Chapter 26: The Captive
CHAPTER 26
CHIANTI'S POV
Tatlong araw na ang nakakalipas mula ng malaman ko ang totoo. Tatlong araw na rin na hindi ko nakikita at nakakausap si Gaige. Sa loob ng mga araw na iyon nanatili ako sa bahay niya kahit na iyon ang huli kong gustong gawin.
Ngunit ng araw na iyon...nang malaman ko ang totoo, hindi ko magawang umuwi. Tumuloy ako kay Victoria na hinayaan akong umiyak sa mga bisig niya. Hindi siya nagtanong ng kahit na ano at hinayaan lang ako.
I was used on being a disposable toy for men. Sanay na ako na hindi mag hangad ng higit pa sa kahit na sino. But being with him, I felt safe. Safe enough to destroy the walls around me. At sa oras na iyon kung saan nawala lahat ng mga harang sa paligid ko ay siyang oras din na hinayaan ko ang sarili ko na masaktan.
Masyado akong nangarap ng mataas. Masyado akong umasa na kaya akong pahalagahan ng isang katulad niya.
Tama ako. Him betraying me won't just break me...it will destroy me. And he did.
Now here I am still here. Kahit na ang gusto ko ay tumakbo at takasan ang buhay kung saan inilagak ako, idinapa at hindi pinapabangon. It's funny how life really loves to play games with me. Para akong bata na umaabot sa kahon ng candy na kung kailan makukuha ko na ay papaluin naman ang kamay ko. Paulit-ulit akong tatakamin pero sa huli hindi ko pa rin makukuha iyon.
Nandito pa rin ako dahil tinatanggap ko na. Tinatanggap ko na na talunan ako. Na hanggang dito na lang. Na wala pa ring nagbago dahil isa pa rin akong bayarang babae na kayang-kayang palitan.
But God, how cruel this life can be that it take me to this moment that I finally am ready to admit that I already fall for him just to realize that everything ain't real.
"Miss Chianti? Okay lang ho ba ang pagkain na inihanda o papalitan namin?"
Nag-angat ako ng tingin sa kasambahay ni Gaige na lumapit sa akin. Nag-aalalang tinignan niya ang napakaraming putahe na nasa harapan ko at hindi ko pa rin nagagalaw.
"Yes, it's okay. Pasensya na pero wala talaga akong gana."
"Pero hindi pa rin ho kayo nagtatanghalian."
Tumayo ako at pilit na ngumiti. "Aalis kasi ako mamaya. Kakain na lang ako sa labas. Pakisabi na lang kay Chef Giovanni na pasensya na."
Hindi ko na hinintay ang sasabihin ng babae at lumabas na ako ng dining area. Saktong nakarating na ako ng living room at aakyat na sana ako sa guest room kung saan ako lumipat nang biglang bumukas ang front door at iniluwa niyon ang huling taong gusto kong makita.
Nagtama ang mga mata namin. My hazel eyes to his chocolate ones. Eyes that showed me sincerity and emotions before and now denies me those.
Pilit na pinatatag ko ang boses ko at hindi ko binawi ang aking paningin mula sa kaniya na nagsalita ako, "Since I'm not using my weekends as my day off, can I have this night for myself?"
"Does it need to be this way?" mahina niyang tanong sa akin.
"Anong gusto mo, maging masaya ako? Ngumiti at umaktong masaya?"
"Ibinigay ko sa'yo lahat na akala ko-"
Na akala mo magagawang bilin ang natitirang pagkatao ko? "Nagkakamali ka." kuyom ang mga kamay na putol ko sa sasabihin niya. "Konti na lang naman. Konti na lang ang titiisin ko na makasama ka."
Bumuka ang labi niya na para bang may nais siyang sabihin ngunit itinikom niya lang iyon ulit. May kung ano ang dumaan sa mga mata niya pero walang-salitang tumango lang siya at nilagpasan ako para tahakin ang daan papunta sa office niya.
Ilang sandaling parang itinulos ako na kandila sa kinatatayuan ko. Gusto ko siyang sundan, gusto kong itanong kung bakit niya ginagawa 'to. I want to asked him why he made me feel so worthy of him only for him to disregard me like this in the end.
Pero wala naman akong karapatan. Hindi niya naman talaga ako pinahalagahan. Hindi naman niya ako asawa...wala akong panghahawakan. Hindi naman totoo ang lahat hindi ba?
Ang totoo, apat na araw mula ngayon ay isa na lang akong ala-ala para sa kaniya. O baka nga hindi pa. Isa lang ako sa napakaraming kinailangan niya para sa negosyo niya. Para makuha niya kung anong gusto niya.
I don't believe that his a bad person. Alam ko na mabuti siyang tao. He's a great man that's why he deserve more. Alam ko naman iyon noon pa. Akala ko lang kasi...akala ko lang pwede. Akala ko pwede ko siyang mahalin.
At higit sa lahat akala ko pwede akong mahalin. That I can belong to someone and be happy. To be able to move away from my past and be with him in my future.
Nangingilid ang mga luha sa mga mata na ikinuyom ko ang mga kamay ko at umakyat ako sa pangalawang palapag. Dumiretso ako sa guest room na walang kahit na anong bakas ng lalaki. It feels empty...like what most of the hotel rooms I've been to feels like.
Lumapit ako sa kabinet at binuksan ko iyon. Kinuha ko ang isang kahon sa ilalim ng mga nakasabit na damit at binuksan ko iyon. Unti-unting napadausdos ako sa sahig habang tinitignan ang mga naroon. My black dresses.
Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang hikbi na bigla na lamang kumawala roon. Sa nanlalabong paningin ay inabot ko ang isa sa mga itim na bestida.
It's time to mourn for myself again. Oras na para bumalik ako sa realidad. Masyado na akong nagtagal na mangarap.
I'm not buying you, Chianti. I'm buying a contract from the devil to save an angel.
Pero hindi ba at ganoon na nga ang nangyari? Walang pinagkaiba sa iba na binili ako at matapos gamitin ay binibitawan. Ang pagkakaiba lang minahal ko si Gaige.
Sa kaniya natuto akong mangarap ulit. Natuto akong makaramdam. Nagawa kong tignan ang sarili ko ng walang bahid ng pandidiri. Dahil sa kaniya, nabuhay ako ulit.
Let go, Chianti. I won't let you get hurt.
Lies
.
Everything is a lie.
PAKIRAMDAM ko ay may mga bakal na nakatali sa mga paa ko habang tinatahak ko ang daan papasok sa Exquisite. Nararamdaman ko ang mga tingin na nakatutok sa akin. Mga tingin ng mga kalalakihan na alam kong alam ang dahilan kung bakit ako narito.
Dahil sa mga oras na ito ay muli kong itinatago si Chianti. As I walked with my black dress that mourns for the death of another part of myself, for the mask that cloaks the person I'm pushing at the back of what I'm showing, and the blue ribbon at my wrist that symbolizes the captivity of my soul; I'm Cyan again.
"Alam mo na 'yung balita? May mayamang lalaki na pumatol pala diyan at binayaran siya ng pangmatagalan kaya hindi na napapadpad dito."
"I heard about that. Nakita ko pa nga ang picture nila online. Gwapo si guy infairness saka mukhang super yaman talaga kaya ang swerte niya at ang tagal niyang binili."
"Pero tignan mo nga naman dito pa rin ang bagsak."
"Masyado kasing mataas ang lipad eh pare-pareho lang naman tayo dito."
Pinigil ko ang sarili ko na harapin sila kahit na alam ko na pinaparinig talaga nila sa akin ang mga sinasabi nila. Ano namang idadahilan ko? Totoo naman ang sinasabi nila.
Dito pa rin naman ako bumagsak. Masyado naman kasi talaga akong umasa.
"Good evening, Cyan!" bati ni Bianca. "Wag mong pansinin ang mga mahadera na iyan. Inggit lang ang mga 'yan sa beauty mo."
Pilit na ngumiti ako at tumango. "It's okay. Sanay na ako sa kanila." inilahad ko ang kamay ko sa kaniya. "My goodies please."
Sa praktisadong kilos ay may kinuha siya sa isang container at dumakot roon ng ilang condoms at inabot iyon sa akin. Kinuha ko sa kaniya iyon at hindi na niya napansin ang panginginig ng mga kamay ko dahil kaagad siyang kumilos para kunin ang key card ng kwarto ng kliyente ko.
"Nakita mo na ang bagong manager ng department niyo? Nagulat kamo ako nang makita ko. Akala ko ikaw ang kaharap ko dahil hawig kayo."
Sandaling napakunot-noo ako. "Hindi ko naman napansin nang magkita kami."
"Ngayon na lang 'yan. Mukha na kasing si Miss Tapia mula ng pumasok dito. Laging nakabun tas may malaking glasses. Natakot ata na magustuhan siya ng Exquisite at pagtrabahuhin dito." naiiling na sabi ni Bianca na naghahalughog pa rin sa kung ano-anon nasa harapan niya.
"Ay buti na lang sa second floor lang ang room mo. Sira kasi ang mga elevator ngayon at hindi pa rin maayos-ayos." nag-angat siya ng tingin sa akin at may inabot. "Here's your key card. Full service ka ngayon no?"
"Yes." I said in almost a whisper.
Nawala ang praktisadong ngiti na nakapaskil sa mga labi niya. Bumuntong-hininga siya at hinawakan ang isa kong kamay at marahang pinisil iyon. "Hang in there, Cyan."
Tumango ako at sa pang ilang beses na sa araw na ito ay pinilit ko ulit na ngumiti. "Of course."
Nilagay ko sa bag ko ang mga binigay niya at walang salitang tinungo ko ang daan papunta sa hagdanan ng gusali. Bawat hakbang ko sa baitang at bawat tunog ng takong ko ay unti-unti kong nararamdaman ang lamig na muling bumabalot sa akin.
I spend so many nights in this place. Kung saan sa umpisa halos lunurin ko ang sarili ko sa alak makalimutan ko lang ang mga ginagawa ko. Kung saan bawat gabing ipipinid ko ang pintuan ng kwarto ng kliyente na nakuha na ang binayaran niya ay halos hindi ko magawang mag-angat ng ulo sa sobrang kahihiyan. Hanggang sa nakasanayan ko na...hanggang sa natuto ako na kalimutan ang sarili ko at maging ibang tao para magawa ko ang trabaho ko. Na magawa kong magpanggap bilang kung sinong gusto nila na maging ako.
Now with years in Exquisite, even with a destroyed heart, I can now walk with my head held high like a trained escort that I am.
Nang makarating sa second floor ay kaagad kong tinungo ang kwarto na hindi naman nalalayo dahil nasa bungad lang ito paglabas ng hagdanan kung saan nasa dulo ng gusali.
Sandaling nanatiling nakatayo lang ako sa tapat ng pinto. Kinagat ko ang ibabang labi ko at ikinuyom ko ang mga kamay ko. Everything will be fine. You're used to this. This is just another job.
Ginamit ko ang key card at pumasok ako sa loob ng kwarto. Inihanda ko ang isang mapang-akit na ngiti ngunit kaagad ding nawala iyon nang makita ko na walang tao sa kwarto. Isinarado ko ang pinto at nakiramdam ako.
May naririnig ako na lagaslas ng tubig. Sa kama naman ay may nakalatag na mga damit. A school uniform for high school student.
Lumapit ako sa kama at kinuha ko ang damit. Nalukot iyon ng ikuyom ko ang mga kamay ko ngunit pinigilan ko ang sarili ko at binitawan ko iyon.
Mariing ipinikit ko ang mga mata ko at binaba ko ang zipper ng suot kong damit. Hinayaan kong bumagsak iyon sa paanan ko at kasunod niyon ay ang mga natitirang saplot sa katawan ko.
Sinuot ko ang mga damit na gusto ng kliyente. Saktong naisuot ko na ang palda niyon at ibinubutones ko na ang blusa nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng banyo. Hindi ko hinarap ang kliyente at nanatili kong tinatapos ang pagbubutones ng maramdaman ko ang mga kamay na gumagapang sa bewang ko.
Pinigilan ko ang sarili ko na mapapiksi. Na tumakbo palayo sa lugar na ito ay magtungo sa mga bisig ni Gaige. Kung saan naramdaman ko na ligtas ako...na malinis. He's not yours, Chianti. You're just another accessory for his business. You're nothing to him.
"Iba na talaga kapag may kakilala ka sa lugar na 'to." mahinang bulong sa tapat ng tenga ko ng lalaki. "Hindi biro ang halaga na binabayaran para sa isang gabi mo."
"I'll be happy to fulfill your needs, sir, for this night." I whispered.
"Night? Hindi ako magbabayad ng one hundred forty thousand para sa isang gabi lang. Sabagay wala naman pala akong binayaran dahil mautak ako. Pero bilib din ako sa'yo. Dati sa buluking bar na iyon ay napakamura ng bayad sa'yo. Big time ka na ngayon kaya siguro akala mo matatakasan mo na ako. Pero hindi ba sinabi ko na sa'yo...hindi mo ako matatakasan."
Kakaibang lamig ang bumalot sa katawan ko sa mga naririnig kong sinasabi ng lalaking nakatayo sa likuran ko. Tinangka kong humara sa kaniya ngunit kaagad na kumilos ang lalaki at hinapit ako palapit sa katawan niya habang ang isa niyang kamay ay nasa tapat ng bibig ko.
"I got you little, Chianti."
GAIGE'S POV
Sigurado ako na nakaalis na si Chianti. Marahil ay magtutungo siya sa sa gallery niya o sa mga kaibigan niya. Pinasundan ko siya sa isa sa mga bodyguard ko dahil sa kabila ng lahat ay asawa ko pa rin si Chianti.
Gusto ko siyang kausapin, na pilitin siya na sabihin sa akin kung bakit niya ginagawa 'to.
Konti na lang naman. Konti na lang ang titiisin ko na makasama ka.
Animo mga patalim na humiwa sa puso ko ang mga salita niyang iyon. Na para bang lahat ng mga nangyari sa amin ay wala lang.
Inabot ko ang kopita ng alak at muli akong uminom room. Iginalaw ko ang inuupuan ko upang makita ko ang laptop ko na nakabukas at kung saan nakabungad ang e-mail na ipinadala sa akin ng manager ng departamento ni Chianti.
Mr. Hendrix,
Good evening, Mr. Hendrix, I'm the manager for Miss Chianti's (Cyan) department. I would like to ask you if you have the time to set a meeting with me. Miss Chianti notified us that she would like to terminate the agreement and that she will negotiate this with you.
This agreement in the very beginning is different with the other transaction of Exquisite so we would like to ask you if you want us to find another Exquisite girl as a replacement for Miss Chianti as she was very firm on removing herself from this contract.
Per the request of Miss Chianti and for the inconvenience we might cause you, our company will handle the annulment and we will also give you a discount for the other Exquisite girl that you would hire.
Miss Chianti will also be spending a month to give you time to look for the replacement and she will not be paid during this month. However she clarified that she still want to work with another client as the source of her income since she won't be accepting payment from you.
If you have the time you can visit me in Exquisite. I will set you on the top priority appointment in any day you prefer.
Sincerely yours,
Janice Cruz, OIC Exquisite Blue Department
Naipadala sa akin ang mensahe na ito nang araw na pumuna si Chianti sa Exquisite para sa reporting niya. Sa araw din na iyon ay nakipagkita ako kay Janice Cruz ngunit ng makarating ako roon ay nalaman ko na tinanggap ni Chianti ang kliyente na inalok sa kaniya.
Umuwi ako na umaasang hindi totoo ang lahat. Na babalik siya at pag-uusapan namin ang problema. Pero umabot na ang gabi pero hindi pa rin siya dumadating. I called the management and Cruz affirmed that she was with a client.
It wasn't enough to say that she broke my heart. She destroyed it. Pero sa kabila niyon ay hindi ko pa rin magawang magalit sa kaniya. Dahil tanging pagmamahal lang ang nararamdaman ko para kay Chianti.
I would still fight for us. Kahit na anong mangyari hindi ko siya bibitawan. Hahayaan ko lang muna siya ngayon pero may isang buwan pa ako. Isang buwan para kumbinsihin siya na manatili sa tabi ko.
My men would help me so Chianti would not take another client. Kinausap ko na rin si Janice Cruz at kahit ayaw niya noong una ay pumayag naman siya na hindi na bibigyan ito. Pagbalik ni Chianti ay mag-uusap kami. Kailangan namin na maayos ito.
I love her. I married her. I want to spend the rest of my life with her.
Naibaba ko ang kopita sa lamesa ng marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Sinagot ko iyon ng makita ko na isa sa mga bodyguard ko ang tumatawag.
"Hello?" I said in a hoarse voice.
"Mr. Hendrix? Narito si Mrs. Hendrix sa Exquisite."
Napatayo ako mula sa kinauupuan ko. "What? Pero kinausap ko na ang management nila."
"Nagtungo rin ako kay Ms. Cruz pero hindi raw pumasok ang babae ngayong araw. Inalam namin ang bahay niya at nagpunta roon si Yvo pero walang Janice Cruz na nakatira sa address. I called my boss and...I have a bad news sir."
Halos madurog ko ang aparato sa pagkakahawak ko roon. "Tell me."
"Napag-alam kay Cameron Vicentti at Lindsey Maurer na ang tangi nilang pinadala kay Chianti ay mga bulaklak. Hindi sila ang nagpapadala ng mga sulat."
"Anong kinalaman nito kay Cruz at sa asawa ko?"
"Mr. Hendrix we just found out that another letter was sent to Mrs. Hendix condominium. Sa CCTV ay tumugma sa deskripsyon ni Janice Cruz ang taong patagong nagpapadala ng mensahe. At sa sulat na ito ay nakasulat ang mga katagang 'Little Chianti is mine.'. And sir...we searched for the room Miss Chianti was in and as well as the whole Exquisite building but...
...
...
She's nowhere to be found."
_____End of Chapter 26.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top