Chapter 27: The Terror




CHAPTER 27

CHIANTI'S POV

Pakiramdam ko ay paulit-ulit na may pumupukpok sa ulo ko. Mabigat rin ang katawan ko at nahihirapan ako na imulat ang mga mata ko. Ngunit sa kabila ng panghihinga ay pilit na ibinukas ko ang mga talukap ko ngunit sa aking pagtataka ay nanatiling madilim ang paligid. Sinubukan ko ring igalaw ang katawan ko ngunit tila may taling nakapalibot sa akin.

Unti-unti ay bumalik sa akin ang mga nangyari. Ang pagbisita ko sa Exquisite para sa report, ang katotohanan sa sitwasyon namin ni Gaige, at ang kliyente na nakaharap ko.

No...no he's not just a client.

Reynaldo Casi.

I thought I could live a normal life without fearing every step because of him. I thought the heaven would finally smile towards me and conjure a magic to take away the evil inside Reynaldo. Pero kailan ba naging maayos ang lahat para sa akin? Kailan ba ako binigyan ng kapayapaan ng Diyos? Maybe I just really don't deserve it. Maybe this is what was written on my palms since I was born.

I was to live this kind of life. A damaged one...a life not worthy of living.

Mariin na ipinikit ko ang mga mata ko ng bumukas ang pintuan dahilan para pumasok ang liwanag sa kinaroroonan ko. Hindi pa ako nakakabawi sa pagsilaw ng liwanag nang maramdaman ko ang biglang pagkabasa ng katawan ko. Sumisinghap na pilit akong nagkumawala sa upuan kung saan ako nakatali ngunit tangi ko lang nagawa ay iiwas ang mukha ko sa patuloy na pagbuhos ng tubig sa akin.

"Wake up, wake up, little Chianti."

Mas pipiliin ko pa ang walang katapusang kadiliman, kesa ngayon na kitang-kita ko ang mukha ng taong laman ng mga bangungot ko sa nakalipas na mga taon.

Sa kabila ng pagbabago na idinulot sa kaniya ng mga nakalipad na taon ay isa ang nanatiling hindi nagbago. Ang mga mata niya na nangangako na magbibigay sa akin ng matinding pagdurusa.

Iniwas ko ang mukha ko ng magtangka siyang hawakan ako ngunit wala akong nagawa ng mariin niya akong hawakan sa baba at marahas na iharap ako sa kaniya.

"Ang tagal nating hindi nagkita tapos ganiyan lang ang isasalubong mo sa akin?"

"L-Let go..."

"Pakakawalan rin naman kita. Wag ka mag-alala, little Chianti." pabulong na sabi niya at inilapit ang mukha niya sa tenga ko. "Pero kapag pinakawalan na kita, sisiguruhin ko na wala ng makikinabang sayo at hinding hindi ka na makakabalik sa asawa mo. Sa pagkakataon na ito, ako lang ang magiging huling ala-ala mo."

I can feel fear creeping inside me. Dahil kahit hindi niya pa sabihin ng diretso alam ko kung ano ang tinutukoy niya. Na pagkatapos ng lahat ng gagawin niya sa akin ay titiyakin niya na hindi ko na magagawang makabalik sa buhay na iiwan ko. Dahil pati iyon...ang buhay ko, ay kukunin niya na rin.

He took my dignity before. He crushed my soul. And now he's gonna take my life.

"Why...are you doing this?" I whispered.

Nag-alab ang mga mata niya sa galit at dumiin ang pagkakahawak ng isa niyang kamay sa braso ko. "Dahil magmula ng dumating ka sa buhay ko puro kamalasan lang ang nakuha ko. Ikaw ang may kasalanan ng lahat."

"You did that to yourself. It wasn't my fault-"

Napatigil ako sa pagsasalita at napaigik ng malakas na dumapo ang kamay niya sa pisngi ko. "Tumahimik ka!" muli niyang hinawakan ang baba ko at inangat ang mukha ko para magtama ang mga mata namin. "Nakulong ako ng matagal samantalang ikaw na pag-aari ko ay nagpapasarap sa kama ng iba! At talagang may gana ka pang kalimutan ako at nagpakasal ka sa Hendrix na iyon. Pero tignan mo nga naman, saan siya dinala ng pera niya? Mayaman nga siya pero wala siyang laban sa utak ko."

"A-Anong...anong ibig mong sabihin?"

Pagak na tumawa ang lalaki. "Sabihin na lang natin na dahil sa katangahan ng asawa mo ay nandito ka ngayon. Napakabilis niyo naman kasing mapaglaruan. Hindi man lang ako nahirapan. Swerte na rin siguro dahil nauna na ang Cameron na iyon sa pakikipaglaro sa inyo dahil hindi niyo nagawang makita kung ano ang mga balak ko."

Hindi ko alam kung anong gusto niyang tukuyin. Pero isa lang ang nasisiguro ko, naikubli nang pangyayari kay Cameron ang mga balakin ni Reynaldo. I thought I was safe...that everything would be okay.

"Nilalamig ka ba? Tanggalin na muna natin ang mga damit mo. Basang-basa ka na."

"N-No...no! Tulong! Please! Help me!"

Hindi ko alam kung saan ko pa nakukuha ang lakas ko para pumalag at sumigaw. Hindi ko alam kung ano pang kailangan kong ipaglaban...kung may natitira pa ba ako na dapat ilaban. But I can see him...I can hear Gaige's voice.

Isang malakas na sampal muli ang dumapo sa mukha ko na sa lakas ay halos mandilim ang paningin ko. Hindi pa siya nakuntento roon at sinikmuraan niya ako. Halos mamilipit ako sa sakit dahilan para hindi na ako makapalag ng basta niya na lang hinatak ang suot ko na damit.

Kasabay ng pagkahiklat ng damit na nagkukubli sa katawan ko ay siyang unti-unti ring pagkapunit ng natitira kong dignidad...at pag-asa na muli akong makakawala sa mga kamay niya.

I closed my eyes when I felt him touching my body. A contrast to his actions before, now he is gentle. But even that doesn't ease away my fear...every inch of my skin that he touches feels like a poison creeping on my body...and through me, until it reaches my soul.

Sa kabila ng walang bintana sa kinaroroonan ko ay naririnig ko ang mahihinang patak ng ulan. I don't know if it's my imagination or it's real. But I wish, like that day when it was raining hard and I was waiting to die, that warmth will envelope me again and make me feel safe.

I jut wish that after this...there would still be enough left of me worth saving.

That I would still want to be saved.











NAPAKURAP ako at nag-angat ng tingin ng maramdaman ko ang paghigpit ng mga brasong nakayakap sa akin. Bahagya akong napangiti ng ang nakapikit na si Gaige ang nabungaran ng mga mata ko. We were both lounging at a huge swing near the pool of his house.

"Gaige..." I whispered.

He slowly opened his eyes and look down at me. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya. Lalo niya pa akong hinila palapit sa kaniya na para bang ang layo namin sa isa't-isa at isinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko.

"Let's stay here for awhile." he murmured at my ear. "Sleep."

"I can't sleep."

Nag-angat siya ng mukha at may pag-aalala akong tinignan. "Nanaginip ka na naman ba ng hindi maganda? What is it about?"

"Hindi ko alam kung ano ang mas ikakatakot ko. Ang mapasakamay ako ng taong kinamumuhian ko...o ang parte ng panaginip ko na binitawan mo na ako." mahina kong sabi sa kaniya kasabay ng paglandas ng luha mula sa mga mata ko.

"I would never let that happen." he said, taking my face between his hands and looking directly at my eyes. "I will always protect you, Chianti. And if ever that I fail to do so, I would search heaven and earth for you. You're mine and I will never let you go."

Malakas na pagsinghap ang pinakawalan ko kasabay ng pagsigid ng lamig sa akin. Pilit na pinigilan ko ang sarili ko na tangayin ng realidad. I want to stay there...with him. Kahit alam kong hindi totoo. Kahit alam ko na wala siya sa tabi ko.

Inaapuhap ang hangin na inangat ko ang mukha ko at pilit na iniwas iyon sa tubig na bumabagsak sa akin. Tuluyan ng nagdilim ang aking panaginip kung saan nasa harapan ko si Gaige. That I can feel warm...and secured in his arms.

Naramdaman ko ang sakit sa magkabila kong braso na nakatali dahil sa ginawa kong pagpupumiglas. Tumigil na ang pagbagsak ng tubig sa akin. Ikinurap ko ang mga mata ko na nanlalabo pa dahil sa matagal na pagkakakulong sa dilim.

"Finally, you're awake."

"I-Ikaw." Hindi ako makapaniwala. Janice Cruz. The new head for the Blue Department of Exquisite. "P-Paanong...paano-"

Umangat ang kamay niya at hinawi ang buhok ko na tumatabing sa mukha ko. Tila wala siyang pakielam sa kahubdan ko na nasa harapan niya. Parang balewala sa kaniya ang sitwasyon na kinaroroonan namin.

"Alam mo ba kung gaano kahirap na madala ka rito?" She rolled her eyes and waved her hand in front of me as if we're close friends talking about the weather. "I even needed to spend time with that Diane para gumaan ang loob niya sa akin para mas madali ko siyang mapalitan sa Exquisite. Even entering that company is hard dahil sa sobrang background check. Buti na lang I'm using my mother's surname at walang nakakabit na koneksyon kay Papa."

I clench my fist with what she said and in a quivering voice I asked her, "Y-You're...his daughter?"

Matamis na ngumiti siya. "Yes. Mahal na mahal siya ni Mama. Kaya nga sa loob ng maraming taon na lumipas hindi ko siya nakakalimutan." nawala ang ngiti sa mga labi niya at umalim ang mga mata niya. Napaigik ako sa sakit ng bumaon ang mga kuko niya sa braso ko na hawak niya. "Pero dahil sa'yo, nakulong si Papa. Nawalan ng sumusuporta sa amin ni Mama kaya wala kaming maipangtustos sa gamot ni Mama. Dahil sa'yo nawala ang nanay ko. Kasalanan mo lahat kung bakit nagdusa kami ng matagal!"

"Wala akong kasalanan. Lahat ng nangyari sa inyo ay dahil sa kasamaan ng tatay mo." sabi ko sa basag na boses.

"It was all your fault! Nagmamagandang loob lang naman ang Papa ko na tulungan ka ah? Pero dahil sa Exquisite, nakulong ang papa ko. Dahil sa mga bintang nila na nagdodroga at nagbebenta si papa ng bawal na gamot. Why? Just to protect little money maker Chianti?"

"Y-You're delusional...your father violated me! He raped me!"

Napasigaw ako sa sakit ng hatakin niya ang buhok ko at pinaulanan ako ng sampal sa pisngi. Kasunod niyon ay pilit na ibinuka niya ang bibig ko at ipinasok ang kung anong pagkain sa akin. Hindi siya tumigil hanggang halos hindi ko na magawang makahinga.

"Eat! Kailangan mo pang mabuhay dahil pagbabayaran mo pa lahat ng kasalanan mo sa amin!"

Kinalagan niya ako at pinagsalikop ang mga kamay ko bago ako itinulak sa sahig. May kung ano akong tinamaan ngunit hindi ko na iyon napagtuunan ng pansin ng basta na lamang akong inundiyan ng magkakasunod na sipa ng babae. Namimilipit sa sakit na napabaluktot ako at pilit na hinarang ko ang mga braso ko upang saluhin niyon ang mga atake niya.

"Magsama kayong dalawa. Tutal, close naman kayo di ba? Gift ko na 'yan sa inyo dahil maghihiwalay rin naman kayo."

Hindi ko naiintindihana ng sinabi niya at hindi na niya nagawang linawin iyon dahil lumabas na siya ng kwarto at sinarado iyon.

I wasn't sure of it before. But now I know I'm not the only one in this room. Nanginginig na inangat ko ang mga kamay ko. Naramdaman ko ang paglapat niyon sa malambot na bagay at sa tela na tila nakabusal sa taong kasama ko. Hinila ko iyon pababa at narinig ko ang napakahinang pagsinghap.

"C-Chianti..."

Tears welled my eyes. I don't need to hear more. Kilalang kilala ko ang boses na iyon. "Oh God, no...Diane. You shouldn't be here. I-I'm so sorry..."

Tanging pagsinghap lang ang naging sagot niya. Ngunit naramdaman ko ang kamay niya na humawak sa akin at bahagyang pinisil ang kamay ko. She can't speak much anymore. Hindi ko alam kung gaano na siya katagal rito. But I know that she needs to get to the hospital soon.

"I will try to get you out. I promise." I whispered. "Hindi ka na dapat nadamay. This is all my fault, I'm so sorry."

Muli ay pinisil niya ang kamay ko.

I don't know how. Or I can even get out. But I need to do everything to make her safe. It might be too late for me but not for her.

Lahat naman to nagsimula dahil sakin. Ako lang naman ang gusto niya.








NAG-ANGAT ako ng tingin ng marinig ko ang mahihinang yabag palapit sa akin. Nakangiting lumapit sa akin si Gaige at tinignan ang canvas sa harapan ko kung saan katatapos ko lang sa pagpipinta.

"Sunset is beautiful. I guess that's why you love to paint them." he said. "Pero bakit kapag nakikita ko ang mga painting mo ng sunset, it appears so lonely to me."

I shrug. "It's the scariest part of the day."

"Why?"

"Mahaba ang gabi. It's like time is dragging itself so slowly until the moment it will finally let the sun rise again. Darkness is so suffocating. But it's the longest part of each day."

"It doesn't need to be scary. It can be beautiful too, angel. Without the night you cannot see the stars, or the city lights, or the shadow that the moon can create when it's striking through the window to your skin making you glow despite the darkness. It's my favorite part of the day. Because I can just wrapped my arms around you and watch the tiny splash of light on your skin, like the moon itself is worshiping you like I do."

Again I was pulled out from that vision. But this time it was not a dream. It was my memory of Gaige. One of the times that he diminished my fears through his words and assurance.

"Ilabas mo muna 'yan at pakainin mo Claire. Mag uusap pa kami ni Chianti."

I can only hear them faintly but it was clear. Her real name isn't Janice. Hindi ko alam kung ano ang totoong nangyari but one thing I'm sure of is that we've been played.

"Pero Papa-"

"Janice." may diin sa boses na wika ni Reynaldo.

Nakarinig ako ng mga kaluskos. Pilit na iminulat ko ang mabibigat kong talukap at namataan ko si Janice na hirap na hirap sa pagkaladkad kay Diane na hindi na halos magawang makatayo. Nagtama ang mga mata namin ni Diane at kita ko ang takot sa mga mata niya.

Takot na alam ko na hindi para sa kaniya...kundi para sa akin.

Pagkasarado ng pinto ay muling nabalot ng dilim ang kwarto. Ngunit hindi nagtagal iyon dahil narinig ko ang palayong yabag ni Reynalod at ilang sandali lang ay binalot muli ng liwanag ang paligid.

Inilibot ko ang mga mata ko. Madumi at walang bintana roon. Tanging ang upuan na kinauupuan ko, banig sa sahig kung saan nakahiga si Diane at isang kinakalawang na na kama ang naroon.

Lumapit ang lalaki sa akin at marahang hinaplos ang pisngi ko. "Hanggang ngayon maganda ka parin, little Chianti. Kamukhang kamukha mo ang mama mo." iniwas ko ang mukha ko ngunit hindi niya iyon pinansin. "Hindi mo ba alam na ako ang unang nakilala ng mama mo? Pero mas nagustuhan niya ang kapatid ko dahil siya ang pamamanahan. Pero saan sila dinala ng pera nila? Sa hukay." tumatawang sabi niya.

"D-Did you killed them?"

Ngumiti siya at napapalatak, "Naisip ko nga rin iyon pero hindi. At hindi rin naman aksidente ang nangyari. Kung hindi nga lang ako naunahan ng mga taong pinagkakautangan ng mga magulang mo, eh di sana ako na ang gumawa. Pero buti na lang din para hindi na ako napagod dahil may gumawa na para sa akin. Ang swerte ko no?"

"S-Sino...sino ang gumawa sa kanila niyon?"

"Maliit ang mundo mo, Chianti. You're parents died in an accident which was not really an accident. They got killed by the same company that feed you. Well, hindi ako sigurado pero bago mangyari ang lahat, ang Exquisite ang pinagkautangan ng mga magulang mo. It was just a hotel before. But I guess it branched out to selling flesh because the profit is much bigger." Inangat niya ang tray na ipinatong niya sa isang tabi at kumutsara siya roon bago itinapat sa bibig ko. "Kumain ka na. Kailangan mo ng lakas dahil marami tayong gagawin. Hindi ka pwedeng mamatay na lang basta ng hindi ko pa sinasabi."

Parang pako ang bawat pagkain na ipinapasok niya sa bibig ko. Wala akong malasahan maliban sa alat na nagmumula sa mga luha ko na patuloy sa pagdaloy.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa mga magulang ko. If Exquisite really did killed them. Pero tama si Reynaldo. Maliit ang mundo ko. My parents were connected to Exquisite, then they hired me and tried to protect me by eliminating everyone on the way of me becoming theirs, Reynaldo was put into jail and he blames me for it, and now I'm at the hands of that man.

Kumalampag ang tray na hawak niya ng matapos niyang ipilit paubos sa akin iyon. Hinila niya ako patayo at kinaladkad ako sa kama. Binalot ng takot ang katawan ko dahil alam ko kung anong gusto niyang mangyari.

It was as if I was brought back to that moment that he took my innocence away from me. The fear, the disgust, the embarrassment...everything.

Pinilit kong makatayo mula sa kama ngunit muli lang niya akong itinulak at itinali niya ang mga kamay ko sa headboard na sa sobrang higpit ay halos magdugo ang mga kamay ko.

I clenched my fists when I saw him taking off his belt. Hinatak niya iyon at hinagis sa paanan ng kama. Pagkatapos ay hinubad niya ang suot niya na t-shirt.

Puno ng mga peklat ang katawan niya. Ang pinakamalaki niyon ay nasa gilid ng tiyan niya pakrus sa kabila.

"Wag kang mag-alala, little Chianti. Hindi ko naman ipatitikim sa'yo ang bagay na alam kong sanay na sanay ka ng matikman." hinatak niya pababa ang mga damit pambaba niya at nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Where his center supposed to be placed is just a hanging mangled object that is not even recognizable.

Life certainly hasn't been good to him. And I want to laugh out loud for that. He was the perpetrator and he suffered, I was the victim but my life was no better.

At kung may isa pa akong bagay na natitiyak sa mga oras na ito ay ang katotohanan na hindi katulad noon ay hindi dala ng pagnanasa ang hangarin niya. He didn't brought me here for that, he brought me here to crush what little I have left.











GAIGE'S POV

"Dahil sa nangyaring pagdakip kay Chianti noon ay lahat tayo inakala na tapos na ang lahat. You've decided to stopped the increase of security as well as our service. Everything was cleared before we checked out before. Cameron Vicentti confirmed that he sent all those flowers to Chianti to scare her but not the letters. Ginamit ni Reynaldo Casi ang pagkakataon na iyon. When we all lowered our guard then he attacked." Itinaas ni Athena Lawrence ang tasa ng kape at sumimsim roon. We're currently on my office at home. "Reynaldo Casi was indeed serving in the ministry. Because it didn't come up in the research before and it wasn't relevant at that time, we didn't check any relationships that he had. Pero dahil ngayon na imposible na nasa dalawang lugar siya at the same time, e decided to do further research. Apparently he got someone pregnant and he uses that child to do the acts for him. Ang anak niya na nag ngangalang Claire Castro ang nagpapadala ng mga threats kay Chianti. You also know her as Janice Cruz, the OIC for Exquisite Blue Department. You received a email from her telling you about Chianti's wish to stop your agreement and to continue accepting clients. Chianti received a completely different information saying that your marriage was a lie and that you want to terminate the agreement."

I asked Duane to contact them when Chianti went missing three days ago. I wasn't taking any chances. Wala akong pakielam kung ano man ang problema namin ni Chianti. I want her to be safe. That's all that matters. But for a moment I wished that she just hates me and doesn't want to see me. Mas matatanggap ko pa iyon kesa ang katotohanan na hindi ko alam kung ligtas ba siya ngayon. "She played us."

"Yes." she said matter of factly. "You should understand, Mr. Hendrix that this is not your fault. People like them, they like mind games. You can't be ready for it all the time."

"She's my wife. I should have protected her."

"You're not God, Mr. Hendrix." binaba ng babae ang tasa ng kape at iniharap sa akin ang hawak niya na tablet device. "You see all these red dots? This is all the possible places that he can hide. It's hard to track him since hindi siya gumagamit ng credit cards, hindi din siya pumupunta sa public places, at walang kahit na ano siyang ginagamitan ng identification niya. We're basing on his location. The last time he appeared was on the Exquisite building. Nakapasok siya ng walang problema dahil kay Claire Castor a.k.a. Janice Cruz. My co-workers are all over the possible places right now to look for her."

Tumayo ako mula sa pagkakaupo. I brushed my hair up in frustration. We need to find her fast. I know they are doing their best. Pero bawat segundo na lumilipad ay lalong naglalagay kay Chianti sa panganib.

"Is she gonna be fine?" I asked in a whisper.

Bumuka ang bibig ng babae para sumagot ngunit kaagad niya ring iyong initikom. Alam ko ang sagot. Alam ko na maaring hindi ko na makuha ang Chianti na nakilala ko noon. She was broken even before. Sa kabila ng kislap sa mga mata niya, sa ngiti na unti-unti ay nagawa kong ibigay sa kaniya...she was already broken and I don't know how much damage she can still take. But I'm willing to take her as she is and I'm willing to mend her no matter how long it takes.

"Mr. Hendrix-"

"No. She won't be fine."

Napalingon ako sa bagong nagsalita. Isang babae ang nakatayo sa pintuan ng opisina. Lumingon si Lawrence roon at napailang siya ng makilala ang babae. "Storm, what are you doing here?"

Imbis na pansinin si Lawrence ay lumapit siya sa akin. She extended her hand and I took it. "I'm Storm Reynolds-Scott. I worked at the same company she's working but I retired."

There's a familiar look in her eyes. I've seen it before.

I've seen it on Chianti.

"Alam kong nagtataka ka kung bakit nandito ako. I don't work that much for our organization anymore but I still get involved on things I want to get involve with."

"And you choose this?"

Umangat ang sulok ng labi niya. Inihagis niya kay Lawrence ang isa pang tablet device na nasalo naman ng babae. Hindi inaalis ni Scott ang tingin niya sa akin na para bang may tinitimbang bago siya muling nagsalita, "I want to be honest with you, Mr. Hendrix. Things will get ugly. Gagawin namin ang lahat para mabawi ang asawa mo pero kailangan mong maging handa. She will put up walls, she will be scared, she will not just be damaged...she will be shattered. Tatlong araw na siyang nawawala. Trust me I know that it won't take even a day for someone to make you feel so dirty that you'll be asking for death yourself." she took a huge breath and I saw it clearly in her eyes. The demons she's hiding. "It won't go away. You can fix a person with time...and love but you cannot make them forget."

Tila sinaklob ng takot ang puso ko. Dahil tama siya, sa loob ng tatlong araw lubos na paghihirap ang tiyak na pinagdaanan ng asawa ko. But if there's something that I don't fear is the obligation of mending her. It's not even an obligation. It's the only thing that I would want to do. Kahit gaano katagal. Basta makasama ko lang siya. Because God knows, I love my wife.

"Bring her back to me."

Tumango ang babae at lumingon kay Lawrence na nakaupo pa rin at kasalukuyang hinihilot ang sentido niya. "I want a go with that man. Matagal na rin akong hindi nakakasuntok sa taong hindi na dapat binubuhay."

"Storm-"

"No." I said in a grave voice. "Ako ang haharapin niya."

A genuine smile cross her lips. "I'll take the second one, I guess. Nice doing business with you, Mr. Hendrix."

I'll make sure he won't even have the chance to breathe out her name again.

I'll make sure of that.

_______________________________End of Chapter 27.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top