Chapter 24: The Deal




CHAPTER 24

CHIANTI'S POV


"Gaige. I'm fine." Hindi ko alam kung ilang beses ko ng nasabi kay Gaige ang mga salitang iyon. Kahit pa nga mismong doktor na ang nagsabi na ilang linggo lang ay mawawala na ang mga pasa ko. "Why don't you...uhh, work? Sige ka mamaya wala ka ng anihin na kape niyan."


Ibinaba ni Gaige ang tasa ng tsaa sa lamesa sa tabi ng kama kung saan niya ako kulang na lang ay itali. "Chianti, strangulation can cause damages more than you can imagine."


Bumuntong-hininga ako. Ilang beses na namin 'tong napag-usapan. Yes, may mga epekto ang strangulation pero ayon sa doktor ay wala naman akong pinakita na kakaibang symptoms. Beside of my hoarse voice and few bruises, there's nothing wrong with me. "You're a billionaire business tycoon and a coffee farmer. I'm a painter and an escor-"


"Chianti." Gaige said with a warning in his tone.


"What? It's true."


"You're my wife."


I rolled my eyes at him. "Fine. Let me rephrase. You're a billionaire business tycoon and a coffee farmer. I'm a painter and a wife." Nang bahagyang kumibot ang mga labi niya sa pagpipigil na mapangiti ay nagpatuloy ako. "Parehas tayong may bias na opinyon pagdating sa issue na'to dahil pareho tayong hindi doktor. But." I said, putting my forefinger in the air to stop him from speaking. "But the doctor said I'm fine. So...there you go."


Umupo siya sa tabi ko at inabot sa akin ang tsaa na hindi ko pa rin iniinom. "I'm a billionaire businessman, a coffee farmer as you've said, and I'm also your husband. I have a license to get worried when my wife's been taken and strangled by a lunatic."


Sumimsik ako sa hawak ko na tasa habang naniningkit ang mga matang tinignan ko siya. Nararamdaman ko na marami siyang gusto na itanong sa akin. Pero alam ko din na pinipigilan niya ang sarili niya. Gaige hates talking about my job.


But that part of my life is something that we both can't ignore. Hindi ko na magagawang burahin kung ano man ang mga nangyari na. I've beginning to accept that what I've done is not what I am. I'm beginning to see that because of Gaige. Pero sa kabila ng lahat...kahit na ano pang mabuting mangyari sa buhay ko, hindi ko magagawang burahin sa isipan ko ang mga pinagdaanan ko.


I can't change that I know...but I can move on.


"Just ask me, Gaige." I said to him and put down the cup back on the bedside table. '


"Vicentti...was he, violent towards you before?"


"No." I smiled at him a little. "Cameron was one of my clients who showed me respect that I didn't deserve. We've gone out for events...at the beginning. Tapos niyon kinuha niya ang buong serbisyo ko. After that I refused when he asked to be with me again. Kahit na sa isang simpleng event lang."


"Why?"


"Because he was good to me and I knew that he's getting into me deeper than we both know he should be. At natakot ako na gustuhin ang isang bagay na alam kong hindi pwede." Hinawakan ko ang kamay ng lalake ng makita ko ang kakaibang emosyon sa mga mata niya. "No, Gaige. I was not in love with him. Alam nating pareho kung gaano kahirap para sa akin na maramdaman ang bagay na iyon. But Cameron made me think of an another life. Hindi man kasama niya pero, once in my long years as an escort in Exquisite, naisip ko kung sana normal ang buhay ko, siguro magiging karapat dapat ako sa respeto na ibinigay niya sa akin. He was a good man, Gaige. But I guess even good people can be a monster too."


"Not all people." he whispered and leaned towards me. Napapikit ako ng maramdaman ko ang paglapat ng mga labi niya sa noo ko kaagad namang nawala dahil tinignan niya ako sa mga mata at mulung nagsalita, "Some good people are just trapped in a bad place. Those good people think that they're one of the monsters but when they finally let the sun in, they'll see that they're different."


Walang namutawi na mga salita sa mga labi ko at nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. Alam ko na sa pagkakataong ito ay hindi na si Cameron ang pinag-uusapan namin.


I will never get tired asking why life gave me something as beautiful as Gaige. Kung anong nagawa kong mabuti para magkaron ng isang taong mas naniniwala sa akin kesa pa sa sarili ko.


"You're right, Gaige. And I think she's slowly opening the blinds."











HINDI makapaniwalang tinignan ko ang cellphone na hawak ko. Nag-angat ako ng tingin sa tatlong babae na nasa harapan ko. Syrah's currently almost bouncing on her seat, Roussanne's daintily seeping from her coffee cup, and Asti's playing with my cat that they brought here.


Nagulat na lang ako na dumating sila at ngayon nga ay nandito kami sa living room ng bahay ni Gaige habang ang lalaki ay nasa veranda kasama si Dion at mukhang trabaho ang pinag-uusapan nila dahil puro papeles ang mga hawak nila. Nakikita ko sila mula sa salamin na pagitan ng bahay.


"Girls...oh my god." I whispered.


"Ang galing namin no? Pero grabe ang talas ng kuko ng babaeng 'yon." nakangusong sabi ni Syrah na pinakita sa akin ang braso niya na wala naman ng bakas ng kalmot.


Muli kong binalik ang mga mata ko sa cellphone at pinindot ko ang play button para mapanood ulit iyon. Sa video ay kitang-kita kung paano pinagtulungan ni Syrah at Rous si Lindsey na kaladkarin palabas sa sasakyan ng babae sa isang basement parking lot.


Ang hindi ko inaasahan sa video ay ang makita na pati si Asti ay kasama sa ginagawa nila kay Lindsey. It even look like Asti and Rous were holding Lindsey down so Asti can slapped the hell out of the women.


Of course Lindsey fought back. Iyon nga lang kahit isa nga lang ata kaila Asti ay hindi niya magagawang manalo. The girls were on a mission.


"Kung lahat kayo pinagtutulungan si Lindsey, sinong kumukuha ng video?" tanong ko.


Nakangising itinuro ni Rousanne ang kinaroroonan ni Gaige at nanlaki ang mga mata ko.


"Si Gaige?" bulalas na tanong ko.


Rous rolled her eyes. "As if he will leave your side. Si Duane ang tinutukoy ko at ang driver ni fafa Gaige mo na si Gil. Pumunta kasi ang dalawa na iyon sa amin ng mawala ka. Sila din ang nagsabi sa amin ng mahanap ka na at kung sino ang kumuha sa iyo. So when we found about Lindsey, we decided to visit her."


"Visit?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Hello? Visit? Kulang na lang ata pagpira-pirasuhin niyo si Lindsey eh. What if she sue you all? Oh God, no." Napatayo ako mula sa kinauupuan at pabalik-balik na naglakad ako. "Mainit sa kulungan. Tapos bibisitahin ko kayo...tas makikita ko na nangangayayat kayo, madumi, may mga pasa dahil napaaway kayo sa loob-"


"Preno." sabi ni Asti na tumayo rin at tinakpan ang bibig ko. Pinilit niya akong umupo na wala naman akong nagawa kundi sundin. "Ang imagination mo, Chianti, nakakaloka I swear."


"But-"


"Hep." awat niya ulit. "Makinig ka, okay? Hindi kami makukulong dahil hindi hahayaan iyon ng asawa mo. At isa pa, hindi magsasalita iyon si Lindsey."


Nanlaki ang mga mata ko at inalis ko ang kamay niya na nakatakip pa rin sa bibig ko. "Oh no! Did you cut her tongue out?"


Nalukot ang mukha ni Asti. "Yuck, Chi. Syempre hindi. What I mean is hindi siya magsasalita dahil wala siya balak na lalong mapasama ang mga kaso niya. Do you know how powerful your husband is?"


"Well now you know. You're husband is not only great in-"


"Bed!" magkasabay na sigaw ni Rous at Syrah.


"In business." pagpapatuloy ni Asti na hindi pinansin ang dalawa. "He's also 'The Great'. Wala ng ibang explanation. Ganon lang 'yon. Period. Kuha mo?"


"Uhh, yeah?" atubling sabi ko.


Tinapik-tapik niya ako sa balikat at inilibot niya ang paningin niya. "Nasaan ang kusina?"


Pinaikot ko ang mga mata ko at tumayo. Hindi ko na kailangang magsalita dahil nakasunod na sila kaagad sa akin papunta sa kusina kung saan namin naabutan na abalang nagluluto ang chef ni Gaige. I can't remember his name though...


"Mrs. Hendrix...and Miss Medira, Shelkunovay, and-"


Itinaas ni Syrah ang isa niyang kamay habang sa isa ay naka peace sign siya. "Preno." panggagaya niya sa sinabi ni Asti kanina para patigilin ang chef sa pagkatay sa mga apelido nila. "Syrah na lang. Sila naman si Asti at Roussanne."


Nakangiting inalis ng chef ang suot niya na toque at nag bow siya na animo nagbibigay galang sa mga maharlika. "I'm Giovanni Piero, at your service."


"Half half ka din like us?" tanong ni Syrah. "You look Italian."


"Si, signorina."


"Awesome!" magkakasabay naming sabi.


Isa ata kasi iyon sa naging dahilan kung bakit kami naging malalapit nila Syrah. Lahat kasi kami kakaiba hindi lang sa pagkatao ngunit pati na sa mga itsura namin. Dahil sa kakaibang mga katangian na iyon dalawa lang ang maaaring mangyari. Stand out kami o out of place. Luckily we found each other easily because of that.


"What are you making?" I asked.


"Pizza in stile Giovanni!"


Nagkatinginan kaming magkakaibigan at sabay-sabay na napangiti. "Awesome!"




















TINAKPAN ko ang bibig ko ng muli akong napasinok. Hindi ko mapigilan na mapatawa at sinundan naman iyon ng mga kasama ko na nakarinig. Iniangat ko ang sarili ko mula sa pagkakasandal para abutin ang wine glass ko na nasa bedside table pero muli lang lumapat ang likod ko sa headboard dahil sa panlalambot.


Muling nagtawanan ang mga kasama ko kung saan si Syrah ay nakadapa sa malaking kama namin ni Gaige at halos sumubsob na roon dahil hindi na niya maiangat ang mukha niya, si Asti na nasa gitna at nag-iisang maayos pa ang pagkakaupo sa aming lahat, at ang metikulosang si Roussanne na wala sa kama kundi sa sa sahig sa kaliwang bahagi ng kama kung saan nakasalampak siya habang ang kalahati ng katawan niya ay nasa kama.


"I'm so drunk..." I said while giggling.


"You are drunk!" Rous shouted as if we're at the opposite side of the room. "You're a light weight, Chi, and I'm the best."


"Right. Kaya pala hindi ka makatayo diyan." sabi ni Asti na patuloy lang sa pagnguya ng mga pulutan namin, courtesy of Chef Giovanni. Maliban sa pizza, pinadalan niya din kami ng tacos, nachos, at kung ano-ano pa. Buti nga at mabait ang lalaki dahil kahit ng humingi ng isaw si Asti na animo umoorder lang sa kanto ay nagawa pa rin niya iyong ibigay sa amin. "What's with the wine though? Lakas ng tama ah."


"Ewan ko nga eh. Pero alam naman natin si Gaige, hari ng kahit na anong inumin 'yon eh. And...everything about Gaige is the best." I said in a smile. "Like his kisses."


"And his dick!" Rous screamed.


"Bakit nakita mo na ba?!" sigaw ko din at nakasimangot na tinignan ang babae.


Iniangat niya ang kamay niya at nag peace sign. "Hula lang. Selosa naman nito."


Itinaas ko din ang kamay ko at nag thumbs up. Pero kahit ata iyon sobrang effort mula sa akin dahil kaagad din na bumagsak iyon. "Pero tama ka. His dick is the best!"


"No! I'm the best!"


Nanggaling iyon kay Syrah na biglang umangat ang mukha mula sa pagkakasubsob sa kama. Hindi na ako magtataka kung nakaidlip na siya. "I am the very best! Like no one ever waaas! To catch them is my real test! To train them is my cause!"


Binatukan siya ni Asti. "Tongek. Si Gaige ang pinag-uusapan namin."


"Ay! Okay!" nakasigaw pa rin na sabi ng babae. "Bakit ang labo?"


"Huh?" takang tanong ni Asti.


"Bakit ang labo mo?" tanong ulit ni Syrah na pinalo palo si Asti sa hita. "Hala nasira ata! Hindi kita makita!"


"Ginawa pa kong TV. Matulog ka na nga lang diyan." sabi ni Asti at isinubsob ulit sa kama si Syrah na walang reklamo namang sumunod.


Pilit na itinulak ko ang sarili ko paangat at napangisi ako ng magawa ko na iyon this time. Inabot ko ang baso ko at tinungga ko ang laman niyon. "Wew! Yummy!"


"Parang si Gaige mo?!" pasigaw na tanong ni Roussanne.


"Oo!" sigaw ko din.


"Sus. Para namang hindi kayo nakakita ng mga kasing gwapo o mas hihigit pa kay Gaige." sabi ni Asti na nilalantakan ang isaw na hawak niya.


Pinaningkitan ko siya ng mga mata at dinuro ko siya. "Walang tatalo sa asawa ko. Patutunayan ko 'yan sa'yo!"


Hinawakan ko ang kaliwang hita ko at ibinaba ko iyon sa kama. Ganoon din ang ginawa ko sa kabila. Humawak ako sa bed side table at tumayo. Napatili ako ng malakas ng makaramdam ako ng pagkahilo at bumagsak ako sa malambot na bagay.


"Chi! Ang bigat mo!" angal ni Rous.


Imbis na tumayo ay gumulong na lang ako paalis sa ibabaw niya. Patuloy ako sa paggulong hanggang marating ko ang walk in drawer namin ni Gaige. Pagkatapos niyon ay iniangat ko ang sarili ko hanggang sa makaupo ako at maabot ang bukasan niyon.


Nang tuluyang bumukas ang walk in closet ay pagapang na pumasok ako. Nakarinig ako ng mga yabag at ilang sandali lang ay naroon na si Asti na may hawak pa rin ng pagkain at...nakatayo. Habang si Rous at Syrah ay animo karakter sa horror movie na The Grudge sa pag-gapang nila papunta sa amin.


Humawak ako sa isa sa mga divider sa loob at ginamit ko ang pwersa ng pagkakahawak ko para makatayo ako. Sa gumegewang-gewang na tayo ay hinubad ko ang suot ko na shorts.


"Live show wooo!" pumapalakpak na bulalas ni Syrah.


Nginisihan ko siya at sinunod ko ang pang-itaas ko. Hindi naman ako nahihiya sa kanila. Hello? Ilang beses na naming nakita ang mga sarili namin na walang suot. Hindi na uso ang hiya sa amin.


"I give it a 10!" sigaw naman ni Roussanne.


Kinuha ko ang isa sa puting polo ni Gaige at sinuot ko iyon. Narealize ko na maganda palang palaro sa mga lasing ang pagbubutones dahil hindi ko maisuot-suot iyon.


Sumusukong binitawan ko iyon at kumuha na lang ako ng necktie at sinabit sa leeg ko. Ibinuhol ko iyon na animo nagbubuhol ng ribbon dahil iyon lang ang kaya ng utak at mga kamay ko na gawin ngayon.


Pagkatapos ay inabot ko ang kinaroroonan ng mga boxer short ni Gaige at kumuha ako roon ng isa. Sinimulan kong suotin iyon kahit na ba ilang beses ng muntik humataw ang ulo ko sa pader ng closet.


Nang maisuot ko iyon ay kumuha ako ng mediyan at pinakita ko iyon sa kanila na animo magician. "Nakikita niyo 'to?"


"Oo." sabi ni Asti.


"Yes!" sigaw ni Rous.


"Blurred!" sabi naman ni Syrah.


Sumandal ako para hindi ako tuluyang dumausdos sa sahig at pagkatapos ay inirolyo ko ang mediyan. After that, I stuffed the socks inside the boxer I'm wearing, at the crotch area.


"Hala ganiyan lang?" tanong ni Rous. "Hala, bakeeet?!"


"Wait, amigas. Wait!"


Kumuha pa ako ng dalawang pares ng mediyas at inulit ko ang ginawa ko kanina at ipinasok ko ulit iyon sa loob ng boxer. Nakangising tinignan ko ang mga kaibigan ko.


Magkasabay na pumalakpak si Rous at si Syrah habang si Asti naman ay tumango-tango at nag thumbs up. "Ayos. Tama ka nga." sabi niya at nakipalakpak rin.


Nakangising nagsasayaw ako kahit na lalo lang lumalala ang hilo ko sa ginagawa ko. Nagsigawan ang mga kaibigan ko at chineer ako. They know I hate dancing pero mukhang nahanap ko na ang hidden dancer ko. Wine lang pala ang katapat.


At the next second I found myself dancing with my friends inside Gaige's closet. Kahit si Asti na may hawak pa rin na pagkain ay umiindak kasabay namin nila Rous at Syrah Magkakadikit kami dahil kaniya-kaniya kami ng hawak sa isa't-isa para hindi kami gumulong sa sahig.


"Goodness."


Animo natanggalan ng imaginary music na napatigil kami sa ginagawa namin ng marinig namin ang nagsalita. Nabungaran namin si Gaige na nakatayo sa labas ng walk in closet at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa amin at si Dion na nakatakip ang mga kamay sa mukha na marahil dahil sa estado ng kasuotan ko ngayon.


"Okay! We're busted! Uwian na!" sunod-sunod na sabi ni Asti na tinulungang makatayo ng ayos si Syrah at Rous. Inakay niya ang humahagikhik na dalawang babae na nakatingin sa akin at bumubulong ng 'Lagot ka'.


Nakita ko na mabilis na inalalayan ni Dion ang dalawang pasanin ni Asti at nagsalita, "Ihahatid ko na kayo, Miss Medeira."


"Good. Sabihin mo kay Chef, kukunin ko na ang take home food ko."


"Yes, ma'am."


Lumingon sa akin si Asti at kumindat bago nauna ng lumabas habang si Dion naman ay hindi malaman kung paano igagaya palabas ang dalawang babaeng kulang na lang ay sumampay sa kaniya.


Sumaludo ako sa gawi nila at dahil sa mumunting galaw na iyon ay napadausdos ako sa sahig. Mabuti na lang at may mga kamay na kaagad sumalo sa akin.


"Nice catch, Mr. Hendrix." tinapik ko siya sa pisngi. "Ang gwapo mo. Nasabi ko na ba 'yon? Nice catch, me!" sabi ko at tinapik ko pa ang sarili kong balikat na animo kinocongratulate ko ang sarili ko.


I heard him chuckled under his breath before I felt my feet left the floor when he finally carried me. Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang malambot na kama sa aking likod.


"Wow. Heaven." bulong ko.


"I didn't know you can be cuter than you already is, Mrs. Hendrix."


"Maganda ako no. Hindi cute." angal ko.


"I agree." he said smiling.


Bumaba ang mga mata niya sa suot ko na damit. Umangat ang kilay niya ng bumaba ang tingin niya sa suot ko na boxer short. "Is that supposed to be my-"


"Dick!" I shouted.


Napapikit siya sa lakas ng boses ko. At dahil magkalapit lang ang mga mukha namin ay salong-salo niya ang impact niyon.


"Right, angel. Now why don't we take this off so you can be comfortable, hmm?"


"Okay!"


Naramdaman kong tinanggal niya ang nakabuhol na necktie sa leeg ko at pagkatapos ay akmang tatanggalin niya din ang polo pero pinigilan ko siya dahilan para ibutones niya na lang iyon.


Pagkatapos niyon ay isa-isa niyang inalis ang mga mediyan mula sa suot ko na boxers. Nang maramdaman ko na aalisin niya na ang huling mediyas ay pinigilan ko ang kamay niya at ako na mismo ang naghila niyon. Pero imbis na alisin ang kamay niya ay ipinasok ko lang ulit iyon sa boxers.


"Hmm, angel." Gaige whispered.


"I want."


Naramdaman kong humiga siya sa tabi ko. Pero imbis na gawin ang gusto ko ay inalis niya ang kamay niya at niyakap ako. Naramdaman kong sinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko. "Later. When you're sober."


"I am!"


"Let's have a deal then."


"Deal?" I asked.


"I'll wake you up after a few hours and if you do, I'm gonna make love to you in every corner of this room."


Napakagatlabi ako sa narinig. Kilala ko si Gaige. Kapag sinabi niya, tototohanin niya. "Set an alarm then, honey." I whispered.


"We don't need one. You'll know it when it's time. Deal, angel?"


"Deal."


I slept like a baby in his arms. And after a few hours he did wake me up in a very very very creative way. His promise?


Oh yeah. Gaige Hendrix doesn't break deals.


He even gives more than what he promised.








_______End of Chapter 24.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top