Chapter 28: The Silence
CHAPTER 28
GAIGE'S POV
A loud sound echoed on the room as the glass of liquor that I was holding shattered into pieces. I run my hand through my hair in frustration. Napayuko na lang ang assistant ko na si Duane at ang mga kasama niya na ilan ay parte ng security team ko. "These can't be all a coincidence and you know that. Paano niyo hinayaang mangyari 'to?!"
"Mr. Hendrix, it was only now that we managed to get inside the house. Nang alisin niyo ang dobleng security dahil narin sa gusto ni Miss Chianti ay nag-iwan kami ng orihinal na security team para ma-check ang bahay ni Victoria Meneses. We doubled the security again when Miss Chianti went missing but one of the men decided to approach the house when it's been a day with no sign of movement in the location. The private nurse was found dead and Victoria Meneses is nowhere to be found. I'm sorry, Mr. Hendrix-"
Hindi niya na natapos ang gustong sabihin nang tumayo ako mula sa pagkakaupo at dire-diretso akong lumabas ng opisina. Tumuloy ako sa sala at doon ay natagpuan ko ang buong security team na tutok sa mga ginagawa nila pati na ang ilang galing sa pulisya na ngayon ay alerto na sa mga nagaganap. Aside from that, the private organization I hired is now working to find Chianti's location. Hindi nga lang sila pwedeng manatili dito dahil hindi sila maaaring makita ng maraming tao as per their request. Only one remained from their team but she needs to act as a friend and not as a hired agent. Iyon ay para maprotektahan ang identity niya na panghabang-buhay ko na kinakailangang panatiliing pribado ayon sa kontrata na pinirmahan ko.
Malalaki ang mga hakbang na nilapitan ko si Athena Lawrence na nakaupo sa isang tabi malayo sa lahat habang nakatutok ang mga mata sa cellphone niya. Mukhang naramdaman niya ang presensya ko dahil nag-angat siya ng tingin at direktang tinignan ako.
"I can't stay sitting around and waiting. It's been four days and I'm not going to wait another minute." I whispered at her but my voice is lace with the anger that I'm trying to hide.
I can't do this. I can't sit around when I know that Chianti's somewhere scared...or hurt. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyayari sa kaniya. Each time I closed my eyes I can see her lovely face, her beautiful smile...I can almost hear the sound of her voice. Pero kada bubuksan ko ang mga mata ko, bumabalik ako sa katotohanan na wala siya sa tabi ko. Sa bawat minutong lumilipas pakiramdam ko ay paulit-ulit akong pinarurusahan sa impyerno.
I could lose her in a lot of ways. Alam kong kahit magawa namin siyang mabawi ay hindi matitiyak no'n na buong-buo ko siyang makukuha. That I may never get the Chianti that I've been with...that I fell in love with. "Miss Lawrence, I need your answer now."
Imbis na sumagot ay itinaas niya ang hintuturo niya at inilagay sa tapat ng labi niya na parang pinapatahimik ako. Bumuka ang bibig ko para magsalita pero bago ko pa magawa 'yon ay napuno ng ingay ang paligid sa komosyon na nanggagaling mula sa mga tao sa sala.
"They got our tip." Lawrence whispered jut for me to hear. "Papunta na doon ang mga kasamahan ko. We found her, Mr. Hendrix."
Hindi na ako nag-intay ng iba pa niyang sasabihin at sa malalaking hakbang ay lumabas ako ng bahay at sinundan ang ilang mga tauhan ko na nagmamadali sa pagsakay sa kani-kanilang mga sasakyan. Naririnig ko ang pagtawag sa pangalan ko pero hindi ko sila pinakinggan. Ang mahalaga sa akin ngayon ay mahanap ang babaeng pinakamamahal ko.
"Gaige Hendrix!"
Napatigil ako sa akmang pagpasok sa sarili kong sasakyan at napatingin sa direksyon ng tumawag sa pangalan ko. But all I saw were men coming towards me with faces set with determination. Nagkagulo ang mga tauhan ko at sa mabibilis na kilos ay tinakbo nila ang kinaroroonan ko. But they are all too late for the unknown men already got to me first.
And that's when I saw him.
CHIANTI'S POV
Marahas na napapitlag ako nang pumainlang sa paligid ang pagsigaw na nanggagaling sa kaliwa ko. Sinigid ng kirot ang ulo ko nang tumama sa mga mata ko ang ilaw na nanggagaling mula sa pinto pero hindi ko na nagawang pansinin iyon sa nakikita kong ayos ni Dianne. She's crumpled to the floor while Janice Cruz- no...Claire is kicking her in the stomach.
"S-Stop..." I tried to scream at them but my voice only came out as a whisper.
"Ano?! Susubukan mo pang lumabas?!" sigaw ng babae kay Diane at patuloy paring sinasaktan ang umiiyak at sumisigaw na babae.
Sa kabila ng sakit na nararamdaman ko sa iba't-ibang bahagi ng katawan ko ay sinubukan kong tumayo. Napadausdos ako sa sahig pero hindi ako tumigil. Tinulak ko ang katawan ko hanggang sa makalapit ako sa kanila para harangan ang katawan ni Dianne. Napasinghap ako sa sakit nang sa likod ko tumama ang sumunod na sipa ng babae.
Napaigik ako nang maramdaman kong may humawak sa buhok ko at hinila ako pataas at kasunod niyon ay ang pagbagsak ko sa isang tabi. Gano'n din ang ginagawa niya kay Dianne na napasadlak sa tabi ko. Nanginginig ang mga kamay na hinawakan ko siya at kaagad naman siyang dumikit sa akin at yumakap. I can hear her faint cry.
"T-They're bringing someone in." she whispered at my ear.
Pakiramdam ko ay sinakmal ng takot ang dibdib ko sa narinig. It could be anyone. My friends, Gaige...mga taong importante sakin. It could be anyone these monsters would subject to the same fate I'm in.
I can hear screams last night. But I thought it was just another nightmare. Just me screaming for life. My dreams about Gaige can't reach me anymore. Hindi ko na magawang lokohin ang utak ko sa impyernong kinaroroonan ko. I tried so much to have those dreams. Kahit saglit lang...kahit konti lang. Because those dreams and memories gives me a bit of my sanity. Pero kahit iyon ay ipinagkait na sakin dahil kahit ipikit ko ang mga mata ko ay tanging mga sigaw ko lang ang naririnig ko.
There are times when I try so hard to think of Gaige. Because despite this hell, he's the only one giving me air to breathe. Dahil kahit parang hindi na mangyayari ay isang bahagi sa akin ang umaasa na hinahanap niya ako. Hindi ko alam kung ilang beses akong humiling na sana...sana nga hindi niya ako tuluyang sukuan. But it wasn't the pain that pushed me to cry for him. It was the fear.
Natatakot ako na baka wala ng matira. Baka hindi ko na kayaning humawak pa sa natitirang ako. I'm too tired. Hirap na hirap na ko. Not just with this but with everything. Pakiramdam ko...hindi na matatapos. Pakiramdam ko wala na akong kawala.
All my life I tried so hard to escape my prison. Pero kada pintong nagagawa kong buksan, panibago na namang bilangguan ang kinakaharap ko. Paulit-ulit...pahirap nang pahirap takasan. At ngayon nagkatotoo na ang bagay na kinatatakutan ko. That the monsters in my past will taint the part of me I tried so hard to keep safe.
"Ilabas mo 'yang isang 'yan, Claire." narinig kong utos ni Reynaldo.
"Pa-"
"Sumunod ka na lang. 'Wag kang mag-alala hindi mo na kailangan ibalik 'yan dito. Do'n mo na lang sa labas ng bahay dalin para hindi ka magkalat dito sa loob."
Humigpit ang pagkakahawak ko kay Diane sa narinig. Hindi ko gustong isipin kung anong tinutukoy nila pero hindi ko iyon magawang itanggi. These people...they are capable of doing anything. My body started shaking with fear with the realization. They brought someone in...so they need to take someone out.
"C-Chianti..." Diane said in a voice that almost broke my heart into pieces. Her hands tried to grip on me tightly but she has no strength left.
Fear clutched on my chest when I saw Claire walking toward us. She has a grin on her face as if saying that she will have all the fun she can get tonight. A gleam of something malevolent tint her eyes and I know deep in my heart that I am right. "No..."
Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ni Diane sa kamay ko at kasunod niyon ay sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. For a minute I thought she passed out but instead she speaks right into my ear. "Y-You...you need to get out of here."
"You will too. You will."
Pinisil niya ang kamay ko at bahagyang umiling. "Just...just save yourself. And Chi..."
Tears pooled from my eyes. Kahit anong sabihin namin...parehas naming alam na hindi madali ang gusto namin. Na baka huli...na baka hindi na. "Y-Yes?"
"J-Janice Cruz...I didn't want to approve her because of the lack of background about her." she said in a shaky voice. "Y-You should...y-you should know. The founders let her in."
Nawala ang bigat niya na nakadantay sa akin pagkasabi ng mga salitang iyon nang marahas siyang hinila palayo sa akin ni Claire.
"No!"
Kahit ang sigaw ko na 'yon ay walang lakas. It came out dry and hoarse. Pinaikot ko ang mga binti ko kay Diane para lang mapahiyaw sa sakit nang may tumapak roon. Pero sa kabila ng kirot ay hindi ako bumitaw.
I can't let them. This can't happen. Wala siyang kinalaman. Ako lang. Ako lang ang dapat mahirapan. Ako lang ang kailangan nila.
"N-No...please don't. Wala siyang kasalanan. Please!"
Mahigpit na hinawakan ko si Diane pero sa kabila ng lakas na ibinibigay ko para hindi siya mabitawan ay hindi rin ako nagtagumpay nang maramdaman ko ang mga matatalas na kuko ni Claire na bumabaon sa braso ko. Hinaklit niya ako at isinalya sa isang tabi dahilan para maramdaman ko ang matigas na bagay na tumama sa tagiliran ko. A short broken breath came out of me as I lay crumpled at the floor.
Naririnig ko ang mahihinang pag-iyak at pagmamakakawa ni Diana habang hinihila siya palabas ng kwarto na iyon. Sinubukan kong tumayo pero tanging paliit na paliit na ilaw na lang ang natanaw ko nang tuluyan ng sumara ang pintuan.
I raise my hand and bit into it to stop myself from screaming. Hindi ko maaaring sayangin ang natitirang boses na meron ako. I need to get us out of here. Alam ko na marami silang pwedeng gawin sakin kapag nagtangka akong tumakas at nagawa nila akong mahuli...but I rather die trying than to die under their claws.
A faint cry came out of my lips when I felt pair of hands digging into my shoulders. Hinila ako ni Reynaldo at kinaladkad hanggang sa gitna ng kwarto. And a contradiction to his brusque actions, his hand gently traced a path on my cheek down to my neck.
Pumiksi ako at inilayo ko ang sarili ko sa kaniya para lamang mapahiyaw nang isang lumalagiting na sampal ang pinadapo niya sa mukha ko.
"Tigilan mo ang kakaarte mo!"
"A-Ako na lang..." Pilit na inaaninag ko ang isa pang tao na nararamdaman kong kasama namin pero wala akong marinig kundi mahinang pag-ingit na nanggagaling sa direksyon patungo sa harapan ko. "Ako na lang. Ako lang ang kailangan mo di ba?"
Pagak na tumawa si Reynaldo. "At ano namang akala mo? Kuntento na ako na pahirapan ka lang dito? Nagkakamali ka little Chianti. Hindi 'yon ang gusto ko para sa'yo."
"Gawin mo lahat ng gusto mo pero pakawalan mo na sila. N-Nagmamakaawa ako sa'yo...tama na."
"Paano naman ako mag e-enjoy kung padadaliin ko ang buhay mo?" pagkasabi niyon ay muli siyang humalakhak na parang may nakakatawa siyang nasabi. Muling dumampi ang kamay niya sa pisngi ko. "Oo nga pala. Mapapadali naman talaga ang buhay mo dahil malapit na malapit na tayo sa finale. Kaya wag ka ng mainip."
Narinig ko ang pagkilos niya papunta sa kaliwang bahagi ng kwarto. Sumirkulo sa paligid ang amoy ng posporo kasabay nang pagkabuhay ng kaunting liwanag. My eyes tried to adjust and even with my blurry vision, I saw Reynaldo holding a kerosene lamp. Nakangiting ibinaba niya 'yon di kalayuan sa harapan ko para mailawan ang gusto niyang ipakita sakin.
Ipinikit ko ang mga mata ko at yumuko habang sunod-sunod na umiiling. Hindi ko alam kung ano ang bubungad sa akin pero pakiramdam ko ay kinakain ng takot ang puso ko dahil alam kong mahalaga sakin ang taong nasa harapan ko. I can see them all. I can see everyone who's important to me, bloodied and battered. With eyes begging me to end their suffering.
I gasp in pain when I felt fingers digging on my scalp. Hinaklit ni Reynaldo ang buhok ko at pilit na iniaangat ang ulo ko. "Ingrata! Tumingin ka!"
"Stop...please..."
"Hindi mo ba alam kung gaano ako nahirapan para lang sa regalo mong 'to?" asik niya sa akin.
"No. No please."
Naramdaman kong binitawan niya ako. Nanatili akong nakapikit at hinihintay ang sakit na muli niyang igagawad sakin pero imbis na sa katawan ko lumagapak ang latay ng kaharahasan niya ay hindi sa akin 'yon tumama.
And that's when I heard it.
The voice so familiar that it felt like it was plunging a knife into my heart over and over again. My eyes snapped open as my mouth parted...a scream so loud escape my lips that even I was surprise that I manage to conjure it.
'Bata, mataas ang lagnat mo. Tutulungan kita. Kaya mo bang tumayo?'
'Hindi ako masamang tao. Hayaan mo kong tulungan ka. Hindi pa ito ang huli para sa'yo. Marami ka pang pwedeng gawin sa buhay mo.'
'Hindi mo dapat ginagawa 'to, Chianti. Masyado ka pang bata. Hindi kita pinasok dito para maging katulad ko. Kaya ko pa. Hindi mo kailangan maging tulad ko!'
'Wala kang kasalanan. Gusto namin pareho ni nanay na tulungan ka. Dahil alam namin na marami ka pang mararating. Hindi pa huli, Chianti.'
'Wag mo na akong problemahin at matanda na ako. Ikaw itong bata. Marami ka pang pwedeng gawin sa buhay.'
'Chianti, naniniwala ka ba talaga na kunwari lang ang lahat? Ikaw mismo sa sarili mo...naniniwala ka ba na kaya niyang intensiyonal na saktan ka?'
'Bakit ba nahihirapan kang tanggapin na may maaaring magmahal sa'yo? Hindi imposible na totoo ang nararamdaman niya sa'yo dahil kung ako mismo ay nagawa kang mahalin'
It was like I was transported to that moment. That moment that despite the cold...I felt her warm hands on me. And now even without the rain drowning me...I can feel my body shiver as if I'm feeling it all around me.
I can see her kind face..and despite the pain in her eyes I can also see the worry in there. But as always it was not for herself.
She was worried for me.
Maraming sugat sa mga braso niya, hita, at nangingitim ang mukha niya. May dugong nakabakas sa damit niya...dark red blood as if it's been there for a while.
Nalukot ang mukha niya sa sakit nang tumama sa sikmura niya ang kamao ni Reynaldo na nakangising nakatingin sa akin imbis kay Victoria. Kita ang saya sa mga mata niya habang nakatingin sa akin na tila natutuwa sa reaksyon ko...dahil alam naming pareho na nakuha na niya lahat. Na nagtagumpay siya na tuluyan akong masaktan.
"Tama na! Tama na...please...ako na lang!" sigaw ko.
Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ko at mabilis na lumapit ako kay Victoria. Hinawakan ko ang mga kamay niyang nakatali. Tigmak na ng luha na nagbaba ako ng tingin sa mga iyon kung saan kita ko ang sariwang sugat sa mga kamay niya.
Ginagap ko ang mga kamay niya at idinampi ko iyon sa luhaan kong mga mata. "I'm so sorry...I'm sorry."
Nagawa niya akong isalba noon pero ngayon wala akong magawa para sa kaniya. Hindi niya dapat pinagdadaanan 'to. Dapat hindi na lang ako sumama sa kaniya noon para hindi na siya nadamay sa gulong dala ko.
I'm a fool for thinking that I will ever bring good things to the people around me. Tama ang mga magulang ko. Puro kamalasan lang ang dinadala ko sa mga taong nananatili sa tabi ko.
"I'm sorry..." I sobbed.
Her cracked lips open, trying to speak, but only a faint sound came from them. "C-Chianti..."
Napasigaw ako ng bumaling pakanan ang mukha ni Victoria nang basta na lang siyang hilahin sa buhok ni Reynaldo. Ipinikit ni Victoria ang mga mata niya at animo iniintay ang susunod na gagawin ni Reynaldo ngunit nanatili lang siyang hawak ng lalaki.
"Titigan mo mabuti ang ina-inahan mo, Chianti. Dahil ito na ang huling gabing magkikita kayo."
Sunod-sunod na umiling ako. Nanatili akong nakahawak kay Victoria na iminulat ang mga mata niya at tumingin sa akin. I was ready to see loathing in her eyes but there's nothing there but acceptance and fear for me. Naramdaman kong ginagap niya pabalik ang mga kamay ko at mahinang pinisil 'yon.
Hinila ko ang kamay ko at nagkukumahog na lumapit ako kay Reynaldo. Sa nanginginig na mga kamay ay yumakap ako sa binti niya at lumuluhang nag-angat ng tingin sa lalaking nananatiling nakangisi sa akin "Parang awa mo na...wag siya. Hindi na...hindi na ako tatakas ulit. 'Wag lang siya. Please...please 'wag siya."
"Wag kang mag-alala. Hindi naman magtatagal susunod ka din. Gusto ko lang masiguro na wala ng natitira sa'yo. Gusto kong masiguro na kapag pinikit mo 'yang mga mata mo, alam mo na ako ang nanalo."
Tumango ako at iniangat ko ang mga kamay ko para hawakan ang laylayan ng damit niya, "Oo. Oo ikaw na ang nanalo. Pakawalan mo lang sila. Suko na ako. Hindi na ako lalaban...hindi na ako tatakas basta pakawalan mo na lang sila. Suko na ako."
Marahas akong napapitlag nang makarinig ako ng malakas na sigaw kasunod nang putok ng baril. Lalong lumuwang ang ngiti sa mga labi ni Reynaldo habang pakiramdam ko ay pinanlamigan ako ng buong katawan. Dianne...no.
Mahigpit niyang inipit ang magkabila kong panga gamit ng isang kamay at diretso akong tinignan sa mga mata. And at that moment I know...there's nothing that I can say to stop him. Dahil inilatag niya na ang lahat ng plano niya para sakin.
Napaigik ako sa sakit ng basta na lang niya ako iniitsa sa paanan ni Victoria. Kasunod niyon ay sipa na tumama sa sikmura ko. Pero hindi ko magawang indahin yon nang makita ko si Reynaldo na may hawak na patalim sa kamay niya habang si Victoria ay hindi sa kaniya kundi sa akin nakatingin.
I could take him hurting me. Kakayanin ko na saktan niya ako paulit-ulit. Pero hindi ko magagawang kayanin na may masaktan ng dahil sakin. Hindi siya. Hindi pwedeng siya. All she did was kept me alive...safe. She's the only family I have left.
All these years unlike the moth attracted to the flame, I tried so hard to move away from it knowing from the warning whispers of the wind that the flame would burn me and end me. Pero kahit anong gawin ko hindi ko pala maiiwasan na matupok sa apoy dahil nakakulong lang ako kasama niyon...paikot-ikot at hindi nakakalayo.
Flame.
Kasabay ng pagpikit ni Victoria at pagbaon ng patalim sa kaniyang tagiliran ay nagawa kong hablutin ang gasera malapit sa akin. Itinukod ko ang kamay ko at mabilis akong lumapit kay Reynaldo. Hindi na niya nagawang makahuma ng tumama iyon sa mukha niya..at sa pagkabasag niyon ay kumalat sa mukha niya ang kerosene sa loob niyon na kaagad hinabol ng dila ng apoy.
Nakakabinging sigaw ang kumawala sa bibig niya. Hinawakan ko si Victoria at pilit ko siyang itinayo. Buong bigat niya ay dumantay sa akin ngunit hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin. Hinila ko siya palabas kahit halos kaladkarin ko na siya.
"W-We need to get out...stay with me Vicky please."
Kaagad ko siyang hinila sa unang pintuan na nakita ko pero nang subukan kong buksan iyon ay hindi iyon bumukas. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nasa basement kami. Ang liwanag na bumubulag sa akin kada bubuksan ang pinto sa kulungan kung saan ako inilagak ay kakarampot lang naman pala.
"C-Chianti...window..."
Tinignan ko ang tinuturo ni Victoria at iginaya ko siya palapit don. I tried to open the rusty handle but it wasn't easy to turn it. Napatingin ako sa pinto na pinanggalingan namin nang makarinig ako ng mga kalampag mula doon.
Nagkukumahog na hinila ko ang handle at sa kabila ng nanginginig na mga kamay ay tuluyan ko na iyong nabuksan. Bumaling ako kay Victoria at tinulungan ko siyang makaangat sa lamesang nasa tapat ng bintanang iyon. Bahagya ko siyang inupo bago ako nagmamadaling lumabas sa bintana. Ramdam ko ang lupa sa mga kamay ko at kahit na humihiwa ang mga bato doon sa palad ko ay pilit parin na inilabas ko ang kalahati ng katawan ko. I can feel my tired body giving up but I continued clawing on the ground wet from the rain pouring from the sky. Get out...get out!
I let out a gasp when I was finally outside, my lungs filling in the clean air for the first time in days. Yumuko ako at inabot ko si Victoria na nasa loob at pilit na hinila ko siya. "Vicky please...you need to help me get you out."
Kita ang hirap sa mukha niya habang iniaangat ang sarili niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko ng makita ko ang dugo na tumutulo mula sa tagiliran niya.
Victoria's body can't handle this. She's sick and I don't know how long she haven't take her medicine...and with all these trauma to her body....I don't know what will happen. Pero kailangan naming subukan. Kailangan naming umalis. Hindi ko kaya...hindi ko kaya pag may nangyari sa kaniya. hindi ko kakayanin kapag nawala siya.
Itinukod ko ang tuhod ko sa lupa at buong lakas na hinila ko siya. Hindi ako nag aksaya ng panahon at itinayo ko siya. Hindi ko alam kung gaano katagal bago kami magagawang habulin ni Reynaldo. Pero hindi kami pwedeng tumigil.
Pumasok kami sa loob ng mga puno na nakapaligid sa bahay. Hindi ko alam kung saan patungo pero kailangan naming makalayo.
I can hear my breath coming out in wheeze as I strain my body to take all her weight. Hindi malaking tao si Victoria pero dahil narin sa ilang araw na hindi ako makakain ng maayos at patuloy na pinahirapan sa mga kamay ni Reynaldo ay ramdam na ramdam ko na ang sakit ng buong katawan ko.
Hindi iilang beses na muntikan kaming matumba ni Victoria. Hindi din iilang beses na bumabaon ang mga bato sa mga paa namin. But we continued to move forward...scrambling to get away.
I heard a snap at the same time I felt an excruciating pain on my right foot. Napatumba ako sa lupa at gano'n din si Victoria na bumuway sa akin. Nanginginig ang mga kamay na hinawakan ko ang paa ko at nakita kong may nakatusok roon na kahoy.
This can't stop me from moving. I know he's coming for us. Hindi niya kami pwedeng abutan. Kailangan kong maialis dito si Victoria. I need to get away from this hell.
Ipinikit ko ang mga mata ko. I squeezed them tight, my hand reaching for the protruding twig on my foot. Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan niyon ang kahit na anong ingay na kakawala mula roon. I grasp the twig tightly and without even thinking of it...I pulled it.
As I pulled it successfully, a searing pain hit me as if it's stabbing me continuously. Blood gush from the wound to the ground, darkening the earth with the taint of my blood.
"C-Chianti..." I heard Vicky whisper.
"Let's...let's go..." Hinawakan ko siya para muling itayo pero pinigilan niya ako. "Vicky...please..."
"I-Iwan mo na ko." hinawakan niya ang isa kong kamay habang ang isa ay marahang dumapi sa pisngi ko. "Kailangan mong iligtas ang sarili mo, Chi. Ipangako mo. Ipangako mo sakin na magiging ligtas ka."
Umiling ako at ginagap ko ang magkabila niyang pisngi para tumingin siya ng direkta sa akin. "Don't. I need you to stay with me. Kailangan nating umalis ng sabay. Hindi kita iiwan dito."
"Magiging pabigat lang ako. Chianti...kailangan mo akong iwan."
"No. I need to do this. I need to save you, Vicky please." I beg her, sobbing. "I'm sorry. Alam ko kasalanan ko lahat. You will never see me again after this. Hindi na ako magdadala ng kamalasan sayo ulit...just...just let me get you out of here. Please."
Masuyo niya akong ngitian kahit kita sa mukha niya na nahihirapan na siya. It was like a memory coming back to life. The way she smiled at me at that time that the rain was pouring hard too. May dala siyang payong no'n at itinapat niya yon sakin kahit na nababasa na siya. Then she spoke to me and despite of me high with fever...I can see her kind face, her smile, and her soft voice.
From then on she tried so hard for me. Kahit na hindi naman kailangan. Hindi naman niya ako responsibilidad pero pinakain niya ako, binigyan ng damit, binigyan ng bubong na matutulugan...binigyan niya ako ng pamilya.
"I-Ikaw ang pinakamagadang ibinigay sakin ng mundo. Katulad mo din ako. Sinubok ng paulit ulit..nalugmok ng ilang beses. I-Ibinaon ko ang sarili ko sa isang buhay na hindi na ako makabangon-bangon. Pero ng dumating ka...sinalba mo ko." bulong niya sa akin.
"Vicky..."
"Kailangan mong maging masaya, Chianti. Iyon lang ang gusto ko para sayo."
"No." I said, shaking my head. "No. I want you with me."
Tumayo ako at sa kabila ng sakit na idinudulot niyon ay hindi ko iyon ininda. Hinawakan ko sa bewang si Victoria at tinulungan ko siya makatayo. Ramdam ko ang protesta sa kaniya pero hinila ko lang siya at inilakad, buong bigat niya ay halos buhatin ko na. "We will get out of here. Together."
Hindi ko siya kayang iwan. Hindi ko iyon kayang gawin sa kaniya. Dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sakin kapag nawala siya. Hindi ko na kakayanin. Hindi ko na kayang mawalan pa.
Wala ng natitira sakin. Ubos na ubos na ko. Sukong suko na ko.
Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay. Ilang taon na nakakulong ako...ilang taon na akong pinaparusahan sa kasalanang hindi ko alam. Mula pa noong bata ako wala naman akong hiniling kundi matanggap ako...na mahalin ako. Nahanap ko 'yon ngayon pero bakit ganon? Bakit binabawi din sakin? Hindi ba talaga ako pwedeng maging masaya?
Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming naglalakad ngunit napahinto ako ng may marinig. Mabilis na ikinubli ko ang katawan namin ni Victoria sa isang malaking puno kasabay nang mga yabag di kalayuan sa amin. Bahagya akong sumilip at napatakip ako sa bibig ko nang makita ko roon si Reynaldo. Lapnos ang kalahati ng mukha niya hanggang sa leeg pero parang hindi niya iniinda 'yon at patuloy lang sa paglalakad.
"Little, Chianti...nasan ka na? Hindi mo ako matataguan. My little, Chianti."
Napatingin ako kay Victoria nang maramdaman kong inaalis niya ang kamay ko na nakahawak sa kaniya. She mouted at me to run but I just shake my head. Iniangat ko ang isa niyang braso at idinantay ko yon sa balikat ko. Itinayo ko siya at iginaya papunta sa kabilang direksyon palayo sa tinatahak ni Reynaldo.
Patuloy kaming naglakad. Hindi iilang beses na pakiramdam ko ay may mga tumutusok sa bukas kong sugat pero hindi ko na magawang pagtuunan iyon ng pansin.
Habang patagal kami ng patagal sa paglalakad ay mas lalong bumibigat si Victoria. Hindi ko alam kung dahil ba sa tuluyan na siyang nawawalan ng lakas o ako ang nanghihina. Pero dala nang sakit na nanggagaling sa mga bahagi ng katawan ko na bugbog na sa pagpapahirap at sa patuloy na dumudugo kong sugat ay tuluyan na akong pinanghinaan ng mga tuhod. Impit na napatili ako nang sa maling pag-apak ko sa madulad na lupa dahil sa ulan ay nabuway ako dahilan para mabitawan ko ang babae. Napasinghap siya ng malakas ng tumama siya sa bato ngunit kaagad kong tinakpan ang bibig niya.
Inusog ko ang katawan niya hanggang sa nakubli kami ng puno at malaking bato. Nahahapong umupo ako sa tabi niya. I just can't...I'm so tired.
"Iwan mo na ko." bulong niya.
Lightning struck at the same time the loud thunder echoed around us. "No. Vicky, don't ask for that. Hindi ko kayang gawin 'yon."
"H-Hinahanap ka ng taong mahal mo, Chi. Alam ko na hindi siya titigil para hanapin ka at iligtas. Kaya kailangan mong makaalis." hinawakan niya ang kamay ko at mahigpit iyong pinisil. "I'm already dying, Chianti. Alam nating pareho na hindi na din ako magtatagal. Kaya wag mong sayangin ang buhay mo para sakin."
I bit my lower lip to stop the sob that wants to escape from it. I can feel my heart breaking slowly as I looked at her. She means so much to me. She's all I have. Hindi ko alam kung paano ko kakayanin ang buhay na mayroon ako kung wala siya. She gave me a life and a chance to hope for a better one. Inalis niya ako sa ako na gusto ng sumuko. Kaya paano ako kapag wala siya? How can I even find a direction again if not for her?
My body buck in alert when I heard footsteps near us. I tried to stand up but my body that endured torture by torture can't handle it anymore. I can't find the strength left in me. I closed my eyes knowing what's about to come.
Naramdaman kong iniangat niya ang mukha ko para mapatingin sa kaniya. Puno ng pag-unawa at pagmamahal ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Tumingin si Victoria sa likod ko ngunit may maliit na ngiti sa labi na ibinalik niya sa akin ang atensyon niya.
"Hindi ko pagsisihan kahit kailan na nakita kita at nakasama. Ikaw ang anak na hindi naibigay sakin. Sa loob...sa loob ng maraming mga taon wala kang ibinigay sakin kundi saya. Kaya salamat, Chianti. Mahal na mahal kita."
I closed my eyes again waiting for my end but all I felt was the weight of a body on me. And as the deafening sound of bullet firing rung behind me, and another, and another...all I felt was warmth and nothing else.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at tanging ang maamong mukha ni Victoria ang nakita ko. Her eyes are closed too as if she's sleeping peacefully. Iniangat ko ang kamay ko at inilapat ko yon sa pisngi niya.
"Vicky?" I mouthed as no sound came out of my lips.
Nananatiling nakapakit ang mga mata niya at hindi siya sumagot. My lips parted as I tried to speak but no voice came out of it. Niyugyog ko si Victoria pero hindi siya natitinag at nananatili lang siyang nakapikit. Iniangat ko ang isa ko pang kamay ngunit nahihintakutang tinignan ko iyon nang makita kong may pulang likod na bumabalot roon.
Naramdaman kong may mga kamay na humawak sakin at hinila ako ngunit kumapit lang ako sa kamay ni Vicky. I can hear someone telling me to let go but it was faint...fainter...until I cannot hear anymore.
The noise circling around us from the sound of rain pouring and the thunder roaring...suddenly became quiet. I screamed and screamed for her name but even that I cannot hear. I tried calling for her name over and over but I can't hear.
May kamay na humawak sa ilalalim ng baba ko at iniangat iyon. I was ready to face the monster we didn't manage to escape...that I didn't got away from. But it was familiar eyes that greeted me. Hindi ko alam kung panaginip parin ito o totoong nasa harapan ko na si Gaige. Basa siya ng ulan at puro putik ang damit niya. Kumikilos ang labi niya at animo may sinasabi sa akin pero hindi ko marinig. I can't hear...
I can't.
Everything is silent.
__________________End of Chapter 28.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top