata ay nakita ko ang doktor ni Chianti. "Let me handle her, Mr. Hendrix."

Tila ba parang nakikita ko kung paanong nagulat siya sa pagdating ko nang matagpuan namin sila sa kakahuyan, ang naguguluhang ekspresyon niya ng magising, at ang pilit niyang pag-abot sa mga tenga niya na para bang itinuturo niya 'yon.

"She can't hear." I said to the doctor. "You need to do something!"

"Please, Mr. Hendrix. You need to let me take care of her." aniya ng doktor na hinawakan ang mga kamay ni Chianti at kinuha mula sa akin ang mga iyon. "Please wait outside."

Even though the last thing I wanted to do was let her go, I unclasp my hands from her and move away. Dinala ako ng mga paa ko sa labas ng kwarto at nahahapong sumandal ako sa labas niyon. I can still hear her. I can hear her anguish cries.

But she can't. She can only feel everything but she can't even hear her own pain.

I can feel my heart clenching as if it's being crushed into million pieces as I look at her. I want to share her pain, I want to stop her from hurting...pero wala akong magawa para sa kaniya. And there's nothing worst knowing that I have everything except any means to save her from the place she is drowning in.











CHIANTI'S POV

Nagising ako mula sa mararahang pagdampi ng kamay na humahaplos sa pisngi ko. Dahan-dahan kong imunulat ang mga mata ko pero para bang sumisigid ang kirot sa ulo ko sa pagkasilaw mula sa liwanag. Iniangat ko ang kamay ko at bahagya ko 'yong itinakip sa mga mata ko pero wala ding silbi 'yon.

Ibinuka ko ang bibig ko at pilit na nakiusap ako na patayin ang ilaw pero wala akong nakuhang sagot. Wala din akong marinig na pagkilos ngunit naramdaman ko ang pagkawala ng pamilyar na kamay na nakahawak sa akin.

Nang maaninag ko ang pagkawala ng nakakasilaw na bagay ay unti-unti kong iminulat ang mga mata ko.

My eyes search the room and they stopped at the foot of the bed. I saw him standing there looking at me as if he's scared to make a move.

"I'm okay."

I stopped from speaking when the only thing that greeted me is silence. Then I tried to speak again but my lips only formed the words but I can't hear them. Napahawak ako sa leeg ko at muli kong sinubukan. Nararamdaman ko ang vibration mula roon pero nananatiling tahimik ang aking pandinig.

Napapitlag ako nang maramdaman kong may humawak sa mga kamay ko na nasa leeg ko at marahang inalis 'yon. My eyes met my husband's beautiful chocolate ones. He pulled my hand away and place a soft kiss on it.

Umangat ang kamay niya at hinawakan niya ang isa kong tenga at hinaplos iyon. He opened his mouth and he speak slowly and that's when I realized that it wasn't my voice...but my hearing that has a problem.

I can feel a strange sensation on my body as it started shaking. And even if I can't hear them, I know my body is starting to vibrate with laughter. Hindi ako tumigil at tumawa lang ako ng tumawa.

How funny is this? I thought I was already broken long before. But now I'm completely messed up.

For days I screamed and screamed but I didn't lost my voice. All those days I was locked up in the dark, all I can do is hear my cries and Dianne's. I can't see but I can hear everything. The chair being drag, the clinking of chains, the bed squeaking, the sound of the doors opening, the sound of his footsteps, voice, the thunder booming, the rain...the bullets being fired. But now I don't have them. I don't have anything.

I have no one now.

Iniangat ko ang mga kamay ko at sinubsob ko ang mukha ko roon nang tuluyan nang mawala ang tawa at mapalitan iyon nang hindi mapigilang pagluha. I can feel sobs rocking my body.

I lost her. She saved me again. Bakit ba laging ako? Bakit ba ako ang laging nawawalan? Ano pang silbi ng lahat? Ano pa ang silbi na iniligtas ako kung alam ko na dahil sa akin ay may nawala na naman? I was saved but it doesn't feel like that.

Naramdaman kong hinawakan ni Gaige ang mga kamay ko at inalis iyon sa pagkakatakip sa mukha ko. Hinawakan niya ang baba ko at iniangat 'yon. He looked at me directly in the eyes. He didn't speak, he just continued looking at me. And that's when I knew that I'm hurting him too.

Ito na lang ba ang silbi ko sa lahat? Maging malas na nagdudulot ng gulo at sakit sa buhay nila?

"You should go, Gaige. There's nothing that can fix me now. I've been broken too much that I don't think I can ever find my pieces again."

Sandaling nakatingin lang siya sa akin at pinagmamasdan ako. At pagkaraan, kahit na alam kong iyon ang makakabuti para sa kaniya, ay tila pinipigila parin ang puso ko nang tumayo siya at lumayo mula sa akin.

Nagbaba ako ng tingin sa mga kamay ko ngunit hindi pa nagtatagal ay natabingan iyon ng notebook na may sulat. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang bahagyang nakangiting si Gaige. Umupo siya sa tabi ng kama ko at itinuro niya ang notebook at pagkatapos ay nagsulat siya doon. Nang matapos ay ipinakita niya sa akin ang laman niyon.

'This is just temporary, angel. You'll get your hearing back. We will get some help. This is just your body protecting you. Let yourself heal.'

Umiling ako at inilayo ko ang notebook. I want him to leave me. Dahil ayokong makita niya ako na ganito. Bahagya kong itinulak ang kamay ni Gaige pero muli lang siyang nagsulat sa notebook at ibinalik niya sa akin iyon.

'If you can't be fix, then I'll just hold you together. If you can't find your pieces back, I'll try to fill those gaps. We will do this at your own pace. Just don't tell me to go and leave you just to protect me because I can't.'

I looked up at him with tears welling from eyes. He reach for them and wipe it away. His lips moving but this time it was words that I recognize even without hearing them.

'I love you.'








________End of Chapter 29.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top