Chapter 23: The Perpetrator
A/N: #GAIANTI
CHAPTER 23
CHIANTI'S POV
Pilit na iminulat ko ang mga mata ko kahit na pakiramdam ko ay sobrang bigat ng mga talukap ko. Bukod pa roon ay tila binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit niyon.
Sa nanlalabong mga mata ay inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Masikip ang paligid, may ilang mga upuan at bintana. This is...this is a private plane. Di katulad ng kay Gaige ay may kaliitan lang ito pero natitiyak ko na isa itong pampribado na eroplano.
But what am I doing here? The last thing I remember I was talking to Lindsey and then-...someone took me! He must have found me. Reynaldo Casi. Hindi ko alam kung pano...at kung tama ako ay may kinalaman si Lindsey rito. But it doesn't make sense. Paano nalaman ni Lindsey ang tungkol kay Casi?
"Cyan I'm glad you're awake."
Cyan. Kumunot ang noo ko sa pagtataka sa sinabi at sa boses na narinig ko. It's different. Tinangka ko na lumingon sa pinanggalingan ng boses pero hindi ko magawang makagalaw. Nagbaba ako ng tingin sa mga braso ko at nakita kong nakatali iyon.
Narinig ko ang mga yabag ng lalaki at hindi nagtagal ay nakita ko ang mukha ng taong dumakip sa akin.
"I-Ikaw?" sabi ko sa paos na boses.
"Of course it's me." nakangiti niyang sabi. Umupo siya sa isa sa mga arm rest ng upuan at tumunghay sa akin. "Noong nagkita tayo uli nakasiguro na ako na may dahilan kung bakit tayo pinagtatagpo ulit. I was devastated when you refused to be with me and when I heard that you took Hendrix as a client even way before we met again. Pero alam ko na kapag nagkita tayo ulit ay magagawa kitang kunin ulit."
This is the man I almost wish to be with. Masaya siyang kausap, maalagain and there's this one moment that I was so sure that he fell for me. And I was right because he did. But it's too much. At lahat ng sobra hindi nakakabuti palagi.
Like him. Cameron Vicentti. "I'm married, Cameron."
Nawala ang ngiti sa mga labi niya. "You're not."
"You saw him with me. Kasal na ako Cameron and you need to move on-"
"No!" he roared.
My eyes widened with shock as I look at him. Hindi ito ang Cameron na nakilala ko. There's madness in his eyes and he's constantly moving as if he cannot keep still. His eyes are bloodshot as if he haven't been sleeping for days. Or maybe...he's using.
"C-Cameron...please don't do this."
Sinuklay niya ang buhok niya gamit ng mga daliri niya at pagkatapos ay tumayo siya. "Alam mo ba na escort din ang naging asawa ko? Minahal ko siya, binihisan at pinrotektahan. Pero hindi siya nakuntento. Iniwan pa rin niya ako. Mas ginusto niya pa rin ang buhay na meron siya noon. But I wouldn't let you be like her. Hindi kita pakakawalan kahit na anong mangyari."
"D-Did you...did you send those flowers and-"
"Yes. I wanted to scare you. Para malaman mo na hindi ka kayang protektahan ni Hendrix. Na sakin ka lang magiging ligtas. Na hindi ka nababagay sa kaniya!" namumula sa galit ang mukha na sigaw niya.
Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko kahit binabalot na ako ng takot. He's not on his right mind. Hindi ako pwedeng maging padalos-dalos sa pagsasalita dahil hindi ko alam kung anong magagawa niya sa akin.
I need to distract him. Hindi pa umaandar ang eroplano dahil marahil naghahanda pa sila sa paglipad. I still have a chance to escape. Hindi ko alam kung paano pero hindi pwedeng wala akong gawin.
I know that Gaige is looking for me. Alam ko na hindi siya titigil hanggat hindi ako nahahanap.
"Cameron, please let me go. Nasasaktan na ang mga kamay ko. Hindi ako tatakas pero please...pakawalan mo na ako." pagsusumama ko sa kaniya.
Nakangiting umiling ang lalaki. "Hanggat hindi pa pinaandar ng kaibigan ko ang eroplano ay hindi pa kita pakakawalan."
Someone's helping him to do this. Imposibleng hindi nila alam kung anong ginagawa ni Cameron dahil walang matinong tao ang magtatali ng walang malay na babae at ilalagay iyon sa eroplano. And si Lyndsey...natitiyak ko na may kaugnayan siya kay Cameron. "Si Lindsey? Anong kinalaman niya dito?"
"Tinutulungan niya ako para mapasakaniya si Hendrix. It's a win win situation. Mapapasaakin ka at makukuha niya ang gusto niya. She's even the one who delivered all those things. Ngayon na nakuha na kita siya na ang bahala sa sarili niyang diskarte para makuha si Hendrix." Lumapit siya sa akin at nakangiting hinaplos niya ang pisngi ko. Iniiwas ko ang mukha ko ngunit padarag na hinawakan niya ako sa baba. "You're mine, Chianti."
Chianti. No one of my clients used that name. When they hire as an escort for an event they will always set a name for me and I will be that person. Whatever they chose me to be. But Chianti was never theirs.
Except for Gaige.
"Cyan." I whispered. "That's who I am to you. You can never have Chianti-"
Hindi ko na nagawang matapos ang sasabihin ko ng malakas na dumapo ang palad niya sa mukha ko. Napasigaw ako sa ginawa niya ngunit hindi pa rin niya ako pinakawalan at muli niyang hinaplos ang aking mukha. "I'm sorry, baby. Nabigla lang ako. I didn't mean to hurt you."
"Let me go!" I shrieked. "Hahanapin ako ni Gaige and he will hurt you in more ways than you know he's capable of!"
Muli akong sumigaw kahit na alam ko na walang makakarinig. But my scream was soon turn into a gurgle of voice when I felt Cameron's hands enclosed my neck into a tight grip.
"Dex, start the plane!" he shouted as he continued to choke the life out of me. His eyes were full of crazed hatred. "You're mine, Chianti! Hindi ka na makakawala pa!"
"You..." I croaked. "Can...n-never...have me!"
Kasabay ng pagmutawi ng mga katagang iyon sa mga labi ko ay sunod-sunod na putok ang narinig ko. Sumagap ako ng marahas na hininga ng bitawan ako ni Cameron at mapahandusay siya sa sahig ng eroplano. Pool of blood surrounded him as the shots continued.
Ipinikit ko ang mga mata ko. Hindi ko alam kung matatamaan ba ako ng mga putok ng baril. I'm in a vulnerable location.
Ilang sandali lang ay tumigil na ang mga tunog. Pinakiramdaman ko ang sarili ko ngunit wala naman akong naramdaman na kakaiba maliban sa pag iinit ng pisngi ko at ang kirot sa leeg ko.
Iminulat ko ang mga mata ko at nagbaba ako ng tingin kay Cameron na umuungol habang namimilipit sa sahig. He's alive. Do something, Chianti. You need to get away from here.
Tinignan ko ang mga paa ko ngunit nakatali din iyon. Nahihirapan man ay inangkala ko ang nakatali ko na mga kamay sa ulo ng upuan sa harapan ko at itinulak ko ang sarili ko patayo. Sinubukan kong igalaw ang mga paa ko sa pamamagitan ng patalon na paghakbang.
Napasigaw ako ng bumagsak ako sa sahig malapit kay Cameron. I jerked back in horror when I saw his blood staining my shirt.
"Chianti! Oh God, no! Chianti!"
May mga kamay na pumalibot sa akin. Hindi ko nagawang makapagsalita dahil sumubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Gaige...he's here.
"Get the fucker out off here before I kill him!" he roared in anger to someone.
Naramdaman ko ang komosyon sa paligid. Tila may ilan pang mga tao na kasama si Gaige. Narinig ko din ang mahinang protesta ng sugatan na si Cameron at ang sigaw ng isa pang lalaki. Ang tinawag siguro na 'Dex' ni Cameron kanina.
"Oh, angel...I'm so sorry." Gaige whispered.
I can hear the pain in his voice. Like his heart is being torn into pieces. He really love me. He never said it in words but he never failed to made me feel it.
Maraming babae na maaaring maging sa kaniya. Iyong malinis at walang masamang karanasan sa buhay. But it was never a problem for him. He just want me. Who I was, who I thought I was, and who I am.
Pinilit kong gumalaw sa kabila ng mahigpit niyang pagkakayakap hanggang sa magawa kong i-atras ang mukha ko mula sa pagkakaipit niyon sa dibdib niya. "G-Gaige..."
"Chianti!" bulalas niya ng marinig ang boses ko. "Dadalin kita sa ospital-"
"I'm fine. Nandito ka na...I'm fine."
"You're hurt!"
"It's not mine." Pilit na ngumiti ako. "Pero kung tatanggalin mo ang mga nakatali sa akin, that would really make me feel better because it's hurting like a mother."
Pinakawalan niya ako at isinandal. Ilang sandali lang ay kinakalag na niya ang mga tali sa mga kamay at mga paa ko. Imbis na bitawan ako ay nagpatuloy lang siya sa paghawak sa akin na animo sinusuri niya kung may injury ba ako.
"I'm really fine." I said in a whisper.
"I'm bringing you to the hospital."
Bago pa ako makapagprotesta ay binuhat na niya ako at dinala sa labas ng eroplano. May mga pulis sa labas at ilang medic ngunit tuloy-tulo lang na naglakad si Gaige patungo sa sasakyan niya na mukhang basta na lang ipinasok dito sa air field. Nakatayo malapit roon ang assistant niya na si Duane at ang driver niya na si Gil na parehong madilim ang mga mukha habang nakamasid sa amin.
"G-Gaige..."
"Please give this to me, angel." he said in a controlled voice. Sa kabila niyon ay kita ang pinipigil na galit sa mga mata niya. "I don't think I can stop myself from beating him to death. So let me take care of you, okay?"
Tumango ako at tahimik na ipinasok niya ako sa sasakyan. Sumunod siya at ilang sandali lang ay umaandar na ang sasakyan paalis. Naramdaman ko ang paghawak ni Gaige sa braso ko at iginaya niya ako patungo sa kaniya hanggang sa halos nasa ibabaw niya na ako.
He didn't utter a word. He just continued to hold me tight and I let him.
NAPAKAGAT-LABI ako. Puno ng tensyon ang paligid at karamihan sa tensyon na iyon ay nagmumula kay Gaige. Nanatili akong tahimik habang nakaupo sa hospital bed na kinalalagyan ko. Pwede naman akong makauwi pero para mapalagay si Gaige ay hinayaan ako ng doktor na manatili rito sa ospital.
Umalis na si Duane at Gil ngunit dumating ang babae na nagngangalang Athena at ang ilan sa mga kasamahan niya na nagtatrabaho sa security agency na hinire ni Gaige. According to what I heard on their conversation ay sa kanila ako pinababantayan ni Gaige. They planted bugs on my car, house, purse and even on my body. The latter was put by Gaige since he's the only than can touch me.
Iyon ang dahilan kung bakit nila ako nasundan.
"You used my wife as a bait. Kung alam niyo na na merong posibilidad na may kinalaman si Lindsey bakit hinayaan niyo na makuha pa rin ni Vicentti ang asawa ko?" may galit sa boses na tanong ni Gaige.
"Mr. Hendrix, sinuguro namin na hindi mapapahamak si Mrs. Hendrix. However we cannot let this opportunity passed. Hinahanap namin si Reynaldo Casi, binabantayan namin si Lindsey, at pati na ang mga kliyente ni Mrs. Hendrix. The thing is there's no definite suspect because they were careful. Especially Lindsey na alam na pababantayan mo siya."
"He could have taken her." Gaige said in a grave tone.
"We wouldn't let that happen. The moment that he took Mrs. Hendrix ay may nakasunod na sa kaniya. But we need proof that Lindsey Maurer and Cameron Vicentti were working together. Kaya hindi namin agad kinuha si Mrs. Hendrix. Nakaantabay kami sa mga nangyayari and we have a special gun na nasisiguro na kahit bullet proof pa ang kinaroroonan nila ay magagawa naming protektahan si Mrs. Hendrix. She was never in danger and now we have solid proof against them." Huminga ng malalim ang babae at may inabot na folder kay Gaige. "Nandiyan ang flashdrive kung saan nandoon ang kopya ng mga naging usapan ni Vicentti at Mrs. Hendrix kung saan binanggit niya ang pangalan ni Lindsey Maurer. Nandiyan din ang file sa pagbackground check namin sa mga naging kliyente ni Mrs. Hendrix at kay Reynaldo Casi."
Napalunok ako sa pangalan na binaggit niya. Pinagsugpong ko ang mga kamay ko na nagsimulang manginig. "W-Where is he?"
Dumako sa akin ang tingin ng babae. Compassion crossed her eyes and she smiled a little. "A few months ago he was released from prison where he stayed for a couple of years. Nakulong siya dahil sa paggamit ng bawal na gamot at pagbebenta nito. Right now he's at the Sun Ray Ministry and he's working for them as one of the speaker for meetings and such. Nagtatrabaho din siya bilang tagapangalaga sa lugar ng Sun Ray kung saan ilan ding mga ex-convict ang naninirahan. According to the source, hindi pa siya umaalis sa vicinity ng Sun Ray mula ng magtrabaho siya doon."
I don't know what to do with that information. Mawawala na ba ang takot ko dahil mukhang may nagbago sa buhay niya? Makakampante ba ako? But how can I? Buong buhay ko pinangangambaan ko ang kahit na anino niya. If he's really moving on with his life...bakit ganito pa rin ang nararamdaman ko?
Siguro dahil hindi naman ako nagkaroon ng normal na buhay na hindi ko siya iniintay na dumating at muling sirain ang natitirang maayos sa buhay ko. Maybe that's what I need. Normality.
"Pwede namin siyang bantayan para sa iyo, Mrs. Hendrix. We can send a few agents-"
"No." I whispered. Naramdaman ko ang paghawak ni Gaige sa mga kamay ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at pilit na ngumiti ako. "I want to move on, Gaige. I want to stop being scared at the thought of him. It's over."
"Okay." he whispered back, holding my hand in a tight grip.
It's over.
I want a life without constantly looking back for monsters in the dark.
I want to start making a real life.
___End of Chapter 23.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top